ni Nitz Miralles @Bida | November 3, 2025

Photo: IG
This Monday hanggang bukas, Tuesday, puwedeng pumunta sa wake ni Emman Atienza sa Heritage Memorial Park. Welcome ang public dahil alam nina Kuya Kim at Fely Atienza na marami ang gustong personal na magpaabot ng pakikiramay. Cremated na si Emman but her spirit lives on.
Samantala, umiyak ang mga viewers na nakapanood ng interview kay Kuya Kim ni Jessica Soho sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) sa GMA-7 kagabi. In fact, sa teaser pa lang, marami na ang umiyak at tinamaan sa mga naging pahayag ni Kim.
Isa sa mga sinabi ni Kuya Kim, “Masakit ‘yung mamatayan. But the Lord gave me 19 beautiful years... the Lord gave Emman to millions of people. I’m proud of my Emmansky.”
May nabanggit pa si Kim, “Lord, kahit bigyan mo ‘ko ng cancer, okay, eh! Madali ang physical pain, titiisin mo ‘yan. Pero ‘yung mamatayan ka ng anak? Masakit…masakit! Hindi mo alam kung saan galing ang sakit. Masakit lang. Masakit sa lahat.”
May mga netizens naman na hinanap ang nang-bully kay Emman at ang yaya na nagmaltrato sa kanya noong bata pa siya. Kinumusta nila ang bullies noong high school si Emman, at ang isa naman, ang yaya ang hinanap.
Aniya, “I also wonder where her former yaya is now, considering how she was bullied by her. Praying for ‘you,’ whoever and wherever you are. Hope you also learned from this tragedy and won’t do what you did to Emman to the others you are tasked to care for.”
Ayon kay Kuya Kim, ayaw sana nilang ilabas ang pinagdaanan ni Emman Atienza sa kamay ng abusive niyang former yaya, pero ito mismo ang nagkuwento sa interview niya kay Toni Gonzaga.
ANG daming ‘ayuda’ sa mga shippers nina Daniel Padilla at Kaila Estrada na kanilang ikinatutuwa. Hindi na raw nila kailangang maghanap ng ayuda dahil may mga fans na naglalatag at minsan, mga kaibigan ng dalawa ang nagpo-post ng mga ayuda.
Gaya na lamang sa isang Halloween party, magkasama sina Daniel at Kaila at dumating sila bilang sina Gomez at Morticia Addams ng Addams Family.
Kumpleto ang ayos ng dalawa mula sa make-up, sa lugay ng buhok ni Kaila, at bigote ni Daniel.
Nasa party din ang siblings ni Daniel, kaya pati sila, naka-bonding ni Kaila.
Naispatan din sa isang resto sina Daniel at Kaila, at may resibo na magkasama sila dahil may nag-post ng photo kasama nila ang mga waiters at ilang empleyado ng resto.
Spotted din na nagsa-shopping sina Daniel at Kaila sa Bench, kung saan pareho silang mga endorsers.
Dahil open silang makitang magkasama in public, siguradong masusundan pa ng more sightings sa mga lakad nina Daniel at Kaila.
Pansin lang namin, kung may natutuwa na may kani-kanya nang bagong love life sina Daniel at Kathryn Bernardo, may mga umaasa pa rin na in the future, magkakabalikan ang KathNiel. Para sa kanila, sila ang endgame o forever.
But of course, ayaw na ng mga solid fans ng bawat isa na magkabalikan pa sila. Okay naman daw at masaya ang dalawa na hindi na kasama ang bawat isa. Mag-move on na lang daw ang mga umaasa pa dahil hindi na ‘yun mangyayari.
WALANG palya na binibisita ni Zsa Zsa Padilla ang puntod ni Dolphy tuwing birthday nito at kapag All Souls’ Day. May dalang bulaklak ang singer-actress nang dalawin si Dolphy sa Heritage Memorial Park noong Undas.
Aniya, “Eternal rest grant unto them, O Lord, and let perpetual light shine upon them. May their souls and all the souls of the faithful departed, through the mercy of God, rest in peace. Amen.”
Nag-comment si Eric Quizon ng “As usual, thank you for the flowers @zsazsapadilla! And for cleaning.”
Samantala, noong isang araw sa X (dating Twitter), may sinagot na basher si Zsa Zsa.
Sey niya, “Si Zia, kamukha ni Dolphy. Magulat kayo kung kamukha s’ya ni Panchito! Ang gaga pa, ah. Eto pa isa, nasaan daw ang ampon? May pangalan ang mga anak ko. Coco, she is living in California with her husband. Akala n’yo inaapi? Minor pa rin? Tawag ka ng pulis, report mo ako. Sarap n’yo tirisin. #MayArawParaPumatol.”




