top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 11, 2025



Photo: Justin Bieber at Andrea Brillantes - IG


May ingay na naman ang pangalan ni Andrea Brillantes na in fairness, hindi siya ang may gawa kundi si Justin Bieber na pina-follow ang Kapamilya actress sa Instagram (IG).


Isang netizen ang nakadiskubre na pina-follow ni Justin Bieber si Andrea at kung bibisitahin ang IG ng Canadian singer, makikita ngang pina-follow nito ang aktres.


Wala pang reaction si Andrea sa balitang ito, wala pa yatang nagparating sa kanya at wala pang nakakapag-interview sa kanya. Wait natin ang magiging reaksiyon nito sa balitang follower na niya sa IG si Justin Bieber.


Aktor, tinawag na papansin… BINI FANS, GALIT NA GALIT KAY PAULO, KIM DAMAY


Pati si Kim Chiu ay idinadamay ng mga fans ng BINI sa galit nila kay Paulo Avelino dahil ipinost ng aktor ang meme ng BINI statement kung saan, nag-sorry ang grupo dahil sa nag-viral nilang video na marami ang nag-react at hindi nagustuhan ito.


Ipinost nga ni Paulo ang meme ng apology ng BINI at pinalitan ang statement ng announcement ng release ng GTA 6 o Grand Theft Audio VI. Isa raw itong video game at gaya sa ibang gamer, matagal hinihintay ni Paulo ang release nito.


Kaya lang, ginamit nito ang isyu ng BINI, kaya nagalit sa kanya ang Blooms (tawag sa fans ng BINI). Tinawag na clout chaser si Paulo at inakusahang ginamit ang concert ng BINI sa Philippine Arena para i-promote ang movie nila ni Kim Chiu na My Love Will Make You Disappear (MLWMYD). Sayang daw ang time na in-allot sa kanila to promote the movie.


Nadamay na rin si Kim sa galit ng Blooms kay Paulo. May nanawagan kay Kim na pagsabihan ang ka-love team sa pagiging insensitive raw nito. May nag-comment pa ng “Dyowa mo, nagkalat,” at sawayin daw niya.


In fairness, may mga nagtanggol kay Paulo. Para raw sa game ang post nito at hindi patungkol sa BINI. Pinapa-light lang daw nito ang sitwasyon dahil mainit nga at may mga nang-bash sa BINI. 


For sure, nakarating na kay Paulo Avelino ang galit ng Blooms sa kanya at pati na kay Kim.



HINDI lang si Willie Revillame ang iboboto ni John Estrada sa midterm elections bukas, pati si Kiko Pangilinan. Ipinost kasi nito ang video ni Kiko na inilatag ang mga rason kung bakit siya muling tumakbong senador pati na ang plataporma niya.


Pero, ang post ni John kung saan sinabi ang mga rason sa pagboto niya kay Willie ang umani ng maraming reaksiyon. 


Basahin n’yo muna ang post ni John bago kayo mag-react.


Aniya, “Mga kababayan, iboboto ko itong tao na ito, hindi dahil kaibigan ko s’ya at mahal ko itong tao na ‘to kundi dahil alam ko kung gaano n’ya kayo KAMAHAL, lalo na ang MAHIHIRAP. Napatunayan na ng isang WILLIE REVILLAME na kung may sakuna na nangyayari sa bansa, million-million ang inilalabas n’ya sa sarili niyang BULSA NA PINAGHIRAPAN N’YA, DUGO’T PAWIS N’YA. MAY GININTUANG PUSO ANG ISANG WILLIE REVILLAME, NAPAKASIMPLE AT WALANG BISYO AT NAPAKABAIT NA TAO.


“Ang daming nagsasabi, wala siyang alam, ang pagkakakilala ko sa isang WILLIE REVILLAME AY MATALINO AT SOBRANG MADISKARTE SA BUHAY. ‘Di po yayaman ‘yan ng ganu’n kung walang alam ‘yan, WALANG ALAM ‘YAN SA PANGUNGURAKOT, TOTOO PO ‘YAN, AT UBUSIN ANG KABAN NG BAYAN, TOTOO PO ‘YAN, ‘DI NA KAILANGAN NI WILLIE ‘YAN, MAYAMAN NA SI WILLIE.


“Ako personally, ang dami ko nang ibinoto na matatalino at overqualified pero may pagbabago ba sa buhay natin lalo na sa buhay ng mahihirap? WALA, LUMALA PA...

“Kaya ako, iboboto ko ngayon ay ‘yung ALAM KONG MAY MALASAKIT SA KAPWA LALO NA SA MAHIHIRAP, MAGANDA ANG HANGARIN SA KAPWA LALO NA SA MAHIHIRAP, AT TUTULUNGAN ANG KAPWA LALO NA ANG MAHIHIRAP AT SI WILLIE REVILLAME ‘YON.”

May mga reaksiyon sa post na ito ni John na hindi lang ang kabaitan ang kailangan sa Senado. Alam daw nilang mabait si Willie at matulungin, pero kailangan, may alam din sa paggawa ng batas ang uupo sa Senado.


Pati ang pagiging mainitin ng ulo ni Willie ay pinuna rin ng ibang mga netizens dahil napapanood daw nila kung paano ito magalit sa kanyang staff kapag nagkamali. 


Siguro naman, kapag naging senador na si Willie, aalisin na niya ang pagiging mabilis magalit at susundin ang payo ng nagmamahal sa kanya na bigyan ng lunas ang ibinabatong may anger management issue siya.


Hindi pala makapag-react ang mga netizens sa post na ito ni John dahil nananatiling naka-off ang comment box ng kanyang Instagram (IG).



 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 10, 2025



Photo: Tom Cruise sa premiere ng Mission Impossible at Alden Richards - IG


Hindi lang kay Tom Cruise may interaction si Alden Richards at hindi lang sa bida sa Mission: Impossible—The Final Reckoning (MITFR) nagpakuha ng picture ang Kapuso actor, gaya ng sinasabi ng mga netizens. 


Sa X account ng Paramount Pictures, may photo si Alden kasama ang ibang cast ng MITFR na sina Hayley Atwell, Simon Pegg at Greg Tarzan. Sigurado namang excited din ang aktor to meet the other cast of the film, lalo na’t napanood na niya sa premiere.


Anyway, nakakatuwa ang reaksiyon ng mga netizens sa meeting ni Alden with Tom Cruise. Curious sila kung ano ang sinabi ni Alden kay Cruise at medyo matagal ang kanilang pag-uusap. Sayang daw at nakatagilid si Alden, hindi ma-lip read ang kanyang sinabi. Si Tom Cruise, na-lip read na ilang beses napa-“Wow!” habang nagsasalita si Alden.


The longest handshake rin daw ang ginawang pakikipagkamay ni Alden kay Tom Cruise at halos hindi raw nito binitawan ang kamay ng American superstar. 


Mabait daw ang foreign actor dahil hindi lang nakipag-usap at nakipagkamay kay Alden, nag-hug din ang dalawa bago naghiwalay.


Samantala, habang nasa Seoul, South Korea, bumisita si Alden sa isang bicycle shop and for sure, bumili ito ng stuff for his Colnago bike na ginagamit sa cycling training para sa 2025 Tokyo Marathon.


Hindi pa man nakakabalik ng bansa, nag-post na si Alden para sa charity event happening tomorrow. Para sa Mowelfund members ang Lights, Camera, Run! na sasalihan ng mga celebrities and to be hosted by Martin Javier.


Bagong Vilma at Nora…

SIGAW NG FANS: KATHRYN AT NADINE PARA SA REMAKE NG T-BIRD AT AKO


HINDI lang pala sa May issue ng Cosmopolitan cover sina Nadine Lustre at Kathryn Bernardo dahil cover din sila ng Preview kasama ang iba pang girls. 

Para raw sa ie-endorse na conditioner ng dalawang aktres ang pagpi-feature sa kanila sa nasabing magasin.


Hindi alam kung ang photoshoot for Preview ang tinawag na “Project Queens” dahil tama namang pareho silang queens. Ang caption ng Star Magic na siyang nag-post ng behind-the-scenes photos ay “#ProjectQueens is ready to slay.”


Dahil sa pagsasamang ito ng dalawang aktres, lalong umingay ang panawagan ng mga fans na pagsamahin sina Kathryn at Nadine sa TV series o mas maganda kung sa pelikula. Puwede raw i-collab ng Viva Films at Star Cinema ang pagsasamahang pelikula ng dalawa.


May mga suggestions pa nga ang fans kung gagawa ang dalawa ng movie, maganda raw i-remake ang T-Bird at Ako (TAA) nina Vilma Santos at Nora Aunor. 

Bagay daw kina Kathryn at Nadine ang movie, kaya sana raw, pakinggan ng Viva Films at Star Cinema ang kanilang panawagan.


Samantala, natuwa ang mga fans sa nakita nilang photo nina Nadine at Kathryn na sinagot ng larawan na sina James Reid at Daniel Padilla naman ang magkasama. Ang mas nakakaloka pa raw ay kung matutuloy ang series na pagsasamahan nina Kathryn at James, ang ex-couple raw ang makakatrabaho niya.



BUONG puwersa ang Kapuso Network sa Eleksyon 2025 sa pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage. Asahan ang pinakamalaki, pinakakomprehensibo at pinakapinagkakatiwalaang pag-uulat ng halalan mula sa Kapuso Network.


Simula pa lang ng alas-4 ng umaga sa Lunes (May 12), mapapanood na sa GMA at GTV ang election coverage ng network. 


Pangungunahan nina GMA Integrated News pillar Mel Tiangco, Vicky Morales, Arnold Clavio at Howie Severino ang paghahatid ng mga balita at update. Kasama nila sina Emil Sumangil, Pia Arcangel, Ivan Mayrina, Atom Araullo, Kara David, Susan Enriquez, Connie Sison, Raffy Tima, Mariz Umali, Sandra Aguinaldo, at Maki Pulido, at ang buong hanay ng mga GMA Integrated News reporter.


Sa radio, mapapakinggan ang coverage ng eleksiyon sa Super Radyo DZBB Special Coverage simula ng hapon ng Linggo, May 11, hanggang alas-sais ng hapon sa Martes, May 13.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 9, 2025



Photo: Anne Curtis - IG


Nagpapatulong si Anne Curtis sa kanyang mga followers sa Facebook (FB) na punuin ang listahan niya ng senatoriables na kanyang iboboto sa May 12 midterm elections. 

Apat pa lang ang nasa listahan ng aktres, marami pa siyang idaragdag at kakailanganin nga niya ng tulong.


Sabi nito, “So far, my top picks for senators!!! Pero kulang pa. Kayo? Sino pa ang nasa listahan n’yo? At bakit? Would love to hear why? Need to add more to my list.”

Ang nasa listahan ni Anne ay sina Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Luke Espiritu at Heidi Mendoza. 


Agad nagpasalamat sina Bam, Luke at Heidi kay Anne. Malaking tulong ang ginawa ng aktres na may 19 million followers sa FB. Imagine, kung lahat ng followers niya na botante ay boboto sa 4, sure winner na sila.


May nagtanong kay Anne kung bakit wala sa list niya si Senator Bong Go? May mga binanggit din ang mga followers niya na senatoriables na puwede niyang i-consider at isama sa kanyang listahan ng mga iboboto.


Napansin namin na walang taga-showbiz sa list ni Anne at siguro naman, maiintindihan siya nina Senators Bong Revilla at Lito Lapid na parehong re-electionist, pati na nina Phillip Salvador at Willie Revillame na tumatakbo ring senador. Kumbaga, walang personalan at walang rason para magtampo ang mga nabanggit.


Naintindihan din naman si Anne ng kanyang mga followers sa kanyang choice na iba sa kanilang mga iboboto. Respetuhan na lang daw ng choices.



SA Sunday na raw, May 11, ang lipad nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara for South Korea (SK) para sa taping ng Beauty Empire (BE). For sure, may iba pa silang kasama sa cast na magsu-shoot sa nasabing bansa. 


Si Kyline, nakapunta na sa SK, pero si Barbie yata, first time kaya excited.

Sa gabi raw ang flight nina Barbie at Kyline, kaya makakatakbo pa si Barbie para sa charity run na Lights, Camera, Run Takbo Para sa Pelikulang Pilipino


Maagang nagpalista si Barbie na parang 10K ang tatakbuhin. Kaya na niya ang ganito kalayo dahil nakapaghanda siya.


Sayang lang at hindi nag-abot sina Barbie at Alden Richards sa SK. Naroon si Alden para sa premiere night ng Mission Impossible—The Final Reckoning (MITFR) at maganda sana kung nagkita sila. Kaya lang, baka Saturday pa lang, nakabalik na si Alden dahil siya ang in-charge sa charity run.


Samantala, inamin ni Barbie na star struck siya kay Ruffa Gutierrez na kasama nila ni Kyline sa BE. Kapag dumarating daw sa set si Ruffa, nakatingin lang siya rito.


“I’m very, very excited to work with Ms. Ruffa. Lagi akong star struck if she’s in the standby area. Ang ganda-ganda n’ya,” ang pagpa-fangirling na comment ni Barbie.


Mabuti at hindi nadi-distract si Barbie kapag magkaeksena sila ni Ruffa, lalo na at ang role nila ay opposing side. Kay Kyline kampi si Ruffa at pagtutulungan nila si Barbie.

As for Kyline, natatawang sabi ni Barbie, “It’s such a treat to work with that woman. Hindi kami nauubusan ng tsika ... at kape.”


Hindi naitanong ng reporter kung para saan ang pinag-uusapan nina Barbie at Kyline. Curious ang mga fans kung pati break-up nila sa kani-kanyang ex ay kasama sa kanilang pinag-uusapan.



MARAMI ang natuwa nang makita ang photo nina Jessica Soho at Korina Sanchez na parehong nasa Vatican ngayon at nagko-cover sa announcement ng magiging bagong Santo Papa.


Naka-post sa Instagram (IG) ni Korina ang photo nila ni Jessica at may caption na, “G? Why not? Rain and sun meet as friends at the Vatican. Just as K meets GMA7’s icon, Jessica Soho. #conclave.”


Nakakatuwa ang comment na, “Ang tunay na Jessica Sanchez,” na pati si Korina ay natawa dahil swak na swak. 


May mga requests na sana mag-collab ang dalawa at handang-handa raw ang mga netizens na suportahan anuman ang kanilang magiging project.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page