top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 14, 2025



Photo: Jessy Mendiola - IG


Hindi kami sure kung lumabas na ang result ng botohan sa Batangas nang mag-post ng reels si Edu Manzano, pero swak ito sa naging resulta ng unang pagsubok sa pulitika ng anak niyang si Luis Manzano.


Mensahe niya, “Dear Son, I love you. I’m proud of you. I believe in you. I’m here for you. You’re important to me. Love, Dad.”


Hopefully, hindi maging rason para hindi na uli pumasok sa pulitika si Luis ang resulta ng katatapos na eleksiyon. In fact, positive ang mga comments sa kanya at sa kanyang pamilya. Marami pa rin ang nagmamahal kay Luis at sa kanyang pamilya.


Anyway, hindi nakapagpigil si Jessy Mendiola na sagutin ang comment ng isang netizen na, “Biglang naging maka-Diyos. Hehehe!”


Dahil ito sa post ni Jessy patungkol sa asawa.


Sagot ni Jessy, “Matagal na po akong naniniwala sa Maykapal. Sana, ‘wag pati faith ng isang tao ay gawing issue rin.”


Dating governor…

BF NI YASSI, WAGING CONG. SA CAMSUR


NASILIP namin ang Instagram (IG) Story ng boyfriend ni Yassi Pressman at naiproklama na palang winner sa pagiging congressman ng 2nd District ng Camarines Sur na si Luigi Villafuerte. 


So, hindi na governor si Luigi, congressman na, kaya siguradong super proud si Yassi sa dyowa niya.


Biniro nga si Yassi ng mga netizens na galawang mag-asawa na sila ni Cong. Luigi dahil sa Camarines Sur siya bumoto sa katatapos na elections. Sabay pa silang bumoto at sabi ni Yassi, proud siyang iboto si Luigi na true public servant daw.


Nakita raw ni Yassi kung paano magtrabaho si Luigi, kakaiba ang dedikasyon, sobrang sipag, magaling at matalino. Saka, mahal ng tao si Luigi at mahal na rin siya ng mga kababayan ng dyowa.


In fairness kay Yassi, nag-effort mag-aral ng salitang Bicolano, patunay na mahal at inirerespeto niya si Luigi. 


Abangan natin ang bagong dagdag na “power couple” kapag dinala na ni Luigi sa Kongreso si Yassi sa proklamasyon ng mga winners.



HINDI nagustuhan ng girlfriend ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose ang comment ng isang netizen na kamukha niya ang controversial motovlogger na si Yanna. 


Sa tanong ng netizen na, “Bakit magkamukha kayo ni Yanna?” sagot ni Chloe, “Do I look like I know the answer to that? Paki-gamit po utak, ha? I don’t have the patience today to answer properly, do’n ka sa faraway.”


May mga nagsabi ngang magkamukha sina Chloe at Yanna, pero may mga naniwala namang hindi sila magkamukha. 


Ang mga tumitingin na lang siguro ang makakapagsabi kung magkamukha nga ang dalawang dilag.


Naiintindihan ng mga netizens ang reaction ni Chloe. Ang nega nga naman ng dating sa tao ni Yanna, kaya mahirap nang madamay pa siya. 

Nakalimutan na nga ang controversy nila ni Carlos with his parents, tapos ikokonek na naman siya sa isang kontrobersiya.



SIGURADONG aabangan ng mga dadalo sa convention ng Puregold ang pagdalo ni Bea Alonzo na napapabalitang girlfriend ni Vincent Co, eldest and the only boy na anak ng owner ng Puregold.


Nakalagay sa announcement na sa Day 2 ng Puregold Convention, sa May 16, 2025 ang schedule ng appearance ni Bea at siguradong present si Vincent. 


Suwerte kung ganoon ng mga dadalo sa second day ng convention dahil mapapanood nila ang latest power couple in business and entertainment industry.


Marami ang nagkainteres na dumalo sa May 16, kaya lang, napili na yata ang mga puwedeng maka-attend, kaya hindi n’yo pa rin masisilayan sina Bea at Vincent at ang mga nakakuha ng tiket ang makakakita sa dalawa.


‘Kaaliw pala ang mga comments na sigurado raw na kundi sa Puregold ay sa S&R na naggo-grocery si Bea dahil kay Vincent. Baka kasi dati, sa iba siya naggo-grocery gaya ng Lander’s at SM Supermart.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 13, 2025



Photo: Jameson Blake at Barbie Forteza - IG


Ipinadala na nina Alden Richards at ng Myriad Corporation ang finisher’s medals ng mga nakatapos ng 3K, 5K, 10K, at 16K sa ginanap na Lights, Camera, Run! charity fun run. Na-bash si Alden dahil hindi nakaabot ang medals na in fairness, sa simula pa lang ng event, ipinaalam niya na hindi aabot ang medals.


Inulit nito ang pag-so-sorry after the race at nangakong within the day, matatanggap nila ang medals. May runners at winners na hindi yata narinig ang announcement ni Alden, nagalit ang mga ito at sa sobrang galit ng iba, minura pa ang aktor.


Tanong tuloy ng fans ni Alden, tumakbo lang ba ang iba para sa medals? Hindi na nila naisip na sa kanilang ginawa ay nakatulong sila sa manggagawa ng pelikulang Pilipino na members ng Mowelfund. Mas malaking bagay ‘yun kesa medals na hindi nila agad natanggap.


Sa galit pa nga ng iba, sabi, hindi na sila sasali sa race event na i-o-organize ni Alden at ng team nito. May December fun run na i-schedule sina Alden and this time, wala na sigurong magiging aberya.


Anyway, natanggap na ng winners ang kanilang medals na ipinadala sa Lalamove at may mga nag-post na sa social media. Ang karamihan naman, naintindihan ang nangyari, kaya makikitakbo uli sila sa December.


Samantala, ang dami palang sumali sa nasabing charity fun run at sa mga video, makikitang nag-enjoy sila. Lalo na ang fans na sumabay makitakbo sa mga favorite stars nila gaya nina Kim Chiu at Paulo Avelino.


Si Julia Montes, hindi lang tumakbo, may stall din siya dahil  nagbenta ng mga foods, para sa mga nagutom na runners. Ang iba naman, nag-enjoy kumuha ng photos ng mga celebrities.


Hindi si David… BARBIE, SI JAMESON ANG KASAMA SA CHARITY RUN


Tila suko na ang ilang mga fans sa pagsi-ship kina Barbie Forteza at David Licauco dahil ang feeling nila, hindi umaabante ang pagsi-ship nila. Kaya kay Jameson Blake naman isini-ship ng fans si Barbie. Nakita ng mga fans na may chemistry ang dalawa nang tumakbo sa Lights, Camera, Run! noong Linggo at napansin din ang kanilang closeness, may mga kinilig, kaya ayun, sila na ang isini-ship.


Nagkakilala sina Barbie at Jameson dahil magkasama sila sa Netflix film na Kontrabida Academy (KA), na tampok din si Eugene Domingo. Kaya nang magkita sa charity fun run, sila ang laging magkausap, may time na sabay pa silang tumakbo ng 16K.


Pati sa stage kung saan in-acknowledge ang finishers sa 16K run, magkatabi rin sina Barbie at Jameson at may video na bago umalis sa venue ang aktor, nagpaalam muna siya kay Barbie.


Ini-like ni Barbie ang post ni Jameson sa charity fun run at pati photos nilang dalawa, nasa Instagram (IG) din ng aktor, rason para may mga kiligin. Bagay raw silang dalawa at may mga nagbiro kay Jameson na ligawan na niya si Barbie.


May nagbiro pa na ang tapang ni Jameson na i-post ang photos nila ni Barbie, hindi raw siya natakot ma-bash ng BarDa fans na very protective sa kanilang love team. May fan naman na kunwari nagsumbong kay David Licauco, pero katuwaan lang.


May nag-comment naman na parang nagpa-fan service na sina Barbie at Jameson para sa KA, pero matagal pa raw ito. Basta walang makakapigil sa kilig ng mga fans ng dalawa na tinawag ang mga sarili na BarJa shippers.


Samantala, nasa South Korea ngayon si Barbie sa taping ng Beauty Empire (BE) kasama si Kyline Alcantara. Marami raw silang eksenang kukunan doon, but for sure, malalaman ni Barbie na may mga fans na kinikilig sa kanila ni Jameson.


Imbitado si John Rendez, Lotlot… NORANIANS, ISE-CELEBRATE ANG B-DAY NI NORA SA MAY 21


BINATI ni John Rendez noong Mother’s Day si Superstar Nora Aunor sa kanyang Facebook (FB), kaya lang, dinelete yata kaya hindi na namin nakita. Ang nakita namin ay ang post niya ng magazine covers nila ni Guy, old magazines na ibig sabihin, itinabi ni John o baka si Guy ang nagtabi.


Nabasa rin namin ang post na bale panawagan niya sa kanyang mga bashers na hanggang ngayon, pinupuntirya pa rin pala siya.


“Mga Ate, Minsan nahahalata na ang mga sungay po ninyo. Konting RCGM ako po etong nawalan ng lahat. Hindi ako user. Hindi ako sipsip. Mahal talaga ako ng Diyos. Mahal ako ng Ate Guy ko. 


“Hindi ako kumikita sa pagpapapansin sa inyo kung sino po kayong mga bashers ko. That's not Holy. That's not Godlike, konting respeto lang,” pakiusap ni John.

Birthday pala ni Guy sa May 21, at parang may nabasa kaming ise-celebrate ng Noranians ang birthday ng superstar at imbitado nila si John.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 12, 2025



Photo: Marian Rivera Dingdong Dantes - IG


Ang Mother’s Day post ni Dingdong Dantes ay pagluluto ni Marian Rivera ng favorite nila ng kanyang mga anak na menudo. Parang tuwing may special occasion, iniluluto ito ni Marian.


Aniya, “Sa halip na s’ya ang pagsilbihan sa araw na ito, s’ya pa ang nagpumilit magluto ng paborito naming menudo.


“Sino ba naman ang hindi mapapahinga ng malalim sa bango pa lang, sabay sabing, ‘Ay, eto na nga ang original ni Ingkang.’


“Ang tagal na naming hindi natikman ‘to—kaya bawat halo n’ya sa kaldero, parang yakap na abot hanggang puso’t bituka mo.


“Happy Mother’s Day sa reyna ng aming tahanan—kahit araw n’ya, inuuna pa rin kaming alagaan. Pati tiyan namin, hindi nakaligtas sa lambing at halinghing ng kanyang lutuin.”

Sagot ni Marian kay Dingdong, “Love you all.”


Napasarap tiyak ang lunch ni Dingdong lalo na’t galing siya sa Lights, Camera, Run!, napagod at nagutom. Na-video ang paghahanda ni Marian ng menudo at siya talaga ang naghiwa ng ingredients. Walang make-up ang aktres, pero ang ganda-ganda pa rin.


Samantala, nagkaroon ng poster reveal ng movie nina Dingdong at Charo Santos na Only We Know (OWN) at ang ganda ng poster. ‘Yun bang poster pa lang, gusto mo nang mapanood ang movie ni Director Irene Villamor na showing sa June 11. Maganda rin ang teaser ng movie, may mga nakakatawang eksena.


Sinorpresa sa Mother’s Day…

SHARON, IPINAGMALAKI ANG ‘GARDEN’ NG FLOWERS AT EARRINGS NA REGALO NI KC


‘GARDEN’ ang itinawag ni Sharon Cuneta sa bouquet of flowers na ipinadala ni KC Concepcion noong Mother’s Day. Ipinost ni Sharon ang flowers na marami nga at iba’t iba ang variety.


Aniya, “My KC @kristinaconcepcion sent me these flowers (garden na ang dami, eh!) and these beautiful earrings with the most beautiful pearls and four hearts representing my four babies!!! The messages on the cards are special to me, too. Thank you, Toot! I love you so much.”


Sagot ni KC, “Happy Mother’s Day to our queen,” at may post pa ito sa ipinadala niyang flowers sa mom n’ya.


“My turn to spoil the queen! Huge thanks to Tita Gema and Tito Antonio of Mabolo for helping me surprise Mama with a bouquet of 7 rose varieties, freshly flown in from Ecuador... only the best for her, of course.


“I also personally designed a bespoke pair of solid white & yellow gold heart-shaped drop earrings for her: “Four of Hearts” is a pavé-set with natural brilliant-cut diamonds, natural pink sapphires, and lustrous, round, soft pink Edison pearls (specially grown in freshwater mussels!) 4 hearts, 1 bond... each gold heart representing us, her 4 children.


“Love you, Mom! You’ll always be our queen @reallysharoncuneta.”



KABILANG sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa mga celebrities na nakitakbo sa Lights, Camera, Run! bilang suporta sa Mowelfund at kay Alden Richards at sa Myriad Company na nasa likod ng fun run.

Ang saya ng DenJen at nanguna sa pagtakbo, hindi lang nasabi kung ilang kilometro ang tinakbo nila. 


Naalala ng mga fans na noong magpa-block screening si Alden ng movie ng DenJen, sabi nina Dennis at Jennylyn, sabihin lang sa kanila ni Alden kung paano sila makakapagpasalamat sa suporta nito sa kanila at sa kanilang pelikula.


Ginawa na nga ng DenJen ang pasasalamat kay Alden by supporting the fun run na first project ni Alden for Mowelfund. 


Ganu’n din siguro sina Paulo Avelino at Kim Chiu na bukod sa nakakasama na ni Alden sa pagtakbo, sinuportahan din nito ang pelikula nila.


Samantala, nakakatuwa ang piniling photo ni Dennis to greet Jennylyn sa Mother’s Day kahapon. Kasama kasi ni Jennylyn ang tatlong cockatoos at may isang small bird sa balikat ng aktres.


Sey ni Dennis, “Para sa aming Super Woman, isang pagpupugay sa ‘yo at sa lahat ng mga dakilang ina na kagaya mo. Maraming salamat sa lahat ng pagmamahal, pag-aaruga at tiyaga. We love you. Happy Mother’s Day, Mama JEN.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page