top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 20, 2025



Photo: Tom Rodriguez - IG


Parang malapit na ang face reveal ng baby boy ni Tom Rodriguez dahil sa bagong reels post ng aktor, side view na ni Baby Korben ang ipinakita. Ang left side ng face at body nito ang ipinasilip habang naglalaro. Nang lilingon na si baby, ayun, puro heart emojis na ang nakita.


Mestiso si Baby Korben, maputi, at parang auburn ang color ng hair nito at nanggigil ang mga netizens sa braso nito.


Waiting na ang lahat sa face reveal ni Baby Korben, kailan kaya?


Ang cute pati ng caption ni Tom sa reels post sa baby niya at kinowt si Tommy Mott from Love at First Sight. Ang sabi, “Never knew love could be so small. Ten tiny fingers say it all. My whole world is wrapped in cotton white. Learning how to love at first sight.”


May sariling caption si Tom at ramdam mo ang kakaiba nitong saya sa pagkakaroon ng baby boy.


Aniya, “Every day with you has been a quiet kind of magic, my son. Your laughter fills our home, your wonder fills our hearts, and your presence—however small—has made our world infinitely bigger. Your momma and I still catch each other smiling and asking, how did we ever get this lucky? And we meant it, every single time.”


Masayang basahin ang comments ng mga friends and fans sa baby ni Tom at walang nagpe-pressure sa kanya na ipakita na ang face ni Baby Korben.


Grad surprise sa anak… YAYA NI FRANKIE, DINALA NINA KIKO AT SHARON SA US


NAG-POST na nga si Sharon Cuneta ng photos sa graduation ni Frankie Pangilinan sa The New School sa New York City. 


Worth it na mas inuna ni Kiko Pangilinan ang graduation ng eldest nila ni Sharon kesa proklamasyon niya dahil kita ang saya ni Frankie na present ang parents niya and her siblings.


Ramdam din ang pagmamalaki ni Sharon kay Frankie sa mga caption nito sa kanyang post, gaya ng: “Our fresh grad!!!” na nakasuot ng toga si Frankie.

Sa isa pang photo, after the graduation ceremony na yata at nasa Chinatown sa NY sila, ang sabi ni Sharon, “Reunited.”


May malaking sorpresa sina Kiko at Sharon kay Frankie, isinama nila paglipad sa NY ang isang taong mahal at very close kay Frankie.


Aniya, “Our surprise for @frankiepangilinan on her grad was her Yaya Irish! We brought her with us because she has taken care of Kakie for years now and they are so close.”


Sa photos, makikita ang mahigpit na yakapan nina Frankie at Yaya Irish niya na pati netizens, natuwa. Siyempre, marami rin ang nag-congratulate kay Frankie mula sa mga friends nina Sharon at Kiko, at pati na sa mag-asawa.


Sa dami ng congratulatory messages, may mangilan-ngilan na nagtanong kung papasukin daw ba ni Frankie ang pulitika? Kapag pumasok daw ito sa pulitika, second generation na siya ng Pangilinan sa politics.



MAY rason maging proud si Ruru Madrid sa girlfriend niyang si Bianca Umali dahil kahit teaser pa lang ng Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS), pinupuri na si Bianca. 

Excited na ang mga fans na makilala ang gagampanan nitong karakter na si Sang’gre Terra at kung ano ang ipapakita niya sa ginagampanang karakter.


Mahabang paghahanda ang ginawa ni Bianca bago simulan ang taping, pisikal na paghahanda dahil may training siya sa arnis at iba pang klase ng physical training para hindi ma-shortchanged ang mga viewers.


Mga comment na, “She’s perfectly fit for her role,” “Ang husayyyyy,” “Ang angas,” at “Super hot mo Terra,” ang ilan sa mga mababasa.


Inaabangan din ang backstory ni Terra at ang story kung bakit parang bulag siya.


Sa excitement ng Kapuso viewers, gusto nilang ngayon na umere ang Sang’gre na hindi naman puwede at kailangan pang tapusin ang Lolong: Pangil ng Maynila (LPNM) na bida naman ang jowa ni Bianca na si Ruru Madrid.


Overwhelmed si Bianca sa positive reaction sa teaser ng Sang’gre. Nakakatunaw daw ng puso ang feedback at worth it ang lahat ng hirap nila ng buong cast. 


Hindi raw madali ang naging trabaho nila, kaya very proud silang lahat.


“Ibang experiences at emosyon ang idine-dedicate ko sa show na ito. Dalawang taon ng buhay ko. We all did our best,” wika ni Bianca.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 19, 2025



Photo: Rhian Ramos - IG


Bagong pasok ang karakter ni Rhian Ramos sa Encantadia Chronicles: Sang’gre (ECS) at kontrabida pa ang role at karakter niyang si Mitena, ang ice queen, pero siya ang may pinakamaraming costumes sa buong cast.


Kuwento nito, “I have so many costumes here. Nu’ng tinanong ko, ‘Ganito ba talaga usually?’ Sabi nila, ‘Hindi. Sa buong history ng Encantadia, ikaw ‘yung pinakamarami naming ginawan ng costumes.’”


Kaya, isa sa mga aabangan ng mga fans ni Rhian at ng Encantadia ang iba’t ibang costumes na kanyang isusuot.


Malalaman din kung bakit kailangan ni Mitena ng maraming costumes at tinalo pa niya ang ibang female cast.


Dagdag pang kuwento ni Rhian, hindi pa man niya nababasa ang script at kahit hindi pa siya nagsisimulang mag-taping, excited na siya.


Aniya, “Sobra akong na-excite. Una, ang tagal ko nang ‘di gumawa ng isang fantaserye. Pangalawa, I always feel like the bad guys have more fun, so I was excited to play a role like this.”


Nang mabasa na ni Rhian ang script at nalaman ang kuwento ni Mitena, lalo siyang na-excite. 


“Sobrang ganda naman pala ng kuwento na ‘to — ang lalim, ang emosyonal. Talagang pinag-isipan ‘yung backstory. Para sa akin, naintindihan ko siya agad. I was even more excited to play the role,” ayon pa kay Rhian.


Sa June na ang worldwide premiere ng ECS at excited na ang Encantadiks (tawag sa mga fans ng fantaserye). Naglabasan na ang mga memes at nauuso na uli ang salita ng mga Sang’gre.


Pawis ng aktor sa noo, pinunasan ng aktres…

GALAWAN NINA JULIA AT COCO, PANG-MAG-ASAWA NA


Hindi lang sina Bea Alonzo at Vincent Co ang inabangan ang mga kilos sa naganap na Puregold Convention dahil pati sina Coco Martin at Julia Montes, tinutukan din ang bawat galaw sa event.


Sinundan sila ng mga tao hawak ang kani-kanilang phone at walang tigil ang kakukuha ng larawan.


Kaya nakunan ng larawan nang punasan ni Julia ang pawis sa noo ni Coco. Ang pabirong comment agad ay hindi raw ba kayang punasan ni Coco ang pawis niya sa noo? Wala raw ba itong dalang panyo at kailangan pa ang panyo ni Julia ang gamitin?

Para naman sa iba, gusto lang daw ipakita ni Julia na sa kanya na si Coco at wala nang pag-asa ang ibang girls na agawin pa sa kanya ito. Parang gusto raw sabihin ni Julia na, “Coco is mine.”


Mas marami nga lang ang nagtanggol kay Julia dahil tama lang daw ang ginawa nitong punasan ang pawis ni Coco na nakitang busy sa pagbati sa mga tao na nasa World Trade Center. 


Comment pa ng pabor kay Julia, ang ginawa nito ay ginagawa ng mga mag-asawa sa isa’t isa at kapag walang dalang sariling panyo ang isa, kung sino ang may dalang panyo, ‘yun ang gagamitin.


Para naman sa mga fans nina Coco at Julia, humanap lang daw ang mga bashers ng dalawa ng mapupuna at pati pagpunas ni Julia sa pawis sa noo ni Coco ay ginawang isyu. Wala raw ba silang nakitang maganda o positive sa ginawa ni Julia kay Coco?


Anyway, nakitang kausap nina Coco at Julia si Vincent Co na presidente ng Puregold at sa body language, parang matagal na raw magkakilala ang tatlo. Ang pinanghinayangan ng mga netizens, walang photo na magkasama sina Coco, Julia, Vincent at Bea.



No show sa proclamation bilang senador…

KIKO, MAS PINILING KASAMA SI FRANKIE SA GRADUATION


HINANAP namin si Kiko Pangilinan sa mga nanalong senador na ipinroklama noong Sabado. Wala ang nagbabalik sa Senado at nakasulat na hindi ito nakadalo sa proklamasyon dahil dumalo sa graduation ng anak na si Frankie Pangilinan.


Ang sister nitong si Maricel Pangilinan-Arenas ang nag-represent kay Kiko at nag-deliver ng kanyang message. Nakasulat sa message ni Kiko ang pasasalamat sa mga tumulong sa kanya para manalo.


Marami ang humanga kay Kiko dahil mas pinili nitong maging ama muna bago maging pulitiko. Minsan lang daw mag-graduate si Frankie na nag-aral sa New York City, siya naman ay puwedeng iproklama sa kanyang pagbabalik at solo pa siyang mapo-proclaim.


Sa Instagram (IG) ni Sharon Cuneta, nag-post ito ng photos ni Kiko at ng batang si Frankie. Ngayon, ang larawan ng mag-ama ay sa graduation na ni Frankie, kaya abangan natin.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 18, 2025



Photo: Linda Gorton at Marjorie Barretto - IG


Nag-post si Marjorie Barretto ng photos nila ng ex din ni Dennis Padilla na si Linda Marie Gorton at binati niya ito ng “Happy Birthday”. 


Comment ng mga netizens, may pagkakahawig ang dalawa.

Sey ni Marjorie, “Happy Birthday to my beautiful friend Linda. It’s been wonderful getting to know you. Our late night 2-hour Facetime calls are never enough. Can’t wait to see you at the end of May. Let’s celebrate our birthdays together!”


Sagot ni Linda, “This is so sweet of you, Marj! True, we always have a good laugh and meaningful conversations. Thank you for being so kind and thoughtful. Hugs and kisses to you and the kids. And yes, let’s celebrate soon.”


Binati rin ni Dani Barretto si Linda at pati friends ni Marjorie, nakibati na rin. Patunay daw ang post at birthday greetings ni Marjorie sa ex ni Dennis na in good terms sila at si Dennis lang ang hindi nila kasundo.


May nag-comment naman na parang sagot ni Marjorie ang post ng photos nila ni Linda sa naunang post ni Dennis na kasama naman si Kier Legaspi. 


Kung anuman ang dahilan, hayaan na natin sila. Ang importante, walang nag-aaway online at lahat ay masaya.


Speaking of Marjorie, pinasalamatan nito ang 112K na bumoto sa kanya at kahit hindi siya nanalo, tuloy pa rin ang pagtulong niya. Magpapahinga lang daw siya at muli siyang kikilos.



INAABANGAN ng mga JulieVer fans ang birthday gift ni Rayver Cruz sa girlfriend na si Julie Anne San Jose na nagdiwang ng kaarawan kahapon. 

Matamis na birthday greetings pa lang ang ipinost ng singer-actor, susunod na siguro ang material gift nito.


Pagbati ni Rayver (as is), “To the woman who stole my heart. My love, Happy Happy birthday to you know that I will always be here for you mahal no matter what. I will always be your forever number 1 fan, super proud ako sayo my love sa lahat lahat at lagi mong tatandaan na Mahal na Mahal kita hinding hindi ako magsasawang sabihin sayo yan everyday. Cheers to 31 love! May God bless you more and more!!


“P.S. These are some random videos of us together para maiba naman haha and para maipakita ko sa lahat kung gaano ako kaswerte to have you in my life mwaggg love you so much!!”


Sweet din ang sagot ni Julie sa very sweet birthday greetings sa kanya ng kanyang jowa. 

Aniya, “Thank you, my love!!! Naiyak naman ako dito huhu araw-araw mo ko pinapakilig at inaalagaan in the best way you can. I feel so blessed at ang swerte ko sayo. I love you so much forever and ever.”


Pinasalamatan din ni Julie ang lahat ng bumati sa kanya sa Instagram account ni Rayver. Kabilang dito ang brother ni Rayver na si Rodjun Cruz na “Queen” ang tawag sa GF ng kapatid. “King” naman kasi ang tawag ni Rodjun kay Rayver.


Samantala, nagre-request ng Book 2 ang mga viewers ng SLAY na isa si Julie sa mga bida. 


Nag-finale na ang series sa Viu at malapit na itong matapos sa GMA-7 at dahil nabitin ang mga viewers, nagre-request sila ng part 2.



NAGPASALAMAT si Alfred Vargas sa muli niyang pagkapanalo bilang konsehal sa District 5 ng Quezon City at nagpasalamat na rin sa pananalo ng kapatid na si PM Vargas bilang congressman.


Pahayag niya, “Doble-dobleng pasasalamat sa lahat ng ating kababayan para dito sa ating double victory sa District V!


“Maraming salamat sa inyong pagmamahal, suporta at tiwala through the years! Sa gitna ng napakaraming paninira, fake news, kataksilan, kasinungalingan at pandaraya, nanatili kayong tapat at totoo at nanindigan para sa prinsipyo at tunay na serbisyo. Inilaban ninyo kami kahit mahirap. Sinamahan n’yo kami hanggang dulo.


“Dito natin naipakita na isa tayong tunay na pamilyang magkasama sa hirap man o ginhawa at handang lumaban para sa tama at para sa isa’t isa at para sa bayan!”


Kinongratyuleyt ni Alfred si PM at tinawag na tunay na lider na may sinseridad, puso at tapang para sa mamamayan ng Novaliches. 


“We are proud of you. Nanalo ka muli at mahal ka ng distrito dahil isa kang mabuting tao na may tunay na pagtulong at malasakit sa kapwa,” ani Alfred.


Nangako naman si Alfred ng patuloy na paglilingkod at lalo niyang pagbubutihin ang kanyang mga programa at palalakasin ang pagsasama nila ng kanyang mga nasasakupan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page