top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | May 26, 2025



Photo: Marian Rivera at VP Sara Duterte - IG


Sina Marian Rivera at Akbayan Representative Chel Diokno ang mga pangalang nadiskubre na kasama sa mga nabigyan daw ng confidential funds ng Office of the Vice-President ni VP Sara Duterte.


Si Marian, hindi na yata magre-react at hinayaan ang mga netizens ang mag-react para sa kanya. Kasi naman, magkano lang ba ang nasa resibo na ibinigay daw sa kanya o sa kapangalan niya kumpara sa milyones na kinikita niya bilang talent fee (TF) sa mga ginagawang pelikula, TV shows at endorsements?


Si Chel ang nag-react at sabi nito, “Lahat na ba nasa listahan ng confidential funds? Pati ba naman pangalan namin ni Ma’am Marian dinamay nila! Grabe ang kawalang-hiyaan!”


Ang pangalan na nasa ‘acknowledgment receipts’ na mula sa Department of Education (DepEd) ay Jose Diokno, Jr., na kapangalan nga ng Akbayan Rep. na si Jose Manuel “Chel” Diokno, Jr..



Hinahanap kay Gerald Anderson si Julia Barretto sa Instagram (IG) ng aktor, at may nangumusta pa kay Julia. 


Walang sinagot si Gerald sa mga nagtanong kung bakit matagal na silang hindi spotted ni Julia. 


Hindi naman kaya sinunod nito ang payo ng isang fan nila ni Julia na huwag siyang sasagot sa kahit ano ang itanong sa kanya? Biguin daw nito ang mga nagtatanong sa kanyang katahimikan na siyang ginagawa ng aktor.


Ang basehan ngayon kapag break na ang isang couple ay kung in-unfollow na nila ang isa’t isa sa IG. So far, wala pang nakakapag-check kung naka-follow o unfollow na sina Julia at Gerald sa kani-kanyang IG.


Isa pang basehan kung hiwalay na ang couple ay kapag deleted na ang mga photos nila sa IG. 


Tsinek namin ang IG nila at may photo pa naman nila ni Julia sa IG ni Gerald, kaya lang, noon pang March 10, 2025 nang batiin nito ng happy birthday si Julia. Ang isa pang photo nila ay noon pang 2023.


Sa IG ni Julia, may photo pa rin nila, noon pang 2023 nang batiin niya si Gerald ng happy birthday. 


Pagtatanggol naman ng mga fans, hindi talaga mahilig mag-post ng photos nila ang dalawa, nasanay na ang mga ito at hindi na sila naghahanap.


Naniniwala rin ang mga fans na aaminin nina Julia at Gerald, lalo na sa kanilang mga fans, kung totoong wala na sila. 


Bale ba, mai-interview si Gerald dahil malapit na ang airing ng new series niya sa ABS-CBN na Sins of the Father (SOTF)


Napapanahon ang tema ng series tungkol sa scam.



MALAPIT na ring magtapos ang Lolong, hanggang June 13 na lang ang airing ng action series ni Ruru Madrid at papalitan na ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLCS) na tatampukan naman ng jowa ni Ruru na si Bianca Umali.


Kaya, sunud-sunod ang taping at malalaking eksena ang mapapanood ng mga viewers na sumusubaybay nito. 


Panay ang pasasalamat ni Ruru at itong latest post niya sa socmed, (social media) ang sabi, “Behind the scenes. Behind the action. Real moments with the OG Lolong fam — puno ng puso, tawanan, at pagod na may kabuluhan. Huling mga araw na ng Lolong taping, pero ang samahang ‘to — tatatak habangbuhay. Mula Season 1 hanggang ngayon, patuloy tayong lumalaban.


“Grateful to have lived this journey with all of you. Let’s finish strong.”

Hindi nga lang masyadong mami-miss si Lolong ng kanyang mga fans dahil nasa Sang’gre rin siya. Hindi lang alam kung may eksena silang magkasama ni Bianca na kung mayroon, ikatutuwa ng kanilang mga fans.


Also, streaming sa Netflix simula June 19 ang movie nila ni Dennis Trillo na Green Bones (GB) na puwedeng ulit-uliting panoorin. Saka, hindi papayag ang GMA na matagal hindi mapanood si Ruru, siguradong may follow-up ang Lolong.


Anyway, hindi rin makakapagbakasyon agad si Ruru after Lolong dahil may show sila sa ibang bansa ni Ai Ai delas Alas. Puwede na ring bakasyon ‘yun, kaya masaya at excited ang aktor. Magtatrabaho pa rin siya at may kasamang bakasyon.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 25, 2025



Photo: Gerald at Julia - Bulgar, IG


Binati naman ni Gerald Anderson si Marjorie Barretto sa birthday nito at tsika ng mga fans, tumulong ang aktor sa kampanya ng nanay ni Julia Barretto.


Pero bakit may mga tsikang break na sina Gerald at Julia?


Ang pinagbatayan ng tsikang ito ay dahil wala ang aktor sa birthday party ni Marjorie. Dati naman daw, laging present ang aktor sa birthday ni Marjorie, saka lahat ng family events ng mga Barretto, present siya. This year lang absent si Gerald sa birthday ni Marjorie.


Isa pang napansin ay ang absence ni Gerald sa wedding ni Claudia Barretto, ang sister ni Julia na close rin sa aktor. Sigurado naman daw na invited ang aktor sa wedding, unless, hindi siya invited kaya wala siya.


Sagot ng mga fans ni Gerald, may taping ito ng bago niyang series sa ABS-CBN nu'ng wedding day ni Claudia, kaya siguro wala, and for sure, naintindihan ‘yun ni Claudia at ng pamilya nito.


Dagdag pa ng mga fans ni Gerald, isang okasyon lang sa pamilya ni Julia ang wala siya, isyu na agad. Sana raw, bago maglabas ng mga balitang break na ang dalawa ay siguraduhin muna dahil maraming fans ang malulungkot.


Sabagay, isang photo lang nina Julia at Gerald na magkasama, mawawala na ang balitang hiwalay na sila. Baka nga naman busy lang ang dalawa, kaya hindi nagkikita. Tama namang huwag silang pangunahan.


John, miss na miss na raw si Nora…

LOTLOT: TODO-PARINIG SA SINUNGALING AT USER


IPINAPA-CHECK ni John Rendez sa mga followers niya sa Facebook (FB) ang interview sa kanya ni Julius Babao sa vlog nitong Unplugged sa YouTube (YT). 

My Life with Nora Aunor ang title ng interview kay John na napanood din yata o naiparating kay Lotlot de Leon.


Walang sey si Lotlot, nag-post lang ng cryptic post na, “People who use other people as stepping stones will one day lose their balance.” 

Sinundan ng “The truth always comes out,” at may post pang “Truth/Lie” at nakaturo sa ‘lie’ ang detector.


May mga naniniwalang reaksiyon ni Lotlot ang cryptic post sa interview ni John, pero dahil cryptic post, hindi makukumpirma. 


Dahil sa interview ni John at sa post ni Lotlot, kani-kanyang tanggol ang kampi sa aktres at sa mga kapatid nito at mga kampi naman kay John.


Anyway, mababasa sa FB ni John ang mga posts niyang, “I dreamt of you last night. We were on a train and you were looking out the window. You left your bag and glasses behind.


“I ran to give it to you before the door closed. Then I woke up.”

Sinundan ng isa pang post na, “Right about this time every day I break down and cry. I miss you so much.”


Si Nora ang tinukoy ni John na napanaginipan niya at nami-miss niya. Nabanggit nito na noong birthday ni Nora, hindi siya nakapunta sa Libingan ng mga Bayani dahil malayo sa kanya. Nagpa-mass na lang siya sa Angeles City. 


Later on, nakita siya sa Eastwood, kung saan nagkita-kita ang mga Noranians sa may marker ni Nora Aunor sa Walk of Fame.


Sa pagtatapos ng video ni John, sey nito, “I love you forever.”



MAY nakita kaming picture nina Sam Versoza at Rhian Ramos, magkatabi ang dalawa at tila may tinitingnan. After the elections yata kuha ang larawan nila dahil bagong gupit si Sam. Back to normal ang ganap ng magdyowa at balik sila sa kanilang mga ginagawa before the elections.


Wish ng mga supporters ni Sam, balikan nito ang TV show niya sa GMA-7 dahil marami siyang natutulungan. Nang mangampanya siya, si Rhian ang pansamantalang nag-host ng show, pero nag-gi-guest pa rin si Sam.


As for Rhian, magiging busy siya sa promo ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLCS). Excited na ang mga fans ni Rhian at ang Encantadiks dahil kontrabida ang role niyang si Mitena. Pinangunahan na ng fans na hindi sila magagalit kay Rhian kahit kontrabida siya sa fantaserye.


Sa June 19, 2025 na ang world premiere ng ‘Sang’gre’ at kabilang si Rhian Ramos sa bagong karakter. Astig ang mga costume nito, lalo na ang kanyang warrior costume na suot niya tuwing nakikipaglaban.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | May 24, 2025



Photo: Pia Wurtzbach - IG


Nag-post lang si Pia Wurtzbach-Jauncey ng photo niya kasama ang South Korean actress na si Kim Ji Won at ang Indian actress na si Priyanka Chopra, naging daan na naman ‘yun para sumigla ang away ng mga supporters nila ni Heart Evangelista. 


Tinawag lang na world-class si Pia, inalmahan na at paano raw ito naging world-class?

Pati bangs ni Pia, ginawang isyu at sana raw, hindi ganu’n ang bangs niya. Pati nga ang pagiging Miss Universe ni Pia, kinukuwestiyon. 


Isyu rin sa mga bashers ni Pia ang pagdalo niya sa Bvlgari event. Wala na raw ba itong ibang event kundi Bvlgari?


Bash nang bash kay Pia ang mga haters nito, pero ang bina-bash nila, nag-enjoy sa Bvlgari event sa Sicily, Italy, suot ang Bvlgari jewelry.


Sey ni Pia, “Some relationships feel like color. Vivid, layered, and shifting with the light. Here in Taormina with my @bvlgari family, I’m reminded how different backgrounds can reflect something so beautifully shared.”


Sa isa pang post, sabi naman nito, “Living in @bvlgari’s prismatic world. And today, I’m a very lucky girl to be wearing this one of a kind piece from the Polychroma collection.”


Naka-tag sa caption ni Pia si Mark Bumgarner na siyang gumawa ng yellow gown na kanyang suot sa event. Ang ganda nga naman ni Pia sa photos niya, napa-comment ng hearty emojis ang husband nitong si Jeremy Jauncey.


Kung ‘di raw happy sa showbiz, layas na!

ALDEN, UMAMING NA-DEPRESSED, NA-BASH PA


MGA bashers talaga ni Alden Richards, pati ang pag-amin ng aktor na dumaan siya sa matinding depression, hindi pinatawad. Ayaw nilang maniwala na nakaranas ito ng depression dahil maganda naman daw ang career, may mga negosyo at milyones ang kinikita sa pelikula, telebisyon at endorsement.


May nag-comment pa nga na kung hindi siya masaya sa showbiz, iwan niya. May nagsabi rin na walang rason si Alden para magreklamo dahil mas marami ang walang chance na mapabuti ang kanilang mga buhay. Dapat daw, maging grateful ang aktor and count his blessings.


Mabilis ang buwelta ng mga fans ni Alden sa mga bashers nito at pati mga netizens na hindi fans ng aktor, ipinagtanggol siya. Hindi raw namimili ang depression kung kanino tatama at sa halip na i-bash, understanding ang kailangan, hindi lang ni Alden, kundi lahat ng dumaranas nito.


Depensa ng mga fans ni Alden, hindi siya nagrereklamo, naikuwento lang niya ang kanyang pinagdaanan. Hindi rin daw kailangan ng paliwanag sa depression, kaya sa mga hindi nakakaintindi, lubayan daw si Alden.


Marunong lang magdala ng depression si Alden. Nakatulong na that time, busy siya sa Pulang Araw (PA) at sa maraming bagay. Kahit papaano, nalibang siya, pero kapag mag-isa na siguro, ru’n umaatake ang depression niya.


Kaya pala panay ang post nito ng quotation cards at na-bash pa rin siya dahil nagse-shade raw. 


Maganda rin na naikuwento ni Alden ang kanyang pinagdaanan at nai-share sa marami.


Nakakatulong din na patuloy siyang busy, araw-araw may ganap at naghahanda na rin sa sasalihang 2026 Tokyo Marathon. Naghahanda na rin siya sa airing ng dance reality series na Stars On The Floor (SOTF) ng GMA-7 na siya ang host.



NADAGDAGAN na naman ang mga awards ni Atom Araullo sa pagkakapanalo ng gold sa New York Festivals TV & Film Awards ng The Atom Araullo Specials PogoLand.

Ayon sa manager ni Atom na si Noel Ferrer, fourth gold na ito ni Atom at ‘yung ibang ginawa niya, hindi man manalo ng gold, may mga napapanalunan pa rin.


Nabasa namin ang pasasalamat ni Atom sa GMA Public Affairs at kay Nessa Valdellon na, “Thanks to your leadership! Congrats.” 


Sagot ni Nessa, “Super congrats Alfonso Tomas Araullo!!! It’s so tough to get a Gold Medal at NYF... and yet you have 4! I believe this is a record for a Filipino journalist!”


Abangan natin ang bagong docu ni Atom for GMA Public Affairs pa rin na Baby Makers (BM), airing this Sunday, May 25, 3:15 PM on GMA-7.


Anyway, nanalo ng silver sa same award ang Firefly sa Film Feature category at bronze naman ang napanalunan ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) para sa feature ng mining sa Homonhon.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page