top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | June 9, 2025



Photo: Heart Evangelista - IG Story


May mga nagre-react sa pagpasok ni Heart Evangelista sa Bahay ni Kuya (BNK) bilang bagong houseguest. Masaya at natutuwa ang mga fans ni Heart na mapanood siya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition kahit ilang araw lang at hindi na lang daw nila ito mapapanood sa reels video sa Instagram (IG) nito.


Makakapag-share na raw si Heart ng fashion and beauty tips sa female housemates, lalo na kina Charlie Fleming at AZ Mendoza na parehong girl crush siya. 


Mawi-witness naman daw ng male housemates kung bakit fashion icon ang misis ni Senate President Chiz Escudero.


Samantala, may mga worried naman kung paano masusunod ni Heart ang bathroom rule sa Bahay ni Kuya na hanggang 5 minutes lang ang shower. Ang dami raw seremonyas ni Heart before and after shower at kulang ang five minutes sa kanya.


May netizens na inaalala naman ang food sa BNK dahil limitado at diet yata si Heart. Saka, mas marami raw sitsirya na hindi yata nito kinakain. Mas marami ang curious kung paano magsu-survive si Heart.


May mga nag-akala namang diversion tactic ang pagpasok ni Heart sa BNK dahil sa isyu kay Senate President Chiz, bagay na mabilis inalmahan ng fans ng aktres-model dahil wala raw itong kinalaman sa pulitika.


Whatever the reason sa pagpasok ni Heart Evangelista sa BNK, hindi maikakailang pasabog ito at marami ang manonood — fans man o bashers niya o ng asawa niyang si SP Chiz Escudero.



May disclaimer si Dingdong Dantes na, “Ito ay hindi isang reaksiyon, ito ay isang tugon.” 

Tungkol ito sa proposed Senate Bill 2805 expanding the mandate of the MTRCB na maglabas ng guidance at classification pati sa digital platforms.


Si Senator Robin Padilla ang nasa likod ng isinusulong na batas at sa statement nito, nilinaw niyang hindi tungkol sa pagbabawal ang batas, kundi tungkol sa pag-aalaga.


Kabilang nga sa nag-react ang grupong AKTOR na pinamumunuan ni Dingdong at nanawagan sila na itigil muna ang pagpapatupad sa Senate Bill 2805 at bigyan ng panahon na magkaroon ng dialogue between the legislators at mga taga-industriya.


Sa nag-comment na si Robin ang dapat na unang kinausap ni Dingdong at ng AKTOR, sagot ng mister ni Marian Rivera, “Kausap po namin ang kanyang opisina at bukas naman s’ya sa isang dialogo. Nauunawaan ko ang kanyang mandating na protektahan ang publiko, ngunit ang nais ng mga komunidad ay balikan muna ang panukala—dahil may ilang delikadong probisyon ito na maaaring makahadlang sa freedom of expression na ginagarantiyahan ng ating Konstitusyon.”


Sinagot ni Dingdong ang tanong at comment ng mga netizens, gaya ng kung gusto talaga ni Robin na maprotektahan ang viewing public, dapat mawala muna siya sa Senado at sa eksena.


Sagot ni Dingdong, “I think Senator Robin’s intentions are grounded in the sole mission of protecting the general public, ay ‘yan naman talaga ay kasama sa kanyang mandato. But there are parts of the current bill that raise valid concerns, especially from the creative community.


“Nakatrabaho at nakasama namin s’ya sa Eddie Garcia Bill, na siyang isa sa mga lead proponents... I know he’s someone who listens and values collaboration. Kaya hopeful ako that he will take the industry’s concerns into account as we all try to find the right balance between protection and creative freedom.”

‘Di raw maka-level… BEA, NAGSE-CELLPHONE NA LANG SA HARAP NG PAMILYA NI VINCENT CO


HINDI namin maintindihan kung bakit pinoproblema ng ibang mga netizens ang magiging status ni Bea Alonzo kapag ikinasal na siya kay Vincent Co. Paano raw pakikibagayan ng aktres ang pamilya ni Vincent na traditional Chinese? Mag-aaral daw ba ng Chinese language si Bea para makasali sa usapan ng mga Co na sigurado raw, in Chinese kung mag-usap.


Pati ang pagpapalaki sa magiging mga anak nina Bea at Vincent, pinoproblema na ng mga netizens na for sure, bashers lang ni Bea. 


Ang parents daw ni Vincent ang magpapalaki sa magiging mga anak nila dahil ito ang

praktis ng mga Chinese.


Very advanced mag-isip ang mga netizens at pati hindi problema, ginagawang problema.


Pati nga ‘yung photo na nagse-cellphone lang si Bea habang kaharap ang mom and siblings ni Vincent, binigyan ng ibang meaning. Baka raw masamain ng mom at sister ni Vincent ang ginawa ng aktres.


May nagsabi naman na feeling awkward daw si Bea dahil ‘di siya ka-level ng pamilya ng BF kaya ganu’n siya.


Samantala, majority ay masaya para kay Bea Alonzo. Nasa tamang tao na raw ito at wish nilang endgame na sila ni Vincent Co. Ang marriage proposal at wedding na lang ang hinihintay nila.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 8, 2025



Photo: Jak Roberto - IG


Hindi lang pala bago ang bahay ni Jak Roberto, may bago rin siyang car at proud ang aktor na ipinost ang kanyang Hybrid Electric Vehicle. 


Sa reels video, maririnig ang voice over ni Jak na wala raw coding ang bago niyang car dahil electric at kaya siguro niya binili.


May picture pa si Jak na naka-park sa bahay niya ang car at makikitang tapos na ang ipinagawa niyang bahay. Ibig sabihin, sinabayan niya ng bagong car ang bago niyang bahay. Ang sarap siguro ng pakiramdam ni Jak na may bago siyang bahay at sasakyan.


Sa isang post ni Jak with his new car, ang caption ay “New Life,” at ang mga comments ay kino-congratulate siya at deserved daw niya ang magagandang nangyayari sa kanyang buhay. 


Dahil limitado ang puwedeng mag-comment sa post ni Jak sa Instagram (IG), walang nakalusot na comment tungkol sa kanila ni Barbie Forteza.


Kabilang ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez sa masaya para sa aktor. Sa comment nito na “Ganda! Congrats, Kuya,” “Tara na!” ang sagot ni Jak na ang dating, niyaya niya si Sanya na mag-driving sila.


Anyway, hindi lang pala new car at new house meron si Jak ngayon, may bago rin siyang series sa GMA-7. Isa siya sa mga bida sa afternoon series na My Father’s Wife (MFW) at kasama niya rito sina Kylie Padilla, Kazel Kinouchi at Gabby Concepcion. Sa June 23 na ang pilot nito, kaya abangan.


Masaya ang mga KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa balitang pipirma ng management contract sa Star Magic Philippines si Paulo. 


Teaser pa lang ang ipino-post ng Star Magic na hinahanap nila ang aktor, ang tanong agad ng mga fans, kailan daw ang contract signing?


Ang iba naman, nag-congratulate na kay Paulo at ang kasunod na tanong ay kung ano ang next project nina Paulo at Kim at sana raw, ASAP (as soon as possible). 

May kinikilig namang nagtanong kung sabay bang pipirma ng kontrata sa Star Magic sina Paulo at Kim?


Hindi kami sure kung pumirma ng kontrata si Paulo sa Star Magic nang lumipat siya from GMA Network. Ang alam namin, ang LVD Management ni the late Leo Dominguez ang matagal na nagpatakbo ng kanyang career at natigil lang nang pumanaw si Leo.


Anyway, abangan ang contract signing ni Paulo sa Star Magic at ilalatag naman siguro ang mga gagawin niyang projects sa ABS-CBN. Sigurado namang may follow-up projects sila ni Kim.


Naaliw lang kami sa comment na kapag nasa Star Magic na si Paulo, hindi na puro project ni Joshua Garcia ang kanilang mapapanood.



MAY mga pabirong nagreklamo kung bakit isinabay ng GMA ang airing ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLCS) sa pasukan. Ang haba raw ng bakasyon, bakit hindi doon ini-schedule ang airing ng fantaserye.


Hindi raw kasi sila papayagan ng parents nila na magpuyat sa panonood ng Sang’gre dahil may pasok.


Pero, hindi naman very late ang time slot ng fantaserye dahil 8:00 PM ang airing nito after 24 Oras. Siguro naman, papayag ang parents ng mga Encantadiks (fans ng Encantadia) na pagkatapos na ng airing nito sila matulog.


Excited ang Encantadiks dahil bago ang mga Kapuso actresses na magbibida sa Sang’gre sa pangunguna ni Bianca Umali. 


Kasama niya sina Angel Guardian, Faith da Silva at Kelvin Miranda. Ngayon lang may lalaking Sang’gre, kaya gusto siyang matutukan at sa tindi at tagal ng training ni Kelvin, hindi nito bibiguin ang nag-aabang sa kanya. Gagampanan nito ang karakter at role ni Adamus, ang may hawak ng Brilyante ng Tubig. 


Naalala ng mga fans, ang mga naunang gumanap na Sang’gre na may hawak ng brilyante ng tubig ay kumakanta. Tanong nila kung kakanta rin dito si Kelvin.


Malaki ang pasasalamat ni Kelvin sa pagkakasama niya sa ETLCS dahil dati, pinapanood lang niya ang fantaserye, ngayon ay kasama na siya at isa sa mga bida. 


Dahil sa malaking tiwala ng GMA, ginawa nito ang kanyang best para mahusay na magampanan si Adamus. Para rin daw hindi ma-disappoint ang Encantadiks.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 7, 2025



Photo: Julia Montes - IG


Open na talaga si Julia Montes na pag-usapan ang relasyon nila ni Coco Martin at sa interview nito kay Karen Davila, napag-usapan ang mga girls na umaaligid at nagpapa-cute pa rin kay Coco. Ito ay kahit alam na may Julia Montes na ang actor-director-producer.


Heto at may message si Julia sa mga girls na nagpapapansin pa rin kay Coco.

“Nu’ng bagets ako, insecure. Coco Martin is Coco Martin, maraming umaaligid, alam n’yo na kung sino kayo,” sey ni Julia na sayang, hindi nagbanggit ng clue.


“But over time, those feelings faded, thanks to Coco’s consistency and character. I am just lucky na iba ang values ni Coco. Si Coco ang nag-secure sa ‘kin. S’ya, trabaho tapos uwi, tapos lahat ng bagay, ikinukuwento n’ya lahat sa ‘kin,” banggit ni Julia.


Ayon pa kay Julia, best friends din sila ni Coco, bukod sa mag-partner at ito ang nagpa-secure sa kanya. Kung nag-aaway nga raw sila, hindi sila nagsisigawan. 


“We choose to focus on respect rather than each other’s faults. Pareho kaming calm people, kaya ‘di kami nagsisigawan,” ayon pa kay Julia Montes.



‘POPULAR now’ ang Facebook (FB) status ng beauty contest candidate na si Chella Grace Falconer dahil inakalang siya ang mom ng baby boy ni Tom Rodriguez na si Korben. 


Itinanggi at nilinaw ni Chella ang isyu sa pamamagitan ng post sa FB na, “Hi everyone! Just to clarify, I’m not Tom Rodriguez’s girl, so let’s stop spreading false rumors.”


Ang naging basehan sa maling akala ay dahil sabay daw nag-post sina Tom at Chella ng tungkol sa baby nila. Kaya lang, ang post ni Tom, kasama ang mom ng baby boy niya, nakatalikod nga lang. Si Chella naman, ipinakita ang mukha at ang kanyang baby.


Magkaiba ang pangalan ng 2 babies, kaya paano napagkamalang baby ni Tom ang kay Chella? Korben ang pangalan ng baby ni Tom at Trevor ang pangalan ng baby ni Chella.


Saka, 2024 na nanganak si Chella at may baby na raw ito nang sumali sa 2025 Miss Universe kung saan, she represented Cebu province, pero umatras din sa beauty pageant.


Pinansin din ng mga netizens na magkaiba ang body built nina Chella at partner ni Tom, kaya malayong si Chella ang mom ng baby ni Tom. 


Sey ng mga netizens, may nadamay sa post ng aktor na nakatalikod ang partner niya. Kaya ang face at name reveal lang daw ng partner nito ang kanyang gagawin para hindi na madamay si Chella.



SINA Rabin Angeles at Angela Muji ang bagong love team na pinagkakaguluhan, tinitilian at kinakikiligan ng mga fans ngayon. 


Nagulat kami sa laki at lakas ng fan base ng dalawa na sumuporta sa kanila sa mediacon ng bago nilang series na Seducing Drake Palma (SDP).


Mula nang lumabas sa stage ang dalawa, tuwing sumasagot sa mga tanong at hanggang natapos ang mediacon, walang tigil ang sigawan ng mga fans. May kasamang kilig ‘yun at nagkatabi lang ng upuan sina Rabin at Angela, nagkagulo na. 


Nag-effort pa ang mga fans na bigyan ng flowers ang dalawang bida na kanilang ipinagpasalamat.


Sina Rabin at Angela nga ang mga bida sa Wattpad sensation na SDP na streaming sa Viva One simula June 15. May 120 million reads na ang isinulat ni Ariesa Jane Domingo o “Beeyotch,” her pen name at kung manonood lahat ‘yun, big hit ang first lead project nina Angela at Rabin.


Nabanggit din ni Direk Crisanto Aquino na nagulat siya sa engagement nang ilabas ang teaser ni Rabin. Within 24 hours, may 2.4 million na agad. Nang ilabas ang teaser with Angela, umabot sa 4 million+ ang engagement. Kaya, expect natin na maghi-hit sa Viva One ang series at masusundan ng maraming projects ang mga bida.


Inamin ng mga bida na kabado sila, at may konting pressure sa outcome ng series. Hindi naman papayag ang kanilang mga fans na hindi mag-hit ang series. 

Sey din ni Direk Cris, “Mahusay sina Rabin at Angela, effortless ang pagpapakilig nila, maganda ang story, at magaling sila. Wala silang dapat ika-pressure.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page