top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | October 27, 2025



BIDA - SOFIA, UMAMING 4 YRS. NA-BULLY NG KATRABAHO_FB Sofia Pablo

Photo: FB Sofia Pablo



May pasabog agad si Sofia Pablo sa first day ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab (PBBCCE) Edition 2.0 nang ikuwento sa co-housemate na si Lella Ford (sister ni Daniel Padilla) na siya ay na-bully nang apat na taon. Nang tanungin ng kausap kung sa school siya na-bully, ‘work’ ang sagot nito. 


“Work, kaya mas mahirap,” sey pa niya.


Nang tanungin uli kung bakit matagal ang pambu-bully sa kanya, sagot ni Sofia, “Mahaba ang project.”


Walang binanggit na pangalan si Sofia kung sino ang nang-bully sa kanya at wala rin siyang binanggit na project. Kaya lang, nahulaan agad na si Jillian Ward ang tinutukoy niya at Prima Donnas (PD) ang sinasabing project.


Comment ng mga fans, sana pinangalanan na lang ni Sofia na si Jillian ang tinukoy niya at hindi na blind item ang pagkakakuwento niya. 


Ibig sabihin nito, hindi pa rin okay sina Jillian at Sofia kahit sinabi nilang nagkaayos na sila. 


Gusto tuloy malaman ng mga fans kung ano’ng klaseng pambu-bully ang ginawa ni Jillian kay Sofia at sana raw, itinuloy na niya ang kuwento para hindi sila nabitin.


May mga nag-request naman sa PBBCCE na maging house guest si Jillian para magkita sila ni Sofia at magkaalaman na. Sino raw kaya sa dalawa ang hindi papayag na magkita at magkasama sila sa Bahay ni Kuya?


Sa mga comments, hindi nagustuhan ng mga netizens na sa first night pa lang ng PBB ay may pasabog na agad si Sofia. Hindi raw nito sinayang ang oras at nagkuwento at nag-drama agad.


Tingnan natin kung masunod ang ipinaplano ng mga fans ng PBB na dahil sa ginawa ni Sofia Pablo ay i-first evict daw nila ito. Hindi naman siguro papayag ang mga fans niya at fans nila ng ka-love team niyang si Allen Ansay, kaya kaabang-abang ang journey nito sa PBB.



SA post pa lang ni Rita Daniela na, “Thank you God for everything. Thank you, God for blessing me with people who have great hearts who have been helping me and still believing in me no matter what.


“The justice I received today is not just for me. This is also for all the women and men who were abused, harassed and molested that didn’t have the voice and platform to fight for their own rights.


“So, I am celebrating this justice with you. Today, we all won. We won. God loves us.”

Pinuri ang pagiging matapang ng singer-aktres na i-pursue ang kanyang kaso. Sana raw ay marami pa ang ma-inspire sa kanya na mga biktima. Deserve raw niya ang justice na dumating sa kanya.


May dagdag na post si Rita na, “If He gave you the vision, He’ll give you victory.”

At speaking of Rita, panalo rin ang love life nito sa piling ng boyfriend na si McClaude ‘MC’ Guadaña, isang basketball player. May mga nainggit sa sweetness ng magdyowa kahit short convo lang. 


Nag-comment si Rita ng ‘Love’ sa Instagram (IG) post ng boyfriend na sinagot nito ng “@missritadaniela paparapapa... love kita.”



KAHIT nasa bakasyon sa Chicago, tumakbo pa rin si Barbie Forteza sa Halloween Hustle run. Sa 5.02 km, tinakbo niya ito sa loob ng 35m 31s kaya proud sa kanya ang mga kapwa-runners.


Biro nga sa kanya ni Kristoffer Martin, international runner na siya, at marami ang nag-congratulate. Hindi pinagpawisan ang aktres sa kanyang pagtakbo dahil malamig sa Chicago.


Nag-away lang ang BarDa fans nina Barbie at David Licauco at mga shippers nina Barbie at Jameson Blake dahil nag-heart react si Jameson sa post ni Barbie. Patunay daw ‘yun na hindi lang nami-miss ni Jameson si Barbie kundi in a relationship na sila.

Pumalag naman ang BarDa fans dahil kay David lang daw si Barbie. Sagot ng mga fans ni Barbie, may girlfriend na si David kaya fake news ang sa kanila ng aktres. 

Sabi naman ng isa, mabuti pa si Jameson, may pa-heart sa post ni Barbie, si David daw ay dedma.


Para matigil na ang pukpukan ng dalawang kampo ng mga fans, hintayin na lang daw nila na magkaroon ng relationship reveal sina Barbie Forteza at Jameson Blake. Isunod na rin daw ang pag-amin ni David Licauco sa non-showbiz girlfriend niya.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 24, 2025



BIDA - BARBIE OUT, SHUVEE BAGO NI DAVID_FB Barbie Forteza & BSP

Photo: FB Barbie Forteza & BSP



Biniro ng kanyang mga fans si Barbie Forteza na baka sa pagbabalik niya mula sa USA vacation niya, wala na ang BarDa (Barbie at David) love team nila ni David Licauco, napalitan na raw ng ShuVid love team nina David at Shuvee Etrata.


Dahil ito sa lumabas na photos at reels video nina Shuvee at David sa isang photoshoot for an endorsement. Yes, magkasama sila sa isang endorsement at sa video, kita na kampante agad sila sa isa’t isa at para bang matagal nang magkakilala at magkaibigan.


Sabagay, nagkasama na sina David at Shuvee nang ipakilala si Shuvee bilang new ambassador ng Boy Scout of the Philippines (BSP), na isa ring ambassador si David. Pagkatapos noon, dito sa photoshoot na sila muling nagkita at ramdam pa rin ang pagiging komportable nila sa isa’t isa.


Comment ng mga fans, kung wala lang girlfriend si David at walang Anthony Constantino na suitor si Shuvee, baka may mga nag-ship na sa kanila. 


Hindi maaakusahang inagaw ni Shuvee si David kay Barbie dahil walang romantic relationship ang dalawa, love team lang sila.


At speaking of Barbie, lumipad nga ito pa-Chicago to visit her sister at ang family nito, at nami-miss na ng aktres ang kanyang pamangkin. Sa isang interview, sabi ng aktres, magre-recharge muna siya after ng sunud-sunod na projects. Pagbalik, magpo-focus na uli siya sa trabaho.


Nabanggit nito na puro pelikula muna ang kanyang gagawin, wala munang teleserye. 

Umaasa ang BarDa fans na isa sa mga gagawing pelikula ni Barbie Forteza ay ‘yung pagtatambalan nila ni David Licauco.



Wala raw sa tono ang gitara…

ALJUR, NAG-POST NG VIDEO NA KUMAKANTA, INULAN NG PAMBA-BASH



NAKAKATAWA ang mga netizens, puro bashing at nega comments kay Aljur Abrenica dahil sa ipino-post nitong video na kumakanta, pero panood naman sila nang panood.


Sample ng not-so-nice comments, “Ikaw na naman,” “Talaga naman, umisa pa s’ya,” “‘Di ka pa rin tumigil,” “Tigil na tatay of 4 (Aljur),” “Sino ba kasing request nang request?” “May pasok pa kami bukas,” “Wala sa tono ‘yung gitara,” at “Tama na po.”


Marami pang comments na, in fairness kay Aljur, hindi niya idine-delete. May nag-comment tuloy na inaasar daw ng aktor ang mga bashers niya sa patuloy nitong pagpo-post ng mga videos niya na kumakanta.


May mga dumedepensa rin kay Aljur at sabi nila, kung ayaw nilang marinig itong kumanta, huwag nilang bibisitahin ang Instagram (IG) nito. 


May comment pa na magaling naman kumanta si Aljur, bakit marami ang mga bashers — at ang mga bashers niya, hindi naman marurunong kumanta.

Dagdag pa ng supporter ni Aljur Abrenica, at least, kumikita ito sa pagkanta-kanta niya dahil may mga gigs siya. Minsan nga, sa ibang bansa pa.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 23, 2025



/FB Yassi Pressman & Coco Martin

Photo: FB Cristine Reyes



Sinukatan na si Kathryn Bernardo para sa wax figure niya sa Madame Tussauds sa Hong Kong. Sa interview, nabanggit niyang excited siyang makilala ang kanyang twin. Hindi raw siya makapaniwala na magkakaroon siya ng wax figure.


“Up until today, hindi ako makapaniwala na they’re gonna be creating my twin, my wax figure. Hindi ko ito ine-expect na mangyayari. One of my biggest milestones. Nakaka-proud lang na nandu’n tayo. Sana, I’ll be able to inspire our kababayans there (sa Hong Kong). This is a very, very good surprise,” bahagi ng pahayag ni Kathryn.


Sinundan pa ito ng “Kath is finally out of the bag! So excited to finally share this with everyone. Thank you @madametussaudshongkong for this huge honor.”


Sa dami ng masaya at nag-congratulate kay Kathryn, may mga nagtatanong kung ano ang mga achievements niya para magkaroon ng wax figure. Nilatagan tuloy ang mga bitter na nagtatanong kung bakit ang aktres ang napili.


Ipinost din ng mga fans ni Kathryn ang pahayag ng General Manager ng Madame Tussauds Hong Kong na si Wade Chang kung bakit si Kathryn ang napili.


Aniya, “We value our Filipino market and aim to provide them with an unforgettable experience. Kathryn is an inspiring artist who has worked tirelessly to achieve her success. At Madame Tussauds, we honor excellence with a global impact, making Kathryn the perfect choice for our next Filipino wax figure.”

Kaya naman pala…



Anak-anakan, ipinagtanggol sa isyung may rich benefactor… RICHARD KAY JILLIAN: DEDMA KA LANG, INGGIT LANG SILA



Very short na “I love you, Mama” ang caption ni Jillian Ward sa ipinost na photo nila ng kanyang mom, pero marami ang nagpahayag ng simpatya sa kanya. Naantig ang puso ng mga nakabasa sa post na ‘yun ng Kapuso aktres patungkol sa pagmamahal niya sa kanyang nanay.


Isinasali kasi ang mom ni Jillian sa isyung ibinabato sa aktres, dahil lang sa afford niyang bumili ng mga mamahaling bagay. Inaakusahan ang mom ni Jillian na ito raw mismo ang nagbebenta sa anak sa rich benefactor.


Nagpapatayo pa lang siya ng bahay, inisyuhan na si Jillian. Pati pagpe-flex ng biniling luxury cars, inisyu rin sa kanya.


Hindi ba nila alam na bata pa lang si Jillian ay nagtatrabaho na ito? Hindi pa ito marunong magbasa at sumulat, nasa showbiz na siya. Puro drawing lang ang alam nito noong bata pa siya, at nang hingan namin ng autograph, nag-drawing siya ng hindi namin maintindihan kung ano dahil hindi pa nga marunong magsulat.


Siguro naman, nakita ni Jillian ang suporta sa kanya ng mga kaibigan niya sa showbiz.

Pinusuan nina Rodjun Cruz, Kim Rodriguez, Pauline Mendoza, atbp. ang kanyang post. Si Richard Yap naman na nakasama ni Jillian at gumanap na ama niya sa Abot-Kamay Na Pangarap (AKNP) ay nagbigay ng mensahe.


Sey ni Richard, “Don’t listen to what others have to say, anak. They’re all just noise. That just means you’re relevant and they’re jealous. We know how hard you work for what you have. Love you.”


Lalo pa yatang iisyuhan si Jillian dahil sunud-sunod ang mga projects niya. May horror movie siyang KMJS Gabi ng Lagim: The Movie at may action series sila ni David Licauco na Never Say Die (NSD) at marami pa siyang ibang projects.



MASAYA ang mga fans ni KC Concepcion dahil matagal na nilang inire-request na magbalik-showbiz siya. 


Natupad na ang hiling ng mga fans dahil balik-recording na ito, at nakipag-meeting na sa mga taga-Star Music PH.


Kaabang-abang ang sinabi ng Star Music PH na, “She’s back, radiant as ever—and brewing something truly special.”


Excited na ang mga fans ni KC na muli siyang marinig kumanta, at sunud-sunod ang request na sana, balikan na rin niya ang acting. 


Sana raw, gumawa ulit siya ng teleserye at pelikula, lubusin na raw niya ang pagbabalik sa showbiz.


May request din for KC to guest sa ASAP at sa It’s Showtime (IS) before and after the release of her song. 


Ganoon siya ka-miss ng kanyang mga fans, na may rason, dahil matagal na ring nagpahinga si KC sa showbiz at nag-focus sa kanyang jewelry business.


Wala pang further details sa pagbabalik-recording ni KC Concepcion, pero makakaasa siya at ang Star Music ng suporta mula sa mga fans. In fairness, hindi siya iniwan ng kanyang mga loyal supporters.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page