ni Nitz Miralles @Bida | June 30, 2025
Photo: Carla Abellana - IG
Inaabangan ang magiging sagot ni Carla Abellana sa statement ng PrimeWater tungkol sa natanggap niyang notice ng water disconnection sa property niya sa Tagaytay City. Sumagot via statement ang PrimeWater at kasagut-sagot ang laman ng statement.
Either hindi pa nababasa o hindi pa nakakarating kay Carla ang sagot sa kanya ng water provider, kaya wala pa siyang reaction. Puwede ring busy ang Kapuso aktres sa biro nitong first Hollywood movie na kanyang ginawa.
Para mas maintindihan, basahin natin ang post nito sa Instagram (IG) at may voice-over pa nga siya at ikinuwento na nakita niya ang Hollywood actors na sina Brad Pitt at Javier Bardem.
Aniya, “I can finally announce that my first ever Hollywood film appearance is now showing.
“JUST KIDDING! But I did witness the filming firsthand and it was every bit awesome!
“It’s an experience I’ll never forget. I mean, how lucky was I that I got to watch the end of the F1 season at the Abu Dhabi Grand Prix AND watch behind the scenes as they filmed F1 The Movie AND see BRAD PITT & JAVIER BARDEM (among other Hollywood celebrities) working.”
Car racing fan ang aktres at pumunta pa sa Abu Dhabi at nagkataon na shooting ng said movie. Pinanood na rin ni Carla Abellana ang filming ng nasabing pelikula at ibang experience nga naman kung nakapanood ka ng filming.
Nag-post na umiiyak…
VINA: ‘DI KO NA KAYA! MAGSASALITA NA AKO
Tinakot ni Vina Morales ang mga kaibigan at followers niya sa Instagram (IG) dahil sa reels post niya na umiiyak.
Tuluy-tuloy ang iyak ng aktres, nagpapahid ng luha at may caption pa na, “Hindi ko na kaya. Magsasalita na ako.”
Tanong ni Pops Fernandez, “What’s happening?”
May nag-comment naman na tawagan agad siya ni Vina at nagtanong pa kung okay ang aktres.
Si Sunshine Cruz, nag-comment ng heart emojis.
Well, hindi binasa ng mga nag-react agad ang overlay text sa reels na, “Misis ng OFW sa nag-viral na post, nagsalita na.”
Hindi rin nila nabasa ang comment ni Neil Ryan Sese na, “@vina_morales sandali lang, Fela. magpapaliwanag ako.”
Saka lang nag-sink in sa lahat na eksena ‘yun ni Vina sa afternoon series ng GMA-7 na Cruz vs. Cruz (CVC) at nagpo-promote lang ang aktres.
Nang malaman kung para saan ang reels post ni Vina, pinuri ito dahil magaling daw na aktres at katunayan, nadala sila sa husay nito at inisip na may nangyari sa kanya.
Hindi naisip ng mga nag-react na wala namang asawa si Vina, kaya walang manloloko sa kanya. Acting lang po ‘yun at mukhang effective dahil marami ang nagtanong kung kailan ang pilot at kung anong oras para kanilang mapanood.
May mga hindi rin natuwa sa ginawa ni Vina. OA (overacting) raw ang aktres at fake ang pag-iyak. May nag-akalang prank ang kanyang ginawa at may tumawag din sa kanyang ‘papansin’.
May nag-comment naman na gaya-gaya si Vina kay JM de Guzman na nag-post din ng video na umiiyak at isa pa nga si Vina sa mga nag-react at nag-offer na puwede siyang tawagan ni JM kung kailangan ng makakausap.
As a whole, effective ang pagpo-promote ni Vina at muli raw nitong ipinakita na mahusay siyang aktres. Sa halip na kainisan, dapat daw palakpakan siya.
Content creator, durog sa bashers…
MIKI LABARDA, THIRD PARTY DAW KINA MARCO AT HEAVEN, NAGSALITA NA
NAGSALITA na at itinanggi ng content creator na si Miki Labarda na siya ang third party sa breakup nina Heaven Peralejo at Marco Gallo. Kinailangan na raw niyang magsalita dahil nakakatanggap siya ng death threats at hate comments mula sa mga fans nina Heaven at Marco.
Hindi rin daw nagsasalita ang dalawa, kaya siya na ang nagsalita at nilinaw ang isyu.
“I’ve been getting DEATH THREATS and fans of Marco and Heaven’s love team have been overanalyzing every single thing on here (and since no one’s saying anything and I have the free will to stand up for myself).
“GUYS, I’m in a private relationship and I’m not anyone’s new girlfriend for crying out loud,” sabi pa ni Miki.
Ikinuwento nito na nakilala niya si Marco nang mag-reach out ito sa kanya at nagpaturo ng color grade and expose properly. Nagkikita sila pero kasama ang ibang creators to shoot at hanggang doon lang.
Nakakaapekto na raw sa peace niya at nagiging uncomfortable na siya sa pagkakasangkot sa isyu.“You guys need to relax,” payo ni Miki sa mga fans nina Heaven at Marco.










