top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 3, 2025



Photo: Circulated - Carla Abellana IG


May kinol-out na naman si Carla Abellana and same reaction from the netizens, but this time, ang daming kumampi sa Kapuso actress, ang daming naka-relate na naka-experience ng same problem sa kanilang internet provider.


Post ni Carla sa @ (threads), “Dear @convergefiberxers @convergeict, please reach out to me directly. It has been a week since my entire street’s wifi has been down due to the wires that collapsed a week ago. I’ve lost count of how many ticket numbers I have from all the reporting to your bots. We need to speak to an actual human being and we need this issue resolved immediately, please.”


Marami ang sumang-ayon kay Carla in as far as customer service ng Converge is concerned.


Nagpasalamat ang mga kapitbahay ni Carla dahil kapag naayos ang internet connection niya, damay sila. Hindi na raw nila kailangang mag-report dahil ginawa na nito.


Sa nag-comment na hindi nauubusan ng ire-report si Carla, baka ang susunod ay Meralco na ang i-call out nito, siya ang awayin ng mga netizens. Tama lang daw ang reklamo ng aktres at tama lang na siya ang nagrereklamo dahil celebrity siya, pinakikinggan ang reklamo at inaaksiyunan agad.



Nagkaroon ng ballroom dancing sa last night ng wake ni Mommy Caring bilang tribute sa mom ni Ice Seguerra. Mga kasama sa ballroom dancing ang nagsayaw kasama sina Ice at Liza Diño-Seguerra. 


Kuwento ni Liza, may pa-ballroom si Mommy Caring noong araw na pumanaw siya, kaya maaga pa lang, naghahanda na.


Nadala sa ospital si Mommy Caring na naka-rollers ang buhok. Ang suot naman niya sa kanyang pagpanaw ay ang dapat isusuot niya sa ballroom dancing na ang tawag niya ay “Big Night”. Hindi sukat-akalain nina Ice at Liza na papanaw siya noong June 27.


Sabi ni Ice sa kanyang eulogy, hindi siya kakanta, pero kinanta pa rin nito ang Everything I Own (EIO) ng Bread na favorite song ni Mommy Caring. 


Sabi ni Ice, “Singing for my mama one last time. This was your favorite song. Now, it has a whole different meaning for me. Every line captures how I see you and what I’m feeling. I would give everything I own... just to have you back again. I love you so much. For Always. I will miss you forever.”


Nang dumalaw kami sa burol ni Mommy Caring kasama ang ibang press, natanong si Liza kung magpapahinga ba sila ni Ice after ng cremation ni Mommy Caring.


Sagot ni Liza, gustuhin man nila, walang time. Ang daming ganap ni Ice na nagsimula sa release ng new single niyang Shelter of the Broken (SOTB) noong June 28. Sa August 8 naman ang album drop ng Being Ice (BI), ang all-original album niya na collab ng Fire & Ice at Star Music.


May two-night concert pa sa September si Ice at kasama ito at ang album sa 37th anniversary niya sa industry. Baka pagkatapos na ng two-night concert ni Ice sila makapagbakasyon ni Liza.



NAAALIW kami kay Debbie Lopez dahil kinakabahan tuwing may presscon at sinasabi niya ang nararamdaman. Hindi lang namin natanong kung bakit siya kinakabahan, eh, mahal naman siya ng press.


Saka, kapag kumanta at sumayaw na si Debbie, nawawala ang kanyang kaba at ibinibigay ang best niya. Gaya na lang sa 4th presscon niya na post-birthday celebration din niya. Para namang hindi siya kinabahan nang kantahin ang Torn at ang Visayan single niyang Ang Higugmaon Ka (AHK). Lalo na nang sumayaw siya na naka-cosplay ng Sailor Moon.


Sa presscon/launching/post-birthday bash, nabanggit ni Debbie ang kagustuhang pasukin ang acting. Ang feeling niya ay kaya niyang maging sexy comedienne at wish nitong may magbigay sa kanya ng chance sa acting.


Special guest ni Debbie sa kanyang triple celebration ang composer na si Mon del Rosario at ang misis nito. Sabi nito, abangan ang collab nila ni Debbie, “May mga pinaplano kaming project para makabawi naman s’ya. Bagay sa kanya ang romantic ballad.”


Ang tinukoy ni Mon na ‘para makabawi’ si Debbie ay ang malaking halaga na nawala sa kanya dala ng panloloko ng mga taong inakalang kaibigan. Hindi na nito sinagot kung magkano ang nawala sa kanya.


Anyway, may new single na ire-release si Debbie, Undecided Love (UL) raw ang title at galing sa personal niyang experience. Sana sa launching ng single, hindi na kabahan si Debbie kapag muling nakaharap ang press.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 2, 2025



Photo: Jak at Barbie - GMA


Nagkita at nag-usap ang ex-couple na sina Barbie Forteza at Jak Roberto sa 75th anniversary ng GMA noong isang gabi. 


Sabi ng mga nasa event, si Jak ang nakangiting lumapit kay Barbie, binati ang ex na nakangiti ring kinausap siya.


Pinuri ang dalawa dahil naghiwalay nang walang kontrobersiya. Sa simula lang ng breakup nila nagkaroon ng konting ingay, pero mabilis ding nawala. Tila mabilis natanggap ng mga fans na tapos na ang kanilang relasyon.


Dumadalo sa mga events ng GMA sina Barbie at Jak, kung magkita man, hindi sila nag-uusap at nagtitinginan lang siguro. Wala silang larawan na magkasama, kaya hindi alam ng mga netizens kung okey ba sila o hindi.


But this time, nag-usap sila at nakunan ng picture, kaya lang, nakatalikod si Barbie at si Jak lang ang nakaharap sa camera. Okay lang ito sa mga netizens, happy na sila…



NAGSALITA na si Matet de Leon sa rason ng kanyang pag-iyak habang nagla-live selling. Sa TikTok video, nilinaw nito na hindi siya naiyak dahil nahiya sa pagla-live selling, kundi dahil sa masasakit na comments ng mga netizens.


Nagla-live selling kasi si Matet ng Magnolia at Purefoods products at habang nagtatrabaho, may nag-comment ng “Wala na kayong project?” na gustong palabasin na kaya siya nagla-live selling ay dahil wala na siyang project. Nasundan pa ito ng isang comment na, “Suplada ‘to kaya iniwan ni Ate Guy,” na parang gustong tukuyin na masama ang ugali ni Matet.


Hindi nga napigilan ni Matet ang maiyak, pero sandali lang ‘yun dahil after ilang minutes, itinuloy din nito ang pagla-live selling. 


Pinuri ng mga netizens si Matet at kinondena ang mga walang respeto na basta na lang comment nang comment na hindi alam na nakakasakit na sila. Ang mga tao ring ito ang nagsabing walang masama sa ginagawa ni Matet na naghahanapbuhay lang.


Anyway, nagsalita na nga si Matet at tinawag na “walang puso’t napakawalanghiya,” ang taong nagkomento ng hindi maganda.


“Proud ako maging live seller, lalo na sa mga brands na pinaniniwalaan ko,” wika ni Matet. 

Nagpasalamat ito sa mga viewers at mga suki niya na suportado siya at bumibili ng produkto niya tuwing nagla-live selling siya.


“Kahit may pinagdaraanan ka, haharap ka pa rin kasi mahalaga ang trabaho mo, mahalaga ang mga taong naniniwala sa ‘yo,” sabi pa ni Matet.


Ikinatuwa ni Matet na marami ang nagtanggol sa kanya at sila ang umaway sa mga salbaheng commenters. Nanawagan sila ng respeto sa live seller, hindi lang kay Matet de Leon na malinis na naghahanapbuhay.



SA July 5 na sa New Frontier Theater ang finale ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition


Sa dami ng mga fans ng ‘Big 4’ at ng mga evicted housemates, parang hindi magkakasya ang New Frontier sa mga manonood. May pamilya at mga kaibigan pa ang mga housemates. Tanong nga ng mga fans, kakasya raw ba sila?


May nanawagan na sa Smart Araneta Coliseum gawin ang finale, kaya lang, para naman daw masyadong malaki. 


Ang mangyayari nito, pipili na lang siguro ang PBB ng mga fans ng bawat housemates (kasama ang evicted) at ‘Big 4’ na papapasukin sa venue para lahat may supporters.


Isa ang RaWi duo nina Ralph de Leon at Will Ashley sa ‘Big 4’ at nakakatuwa na suportado si Will ng mga fans ni Alden Richards at ng AlDub fans nina Alden at Maine Mendoza. 


Kaya sinusuportahan at pagkakagastusan ng mga fans ni Alden si Will dahil lagi nitong sinasabi na idol niya ang Pambansang Bae na ikinatuwa ng mga fans nito.

Ang AlDub fans naman, kaya suportado si Will ay dahil lagi itong nagtu-tweet tuwing may ganap sina Alden at Maine. Nagpe-pay forward daw sila. 


Katuwa nga dahil ang bawat tweet dati ni Will ay tutumbasan nila ng P100 votes for Will at sa ka-duo nitong si Ralph de Leon.


Anyway, pagkatapos ng PBB, manalo man o matalo ang RaWi duos, may career pa rin si Will. In fact, may pelikula siyang gagawin o ginawa na dahil kasama siya sa cast ng Bar Boys: After School (BB:AS). Nag-audition si Will two weeks bago siya pumasok sa PBB.


Gagampanan nito ang role ni Arvin, isang working law student. Gifted child siya, talented, smart at exceptional. Kaya lang, wala siyang pera, kaya hindi makasabay sa mga mapera niyang classmates.


Kasama sa movie sina Glaiza de Castro, Therese Malvar, Bryce Eusebio, Benedix Ramos at Royce Cabrera. Makakasama rin sa cast ang mga bida sa Bar Boys: After School (BB:AS) na sina Kean Cipriano, Enzo Pineda at Rocco Nacino. 

Si Kip Oebanda ang director ng pelikula.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 1, 2025



Photo: Gov. Luigi at Yassi Pressman - IG


Kasama si Yassi Pressman sa pamilya ng boyfriend na si 2nd District Camarines Sur Governor Luigi Villafuerte sa oath-taking nito at oath-taking din ng mga Villafuerte na nanalo sa midterm elections.


Sa nakita naming photos at reels posted by Gov. Luigi, nasa tabi niya si Yassi at ang GF pa ang may hawak ng kanyang binabasa sa oath-taking. 


Hindi sila naghiwalay at si Yassi ang laging katabi ni Luigi. Belong na talaga sa Villafuerte family si Yassi at may tumatawag na nga sa kanya na First Lady ng second district ng Camarines Sur.


In fairness kay Yassi, pinaghandaan at prepared siyang maging asawa ng pulitiko. Magiliw siya sa mga constituents ni Luigi at higit sa lahat, nag-aral siyang magsalita ng Bicolano and by this time, fluent na siguro siya.


Ang sunod na hinihintay ng mga supporters ng couple ay ang announcement kung kailan sila ikakasal at dapat daw bilisan na nila. Hoping ang mga fans ni Yassi na kapag ikinasal sila ni Luigi, hindi niya iiwan ang showbiz at papayagan pa rin siya nito na magtrabaho.



May sagot na si Carla Abellana sa statement ng PrimeWater bilang tugon sa ipinost niya sa kanyang Instagram account na disconnection notice sa water bill niya sa bahay niya sa Tagaytay. 


Ipinost ng aktres ang statement ng PrimeWater at saka siya sumagot.

Pahayag niya, “Visit my property? When? Spoke with the caretaker? What caretaker? Daily deliveries? Really?”


Siguradong sasagutin ng PrimeWater ang reaction ni Carla at ‘yun ang susunod nating aabangan. Napansin namin, mas kampi kay Carla ang comment ng mga netizens, ituloy daw niya ang laban at suportado nila. 


May nagpatawang comment na baka sa bahay ni Karla Estrada pumunta ang mga taga-PrimeWater na dahilan para sa masayang convo.


Sa nag-comment na feelingera si Carla at lahat na lang may nasasabi, ang nag-comment ang binalikan ng mga netizens. Dapat daw magpasalamat ang ibang customers ng PrimeWater na apektado sa serbisyo nito dahil kasama sila kapag nag-improve ang serbisyo nito.


Ipinagtanggol din si Carla sa mga nagsabing ginamit pa nito ang social media para magreklamo. Kung hindi raw nagreklamo ang aktres sa social media, hindi malalaman ang problema ng tubig sa Tagaytay under PrimeWater.



INAABANGAN na ang announcement ni Sharon Cuneta na may bubuksan siyang candle business.


“I make candles. I LOVE making candles. And I am coming up with my own scented candle line as soon as my new business! But before I do, yes, for those of you in North America, there are special scented candles being prepared by a talented co-candlemaker. 


“I bought her candles and fell in love with them. She is the only one I have authorized to use my name in candles whose scents she has curated. My U.S.-based friend @gricewaxandwicks has come up with scents for me, for you to enjoy. Check out her IG page and website to order. Thanks so much! It’s sealed. She chose Sharon Cuneta x Grice Wax & Wicks.


“When we talked, we clicked. It felt like I’d known her all my life. I’m humbled, overjoyed, and honored.


“She trusts my vision. She trusts my process. And I’ll never take that for granted. And I am ever so grateful.


“It’s an honor to begin this collaboration. Stay tuned for more updates. More reveals. We’re getting closer to launch day.


“But you don’t have to wait. Pre-orders are available now. The link is in my bio. Set your reminders. This is big.”


Marami ang nag-congratulate sa candle business na bubuksan ni Mega at may mga nag-order na. Mas marami pa nito ang bibili kapag nag-launch na at kapag may physical store rito sa bansa.



MAKAKASAMA nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa cast ng bago nilang series na The Alibi (TA) sina Zsa Zsa Padilla, Sam Milby, Rafael Rosell, Robbie Jaworski, Sofia Andres, Angelica Cruz, at John Arcilla.


Dahil madalas nang mapanood ang karamihan sa cast ng series, kay Robbi, excited ang mga fans dahil first acting project ito ng Kapamilya star. 


Marami rin ang natuwa na balik-Kapamilya si Rafael at tiyak silang maganda ang role nito.


on’ daw ang airing nito, ibig sabihin, malapit na kaya abangan!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page