top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | July 13, 2025



Image: Eat Bulaga, It's Showtime at WIl To Win - FB



Wala pang sinabi kung kailan, pero balitang magsasanib-puwersa ang Eat… Bulaga! (EB!) at Wowowin para tapatan ang It’s Showtime (IS).


Back-to-back ang airing ng dalawang shows, mauuna ang EB! at 12 noon at susunod agad ang show ni Willie Revillame at 2:30 PM to 4:00 PM.


Sa reaksiyon ng mga tao, marami ang natuwa at may namomroblema rin dahil paano na raw ang sinusubaybayan nilang afternoon drama sa GMA-7 kapag nagsimula na ang airing ng show ni Willie? Obvious na mga fans ni Willie ‘to.


May mga nagsabi naman na loyal sila sa IS, kaya sila Vice Ganda pa rin ang kanilang panonoorin. 


May nag-suggest na dapat ay may ka-back-to-back din ang IS para mas masaya ang labanan. Dapat daw, may katapat si Willie sa kanyang time slot at pag-isipan ito ng GMA at Kapamilya Channel.


May mga fans naman si Willie na ayaw ilagay ang show nito sa afternoon time slot. Sanay daw sila sa early evening time slot ng show na nagre-relax sila sa harap ng telebisyon.


Under construction pa ang studio na gagamitin ni Willie para sa Wowowin at sa isa pa niyang show. Pero, mabilis na itong matatapos lalo na’t may budget siya at ang TV5. 

Magugulat na lang tayo na eere na ang show ni Willie Revillame at tuloy na ang pagba-back-to-back nila ng EB!.



NAKAKATUWA si Regine Velasquez, pa-bakla ang style ng promo sa Super Divas (SD) concert nila ni Vice Ganda, happening on August 8 & 9 sa Smart Araneta Coliseum. 


Sa latest post nito, ang sabi, “Mga bakla getching na kayo ng dickets!!! (kuha na kayo ng tickets) Super Divas: The Concert.


Tuwang-tuwa naman ang mga bakla (at pati hindi bakla) at ‘yun, nag-usap-usap na kung magkanong tiket ang kanilang bibilhin. In full force raw sila sa concert ng magkaibigan at comment ng isang fan, sa poster pa lang, "it’s giving baklaan vibes,” na raw.


Samantala, proud si Regine na siya ang napili ng mWell to sing the company’s wellness anthem. Ipinost nito ang video at isa sa mga ikinatuwa ay original song ang I Am Well.


Ang mWell ang Philippines’ first fully integrated health and wellness app. Ipapaalala sa anthem ang importance ng self-care. Ang anthem ang simula ng mWell’s latest advocacy campaign at iniimbita ang bawat Filipino to embrace wellness. 


Alam ng kumpanya na mas mabilis makakarating sa mga tao kung idadaan sa kanta at si Regine Velasquez pa ang aawit.



SUMUNOD si Mikee Quintos sa mag-asawang Iya Villania at Drew Arellano na sumailalim sa colonoscopy. 


Marami ang naka-relate dahil sila man daw ay nagpa-colonoscopy din. Taliwas ito sa paniniwalang 50 years old and above lang ang puwedeng magpa-colonoscopy.


Kinaaliwan lang ng mga netizens ang pagpapa-colonoscopy ni Mikee dahil habang groggy pa sa anesthesia, inamin sa ina na may crush siya. Nabitin ang nakapanood ng video dahil hindi binanggit ng aktres kung sino ang crush niya. 


Tinawag din nilang ‘killjoy’ o panira ng trip ang mom ni Mikee dahil hindi tinanong ang anak kung sino ang crush niya. Sana raw, may crush reveal na habang lutang pa ang aktres.


Natuwa ang mga netizens kay Mikee, ayun, may 7.1M views na ang kanyang video at nakakatawa ang mga comments sa kanya. Kaya raw pala siya pinatay sa Sang’gre dahil magpapa-colonoscopy.


May update pala si Mikee kung sino ang crush niya, si JK daw na ibig sabihin, si Jungkook ng BTS, na ayaw namang paniwalaan ng mga fans. May ibang crush daw ang aktres na kanilang didiskubrehin.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 12, 2025



Image: Heart Evangelista at Pia Wurtzbach-Jauncey - IG



Isang tao lang ang pagitan at muntik na namang magkatabi sina Heart Evangelista at Pia Wurtzbach nang um-attend sa The Robert Haute Couture Fall/Winter 2025/2026 Paris Fashion Week. 


Galing sa Getty Images ang photo ng dalawa habang nanonood ng fashion show.

Curious ang mga netizens kung nagbatian o nagngitian man lang ang dalawa sa muli nilang “almost” pagkakatabi sa upuan. 


Dahil pareho naman nilang nabanggit na wala silang isyu sa isa’t isa, kaya puwede silang magbatian.


Comment lang ng mga netizens, parang hindi nakita ni Heart si Pia dahil may suot siyang big hat na ang pagkakalagay ay nakatakip sa side ni Pia. Pero, puwedeng-puwede silang magbatian at magkaroon ng small talks kung wala silang isyu.


Naalala ng mga netizens, nangyari na ito sa isa ring fashion show na hindi lang nila matandaan kung Paris o Milan Fashion Week. Isang tao lang din ang nasa pagitan ng dalawa noon at seatmates na sila.


Sabi pa ng mga netizens, kung Filipina ang katabi nina Heart at Pia, siguradong maggi-giveway para magkatabi ang dalawa at nang makapag-usap sila para wala nang isyu.



Paalis si Kyline Alcantara for Italy para magbakasyon kasama ang ilang kaibigan at kasunod nito, pupunta rin siya sa Canada for a show naman kasama sina Ruru Madrid at Ai Ai delas Alas. 


Hindi lang nabanggit ng kausap namin kung after Italy ay babalik pa sa bansa si Kyline o didiretso na sa Canada.


Ang sabi, end of July ang Italy vacation ng isa sa mga bida ng Beauty Empire (BE). Ibig bang sabihin, hindi siya dadalo sa GMA Gala na naka-schedule sa August 2? O, baka palilipasin ang GMA Gala saka aalis?


Gusto ng mga fans ni Kyline na hindi na siya um-attend sa GMA Gala para maiwasan daw na magkita-kita pa sila ng ex niyang si Mavy Legaspi, sister nitong si Cassy Legaspi at parents ni Mavy na sina Carmina Villarroel at Zoren Legaspi. 

Kaya lang, matagal na ang isyu nina Kyline at Mavy and by now, nakalimutan na nila ang pain na dala ng kanilang breakup.


Samantala, sa interview kay Kyline ni Nelson Canlas sa 24-Oras, without mentioning the name of Kobe Paras, sinagot nito ang tanong na “How is your heart now?”


Sagot niya, “My heart is good, it’s better now definitely, with the help of everyone around me.” 


Ang follow-up question ni Nelson ay kung bakit hindi niya sinagot ang mga isyu tungkol sa kanya?


Aniya, “Because... nasaktan mo man ako, I will always show grace. And I will never fight back publicly and I will never speak up about what is happening in my private life because I do not owe the world my heartbreak, sa akin ‘yun.”

Ayon pa kay Kyline, hindi siya naniniwala sa revenge at nilinaw na public figure man siya, hindi siya public property.


“It hurts, it hurts so much, na parang napakadali ng mga tao na i-judge ako,” at sa sinabi niyang ito, ramdam ang sakit na naramdaman, hanggang ngayon pa yata. 

In fairness kay Kyline, ang husay nitong sumagot, kaya proud ang mga fans nito sa kanya.


Bago matapos ang interview, humarap siya sa camera at in-assure ang viewers, lalo na ang kanyang mga fans na ‘wag siyang alalahanin. 


“Baka strong woman ‘to,” tumawa saka nag-thumbs up.

Sa Beauty Empire, strong character din ang kanyang ipinapakita at magaling talaga siyang kontrabida. Pinuri nito ang co-star niyang si Barbie Forteza na mahusay daw, lalo na sa mata-mata acting.



IPINAGTANGGOL si Carla Abellana ng mga netizens sa nag-comment na ‘wag na siyang makisawsaw sa usaping-pulitika at mag-focus na lang sa kanyang mga inirereklamo.

Nag-comment kasi si Carla ng “Kaya sa mga politicians d’yan, flaunt pa more. Hindi naman masyado halata.”


Reaction ito ng aktres sa in-expose ni Senator Ping Lacson tungkol sa pork barrel na natanggap o matatanggap ng mga senador at congressmen. 


Nag-react si Carla dahil bilyones ang napupunta sa pork barrel ng mga pulitiko at nag-agree sa kanya ang mga netizens.


May isang nag-comment na, “Carla, shut up,” bagay na hindi na kinailangang sumagot ni Carla dahil ang mga netizens na ang sumagot para sa kanya at umaway sa nagpapatahimik sa aktres.


Mabuti raw na “maingay” si Carla sa mga isyung ganito lalo na at gamit ang pera ng bayan. Pinuri pa nga nila ang aktres na ginagamit ang platform para magreklamo at mag-ingay kesa sa ibang celebrities na puro TikTok lang ang pinagkakaabalahan. Kung ordinaryong mamamayan lang daw ang magrereklamo, hindi papansinin. Kapag celebrity, may sagot agad, at sana, may aksiyon agad.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | July 11, 2025



Image: Kylie Padilla - IG



Hindi naman pala totoo na idinelete ni Kylie Padilla ang post niya ng black and white photo ng hands na magka-holding hands at may caption na: “Lipad na ulit.” Nasa Instagram (IG) pa rin nito ang post na ang dating sa mga nakabasa ay patungkol sa kanyang love life ang photo at caption.


Suportado ng kanyang mga fans ang love life ng isa sa bida ng My Father’s Wife (MFW). She deserves to be happy daw with someone who loves her truly. 


May mga napa-“OMG!” sa post ng aktres at may gusto namang ipakilala na ni Kylie ang boyfriend.


Tinawag na soft launch sa relasyon nila ng boyfriend ang post ni Kylie ng holding hands at sana, ang kasunod nito face at name reveal na. 


Pero marami na ang nakakakilala sa BF ni Kylie, iba lang ‘pag galing sa aktres ang introduction.


Makikita sa photo na may tattoos ang kamay ng ka-holding hands ni Kylie. Ibig sabihin, mali rin ang tsika na nag-break sila ng BF niyang tattoo artist. O, baka nagkabati na sila. 

Whatever! Ang importante, masaya si Kylie Padilla.



Nasa Instagram (IG) Story ni Rhian Ramos ang naganap na grand presscon ng movie nila ni JC Santos na Meg & Ryan (M&R) at maganda ang feedback ng mga netizens. Hindi love team ang dalawa at first time rin nilang magtambal, pero nag-uumapaw ang kanilang chemistry na para bang matagal na silang magkatambal.


Sabagay, hindi tatawaging “Mr. Chemistry” si JC at “Miss Chemistry” naman si Rhian kung wala silang built-in chemistry na kahit sino ang makapareha ay bumabagay.


Kaya hindi rin nahirapan si Director Catherine O. Camarillo sa mga eksena ng dalawa dahil lumabas agad ang chemistry ng mga bida sa latest movie ng Pocket Media Films.

Sa mga gustong mapanood at ma-experience ang kakaibang chemistry at kilig nina Rhian at JC, watch the movie na showing na sa August 6 in cinemas nationwide. 


Kakaibang rom-com (romantic-comedy) movie ito, ‘yung tatatak, pag-uusapan ng moviegoers at marami ang makaka-relate.


Dagdag na ikinaganda ng movie ang theme song na Torete sa version ng Better Days. 

Sabi ni Direk Cathy, sinadya nilang ibahin ang areglo para palabasin sa POV ni Ryan (JC) na natorete ang isip nang makilala si Meg (Rhian).


Samantala, we asked JC kung paano ide-describe si Rhian as an actress in one word at nahirapan itong sumagot dahil marami siyang naisip. 


“Rhian is complex. Feeling ko, marami pa s’yang ilalabas at hindi pa lang s’ya nabibigyan ng role na ipakita ang galing n’ya. Feeling ko, puwede pa s’yang lumalim nang lumalim,” sagot ni JC.


Ipina-describe naman namin kay Rhian si JC bilang leading man at mabilis ang sagot nitong, “JC is generous. Generous human being and a generous actor. Lahat ibinibigay n’ya mapaganda lang ang project. Feeling ko nga, pati pag-iilaw sa shooting, gagawin n’ya kung sasabihin sa kanya. Tinulungan n’ya ako kung paano ko ia-acting ang eksena. He is very open.”


Hindi lang nasagot ni Rhian ang tanong namin kung happy ang ending ng M&R, na dapat daw, panoorin para malaman. Ayaw din nitong ma-preempt ang moviegoers, kaya panoorin n’yo na lang ang isang magandang rom-com movie.



PAREHONG hindi ine-expect nina Andres Muhlach at Ashtine Olviga (AshDres) na this early sa kanilang career at sa kanilang love team, bibigyan na sila ng Viva Films ng pelikula. Kinabahan, pero masaya ang love team sa first movie nila na Minamahal: 100 Bulaklak Para Kay Luna (M100BPKL).


Hindi rin in-expect ng AshDres love team ang mainit na suporta ng kanilang mga fans sa movie. 


Teaser pa lang ang ipinakita, umabot na sa 12 million ang views within 24 hours. Siguradong mas tataas pa ang views kapag official trailer at mismong pelikula na ang ipinalabas.


Sa direction ni Jason Paul Laxamana, in-assure nito ang mga fans nina Andres at Ashtine ng isang magandang pelikula. Kahit matagal nang ipinalabas at kahit hindi na sikat ang AshDres love team ay maaalala pa rin ng kanilang mga fans.

Magsisimula pa lang ang shooting ng movie, may time pa sina Andres at Ashtine na paghandaan ito.


Sabi ni Ashtine, “Nagpo-focus ako sa script, kinakabisado ko na para sa shooting. Kabisado ko na pati ang right emotion sa mga eksena, inaalam ko na.


“Ganu’n din ang ginagawa ni Andres, binabasa at kinakabisado ang script at kinikilala ang karakter niyang si Raffy at pinaghahandaan ang mga eksena nila ni Luna (Ashtine). Ayaw na rin n’yang magpa-pressure at ang pangako, ‘I will do my very best.’”

Bongga!

 
 
RECOMMENDED
bottom of page