top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 5, 2025



Image: Barbie Forteza at Jameson Blake - IG


Pinag-aawayan at pinag-uusapan pa rin ang pagho-holding hands nina Barbie Forteza at Jameson Blake habang naglalakad pauwi pagkatapos ng GMA Gala 2025.

Sa dalawa, si Barbie ang mas na-bash dahil sa ka-love team nitong si David Licauco at tila wala na siyang karapatang makipag-holding hands sa ibang guy.


Pero, hindi lang pala ang holding hands ang sweetness na na-witness kina Barbie at Jameson dahil nakitang hawak din ng aktor ang cape ng gown ni Barbie noong naglalakad na sila. Binitiwan lang ni Jameson ang cape nang makita niya ang glam team ng aktres at ibinigay dito.


Bukod doon, nakita ring ipinasuot ni Jameson kay Barbie ang kanyang coat nang makitang giniginaw ang Kapuso actress, bagay na na-appreciate ng mga fans ni

Barbie. Halata raw na alaga ng aktor si Barbie at wish nilang pangmatagalan ito.

Heto pa, after ng event, hindi agad umuwi ang dalawa, nag-McDo pa sila at marami ang nakakita sa kanila. Ang feeling tuloy ng mga bashers, may kasama sina Barbie at Jameson sa McDo, ‘yun ang kumuha ng video at nag-post.


Lalo pang kikiligin ang mga fans sa sinabi ni Jameson na, “Barbie is a wife material,” na dahilan para mapasigaw ang mga kausap nitong press. 


Kahit sinabi ni Jameson na in general ang gusto niyang tukuyin, nasabi na niya at ang biruan ng press, wala nang bawian.


Nabanggit pa ni Jameson na pareho sila ng likes and dislikes ni Barbie, kaya sila magkasundo. Pareho rin silang bookworm at nagsa-suggest pa si Jameson ng books na magugustuhang basahin ni Barbie.


Sa two first holding hands nina Barbie at Jameson, sabi ng aktor, crowd control ‘yun dahil marami ang nagpapa-picture sa aktres sa marathon. Sa GMA Gala, walang fans na nagkagulo kay Barbie. Ang sinabi raw rason ni Jameson ng holding hands nila ay for motivation. 


Motivation for what? ‘Yun ang hindi naipaliwanag.

So, ano nga ba ang relationship status nina Barbie at Jameson? I guess, we have to ask them again at baka nagbago na ang kanilang sagot after the GMA Gala 2025.



Ang ganda-ganda ni Carla Abellana sa suot na yellow Mark Tumang gown sa GMA Gala 2025, may dala raw itong sariling ring light dahil nakakasilaw ang datingan niya. 

Pare-pareho ang comment na, “Ang ganda n’yo po,” at may tumawag sa kanyang “Belle of Beauty and the Beast,” at “Cinderella.”


May mga nega comments lang na hindi mo alam kung naiinggit o basher lang ni Carla. Ang comment na pangit daw ng color ng gown ni Carla, at may humirit pa na hindi bagay sa age niya, na agad sinagot ng mga fans.


Samantala, sa interview kay Carla sa GMA Gala 2025, kinumpirma nito na nakikipag-date na siya.


Aniya, “I’ve said it naman na before. It’s about time na I open myself to dating, meeting new people. So I decided to try it. There is a second date. We’ll see if there’s gonna be more dates.”

Hindi pa rin binanggit ni Carla kung sino ang naka-date niya at makaka-date uli. May mga tsika na doctor ito, pero hintayin natin na ang aktres mismo ang magpakilala sa kanya… sa tamang panahon.



HINANAP si Rhian Ramos sa GMA Gala 2025 dahil hindi siya um-attend. Tinanong ang leading lady ni JC Santos sa Pocket Media Films na Meg & Ryan (M&R) kung bakit wala siya sa event ng kanyang home network, pero hindi pa niya sinasagot. 


Siguradong isa sa magpapasabog ng kagandahan at kaseksihan si Rhian kung dumalo siya.


Sa mediacon at premiere night nga lang ng M&R movie nila, pasabog na ang gown ni Rhian at ngayon lang namin naisip na parehong red gown ang kanyang suot in both occasion.


Anyway, showing na simula bukas, August 6, ang pelikula sa direction ni Catherine O. Camarillo sa panulat ni Gina Marissa Tagasa. Ang ganda ng pelikula, makaka-relate ang mga boys kay Ryan (JC) at ang mga girls kay Meg (Rhian). Pare-pareho rin ang sinasabi ng nakapanood sa premiere night na malakas ang chemistry ng mga bida.


May mga nagulat sa karakter ni Rhian na liberated at tanong nila, paano siya napapayag ni Direk Catherine na tumakbo sa kalye only in her underwear. ‘Yun ang magic ng director at ganda na rin ng story ng movie.


Sa interview kay JC, nabanggit nito ang “I want to be Tom Hanks.” Ito ay nang sabihin namin na ang mga movies na ginagawa niya ay kapareho ng romance movie na ginagawa ng Hollywood actor.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 3, 2025



Image: Barbie Forteza - IG


Hindi na nakahirit ang basher ni Barbie Forteza sa sagot ng fans nito sa comment niyang malapad at malaki ang butas ng ilong ng aktres at Belo lang ang sagot dito. 


Nakakatawa ang mga sagot na as long as hindi siya nahihigop ng ilong ni Barbie, pabayaan niya ito. 


Mas nakakatawa ang sagot na ‘yung ilong ng basher ang pakialaman nito at tinanong pa kung nakikita niya sa salamin ang kanyang hitsura. Hindi lang daw ang ilong ng basher ang ipaayos, kundi buong mukha niya.


Tiyak na pati si Barbie, natawa sa sagot ng kanyang mga fans sa bashers at kung itse-check ang photo ng basher, tama ang mga fans ni Barbie, wala siyang karapatang punahin ang ilong ng aktres. 


Saka, tanggap ni Barbie ang kanyang ilong at ginagawa pa nga niyang joke kapag binibiro siya ng mga kaibigan.


And speaking of Barbie, nagpasalamat ito sa friend at co-star niya sa Beauty Empire (BE) na si Kyline Alcantara na nag-host ng block screening for her movie P77. Ginawa ang special screening sa Podium.


Kahit daw magkatampuhan pa…

VILMA AT RODERICK, NAGSUMPAANG BFF FOREVER 


PATI si Batangas Governor Vilma Santos-Recto, napa-comment sa trailer ng Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI) na pinagbibidahan ng kaibigan niyang si Roderick Paulate.


Sabi ni Vilma, “Good luck, Dick!!! Told you. Magaling ka talaga sa lahat ng bagay! Napakagaling na AKTOR... HANGGANG NGAYON!! Proud of you my friend! Mga kababayan... nood tayo ng MUDRASTA!!!”


Hiningi namin ang reaction ni Roderick sa comment na ‘yun ni Vilma at nagpahayag ito ng saya.


Aniya, “Happy ako kasi kahit sa gitna ng busy schedule n’ya bilang governor ng Batangas, nakuha pa rin niya akong batiin at mag-wish ng success for Mudrasta. Saka consistent ‘yan sa mga magagandang reaction n’ya sa performance ko. Kaibigan ko talaga ‘yan, eh, kahit bihira kaming magkita, nagsumpaan kami na magkaibigan kami habambuhay. Magkatampuhan man o hindi, basta magkaibigan kami.”


Masaya rin si Roderick sa positive feedback ng mga netizens sa teaser ng comeback movie niya. Wala kaming nababasang negative na reaction at sa halip, tuwa at pananabik na muli siyang mapanood sa big screen.


Mga comments na, “The OG beki is back, the Legendary,” “Lakas maka-throwback sa kabataan natin. Love him with Maricel (Soriano),” “OMG silang 2 ni Carmi (Martin) riot ito,” “Excited ako! Ang saya,” “Panoorin ko ito kasi parte ito ng kabataan ko,” “The one and only. The original,” “Love him. Magaling sa drama lalo na sa kabaklaan. Orig, unique, wala siyang katulad. I will definitely watch this,” ang ilan sa mga mababasang comments ng mga netizens.


Ang ibang netizens nga, inalala ang mga naunang pelikula ni Roderick, inisa-isa nila ang mga pelikulang ginawa nito at ang iba nga, naalala rin ang mga eksenang nagpatawa sa kanila. Kaya, nangako silang susuportahan ang nasabing pelikula.


Sa August 20, 2025 na ang showing ng pelikula sa direction ni Julius Ruslin Alfonso at produced ng CreaZion Studios. Ilan sa mga kasama sa cast sina Carmi Martin, Tonton Gutierrez, Elmo at Arkin Magalona, Ruby Ruiz, Odette Khan at Ms. Celia Rodriguez.


Pinag-aaway ng fans… 

WILL VS. DUSTIN KAY BIANCA


PAPASOK sa Sanggang Dikit FR (SD FR) ang Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Will Ashley at ito ang kanyang first project after lumabas ng bahay. Si Will na ang nagsabi kung ano ang role niya sa action series nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

“Ang magiging role ko po rito para sa Sanggang Dikit ay isang pulis na very composed, prim and proper, at talagang by the book na pulis,” ani Will.

First action series ito ni Will at excited siya sa kanyang role pati na sa mga eksenang kailangan niyang mag-action. Excited din siya to work with DenJen.

“Isang bagay din na nilu-look forward ko rito is makatrabaho si Kuya Dennis and of course, si Miss Jennylyn. It feels good to be back and sobrang excited ako lahat gawin ‘yung mga eksenang ‘yan,” sabi ni Will sa interview sa kanya sa 24 Oras.

Excited na rin sina Dennis at Jennylyn na makatrabaho si Will na napapanood daw nila sa mga clips ng PBB. Ang wish ng mga fans ni Will, magtagal siya sa series at hindi lang bilang guest.

Magaling na aktor si Will Ashley, pero ang mga balita sa kanya ay tungkol sa love triangle nila nina Bianca de Vera at Dustin Yu. Pinag-aaway sila ni Dustin at nag-aaway ang kanilang mga fans sa kung sino sa kanilang dalawa ang mas bagay kay Bianca.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 2, 2025



Image: Shuvee Etrata - IG


Itatampok ang life story ni Shuvee Etrata sa Magpakailanman at in fact, nag-taping na siya ng episode na Pinoy Big Breadwinner dahil bata pa, breadwinner na ng kanyang pamilya ang Sparkle artist. 


Makakasama niya sa episode sina Gabby Eigenmann at Sharmaine Arnaiz sa direction ni Neal del Rosario.


Maganda ang kuwento ng buhay ni Shuvee, siyam silang magkakapatid at kuwento nito, growing up, hindi niya nakitang walang laman ang tiyan ng ina. Lagi raw itong buntis at minsan, tinanong ang ama kung bakit ginawa silang siyam na magkakapatid, eh, walang trabaho ang ama niya.


Marami pang madidiskubre kay Shuvee sa life story nito at masasagot siguro kung bakit siya nakapag-aral sa isang mamahaling university sa Cebu. Iba kasi ang iniisip ng kanyang mga bashers.


Malapit na ang airing ng episode at isasama siguro ang TVC shoot ng first TVC ni Shuvee Etrata at ang naglalakihan niyang billboard sa EDSA.


Feelings, idinaan na lang sa kanta…

ICE, NAGTAMPO SA PADIR DAHIL IPINAAKO SA KANYA ANG PAGIGING BREADWINNER



NAGING emosyonal si Ice Seguerra sa grand media conference ng Being Ice album at Being Ice Live! concert sa parte na isine-share niya ang story ng bawat kanta na kasama sa kanyang album. 


Bawat kanta ay may kuwento at may parte pang naiyak siya. Ito ‘yung ikinuwento niyang nagkaroon siya ng tampo sa dad niya thinking na he was not providing enough for their family, kaya at three years old, breadwinner na siya.


Ang song na Shelter of the Broken ay para sa depression phase ng kanyang buhay at nagulat kami sa inaming there was a time na gusto na niyang tapusin ang buhay niya. 

Nakadagdag ng kanyang depression ang time na nawalan siya ng work at inisip kung paano bubuhayin ang kanyang pamilya.


Ang ‘Wag Na Lang Pala ay ang pag-aalangan niyang i-pursue ang isang babae bago pa niya nakilala si Liza Diño-Seguerra dahil inisip na baka hindi siya gusto nito. 

May wedding song din siya para kay Liza na hindi nito nabanggit ang title pero kasama raw sa Being Ice album.


Ang Nandiyan Ka ay para sa ama niyang si Daddy Dick at dito na napaiyak si Ice. Nang mawala ang ama, saka niya na-realize ang mga tulong na ginawa nito for his career.

“Nagbebenta s’ya ng CD ko sa mga kaopisina niya dahil uso noon ang piracy. Sinasamahan n’ya ako sa mga gig ko at s’ya ang may dala ng gamit ko. There was one Christmas na hindi ako ang gumastos ng panghanda namin, si Daddy lahat ang bumili at may hamon kami.

Nang mawala s’ya, saka ko naisip ang mga tulong n’ya. Ang naisip ko lang noon, nagtatampo ako dahil ang bata kong breadwinner,” kuwento ni Ice.


May kuwento rin ang pagpili ni Ice kina Gary Valenciano at Vic Sotto na kanyang guests sa first and second night respectively ng two-night concert niyang Being Ice: Live!.


“Si Gary V, bata pa lang ako, idol ko na s’ya. Ginagaya ko s’ya pati ang panginginig ng boses n’ya. S’ya ang pang-check-up ng milestone ng buhay ko. Naging tatay ko siya sa Papa’s Girl at nakasama ko s’ya sa stage. At one point, naidirek ko pa s’ya sa isang event at ginuest niya ako sa concert.


“Si Tito Vic, he’s my second father. He’s like my dad. When I was young, I spent weekends with them, with his kids. Having him, parang paalala na kahit wala ang mga magulang ko, he’s always there,” ani Ice.


Anyway, ang Being Ice album will have a big drop on August 8. Ang Being Ice: Live! naman na isang two-night concert is happening on September 12 and 13. Two nights, two different shows, kaya be sure to watch both nights dahil magkaiba ang sorpresa na ikatutuwa ng mga manonood.


Fans, todo-gaya dahil epektib daw… 

SHARON, NAG-EGG DIET KAYA PUMAYAT


“GAAAHHHH MY MAMA’s BAAACK!!!” ang comment ni KC Concepcion sa ipinost ni Sharon Cuneta na behind-the-scenes sa photoshoot niya for her Mega August cover.


Sa comment ni KC, pati siya ay nagulat at natuwa sa photoshoot ni Sharon na talagang marami ang shocked. 


Hindi lang si KC ang nagulat, pati mga fans at casual fans dahil hindi nila akalain na may ilalabas pa si Sharon. 


Sa mga nagulat (kasama kami), may sagot si Sharon, “Kung nagulat kayo, ako rin! ‘Wag mag-alala, lilipas din ‘yan! Minsan lang! At kinilig ang asawa ko! @kikopangilinan. Parang ‘di yata makapaniwala ako ‘yung asawa n’ya 10 years ago!”


Nakakatuwang basahin ang comment, lalo na ‘yung mga bitter at ayaw yatang makitang payat si Sharon. Ilang beses na nitong sinabing wala siyang tinake na pills, ang kukulit pa rin at ipinipilit ang sa kanila na mali naman.


Marami ang gumaya sa nabanggit ni Sharon na egg diet at nai-share na effective ito. Marami rin ang sineseryoso na ang pagpapapayat mula nang pumayat si Sharon dahil puwede raw pala at naiinggit sila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page