top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | August 11, 2025



Image: Bea at Vic - Circulated - FB



Hindi lang sa Super Divas (SD) concert spotted si Bea Alonzo at ang boyfriend niyang si Vincent Co, spotted din sila sa Araneta City dahil naglakad ang dalawa at pumasok sa isang restaurant sa Gateway Mall 2. 


Ang daming nagpakuha ng picture kay Bea at lahat sila ay pinagbigyan ng aktres.

Kapansin-pansin na lumalayo si Vincent kapag may lumalapit na mga fans kay Bea. Hindi dahil sa takot siyang makunan sila ng larawan, gusto lang nito na bigyan ng freedom ang aktres to interact with the fans. 


Ikinatuwa ito ng mga fans ng aktres, hindi raw epal ang boyfriend nito.

Hindi pa yata kilala ni Vice Ganda si Vincent dahil si Bea lang ang in-acknowledge niya sa concert nila ni Regine. Katabi ni Bea si Vincent, pero hindi siya binanggit ni Vice. Kung kilala ni Vice ang boyfriend ni Bea, siguradong may comment siya o joke sa dalawa.


Anyway, sa video na napanood namin, sa backstage dumaan papasok sa Big Dome sina Bea at Vincent. Hindi pa puno that time kaya hindi sila masyadong napansin. Ang nakapansin lang sa kanila ay ang mga katabi nila in front, sa P15,000 worth ang ticket.


Sa likod ng Smart Araneta Coliseum din dumaan sina Bea at Vincent after the concert. Sa back parking naka-park ang sinakyan nilang SUV at may security pang umalalay sa kanila.


Present din pala si Vincent Co sa 2025 GMA Gala, pero sa Marriott Hotel lang yata siya nag-stay at hindi sumama sa event. Hinintay na lang nito si Bea hanggang matapos ang event.



Barbie, may Jameson… DAVID, SPOTTED NA KASAMA ANG GF SA SIARGAO 


MGA comments na, “Pakasal na kayo,” “Marry her already,” “Beautiful couple,” at “Put a ring on her finger,” ang ilang comments na mababasa sa post ni Rhian Ramos ng anniversary nila ni Sam Verzosa.


Lahat nag-aabang na sa kasal nina Rhian at Sam, mas magandang abangan na lang natin. 


Basta, itinanggi ng aktres na nag-propose na sa kanya si Sam noong nasa UK sila. Nag-attend lang daw sila ng graduation ng isang anak ni Sam at kasama nila ang

mom nito. 


Wala siyang kasamang family member, ibig sabihin, walang marriage proposal na naganap.


And speaking of Rhian, magre-renew siya ng kontrata sa GMA Network bukas. Ibig sabihin, tuluy-tuloy pa rin ang showbiz career niya. 


Sa ngayon, napapanood siya sa Sang’gre bilang ang kontrabidang si Mitena, pero mahal siya ng Encantadiks.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 10, 2025



Image: Sanya Lopez - IG



Birthday ni Sanya Lopez kahapon at 29 years old na raw ang Kapuso actress, pero wala sa hitsura nito na malapit na siyang mag-30. 


May birthday photoshoot si Sanya na ang caption ay Bible verse.

Tanong ng mga fans, Christian na raw ba si Sanya? 


Kami na ang sasagot, parang matagal na siyang Christian kaya Bible verse ang napiling i-caption sa kanyang post.


Sinaway ng ilang fans ni Sanya ang ilang comments na pinapayuhan siyang huwag abusuhin ang enhancement sa parte ng kanyang katawan at mukha.

Maganda na raw siya at hindi na niya kailangan ng enhancement. Halata kasing nagparetoke siya ng ilong.


Sagot ng mga fans ni Sanya, pati birthday nito, ayaw siyang tigilan ng nega comments ng mga walang magawa. Kung wala raw silang magandang sasabihin, manahimik na lang sila na siyang dapat.


Samantala, ang ganda ng comment ng isang fan ni Sanya sa mga haters ng aktres. 

Sey nito, “Her life, her rules. As long as wala s’yang inaapakang tao at hindi n’yo pera ang pinanggagastos. Constructive criticism is acceptable pero those below the belt and bashing, why? 


“Why don’t you focus on building your financial capacity para magamit mo to enjoy your life and afford things you needed rather than throwing hate to someone na wala namang ginagawang masama sa inyo.”


Very well said! Sana, tumahimik na ang maiingay na mga fans. In fairness kay Sanya Lopez, hindi niya idine-delete ang hate comments sa kanya. Nasa isip siguro nito na sige lang, i-bash n’yo ako, basta maganda ako at may pera.



Nag-fangirling si Ms. Charo Santos sa South Korean superstar na si Hyun Bin at maraming fans nito ang nainggit sa kanya. 


Present siya sa fan meet nito, nilapitan pa siya at nahawakan niya ang kamay ng aktor. 

Si Martin Nievera pa ang kumuha ng photos nila dahil aligaga at lutang na si Ms. Charo.

Ini-repost nito ang post ng ABS-CBN na kinukunan sila ni Martin ng photo at ang sabi, “Oh my heart! Thank you my oppa @hyunbinactor.”


Naka-post din sa Instagram (IG) ni Ms. Charo ang more photos nila ni Hyun Bin at may caption siyang: “Crash landed... right into my oppa’s smile,” at “Crash landed into this

moment! I’m so happy to finally meet you Hyun Bin.”


Sa isa pang post, hawak ni Charo ang pillow case na may mukha ni Hyun Bin at mug na may photos ng Korean actor at may kuwento siya.


Aniya, CLOY (Crash Landing On You) saved me during the pandemic in more ways than one. I’ll admit it! I became a mega fangirl and dreamed of meeting Captain Ri one day.

“Five years later, I finally met my oppa. Big thanks to @martinnievera not just for the photo, but for making it happen.”


Sa ipinadalang press release ng CreaZion Studios Artists and Star Magic, ibig kayang sabihin, under ng CreaZion Studios Artists si Ms. Charo Santos-Concio?


Ginastusan ng fans… SHUVEE, MAY ELECTRONIC BILLBOARD SA TIMES SQUARE SA NEW YORK


NILAPITAN ni Vice Ganda si Shuvee Etrata at ang suitor nitong si Anthony Constantino sa first night ng Super Divas (SD) concert nina Vice at Regine Velasquez sa Smart Araneta Coliseum. Ipinakilala ni Shuvee si Anthony kay Vice at naging masaya ang eksenang ‘yun. Pinasayaw pa ni Vice sina Shuvee, Anthony, Ashley Ortega at Mavy Legaspi.


First time pala ni Shuvee na manood ng concert at kina Regine at Vice pa kaya memorable sa kanya. 


Hindi niya kasi afford noon na bumili ng tiket para manood kahit siguro gusto niya ang artist. Ngayong sikat na siya, malilibre na siya sa mga concert tickets.


Nakadagdag pa sa tuwa ni Shuvee na guest si Klarisse de Guzman na ka-duo niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition at sabay silang na-evict.


Napatunayan pala ang lakas ni Shuvee sa mga fans dahil kahit Kapamilya ang majority ng audience sa Big Dome, malakas ang palakpak nang banggitin ni Vice ang kanyang pangalan. Kahit saan nga siya magpunta ngayon, pinagkakaguluhan na siya at kilala ng

Mahal din ng kanyang mga fans si Shuvee. Imagine, may electronic billboard siya sa Times Square sa New York. Isa lang siya sa mga PBB housemates na may electronic billboard sa NYC. 


Bongga ang mga fans, hindi na lang sa Araneta City nila afford maglagay ng banner para sa BigColove happening today, pati na rin sa NYC.


Naiyak sa tuwa si Shuvee sa suporta at pagmamahal ng mga fans. 

“Grabe kayo!” at “A pinch me moment. Thank you mga mahal ko!” na lang ang nasabi nito. 

Sagot ng mga fans, “Mahal ka namin, Shuvee!”


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | August 9, 2025



Image: Bela Padilla - IG



Sa September pa ang showing ng 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) na muling pagbibidahan nina Bela Padilla at JC Santos, pero may kasunod agad na film assignment sa Viva Films si Bela.


Ipinost ni Bela sa Instagram (IG) Story ang script ng A Special Memory (ASM), ang Philippine remake ng Korean movie na A Moment to Remember (AMTR). Kung pamilyar sa inyo ang title ng movie, ito ay dahil naibalita noon na gagawin ito nina Bea Alonzo at Alden Richards. Hindi nga lang natuloy ang dapat sana ay pelikula ng dalawa, pero nag-decide ang Viva na gawin pa rin ang project with a new cast.


Si Bela ang pumalit kay Bea at si Carlo Aquino naman ang pumalit kay Alden at sa feedback ng mga netizens, excited sila sa balik-tambalan ng dalawa.


Unang nagkatambal sina Bela at Carlo sa movie na Meet Me In St. Gallen.

Nag-post din ng behind-the-scene photo si Bela na kuha sa shooting ng movie na ibig sabihin, nagsimula na silang mag-shooting ni Carlo na mula sa direction ni Jerry Sineneng.


Comment ng mga netizens, tama lang na maraming projects si Bela para hindi siya malungkot sa breakup nila ni Norman Ben Bay. 


Sa mediacon ng 100APKS, kinumpirma ng aktres na hiwalay na sila ni Norman at isa sa mga dahilan ay ang long-distance relationship nila na mahirap daw sa kanilang dalawa.

Matagal na sigurong break sina Bela at Norman at parang naka-move on na si Bela dahil glowing ito sa mediacon. Binati pa nga namin ito na duma-Dakota Johnson siya dahil naging kamukha niya ang Hollywood actress. Ang sagot nito, baka dahil sa bangs niya.


Binanggit din ni Bela na open siya for a new love kung may darating sa buhay niya.

“Siguro after I finish the promos first. Why not, I love falling in love. I don’t think there is anything wrong with putting yourself out there,” sabi nito.


May kasunod itong hirit na, “Kaso ‘di na ako marunong mag-date for 2025.” 

Sagot ng press, masasanay din siya kapag may dumating na sa buhay niya.


Anyway, malapit naman na ang showing ng movie nila ni JC Santos, nagsimula na rin silang mag-promote. After this, puwede na siyang makipag-date uli habang ginagawa nila ni Carlo ang kanilang pelikula.


Kaya natagalan bago naglabas ng bago…

ICE, TAKOT NA ‘DI MAGKLIK ANG KANTA


KAHAPON ang release on all music streaming platforms ng new album ni Ice Seguerra na Being Ice


Special project ito sa singer-composer dahil ang eight-track album ay dedicated sa kanyang loved ones, lalo na sa pumanaw niyang mga magulang.


May letter din si Ice sa kanyang mga fans kasabay ng release ng kanyang album. 

Aniya, “This is it. Being Ice, my first all-original album, is finally out in the world.

These are my words. My stories. My truths. I hope they find a place in your heart too. Thank you for waiting. Thank you for listening. Love, Ice.”


Naikuwento ni Ice sa mediacon for his album and Being Ice, Live! concert na kaya siya natagalang magsulat ng sariling kanta ay dahil sa takot. 


“I don’t want to take risk. Baka hindi magustuhan ng tao at maapektuhan ang trabaho ko. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob to write my own songs at ready na ako sa magiging feedback.


“Kung magustuhan, maraming salamat. Kung hindi magustuhan, sulat na lang ulit,” wika ni Ice.


Kinanta ni Ice ang ilang songs ng kanyang new album sa mediacon at magaganda sila, siguradong magugustuhan. Baka nga ma-motivate siya to write more songs after this new album.


Ang songs sa new album ni Ice ay tampok sa second night ng two-night concert niya sa Newport Performing Arts Theater on Sept. 13. Ang first night, Sept. 12, ay Videoke Hits at birthday celebration din niya. Puwedeng makikanta sa first night, kaya watch na.


Para sa mga bibili, may offer na Gold ticket bundle ang Fire & Ice, so dalawang gabi ng Being Ice, Live! ang mapapanood.



PINUSUAN ni Marian Rivera ang post ni Alexa Ilacad na nagpahayag ng tuwa na nakita, nakausap at nakasama sa photo ang favorite niyang Kapuso actress. 


Sabi pa ni Alexa, favorite moments niya sa GMA Gala 2025 ang makita si Marian.

Aniya, “The highlight of my night was seeing my idol, Ate Marian. Soooo kilig!!!! Thank you so much @gmanetwork for inviting me and the whole PBB family.”


Sagot ni Alexa na pinusuan ni Marian ang post niya ay “I love you, Ate Yan.”

Naging dahilan ‘yun para may mga mag-comment na sana magkasama sila sa isang project at siguradong matutuwa si Alexa dahil matagal na nitong pangarap na makasama si Marian. 


Well, itinag ng mga fans ni Alexa Ilacad si Marian Rivera at baka nga matuloy, lalo na’t open na sa collab ang GMA at ABS-CBN.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page