ni Nitz Miralles @Bida | August 14, 2025
Image: Anne Curtis-Smith - IG
Pag-aawayin pa yata ng fake Anne Curtis sina Vice Ganda at Anne sa post nito sa X (dating Twitter) na nag-comment sa joke ni Vice patungkol kay former President Rodrigo Duterte sa Super Divas (SD) concert.
Post ng fake na Anne, “Sometimes ‘yung joke mo, Vice ay hindi na talaga nakakatuwa. ‘Di mo talaga ramdam na nakakasakit ka na ng tao, kahit ‘yun man ang role mo, mag-control ka naman sa mga biro mo. Alam mo ba na iilan din kami na may lihim na galit sa ‘yo? ‘Di ka na lang namin pinapatulan dahil lamang sa respeto. Ang hilig mo magpahiya ng tao, ‘di mo nga alam na marami sa mga contestant na bad trip sa ‘yo.”
Heto ang rebuttal ng totoong Anne Curtis, “Good morning, guys! See you on Showtime today! And siguro naman, by now, alam n’yo na hindi galing sa akin ‘yung post that’s floating around about my sisterette!!! Konting RESPETO naman po.”
Nalaman agad na fake ang post dahil sa spelling ng respeto na ikinorek nga ni Anne. Saka, straight Tagalog ang fake post, eh, kung hindi English ay Taglish magsalita si Anne.
Kahit fake ang post, may mga naniwala pa rin, naging topic sa mga vlogs at naging dahilan para mag-away-away ang mga pro at anti-Duterte.
GUSTO ni Roderick Paulate ang tawag sa kanya na “The G.O.A.T” o “Greatest Of All Time” dahil ‘yun ang tawag ng mga GenZ sa kanya.
Ibig sabihin daw, kilala siya ng mga ito at hindi na lang fans noong ‘90s ang nakakakilala sa kanya. Na-appreciate raw pala siya ng mga kabataan ngayon.
Ang mga fans sa panahon ni Roderick ay “The Legend,” “The Original” at “The Iconic Comedian” kung siya ay tawagin, pero ang GenZ fans, The G.O.A.T ang itinawag sa kanya, na ikinatuwa nito. Ito ay pagkatapos mapanood ang trailer ng movie ng CreaZion Studios na Mudrasta: Ang Beking Ina (MABI).
Nakikipagsabayan din ang GenZ sa pagko-comment na panonoorin nila ang comedy comeback movie ni Roderick na showing simula August 20, 2025. Gusto nilang mapanood ang brand ng kanyang comedy at gusto nilang matawa.
Sigurado ring karamihan sa 9.3M views ng trailer ng movie based sa combined views ng CreaZion Studios pages at ibang channels ay GenZ ang nagpataas.
Madaragdagan pa ang number ng mga views na ito habang papalapit na ang showing.
We asked Roderick’s reaction sa 9.3M views sa trailer ng pelikula.
“S’yempre, nasayahan ako! Kasi sa Facebook (FB) lang, nag-8.8M views na kaya nag-9.3M.
Thank you sa mga netizens na nanood ng trailer ng Mudrasta: Ang Beking Ina.
“Sana lang, ganu’n din ang manood sa sinehan para masaya. Hahaha! Wishful thinking lang. Prayers pa more para sa Mudrasta: Ang Beking Ina,” sagot nito.
Anyway, ibinalita ng CreaZion Studios na may screening ang said movie sa Australia simula Aug. 23. Available na ang tiket para rito.
FACE card pa lang ni Zela ang nakita ni RS Francisco, pumasa na ang singer-songwriter sa panlasa ng isa sa mga bosses ng AQ Prime Music.
Kuwento ni RS sa mediacon, nang makita niya si Zela, sabi agad niya, “‘Yan! ‘Yan!
S’ya ang hinahanap natin,” at paulit-ulit niya itong sinabi.
Lalo pang na-impress si RS nang malamang hindi lang singer si Zela, she writes her songs also. In fact, six songs from her 10-track Lockhart album ang isinulat nito at siya rin ang nag-produce.
Dagdag pa ni RS, “Zela can do everything. Kulang na lang, pati tarpaulin n’ya, s’ya na rin ang gumawa.”
Ang tinukoy ni RS ay ang tarpaulin ng album ni Zela na naka-display sa mediacon na kung ipinagawa sa kanya, for sure, gagawin din.
Talking about the album, Zela performed A.C.E. o Activate Confidence to Empowerment na isa rin sa mga compositions and produced niya. Tunog-banyaga ito at magugustuhan. Mabilis namang mae-LSS o Last Song Syndrome ang mga fans sa Bababa, ang second song she performed, written by Ernesto Carlos Orduna.
Sa tanong kung ano ang edge niya sa ibang P-pop artists,[ sagot niya, “Konti lang ang P-pop soloist and I do everything on my own. I wrote most of my songs, I rap. I can do ballad. I can do any genre. Ang disadvantage naman, it gets lonely sometimes.”










