top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 8, 2025



Matteo Guidicelli - IG

Photo: Marian Rivera sa Stars on the Floor - IG



Pinasaya ni Marian Rivera ang sinumang mananalo sa Stars On The Floor (SOTF) sa announcement niya sa episode ng reality dance competition kung saan isa siya sa mga judges.


Ang unang announcement ng host ng SOTF na si Alden Richards, P1 million ang mapapanalunan ng winning duo, pero ang P500,000 ay ido-donate nila sa mapipili nilang charity. Ibig sabihin, P500K na lang ang mapupunta sa winning team na paghahatian ng duo, kaya tig-P250K na lang ang winner.


Dito na nagsalita si Marian, buo na raw matatanggap ng winning duo ang P1M. 

“Buong P1 million sa mananalo, ‘yung charity, iba na. Klaruhin natin. Ang ibig sabihin, magdo-donate ako ng P500K para buo nilang makukuha ang P1M,” sabi ni Marian.


Sa labis na tuwa, napasigaw at napapalakpak ang mga contestants at siguradong mas huhusayan pa ng mga ito ang kanilang pagsasayaw sa mga darating na episodes, lalo na sa finale.


May mga nagtatanong na nga kung may Season 2 ang SOTF at kung isa pa rin si Marian sa mga magiging judges. 


Gusto nilang sumali dahil sigurado ang mananalo na buo nilang matatanggap ang winning prize.



STREAMING sa Netflix sa September 11 ang Kontrabida Academy (KA) nina Eugene Domingo at Barbie Forteza with Jameson Blake. May fans si Barbie na umalma sa plano ng ilang BarDa fans na magkaroon ng special viewing ng movie nina Barbie at David Licauco na That Kind of Love (TKOL).


Ang feeling ng mga fans ni Barbie, sinasabotahe raw ng ilang BarDa fans si Barbie at ang KA. Ang dami raw ng araw, bakit isinabay pa nila sa streaming ng KA ang kanilang special viewing? Dahil daw ba mas maka-David sila o ayaw nila kay Jameson? 


Ang hindi raw alam ng BarDa fans, si Barbie ang maaapektuhan.

Sagot naman ng BarDa fans, nagsa-suggest lang sila at binibigyan nila ng free will ang bawat isa na mamili kung ang KA ni Barbie o ang TKOL movie nila ni David ang panonoorin.


Isyu ito sa mga fans ni Barbie at ilang fans ng BarDa, at kasunod na tanong, kung may BarDa love team pa raw ba? 


Dahil ito sa absence ni Barbie sa party ni David para sa kanyang 10th year in showbiz. Wala si Barbie sa party at sa video na napanood ng mga fans, tila hindi nabanggit ng aktor si Barbie sa mga pinasalamatan nito na nakasama niya sa 10 years niya sa showbiz kahit kalahating taon lang siya sa journey ng aktres.


Depensa ng mga fans ni David, baka naimbitahan si Barbie at hindi lang dumating. Sa hindi pagbanggit sa kanya nito, baka nakalimutan lang o kaya’y spliced ang video at nawala ang parte na binanggit siya ng aktor.


Sa lahat ng isyung ito, sina David at Barbie lang ang makakasagot. Ang alam ng mga fans, wala man ang aktres sa party ni David, nag-fun run naman siya last Sunday at nag-enjoy. She’s back on running daw.



ANG laki na ng tiyan ni Lovi Poe, wala nga lang makahula kung ilang months na ang kanyang ipinagbubuntis. Baka gulatin na lang tayo at nanganak na pala siya at isinilang na ang baby girl nila ng asawang si Monty Blencowe.


Nasa Los Angeles, California si Lovi, kaya hindi siya mabigyan ng baby shower ng friends niya rito at baka doon na rin siya manganak.


Sa latest reels video na ipinost ni Lovi, sabi nito, she’s all dressed up para sa private screening ng Bad Man (BM), ang movie na ginawa niya sa Amerika.


Aniya, “Finally got to watch Bad Man for the first time since we filmed it—and wow, I couldn’t stop laughing! Such a trip seeing it all come together on screen. It also felt good to reunite with everyone and to share this private screening with the cast, crew, and friends who came to support. Grateful, always. Hope you guys enjoy it as much as we did making it. You can catch it now on Apple TV!”

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 7, 2025



Matteo Guidicelli - IG

Photo: Matteo Guidicelli - IG



Hindi makalimutan ng mga netizens na sinuportahan ni Matteo Guidicelli si former President Rodrigo Duterte kaya nang mag-tweet siya ng “Real change begins with transparency, accountability, and integrity,” ipinaalala sa kanya na sinuportahan niya si Duterte.


May nag-post ng photos niya kasama ang dating pangulo na para bang malaking kasalanan ang ginawa ni Matteo nang makunan ng larawan na kasama at kausap niya si Duterte. 


May mga nag-comment pa na hindi nagsalita ang aktor nang ayaw ipakita ni Duterte ang kanyang SALN at hindi rin daw siya nagsalita sa isyu ng impeachment kay Vice-President Sara Duterte.


Nag-comment lang naman si Matteo patungkol sa flood control issue, pero ibinalik ang pagiging supporter niya ni Duterte. Para bang walang karapatan ang isang Duterte supporter na magsalita at magreklamo sa nangyayari sa bansa ngayon.


Hindi na lang sinagot ni Matteo ang mga comments at reactions sa kanyang tweet.

Naisip siguro nito na wala rin namang mangyayari at lalo lang siyang maba-bash.

And speaking of Matteo at Sarah Geronimo, ang ganda ng plano nila sa itinayo nilang G Music.


Open ang record label nila na matulungang magkaroon ng break at career ang mga bago at batang singers, composers at producers. Gusto rin nilang isulong ang local music sa global market.


Ang unang release ng G Music label ay ang collab ni Sarah at ng SB19 na Umaaligid

Ang G Productions ang producer ng song at concept pala ito ni Sarah. 


Sa interview ng Billboard Philippines sa dalawa, nabanggit na si Sarah Geronimo ang President and Creative Director ng G Music at si Matteo Guidicelli ang Chief Executive Officer o CEO.


Best Supporting Actor sa ibang award-giving bodies… RURU, KA-LEVEL NI DENNIS, BEST ACTOR NOMINEE SA GAWAD URIAN



INI-REPOST ni Ruru Madrid sa X (dating Twitter) ang post ng GMA Pictures na nominated siyang Best Actor sa 48th Gawad Urian para sa pelikulang Green Bones (GB)


In fact, pareho silang nominated ni Dennis Trillo in the same category and the same film. Meaning, ka-level ng husay ni Dennis ang ipinakita niya sa nabanggit na pelikula para ma-nominate siyang Best Actor.


Wala pang comment si Ruru sa kanyang Best Actor nomination sa Urian. Sa Best Supporting Actor siya nanalo para sa nasabing pelikula sa ibang award-giving bodies, pero marami ang nagsabi at naniwala na dapat ay sa Best Actor siya nominado. 


Nangyari na nga, at kahit siguro hindi siya manalo, sobrang tuwa na ni Ruru.

Nasa ibang bansa pa yata ang aktor para sa show nila nina Kyline Alcantara at Ai Ai delas Alas. Kapag na-interview, bukod sa pasasalamat, parang alam na namin ang sasabihin nito na gagawin pa ang best niya para mas gumaling pa sa kanyang craft.



NANGANGAMOY-BIG hit ang movie nina Bela Padilla at JC Santos with Kyle Echarri na 100 Awit Para Kay Stella (100APKS) dahil sold-out ang advanced screening ng Viva Films movie. 


In fact, dapat one-day screening lang ‘yun, pero dahil sa big demand, naging 2 days ang advanced screening at may mga request pang i-extend. 


Maganda ang ginawa ng Viva na back-to-back ang screening ng 100 Tula Para Kay Stella (100TPKS) at 100APKS para ma-refresh ang mga moviegoers sa pinagmulan ng movie ni Director Jason Paul Laxamana, lalo na’t eight years ago pa ang unang Bela at JC movie.


Sabi ni Bela bilang si Stella, “There’s so much I want to say, but it will never be enough. So, I’ll just say thank you.”


Dahil sa demand ng moviegoers sa movie nina Bela at JC, parang hindi aabutin ng walong taon ang Book 3 nito. May naisip na ngang title si Bela at nabanggit na willing at open siya to co-write the story at pati na siguro ang script, basta may go signal ni Direk Jason.


Malapit na ang showing ng 100APKS in cinemas nationwide. Hindi lang ang movie ang magugustuhan, pati na ang OST (official soundtrack) kung saan may two songs si Kyle Echarri.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 6, 2025



Kitty Duterte at Carla Abellana - Instagram

Photo: Kitty Duterte at Carla Abellana - Instagram



May mga nag-unfollow kay Carla Abellana sa Facebook (FB) dahil ini-repost niya ang listahan kung saan kasama sa mga nepo babies si Kitty Duterte, bunsong anak ni ex-Pres. Rodrigo Duterte.


Naka-post ang photos ni Kitty na gamit ang mga branded bags. Walang comment si Carla, ini-repost lang ang post at may mga nag-react na.


Ilan sa mga comments ay nagtatrabaho si Kitty, endorser, at siguro naman ay  deserve nito ang konting luho. 


Konting luho lang dahil hindi naman sobrang mamahalin ang mga bags na nai-feature. Sariling sikap daw ang ipinambibili ni Kitty ng kanyang mga gamit na kinukuwestiyon ngayon.


May nagpayo pa kay Carla na alamin muna kung may trabaho o kung ano ang source of income ni Kitty bago niya sana ini-repost para hindi siya na-bash. 


May naniwala namang admin ng Facebook (FB) account ng aktres ang may hawak ng page niya. Dapat daw itong palitan dahil kay Carla nagagalit ang mga supporters ni Kitty at mga DDS (diehard Duterte supporters). 


As of yesterday, naka-post pa rin sa FB ni Carla ang kanyang ini-repost patungkol kay Kitty.


When we checked Carla’s FB kahapon, may matapang na comment siya patungkol sa lawyer ng mga Discaya na ipinaliwanag kung bakit wala sa garahe ng mga ito ang karamihan sa kanilang luxury vehicles.


“Perfect example of a B*LLSH*T,” ang comment ni Carla at nag-agree sa kanya ang mga followers niya. 


Mas grabe pa ang comments ng mga netizens, pero sa aktres nagagalit ang mga supporters ng mga Discaya. 


Ayaw patinag si Carla Abellana sa kanyang mga comments.



Inaakusahang ginagamit ang pera ng mister… 

HEART, 45 NA ANG ENDORSEMENTS, MAS MADATUNG DAW KAY CHIZ



MAY 45 endorsements na raw si Heart Evangelista at hindi pa kasali rito ang bago niyang endorsement na Fit Flop. Dahil milyones na ang bayad sa kanya sa mga endorsements, hindi nga naman siya magdedepende sa pera ng asawang si Senate President Chiz Escudero.


nga ng mga fans ni Heart, baka mas mayaman pa siya kay Chiz at dahil dito, kaya niyang bumili ng branded things mula sa bags, shoes, clothing, jewelry at lahat ng gamit na meron siya.


May mga kumukuwestiyon kasi kung saan galing ang ginagastos ni Heart sa madalas niyang pagta-travel at pag-attend ng Fashion Week. Ang payo ng mga fans ni Heart sa mga nagdududa, bisitahin ang Instagram (IG) nito dahil ipino-post ni Heart ang lahat ng kanyang mga ganap, pati endorsements.


And speaking of Heart, ibinalita na nitong dadalo siya sa Milan at Paris Fashion Week at siguradong magiging isyu na naman ito sa mga bashers nila ni Chiz. 


Nabanggit pa ni Heart sa interview na nag-beg-off siya sa invite sa New York Fashion Week dahil sa conflict of schedule. Hindi na niya kayang lumipad pa-New York dahil sa Milan at Paris pa lang, toxic na ang schedule niya.



ILANG araw pa lang nakabalik si Shuvee Etrata from Japan for an Acer event, lumipad na naman siya pa-Thailand for a TVC shoot ng isa niyang endorsement. 


Sa December, lilipad naman siya at iba pang endorsers ng Acer pa-Taiwan at baka may mga susunod pang international ganap ang pinaka-busy na Pinoy Big Brother (PBB) housemate.


Si Shuvee rin ang may pinakamaraming endorsements sa mga PBB housemates at maraming ganap dahil pati hosting at sa mga piyesta sa probinsiya, iniimbitahan siya. 

Sa dami ng ganap nito, nabanggit ni Atty. Annette Gozon-Valdes na kahit sila, hindi na nila ito masyadong nakikita.


Matitigil lang ang out-of-town ganap ni Shuvee kapag nagsimula na ang shooting ng first movie niyang Huwag Kang Titingin (HKT) at series na Master Cutter (MC) na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes. 


Pero kung malalapit lang ang imbitasyon, magagawan pa rin ito ng paraan.

Bago lumipad pa-Thailand, dumalo muna si Shuvee sa birthday ni Klarisse de Guzman, ang tinatawag nilang “Mowm” sa grupo nila sa PBB na tinawag nilang Pamilya de Guzman. 


Nakakatuwa na hindi nawala ang closeness nila kahit may kani-kanya na silang tinatahak na career.


‘Kaaliw din na nag-contribute sina Shuvee, Will Ashley, Esnyr at Mika Salamanca sa birthday treat nila kay Klarisse. Wish ng mga fans, matuloy ang sitcom na sila ang cast at ang writer ay si Esnyr — siguradong masaya at nakakatawa.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page