top of page
Search

ni Nitz MIralles @Bida | September 11, 2025



Heart Evangelista / IG

Photo: Heart Evangelista / IG



Ilang araw na ring hindi nag-a-update sa kanyang Instagram (IG) si Heart Evangelista mula nang mapalitan sa pagka-Senate President ang mister niyang si Chiz Escudero, bagay na ikinalungkot ng kanyang mga fans. 


Kahit marami ang nagpahayag ng suporta, understanding at pagmamahal kay Heart, nananatili siyang tahimik sa social media.


May mga comments na, “Always at your back, Heart,” at pinayuhan siyang manatiling “Head up high and keep shining,” pero wala pa ring sagot ang aktres-fashion icon.


Marami rin ang nag-comment ng “We miss you,” at marami ang nag-post ng heart emojis, patunay na mahal nila si Heart at walang nabago sa suporta nila rito.


Malapit na ang Milan Fashion Week at susunod ang Paris Fashion Week. Umaasa ang mga fans ni Heart Evangelista na tuloy pa rin ang pagdalo niya sa dalawang fashion week gaya ng kanyang ibinalita a week ago. 


Alam daw nila na hindi pera ng asawang si Senator Chiz Escudero at lalong hindi pera ng bayan ang kanyang ginagastos sa mga biyahe niya.



“SALAMAT SA MGA KORUP NA PULITIKO AT DPWH, NAKAKAHIYA TAYO SA MATA NG MUNDO” - EDU



Ini-repost ni Edu Manzano ang balitang “South Korea stops P28.7 billion PH loan, citing risk of corruption”.


Comment ni Edu, “Salamat sa mga corrupt na pulitiko at ang DPWH. Nakakahiya tayo sa mata ng mundo.”


Nag-agree si Edu sa nag-suggest na mag-focus ang gobyerno na maibalik ang mga perang ninakaw ng mga buwaya. 


Sagot ni Edu, “Seize their assets and that of their families if their income cannot justify them.”


Sa nag-comment na dapat mag-enact ng tougher laws laban sa corruption, ang sagot ni Edu, “And jail the guilty,” na sinang-ayunan ng marami.


Sa isa pang post ni Edu, may hawak siyang buwaya at sabi, “Magandang hapon, Pilipinas. Meet my pet Bombardino Crocodillo.”


Ang taba ng buwaya at may korona pa, kaya lang, hindi namin matanto kung totoong buwaya ang hawak ni Edu Manzano. 


Ang importante, malakas ang dating nito sa mga netizens at sa mga comments, ramdam mong marami ang galit na tao.



OKEY lang daw kay Sarah Discaya ang panggagaya sa kanya ni Michael V., sagot ng lawyer ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III sa isang interview. 


Hindi raw totoong napikon si Sarah sa panggagaya sa kanya ni Bitoy.


Alam daw ni Sarah na ginagaya siya ni Bitoy at alam nitong ginagawa lang ng komedyante ang kanyang trabaho. 


Dagdag pa ng lawyer, idol pa nga raw ni Sarah si Bitoy at inirerespeto nito ang trabaho ng komedyante.


Baka nga manood pa si Sarah at ang asawa nitong si Curlee Discaya ng Bubble Gang (BG) sa Sunday na airing ang episode ng pag-impersonate ni Bitoy kay Sarah at makikilala siyang si Ciala Dismaya.


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 10, 2025



Michael V bilang Ciala Dismaya at Sarah Discaya - GMA Bblgang, Senate PH SS

Photo: Michael V bilang Ciala Dismaya at Sarah Discaya - GMA BblGang / Senate PH SS



May almost 9K comments na ang ini-repost ni Michael V. na post ng GMA na hearing tungkol sa flood control project. Ginaya niya si Sarah Discaya, pati ang nunal, damit, eyeglasses at pagpa-pout nito, na sobrang kinaaliwan ng mga netizens.


Ipinakilala ni Michael V. ang karakter niya bilang si ‘Ciala Dismaya’ at ang magpo-portray sa karakter ng asawa niya ay si Kokoy de Santos bilang si “Curly.” 


Hindi mapigilan ni Kokoy ang matawa lalo na at consistent si Michael V. sa pagpa-pout.

Kabilang sa mga comments ay ang paalala kay Michael V. na huwag kalimutan ang English o British accent ni Sarah dahil lumaki ito sa England, nag-aral doon at tumira, kaya may accent.


Mapapanood sa Bubble Gang (BG) sa Sunday ang panggagaya ni Michael V. kay Sarah Discaya at pati mga celebrities, excited na mapanood siya at kung ano ang gagawin nito. 


May suggestion pa na gayahin na rin niya ang ginawa ni Sarah na nagkape at kumain sa hearing para mas makatotohanan.


Waiting na ang marami sa nasabing episode para makilala ang iba pang personalidad na sangkot sa flood control corruption at kung sino sa mga ka-Bubbles ang gagaya. 

Isa sa mga inaabangan ay kung sino ang gagaya kay Sen. Rodante Marcoleta at tiyak na riot ito.



Utol ng cong., palaban…

GELA, NAKIPAGSAGUTAN SA MGA NETIZENS MAIPAGTANGGOL LANG NA ‘DI KORUP SI ARJO



Arjo at Gela Atayde - Instagram



Pati Instagram (IG) ni Gela Atayde, sister ni Cong. Arjo Atayde, sinugod ng mga netizens para lang mang-bash at mag-comment ng hate. Hindi sila sinasagot nito, pero limited na ang puwedeng makapag-comment. 


Hindi rin nito idine-delete ang mga hate comments sa kanya at sa kanyang pamilya.


Ini-repost din ni Gela ang pahayag ni Arjo sa lumabas na larawan na kasama niya ang mag-asawang Discaya. Ayon kay Arjo, 2022 pa ang picture at totoong pumunta sa office niya ang mga Discaya, pero quick visit lang iyon at first and last time niyang nakita ang mag-asawa. Wala silang pinag-usapang project o anuman.


Si Gela raw ang pinakamatapang sa Atayde siblings at mukhang totoo dahil sinagot ang mga comments ng mga netizens via TikTok. 

Sa nag-comment na “Budget from Kuya Congressman,” sagot ni Gela, “My paycheck, babe. Kuya’s busy serving, not stealing.”


Sa comment na, “Kaya pala ‘di na s’ya pumapasok ng office n’ya at puro Euro travel,” sagot ni Gela, “Kuya’s income streams are called acting & business, not corruption.”


Sa comment naman na dapat mag-focus na lang si Arjo sa acting at business at bakit pa nag-congressman, sagot ni Gela, “‘Di ba, maraming nangangailangan ng tulong? We help because we can. ‘Pag tumulong, may hanash, ‘pag hindi, kasalanan din. Ano ba talaga?”


May post pa si Gela addressing the issue na kaya pumasok si Arjo sa politics ay para ma-afford ang lifestyle. 


Malinaw ang kanyang sagot, “He didn’t enter politics for luxury, he entered to serve. A foundation can only do so much, but a congressman can push bills, fix broken systems, and make sure taxes actually go to the right places. That’s the kind of change he’s working for. His personal life? His travels? 


“None of your business because unlike others, we can proudly say that it’s the fruit of hard-earned money. Your concern is valid but I think you have the wrong person here. Thank you.”



TINANGGAP ni Bea Alonzo ang imbitasyon ni John Lloyd Cruz na magkita sila kasama si Vincent Co.


Sa post ni JLC na, “Tambay tayo dito sa bahay ‘pag may time kayo ni boss Vincent @bealonzo. Will ask @isabelreyessantos to seek inspiration to cook. Sarap magluto ‘yon,” sagot ni Bea, “@dumpsitegallery Game!”


Ang request ng mga fans, mag-post ng update sina Bea at JLC kapag natuloy ang kanilang pagkikita na magsisilbi na ring bonding time nila. Time rin iyon para makita at makilala ni JLC ang boyfriend ni Bea.


Speaking of Bea, masayang-masaya ito ngayon dahil nakakatayo na ang mom niya na hindi gumagamit ng cane o kaya nakaupo sa wheelchair. Ang mas maganda pa, nakakapagsayaw na rin si Mommy Mary Ann ng aktres.


Maaalalang nabanggit minsan ng aktres na ipagagamot niya ang mom niya sa ibang bansa dahil gusto nitong makatayo at makalakad na uli. Ngayon, hindi lang nakakatayo ang mom ni Bea Alonzo, nakakapagsayaw pa.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 9, 2025



Matteo Guidicelli - IG

Photo: Chiz Escudero at Heart - IG



The day before ma-oust si Senator Chiz Escudero bilang Senate President, may reels video post si Heart Evangelista na may kasamang pakiusap na, “Please be kind.” 

Malungkot ang tono ng video reels at  malungkot din ang boses ni Heart. Sa mga comments, may nagpahayag ng suporta sa kanya.


Tanong ng mga netizens, alam kaya ni Heart na mapapalitang Senate President si Chiz? 

May mga comments pa na mahal nila si Heart. May nagpayo rin na ituloy lang nito ang paggawa ng mabuti at makikita naman ‘yun ng tao.


May mga nagtanong naman kung bakit hindi na siya nag-a-update sa Instagram (IG) at ang last post ni Heart ay 3 days ago pa. 


Depensa ng kanyang mga supporters, nagpapahinga lang ito sa social media gaya ni Sharon Cuneta.


May tanong pa na dahil hindi na si Chiz ang Senate President at balik na kay Sen. Tito Sotto, ibig daw bang sabihin, hindi na si Heart ang head ng Senate Spouses Foundation, Inc. (SSFI)? 


Malamang si Helen Gamboa na misis ni Tito Sen ang mamumuno nito.


Ano raw ang mangyayari sa mga officers ng SSFI na nag-oath-taking kay Sen. Chiz na kinabibilangan nina Ciara Sotto na anak nina Tito Sen at Helen, at pati na ni Frankie Pangilinan na anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon? Mapapalitan daw ba ang mga officers ng SSFI?



Mister na si Cong. Arjo, idinawit sa flood control… MAINE: UNFAIR! TOTOONG MAY KASALANAN, MAKULONG!



SA X (dating Twitter) nag-post si Maine Mendoza ng depensa sa asawa niyang si Cong. Arjo Atayde, pero pati sa Instagram (IG) account nito, sumugod na rin ang mga netizens para i-bash si Maine at si Arjo.


Nag-tweet si Maine ng, “Teka lang muna, those are baseless allegations. Please refrain from throwing hate and personal attacks at him, including me and our family until facts come out. I am with my husband. 


“Wala s’yang ginagawang masama. He has been doing his best to serve the people of his district in Quezon City since the beginning. I sincerely hope and pray that the people who are TRULY responsible will be held accountable and that innocent individuals be spared from this mess. Napaka-unfair.”


Mixed ang mga reactions at comments ng netizens sa tweet na ito ni Maine dahil lalo lang daw niyang ginalit ang mga tao. Sana raw, hindi na lang siya nag-tweet at hinayaan muna si Arjo na magsalita.


Kaya lang, bilang misis, may karapatan si Maine na magsalita at ipagtanggol si Arjo. Lalo na’t sa kanyang IG, kung anu-ano na ang mga sinasabi laban kay Arjo at sa kanya. Inunahan pa nga si Maine na mag-o-off daw ito ng comment box kaya mag-comment na sila habang open pa ang comment box.



Vincent, ‘di kasama ng GF… BEA, DOMINIC AT SUE, SAMA-SAMA SA B-DAY PARTY



FIRST time yatang nagkita ng ex-couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque at nangyari ito sa birthday party ni Dra. Aivee Teo ng Aivee Clinic na parehong pina-patronize ng mag-ex.


Pati nga pagpapakuha ng picture na magkasama ay okay na sa kanila. Ang hindi lang sila ready ay makunan ng larawan na sila ay magkatabi. 


I’m sure, may effort sa dalawa na hindi sila magtabi sa picture taking.

Sa photo na nakita namin, nasa gitna si Bea, samantalang si Dominic at current GF na si Sue Ramirez ay nasa dulo, sa left side ni Bea. 


Ang katabi ni Bea ay sina Maja Salvador at Rambo Nuñez, at si Sarah Lahbati ang katabi nina Sue at Dominic. Malapit din sa kanila si Nadine Lustre.


Pare-parehong nakangiti sina Bea, Dominic at Sue at sabi ng mga netizens, masaya na sila sa kani-kanyang buhay, kaya huwag nang intrigahin pa. 


Ang pinanghinayangan ng mga netizens, hindi kasama ni Bea ang boyfriend na si Vincent Co. Masaya raw sana kung nagkita-kita sila sa birthday party.


Naobserbahan pa nila na parehong white ang suot nina Bea at Sue at curious sila kung nagkita man lang sina Bea at Dominic. Nagkatinginan ba at nagbatian? 


Sana raw, may mag-ispluk sa ibang bisita sa birthday party ni Dra. Aivee.


Ang ikinatuwa ng mga netizens ay ang malamang puwede nang magkita sina Bea

Alonzo at Dominic Roque. Sana raw, masundan pa ang kanilang pagkikita.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page