top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 17, 2025



Cristine Reyes - IG

Photo: Cristine Reyes - IG



Inakalang tinalikuran ni Cristine Reyes si Senator Imee Marcos nang makita ang larawan niya kasama si Naga City Mayor Leni Robredo. 


Sa kanyang Instagram (IG), sabi nito, naging judge siya sa Ms. Bicolandia 2025, isang gabi ng “beauty, grace, and empowerment.”


Sey niya, “Special thank you to the honourable and well-loved Mayor of Naga City, Mayor Leni Robredo, for her inspiring leadership and gracious welcome. Gratitude as well to Raffy Magno of Angat Buhay for taking such good care of us.


“And to Mister G, my quiet anchor and constant calm.”


Ang tinukoy ni Cristine na Mister G ay ang rumored boyfriend na si Atty. Gio Tingson na involved sa Angat Buhay. Ang feeling ng mga netizens, si Atty. Gio ang rason kaya naimbitahan ang aktres sa Naga City at na-meet si Mayor Leni.



Sabay at parehong naglabas ng announcement ang ABS-CBN at GMA Network na mangyayari sa September 18, 2025 (bukas). Magkaiba lang ang accompanying photo at ang caption.


Sabi ng ABS-CBN, “Lalabas na ang sikretong malupit,” na may kasamang pintuan na may nakasabit na number 88. 


Ang version naman ng GMA Network, “We are welcoming you... Tuloy po kayo. 9.18.25.” May kasama itong photo ng bahay-kubo.


Kung sa ABS-CBN, nakasara ang pintuan, sa GMA naman nakabukas ang gate at may mga tanim sa paligid. Kani-kanyang hula ang mga fans kung ano raw ba ang announcement na ito. Bagong collab series ba ito ng dalawang network o ang nababalitang Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Second Edition


May mga balita kasi na sa October na ang simula ng airing nito.


Para malaman, abangan natin ang announcement bukas at kapag totoong PBB Celebrity Collab Second Edition nga ito, marami ang matutuwa. 

Excited ang mga fans na makilala ang Kapamilya at Kapuso na papasok sa Bahay ni Kuya.



BIRTHDAY ni Ice Seguerra today, September 17. Masaya sana na i-celebrate niya ang kanyang 42nd birthday, kaya lang, wala na siyang magulang. Wala na rin ang mom niya, kamamatay lang ni Mommy Caring. 


Kahapon, sa mediacon ng next concert niyang Love Sessionistas: The Repeat (LSTR), naalala nito ang mom niya. First birthday niya ito na wala na si Mommy Caring.


Anyway, ang sipag ni Ice dahil katatapos lang ng two-night Being Ice: Live! concert, ang Love Sessionistas naman ang ipino-promote. Sa October 18, 2025 na ito sa The Theater at Solaire. 


Kasama pa rin niya sina Juris, Nyoy Volante, Sitti, Kean Cipriano, Duncan Ramos at Princess Velasco. Si Ice rin ang stage director ng concert at si Liza Diño-Seguerra ang creative director. 

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 16, 2025



Julia Barretto - IG

Photo: Julia Barretto - Instagram



Pareho pang tikom ang bibig nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa ilang buwan na ring bulung-bulungan na break na sila after ng limang taong relasyon.

Pero ‘ika nga, “When there’s smoke, there’s fire.” 


Usap-usapan din ngayon sa social media na ang Cignal HD Spikers player na si Vanie Gandler ang bagong apple of the eye ni Gerald, lalo’t makahulugan ang naging sagot ni Claudine Barretto na tiyahin ni Julia nang makapanayam ni kapatid Ogie Diaz tungkol sa maingay na pagkaka-link ng Kapamilya actor sa magandang volleyball player.


Ani Claudine, “Basta hindi na ako nanonood ng PVL (Premier Volleyball League),” nang dahil daw sa mga ipinararating sa kanya ng mga ‘babies’ niya sa volleyball tungkol kina Vanie at Gerald."


At kung si Gerald ay nali-link nga sa volleyball player, may nag-chika naman sa aming isang reliable source na big-time businessman na skin care ang business ang bagong dyowa ni Julia Barretto.


At para raw maniwala kami, ipinadala pa nito sa amin ang picture ng big-time businessman na nasa mid-30’s lang. 


Nang sipatin naming mabuti ang hitsura ng guy, guwapo ito at hindi nalalayo sa hitsura ni Gerald dahil bigotilyo rin at lalaking-lalaki ang tindig. May hawig din ito kay John Lloyd Cruz, medyo mas may laman lang kesa sa dating matinee idol na aktor. 


Tinanong namin ang aming source kung gaano na ito katagal na boyfriend ni Julia at aniya, “Recently lang, baka months pa lang.”


Pero nilinaw naman sa amin ng source na hindi ang guwapong big-time businessman ang dahilan ng hiwalayan nila ni Gerald.


May nakapag-chika rin kasi sa amin minsan na bagama’t hindi si Gigi de Lana (na-link din sa aktor) ang girl, totoo raw na may nabuntis na non-showbiz girl si Gerald Anderson.


Pero gusto pa rin naming bigyan ng benefit of the doubt si Gerald dahil hindi naman

tinukoy ng nagtsika sa amin ang pangalan ng non-showbiz girl.


Pero kung true nga na may kani-kanya nang karelasyon ngayon sina Julia at Gerald, ano kaya’ng masasabi ni Bea Alonzo?


May papalit na kaya sa one-liner niyang “Time is the ultimate truth teller?” 

‘Yun na!




Sa ikatlong Bell’s palsy atttack…

FRENCHIE, INULAN NG AYUDA NG MGA BFF





THIRD attack na ng Bell’s Palsy ang nangyari kay Frenchie Dy last February this year. 


First time raw siyang inatake nito nu’ng 9 yrs. old pa lang siya, at dahil batambata pa nga at wala namang stress that time, kaya sabi ni Frenchie, hindi totoong sa stress nakukuha ang Bell’s Palsy disease.


Inamin ng tinaguriang The Power Diva nang makapanayam namin few days ago sa ginanap na mediacon para sa kanyang first-ever major solo and 20th anniversary concert titled Here To Stay na totoong mahirap ang pinagdaanan niya, maging ang recovery period.


Pero ang ikinatutuwa ni Frenchie sa nangyaring ito sa kanya, nakilala niya ang mga tunay niyang kaibigan na hindi nang-iwan sa kanya sa labang ito sa kanyang kalusugan.


Ilan sa mga kaibigan ni Frenchie na tinukoy niyang nangumusta agad sa kanya, nagpadala ng ayuda thru Gcash at moral support ay ang mga kapwa niya singers tulad nina Ice Seguerra, Sarah Geronimo, Erik Santos, OJ Mariano at ilan pa, na talaga namang ikina-touched ni Frenchie.


Malaking bagay din daw ang suporta ng asawa niyang si William at ng kanilang 3 anak na nag-inspire sa kanya para mapabilis ang kanyang recovery.

Hindi naman naapektuhan ang kanyang boses na napaka-powerful pa rin tulad ng kanyang idol na si Asia’s Timeless Diva Dulce.


Sayang nga lang, wala si Ms. Dulce sa ‘Pinas sa mismong araw ng Here To Stay concert on October 24 sa Music Museum at 8 PM, dahil may natanggap na itong singing engagement abroad. Pero nangako naman daw ito ng “next time” kay Frenchie para makapag-collab sila some other time.


Anyway, dahil sa dami ng guests ni Frenchie na mga friends niya sa kanyang Here To Stay concert like Ice Seguerra, Erik Santos, OJ Mariano, Radha, Sheryn Regis, Bituin Escalante, Ala Kim at El Gamma Penumbra, nagbiro ang The Power Diva na front act na lang siya.


Pero siyempre, joke lang ‘yan dahil knowing Frenchie, hindi ito papayag na hindi bibirit sa kanyang concert lalo’t mga biritera at co-Champions nga ang kanyang mga guests.


First major solo concert ni Frenchie Dy ang Here To Stay na mula rin sa first-time producer na Grand Glorious Productions, kaya humihingi sila ng suporta na bumili na ng tiket, dahil ang proceeds nito ay ibabahagi rin sa foundation na tumutulong sa mga biktima ng Bell’s Palsy.


Mula sa direksiyon ni Alco Guerrero ang Here To Stay, 8 PM sa Music Museum on Oct. 24, Friday.


 
 

ni Nitz MIralles @Bida | September 15, 2025



Vice Ganda / IG

Photo: Carla Abellana / IG


Niresbakan na nga si Carla Abellana ng mga supporters ni former President Rodrigo Duterte dahil sa comment niyang “Bullsh*t” sa balitang “Rodrigo Duterte suffering from impaired memory – Kaufman.”


Tinawag si Carla na OA, disrespectful, has been, laos, tumatandang bitter, at “She doesn’t look pleasant” — ilan sa mga reactions sa comment niyang ‘yun.


Kasunod nito, may nagpaalala kay Carla na maging ready na maba-bash siya, maka-cancel at aawayin ng mga DDS (diehard Duterte supporters). 


Pero may handang magtanggol kay Carla, at marami sila. Sila na raw ang bahalang makipagbardagulan sa mga aaway sa Kapuso actress.


Marami ang natutuwa kay Carla na nagpapahayag ng saloobin sa mga social issues at ipagpatuloy daw nito ang ginagawa. 


May paninindigan daw ang aktres, pareho sila ni Anne Curtis. 

Sa tuwa ng isang netizen, napa-comment ng “I love Carla! Eto ‘yung may balls pa sa nakakaraming lalaki, artista man o hindi.”


Hindi naman yata takot ma-cancel o ma-bash si Carla dahil patuloy siyang nagko-comment at nagpo-post tungkol sa corruption. Ito ay kahit pati handcrafted soap business niya ay idinadamay. ‘Dugyot soap’ daw ang ginagawa ni Carla Abellana. 


May nanawagang i-boycott ang gawa niyang sabon. Sa sobrang galit, may nag-comment pa ng “Isaksak mo sa baga mo ‘yan,” at may tumawag sa kanya na “Bullsh*t.”




Marian at Anne, iniwan katabi ng aktor…

MAINE, TINANGGAL SA PIKTYUR KASAMA SI ALDEN



MAY paliwanag ang mga fans ni Alden Richards kung bakit in-edit out nila ang photo ni Maine Mendoza sa publicity material na inilabas ng Vivo Philippines na magkasama sina Alden at Maine. Iniiwas lang daw nila si Alden sa mga iko-comment ng mga fans ni Maine na kaya napasama ang aktor sa pagiging endorser ng Vivo ay dahil kay Maine.


At least, wala raw gulo dahil ang iniwan nilang kasama ng aktor sa pubmat ay sina Marian Rivera at Anne Curtis. Focused daw sa tatlo ang mga comments, at walang namba-bash kay Alden.


Kaya lang, may nag-react na AlDub fans. Bakit daw in-edit out ng mga fans ni Alden si Maine sa photo? Hindi raw maganda ang ginawa at hindi inirespeto si Maine. 

Siguradong may sagot dito ang mga fans ni Alden.


In fairness, ang ganda ng 4 sa pubmat kahit parang idinagdag lang ang photo ni Maine o baka nga walang pubmat na magkakasama sila. 


Maganda pa rin ang kinalabasan at maeengganyo ang mga consumers na bumili ng Vivo phone.



IBA-IBA ang comment ng mga fans sa bagong ilong ni Sanya Lopez dahil naging kamukha raw nito ang ilong nina Marian Rivera at Jennylyn Mercado na patulis. 

Tanong ng mga fans, gusto bang gayahin ni Sanya ang dalawang Kapuso actress kaya ginaya niya ang ilong ng dalawa? 


Tanong pa, sina Jennylyn at Marian ba ang peg niya?


Kani-kanyang comment ang mga netizens na hindi idine-delete ng aktres kaya nababasa nito at ng kanyang mga fans at followers sa Instagram (IG). Masipag din siyang mag-post ng mga photo niya sa sinasabing ‘new look’ niya.


May nakiusap na tigilan na nila si Sanya, nakarating na raw ang gusto nilang sabihin at ‘wag nang ulit-ulitin pa. 


“Let’s be more kind, it costs nothing,” pakiusap ng isa.


May naniniwala namang hindi pa fully recovered ang nose enhancement ni Sanya Lopez kaya kung anu-ano ang napupuna ng mga netizens. 


Ngayon nga, pati chin niya, ang feeling nila ay ipinagawa rin nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page