top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | September 25, 2025

Heart Evangelista - IG

Photo: Alden RIchards - Instagram

Nalungkot man ang mga supporters ni Heart Evangelista sa ibinalita nito via Instagram (IG) Live na hindi siya dadalo sa Milan Fashion Week at Paris Fashion Week this September, masaya na rin sila sa binanggit nitong magpa-file siya ng kaso sa mga paid trolls na panay ang pamba-bash at paninira sa kanyang pagkatao, at walang tigil sa pagpapakalat ng fake news.

Nabanggit din ni Heart na nakipagkita na siya sa kanyang lawyer. Ibig sabihin, seryoso na siyang magdemanda. Ito ang aasikasuhin niya kaya hindi muna siya magpa-fashion week.

Excited ang mga supporters ni Heart kung sino ang mga kakasuhan niya kaya nagbigay sila ng pangalan ng mga dapat niyang idemanda. 

Tama lang daw na masampulan ang mga grabeng mang-bash sa kanya at alamin kung sino ang nasa likod nito.

Sa IG Live, nabanggit din ni Heart na gusto sana niyang dumalo sa Trillion Peso March, kaya lang, may nagbanta raw na huhubaran siya. 

Kapag naman um-attend siya ng Paris Fashion Week, may nakarating sa kanya na may babayaran ang mga bashers para batuhin siya ng kamatis.

May nabanggit din si Heart na hindi siya puwedeng ma-stress lalo na sa October dahil may ita-try siya at kailangang well-rested siya. Hindi nag-elaborate si Heart kung ano ang ita-try niya. 

Anyway, nagpaabot ng suporta at pagmamahal kay Heart ang kanyang mga supporters. May mga messages sila para sa kanya na ang iba ay ilalabas namin dito:

“Never allow anyone to destroy the hard work and dreams you’ve poured your heart into. Don’t let their words or accusations define your worth, especially when you know the truth.”

“Yes for the legal action! They’ve been trashing you nonstop na para bang ikaw ‘yung ultimate culprit sa issue na ‘to. Nagpi-feeling mga accountant pa ng bayan, even counting every cent that you earned.”

Binash dahil sa mga sinusuportahan… 

MIKA, TODO-SORRY NA NAKA-FOLLOW KAY KITTY DUTERTE AT SA MGA NEPO BABIES

ISYU sa mga netizens at fans na pina-follow nina Mika Salamanca, female grand winner ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition, at PBB housemate Shuvee Etrata si Kitty Duterte.

Pina-follow din ni Mika ang isang sinasabing nepo baby na si Christine Lim at pati na si Gela Alonte. 

May mga fans na na-disappoint dahil sa nadiskubreng ito.

Nag-sorry si Mika sa X (dating Twitter), “I understand where the disappointment and frustration are coming from and I am truly sorry. If I can only say one thing about this, I assure you that I stand and will always stand with the people. Yes, I admit that I had questionable choices of friends when I was at my lowest, but one thing has always been clear to me: I’ve always made sure to stand my ground even during those times. I spoke about what I believed in no matter who I was around.”

Kung may mga na-disappoint kay Mika, marami rin ang nakaintindi at patuloy ang suporta sa kanya.

Proud sila kay Mika for speaking up at pag-amin na nagkamali siya.

Well, ang tanong ng mga fans ni Mika Salamanca, kasalanan ba niya na friend niya si Kitty Duterte at ilan sa mga nepo babies?

After 2 yrs. na nagsama sa condo ng aktor…

JAKE AT CHIE, LAST MONTH PA HIWALAY, PAREHONG TAMEME 

TAMA ba ang tsika na last month pa raw naghiwalay sina Jake Cuenca at Chie Filomeno, pero ngayon lang lumabas ang balita dahil walang nagsalita sa ex-couple?

Nakatulong daw ang pagiging busy ng aktor sa tatlong projects niya kaya hindi masyadong iniisip ang paghihiwalay nila ni Chie.

Isa pang tsika, out of town daw ang aktres nang i-message ni Jake na tapos na sila. Ang aktor ang nag-ayos ng mga gamit ni Chie at ipinadala sa bahay nito dahil sinabihan na huwag nang bumalik sa condo kung saan sila nakatira.

Almost 2 years din pala ang relasyon nina Jake at Chie. May mga nanghihinayang lalo na ‘yung nakasubaybay kung paano nag-effort ang aktor to win Chie hanggang sa maging sila. 

Noong nasa courting stage pa lang sila, ang sipag mag-comment at mag-like ni Jake sa bawat post ng aktres sa Instagram (IG). Tapos, mauuwi rin pala sa wala.

Pinapayuhan si Jake Cuenca na ipahinga muna ang puso, huwag munang mag-GF at mag-concentrate sa Batang Quiapo (BQ), What Lies Beneath (WLB), at sa ginagawa niyang pelikula.

ni Nitz Miralles @Bida | September 22, 2025

Julia Barretto - IG

Photo: Alden RIchards - Instagram

Wala man sa Trillion Peso March si Alden Richards, nakiisa siya sa ipinaglalaban ng mga Pilipino. 

Nag-post siya ng “Shoutout sa mga pulitikong parte ng kurapsyon (korupsiyon)! Matakot kayo sa Diyos!” 

Sinundan ito ng “My heart goes to every Filipino who’s against corruption kasama n’yo ako sa laban na ‘to.”

Hindi nabanggit kung nasaan si Alden kahapon dahil hindi rin siya tumakbo. Ang mahalaga, nakikiisa siya sa ipinaglalaban ng mga Pilipino. 

Samantala, sa last Saturday edition ng Stars On The Floor (SOTF), napanood ng mga viewers na umiyak si Alden habang nagho-host. Naalala nito ang namayapa niyang ina na si Mommy Rio.

Umiiyak na sinabi ni Alden, “When you lose a parent, it feels like namamatay ‘yung kalahati ng buhay mo, eh.” 

Naka-relate si Rodjun Cruz kay Alden, naluha rin ito at niyakap ang kaibigan. 

Pumanaw na rin kasi ang mom nina Rodjun at Rayver Cruz kaya ramdam ni Rodjun ang aktor.

And speaking of Alden, this Monday, mapapanood ang official trailer ng Out of Order (OOO), ang courtroom drama na idinirehe, pinagbidahan at co-producer si Alden Richards. 

Sa October 2, 2025, ang simula ng streaming nito sa Netflix.

Ipakulong daw ang lahat ng magnanakaw…

VICE KAY PBBM: SINUSUWELDUHAN KA NAMIN, KAMI ANG BOSS MO! 

Ang lutong at paulit-ulit na minura ni Vice Ganda ang mga corrupt sa kanyang speech sa ginanap na Trillion Peso March kahapon sa EDSA People Power Monument. 

Nag-sorry muna si Vice sa kasamang pari sa stage bago nagmura. 

Sa reaksiyon ng mga tao na tuwang-tuwa, agree sila sa pagmumura ni Vice Ganda.

Nanawagan si Vice na sana, hindi lang kahapon mag-ingay ang mga tao. Huwag daw tumigil sa pag-iingay, sa galit at pagrereklamo hanggang walang nakukulong at hanggang hindi naibabalik sa bayan ang mga perang nakulimbat.

May mensahe rin si Vice kay President Bongbong Marcos.

“Kung gusto mong magkaroon ng magandang legasiya ang pangalan mo, ipakulong mo lahat ng magnanakaw. Nakatingin kami sa ‘yo, Pangulong Bongbong Marcos — hindi dahil idol ka namin, kundi dahil sinusuwelduhan ka namin at inaasahan namin na tutuparin mo ang inuutos naming mga employer mo.”

Kasama ni Vice sa rally kahapon sina Jasmine Curtis-Smith, Donny Pangilinan, Darren Espanto, Ion Perez, Cristine Reyes, Iza Calzado at Anne Curtis. 

Marami pang celebrities na naki-rally na ikinatuwa ng mamamayan dahil ibig sabihin, galit na rin sila sa talamak na korupsiyon sa bansa.

HINDI lahat ng celebrities ay nasa Baha sa Luneta sa Rizal Park at Trillion Peso March sa EDSA People Power Monument kahapon. Ang iba, kabilang si Dingdong Dantes, idinaan sa pagtakbo ang kanilang protesta.

Ang post nga ni Dingdong, “Not our usual Sunday run. Today, our small community gathered not just for distance, but with prayer and intention. We hoped. We dreamed. For a corrupt-free Philippines. For accountability from those who have stolen from us. And for those attending the big rallies, we lifted them up in prayer as well. We each have different ways of expressing our grievances and hopes. Today, this was ours.”

Kasamang tumakbo ni Dingdong sina Kim Atienza, Jerald Napoles, Benjamin Alves, Kim Molina atbp..

Iba’t ibang mensahe ang nakasulat sa kanilang suot na t-shirt at iisa ang tema — matapos na ang korupsiyon sa bansa.

Samantala, nakikiisa ang AKTOR (League of Filipino Actors) na pinamumunuan ni Dingdong sa laban sa korupsiyon.

“Nakikiisa ang @aktorph sa mapayapa’t makabuluhang pagtitipon ng Sambayanan laban sa korapsyon. Kami’y naninindigan na dapat panagutin ang mga salarin na patuloy na inilulubog ang bayan sa baha ng pagkalugmok, at palakasin ang mga institusyong mag-aangat sa kinabukasan ng bawat Pilipino.”

Close kay Sen. Imee…

CRISTINE, BUMABAWI LANG DAW KAYA SUMAMA SA RALLY

MAY isyu ang ilang mga netizens sa pagsama ni Cristine Reyes sa Trillion Peso March kahapon dahil close siya kay Senator Imee Marcos at gumanap pa siya sa karakter ng senadora sa mga pelikulang Maid in Malacañang (MIM) at Martyr or Murderer (MOM).

Kaya nang may nag-comment na redemption era ni Cristine ang pagsama sa rally, may mga nag-react. Baka impluwensiya lang daw ‘yun ng rumored boyfriend niyang si Atty. Gio Tingson na involved sa Angat Buhay at supporter ni Naga City Mayor Leni Robredo.

Pakikiramdaman pa raw nila si Cristine Reyes sa mga susunod na araw kung bukal sa loob niya ang pagsama sa panawagan na parusahan at ikulong ang mga korup na nagpapahirap sa taumbayan.

ni Nitz Miralles @Bida | September 22, 2025

Vica

Photo: Circulated

Wala man sa rally…

ALDEN: MGA PULITIKONG KORUP, MATAKOT KAYO SA DIYOS!

WALA man sa Trillion Peso March si Alden Richards, nakiisa siya sa ipinaglalaban ng mga Pilipino. 

Nag-post siya ng “Shoutout sa mga pulitikong parte ng kurapsyon (korupsiyon)! Matakot

kayo sa Diyos!” 

Sinundan ito ng “My heart goes to every Filipino who’s against corruption kasama n’yo ako sa laban na ‘to.”

Hindi nabanggit kung nasaan si Alden kahapon dahil hindi rin siya tumakbo. Ang mahalaga, nakikiisa siya sa ipinaglalaban ng mga Pilipino. 

Samantala, sa last Saturday edition ng Stars On The Floor (SOTF), napanood ng mga viewers na umiyak si Alden habang nagho-host. Naalala nito ang namayapa niyang ina na si Mommy Rio.

Umiiyak na sinabi ni Alden, “When you lose a parent, it feels like namamatay ‘yung kalahati ng buhay mo, eh.” 

Naka-relate si Rodjun Cruz kay Alden, naluha rin ito at niyakap ang kaibigan. 

Pumanaw na rin kasi ang mom nina Rodjun at Rayver Cruz kaya ramdam ni Rodjun ang aktor.

And speaking of Alden, this Monday, mapapanood ang official trailer ng Out of Order (OOO), ang courtroom drama na idinirehe, pinagbidahan at co-producer si Alden Richards. 

Sa October 2, 2025 ang simula ng streaming nito sa Netflix.

Close kay Sen. Imee…

CRISTINE, BUMABAWI LANG DAW KAYA SUMAMA SA RALLY

MAY isyu ang ilang mga netizens sa pagsama ni Cristine Reyes sa Trillion Peso March kahapon dahil close siya kay Senator Imee Marcos at gumanap pa siya sa karakter ng senadora sa mga pelikulang Maid in Malacañang (MIM) at Martyr or Murderer (MOM).

Kaya nang may nag-comment na redemption era ni Cristine ang pagsama sa rally, may mga nag-react. Baka impluwensiya lang daw ‘yun ng rumored boyfriend niyang si Atty. Gio Tingson na involved sa Angat Buhay at supporter ni Naga City Mayor Leni Robredo.

Pakikiramdaman pa raw nila si Cristine Reyes sa mga susunod na araw kung bukal sa loob niya ang pagsama sa panawagan na parusahan at ikulong ang mga korup na nagpapahirap sa taumbayan.

RECOMMENDED
bottom of page