top of page
Search

ni Nitz Miralles @Bida | October 9, 2025



Kylie Padilla

Photo: IG @kyliepadilla



Magtatapos na this week ang My Father’s Wife (MFW) nang lumutang ang tsika na nagiging close at sweet sina Kylie Padilla at Jak Roberto sa set, kaya hindi masasabing promo for the afternoon series ang closeness nila. 


Actually, last week pa lumutang ang tsika kina Kyline at Jak at may mga naniniwala na nga sana.


Kaya lang, alam ng marami na may boyfriend ang aktres, kaya ‘yung sagot ni Jak sa tanong tungkol sa kanila ni Kylie na “Importante s’ya sa akin” ay parang sagot lang ng magtropa. 


Sinundan pa niya ng “Close lang talaga kami. Sobrang komportable lang kami sa isa’t isa.”

Nang si Kylie naman ang tanungin tungkol sa kanila ni Jak, generic ang sagot na, “What you see is what you get,” at sinundan ng tawa.


Samantala, si Gabby Concepcion na ang nagsabi na nagkakaroon ng separation anxiety ang cast dahil hindi na sila magkikita nang madalas dahil tapos na ang taping. 


Kapag spotted sina Kylie at Jak kahit wala na silang show, doon na tayo magduda.

Napansin ng mga fans na tila lumusog ang aktor, pero ramdam na masaya siya at genuine ang mga tawa. Puwede na nga sigurong magkaroon ng panibagong love life si Jak Roberto after Barbie Forteza.




Pia, laglag na…

HEART VS. ANNE SA PAGIGING FASHION ICON 



MAGTATAPOS o baka tapos na ang Paris Fashion Week, heto at mga supporters naman nina Heart Evangelista at Anne Curtis ang nagpupuksaan online. 

Out muna sa picture si Pia Wurtzbach dahil kina Heart at Anne ang focus.


Actually, last week pa ang pailalim na pangse-shade ng kani-kanyang fans nina Anne at Heart sa dalawang aktres, at dahil blind item, hindi masyadong napansin. 


Nag-escalate lang ang puksaan ng dalawang grupo nang mag-comment ang isang supporter ni Heart na actually, tama naman ang sinabi nito.

Anne is doing great daw representing the Philippines sa Paris Fashion Week.


Nagkaroon lang ng isyu nang banggitin nito na, “There’s only one Heart Evangelista — a true fashion icon who can sell out YSL sunglasses and Mugler perfume just by using them. No one can replicate her style.”


Marami pang binanggit ang supporter ni Heart na lamang nito sa ibang Filipina na rumarampa sa mga fashion week. Umalma ang mga supporters ni Anne, low-key bashing daw sa aktres ang ginawa ng supporter ni Heart.


Ayun, nagpuksaan na ang dalawang grupo ng mga fans at ipinaalala ng maka-Anne na hindi kompetisyon ang PFW at dapat walang comparison. 


Mas maganda raw kung nagsusuportahan ang mga fans, at habang wala sa fashion week si Heart, kung hindi man magawa ng mga fans nito na suportahan sina Anne, Sarah Lahbati, Michelle Dee, at Pia Wurtzbach, huwag na lang magsimula ng isyu.


Anyway, inaabangan ng mga netizens ang pagbabalik sa bansa ng mga um-attend sa Paris Fashion Week para malaman kung magtutuluy-tuloy ang puksaan ng mga fans nina Anne at Heart.


At speaking of Anne Curtis, panalo ang post nitong para siyang si Audrey Hepburn. Mula sa long black dress na suot hanggang sa ayos ng buhok, Audrey Hepburn daw ang datingan nito. 


Mukhang aprubado ito sa mga netizens at walang kumontra.



MULI na namang pinahanga ni Joseph Marco ang mga gaya niyang cat lover dahil

nagpakain siya ng stray cats na nakita niya sa isang gas station.


Caption niya: “Ended my workday with dinner at a gas station and the sweetest company — three precious fur babies who filled my heart.”


Sa reels video na ibinahagi ni Joseph, makikitang naghanap talaga siya ng stray cats at may dala na siyang cat food. Nang makakita siya ng tatlong pusa, binigyan niya ang mga ito ng tig-isang lata.


Hindi ito first time na ginawa ng isa sa mga bida ng I Love You Since 1892 (ILY1892) dahil tuwing may nakikitang stray cats, hindi lang niya pinapakain ang mga ito, ang iba ay inaampon pa. 


Sa ngayon, may 10 pusa na siyang alaga.


“A silent battle stirs in me every time I see strays — should I rescue, even if I already have too many? Yet somehow, the heart just knows when it’s time to act,” paliwanag niya kung bakit nagre-rescue siya ng mga stray cats.


Kaya ang mga mababasang comments ay… 

“Mahal ko ang mga taong mahal ang pusa.”


“Napakabusilak ng puso.”


“You are such a humble person with a good heart. I pray that God blesses you with several projects so that you would always have the resources to help the voiceless strays. Please continue being a role model for other celebrities and people.”


“Hoy! Mga memeng (pusa), alam n’yo ba na ang nagpi-feed sa inyo ay guwapito, dyodyowain ng bayan?”


Alam kaya nila? Hahahaha!


 
 

ni Nitz Miralles @Bida | October 7, 2025



ABS-CBN_FB Sanya Lopez

Photo: Sanya Lopez



Pagkatapos ni Andrea Brillantes, si Sanya Lopez naman ang nababalitang lilipat sa ABS-CBN. 


Ang tsika, nakatakda na raw na lumipat ang aktres dahil nagustuhan niya ang offer sa kanya na isang big project at iba pa.


Tanong ng mga fans, ano ito, palitan sila ni Andrea? Lumalabas daw na gumaya o ginagaya ni Sanya ang batang aktres. 


May naniniwala namang malabong mangyari na iwan ni Sanya ang GMA para lumipat sa ABS-CBN dahil hindi siya nawawalan ng project sa GMA-7. Hindi lang siya sa telebisyon binibigyan ng project dahil pati pelikula, binibigyan siya ng GMA Pictures at GMA Public Affairs.


In fact, malapit na ang showing ng horror movie na KMJS Gabi ng Lagim: The Movie. Isa siya sa mga bida ng pelikula at makakasama sa episode si Elijah Canlas. 


May mga nag-comment pa nga na paborito ng GMA si Sanya dahil hindi siya nawawalan ng project. Kapag wala siyang TV series, siguradong may pelikula siya — na nangyayari nga.


Kaya marami ang naniniwalang hindi maiisip ni Sanya na lumipat sa ABS-CBN, unless collab ng Kapamilya at Kapuso ang project na kanyang gagawin. Mas posible pa ang ganitong scenario kaysa sa lipatan issue.


In fairness, ngayon lang nabalitang lilipat sa ABS-CBN si Sanya Lopez. Sa tagal na niya sa GMA-7, ngayon lang nabalitang iiwan niya ang kanyang home studio.



Pakanta-kanta pa raw…

GABBI, TODO-RAMPA SA KALYE SA PARIS, WALANG PUMAPANSIN



HUMABOL sa Paris Fashion Week si Gabbi Garcia at sabi nito, “Back in Paris for the last few days of fashion week, hope I’m not too late to the party. Excited to be with my Belo fam.” 


Ibig sabihin ni Gabbi, sina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho ang nagsama sa kanya sa Paris.


Tama ang paalala ng isang netizen kay Gabbi na mag-ingat siya at maghanda sa bashing dahil may isang group daw na ang gusto, isa lang ang sikat sa fashion week — at nagkatotoo nga.


Sa reels post ni Gabbi na kumakanta siya sa gitna ng kalye, may nag-comment kung bakit sa kalye siya nag-posing na walang pumapansin sa kanya. Dapat daw sa loob ng fashion shows siya rumarampa. 


May nag-comment din na trying hard siya at cringe at awkward ang ginawa ni Gabbi.


Wala namang time sa mga bashers si Gabbi dahil busy itong rumampa. Binanggit pa niyang marami ang nag-compliment sa suot niyang jacket na gawa ni Neric Beltran at sa dress niya na gawa ni Vania Romoff.



Madlang pipol, galit na galit na…

AGOT: IMBESTIGASYON SA FLOOD CONTROL, BUKSAN SA PUBLIKO



MAY matapang na pahayag si Agot Isidro sa mga nangyayari sa paligid at marami ang nag-agree sa kanya.


Pahayag ng aktres, “Sila-sila nag-aaway. Tayo, mga audience lang? Ganu’n na lang?

“Dapat may sey tayo sa mga nangyayari. Dapat parte tayo ng mga imbestigasyon, bilang tayo naman ang nagpapasuweldo sa kanila.


“Since ‘di na tayo ma-represent nang tama, dapat may boses na tayo sa mga hearing na ‘yan.

“Suggestion ko lang, dapat ‘yung ICI, ibukas ang talakayan sa publiko. ‘Yung mga documents at ebidensiya, ilabas. Kung may meeting, payagan ang media mag-cover.


“We demand transparency. We demand inclusivity. Pera namin ‘yang ginagastos n’yo. Bakit itinatago sa amin?”


Kung mababasa ng mga government officials at mga taga-DPWH (Department of Public Works and Highways) ang reaksiyon ng mga netizens, malalaman nilang sobra na ang galit ng taumbayan. 


Hindi rin maintindihan ang pagre-resign ni Senator Ping Lacson bilang Senate Blue Ribbon Chair. Takot daw sila sa naiisip nilang papalit dito.


Kaya marami ang nananawagang magkaroon ng rally bago pa ang November 30 rally, at dapat daw ay sa Senado na pumunta ang mga tao.

 
 

ni Nitz Miralles @Bida | September 27, 2025



IG @marielpadilla

Photo: IG @marielpadilla



Hinanap ng mga netizens si Heart Evangelista sa oath-taking ng bagong pamunuan ng Senate Spouses Foundation Inc. na si Helen Gamboa ang president. 


Comment ng mga netizens, dapat daw nasa oath taking pa rin si Heart dahil kahit si Tito Sotto na ang Senate President, senador pa rin si Chiz Escudero.


Pati kay Mariel Padilla, itinanong kung bakit wala si Heart. Walang sagot si Mariel o mas

tama na si Heart ang sumagot sa tanong ng absence niya sa oath-taking. 


Si Senate President Tito Sotto ang nag-administer ng oath-taking at sa larawan, makikita ang ibang asawa at representative ng mga senador.


Si Mark Lapid ang nag-represent sa amang si Senator Lito Lapid at si Frankie Pangilinan ang nag-represent sa ama niyang si Senator Kiko Pangilinan. 


Gusto rin sanang malaman ng mga netizens kung bakit si Frankie ang representative ng dad niya at hindi si Sharon.


Anyway, may mga nalungkot na hindi na si Heart ang president ng SSFI dahil marami raw itong projects para sa organisasyon at maganda ang naging pamumuno nito. Umaasa sila na ipagpapatuloy ni Helen at ng mga officers ang mga projects na nasimulan at ginawa ni Heart.


May nagtanong na kung ano ang first project ng SSFI sa pamumuno ni Helen at may nagbigay naman ng unsolicited advice sa SSFI.


Sey ng isang netizen, “Kayo na mga maybahay ng mga senador, magsilbi nawa sana kayo na good example sa simple na pamumuhay. Iwasan n’yo po ang mag-flaunt ng mga mamahalin n’yo na gamit na milyones ang halaga kung gusto n’yo pamarisan kayo ng mga masa at kababaihan at para magtagumpay ang inyong mga adhikain.


“‘Wag n’yo dagdagan ang pagdududa ng taong bayan sa mga lifestyle n’yo at ng mga opisyales at halal ng taong bayan. Magpakasimple po kayo lahat kung ayaw n’yo maratrat kayo sa mga grandiose na pamumuhay na inilalabas n’yo sa social media, para po ito sa lahat ng kamag-anak at pamilya ng mga opisyales na halal ng taong bayan. 


“Serbisyo na tapat ang kailangan ng sambayanang Pilipino, hindi karangyaan ng buhay ng mga asawa at pamilya nila. Mawalang galang na po.”



ANG ganda ng fanmade photo ni Bianca Umali at ng batang Bianca na lubos na ipinagpasalamat ng aktres. Sa larawan, makikita si Bianca na nakaakbay sa younger version niya habang suot ng aktres ang costume niya sa Sang’gre.

Pahayag niya, “To the little girl who once dreamed of becoming a warrior—you did it, you became her.


“Lahat ng iyak, panalangin at paghihintay led you here.


“A fan made this for me and it touched my heart. Salamat sa pagbabalik ng alaala at sa paalala kung bakit ako lumalaban sa buhay at patuloy na nangangarap.

“Ito ay laban na hindi lamang po para sa sarili ko kundi para sa mga taong naniniwala sa akin at higit na para sa mommy ko, sa daddy ko at sa lola ko.


“Ama, maraming salamat po sa mga biyaya ninyo.”


May mga naiyak sa larawan ni Bianca then and now dahil kakaiba nga naman. Precious daw ang photo at pati ang comment na ang layo na ng kanyang narating sa kanyang career at sa kanyang buhay.


Samantala, natanong si Bianca kung tatanggapin niya sakaling ibigay sa kanya ng GMA ang Darna. Ang ganda nga namang follow-up na pagkatapos ng Sang’gre, Darna naman ang gagawin niya.

“Why not? Oo naman,” ang sagot nito.


Natawa pa si Bianca nang ipaalala na nag-audition siya sa ABS-CBN para sa Darna.

And speaking of Bianca, may post ito ng Philippine flag at may caption na: “PILIPINAS, Ang mamatay nang dahil sa ‘yo. Hindi nang dahil sa kanila.”



ANG sweet ng caption ni John Cabahug sa wedding photo nila ni Lian Paz na kanyang ipinost sa Instagram. 


Sabi nito, “I love you forever, Lian.”


Comment ng mga netizens, ramdam sa caption ni John ang pagmamahal niya sa asawa kaya naman masaya ang mga kaibigan at followers ng dalawa sa magandang nangyari sa kanilang relasyon. 


Pati nga ang mga hindi kakilala ng mag-asawa, masaya para sa kanilang dalawa.

Masaya ang mga messages na ipinadala sa bagong kasal kahapon, September 25, 2025. Bukod sa congratulations, may mga nag-comment ng “Finally!” “God bless your marriage,” “Happy for you. Congratulations newlyweds,” at “So happy for you, Lian.” 

 
 
RECOMMENDED
bottom of page