top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Maeng Santos @News | August 25, 2026



2 DRAYBER, HULI SA AKTONG NAGSA-SHABU SA TRICYCLE

Photo: FP



Kulong ang dalawang tricycle driver nang maaktuhang sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang nakaparadang tricycle sa Valenzuela City.


Sa kanyang ulat kay NPD Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang mga suspek na sina “Jomar,” 26, ng Brgy. Marulas at “Mark,” 38, ng Brgy. Gen T De Leon.


Sa imbestigasyon ni P/MSg. Carlito Nerit Jr., nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Police Sub-Station 3 at ipinaalam sa kanila ang nagaganap umanong pot session sa parking lot ng Antonette Townhomes, Brgy. Marulas.


Agad nagsagawa ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan ang mga suspek na sumisinghot umano ng shabu sa loob ng isang nakaparadang tricycle alas-10:12 ng gabi na dahilan ng kanilang pagkakaaresto.


Nasamsam sa kanila nina PCpl. Inglis Balagtas at PCpl. John Melo De Paz ang isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano'y shabu at ilang drug paraphernalia.

 
 

by Jeff Tumbado @News | August 25, 2026



Ang pag-rescue sa tug boat na tumaob - Philippine Coast Guard

Photo: PCG



Tuluyang lumubog sa karagatan ng Botolan, Zambales ang isang tugboat na may sakay na 10 tripulante habang isinasagawa ang emergency salvage operation nitong Lunes ng umaga, Agosto 24.


Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ligtas ang lahat ng 10 katao na sakay ng tugboat at wala namang naiulat na nasugatan.


Agad na nagsitalunan sa dagat ang mga crew nang mapansin nilang tuluyan nang lumulubog ang sasakyang-dagat.


Bago ito tuluyang lumubog, isinadsad muna sa pampang ang tugboat matapos pasukin ng tubig ang butas sa hull nito.


Dahil dito, napuno ng tubig ang engine room at kinailangang ilipat ang sasakyang-dagat sa mas ligtas na lugar sa pamamagitan ng salvage operation.

Alas-7:46 ng umaga nang mangyari ang insidente habang hinihila ang tugboat palayo sa pampang.


Habang isinasagawa ang operasyon, unti-unti itong tumagilid sa kanang bahagi hanggang sa tuluyang lumubog sa tinatayang 24-metrong lalim.

Nabatid na may kargang humigit-kumulang 15,000 litro ng diesel ang tugboat nang mangyari ang insidente.


Bagama't sinasabing buo pa ang fuel tank, mahigpit na mino-monitor ng PCG ang lugar dahil sa posibilidad ng pagtagas ng langis.


Patuloy namang inaalam ng PCG ang eksaktong dahilan ng paglubog ng tugboat.



 
 

by Mai Ancheta @News | August 25, 2026



Binaril ng riding in tandem si  Bernard Acosta Barua, 53, incumbent chairman ng Brgy. Bannawag - Circulated, DXDN

Photo: Circulated, DXDN



Patay ang isang barangay chairman matapos pagbabarilin ng dalawang lalaki, malapit sa kanilang sari-sari store sa Brgy. Bannawag, President Quirino, Sultan Kudarat nitong Lunes ng umaga.


Kinilala ng pulisya ang biktima na si Bernard Acosta Barua, 53, incumbent chairman ng Brgy. Bannawag.


Kasalukuyang kumakain umano ang biktima kasama ang asawa at isa pang kasamahan nang lapitan ng mga suspek at pinagbabaril ito.


Nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan ang biktima at nang makitang bumagsak na ito sa lupa ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.

Nagawa pang maisugod sa ospital ang tserman, subalit hindi na umabot nang buhay.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page