- BULGAR
- 5 days ago
by Info @News | January 4, 2026

Photo File: Biktima ng paputok - FP
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng kabuuang 655 fireworks-related injuries (FWRIs) sa buong bansa mula nang magsimula ang monitoring nito noong Disyembre 21.
Ang bilang na ito ay nasa 20% na mas mababa kumpara sa 819 na kabuuang kaso na naiulat noong Enero 3, 2025, batay sa report ng ahensya nitong Sabado.
Sinabi ng DOH na sa 655 cases, 54% o 351 na kaso, ang mga biktima ay nasa 19-taong gulang pababa.
Nasa 19 na biktima ang nangangailangan ng amputation o pagputol ng mga apektadong paa, kung saan 11 sa 19 na biktimang ito ay mga menor-de-edad.
Karamihan sa mga kaso ay sanhi ng hindi kilalang paputok, na sinundan ng kwitis at 5-star.
Nauna rito, mas kaunti ang naiulat na mga kaso ng FWRI noong 2025, subalit mas malala ang mga naidulot na pinsala, ayon sa DOH.






