top of page
FRANKLY - ANNOUNCEMENT SA PAGBUBUNTIS NI SARAH, INAABANGAN NA-IG _matteog.jpg
Search

ni Gina Pleñago @News | August 21, 2026



Human trafficker sa airport arestado - Courtesy BI

Photo: Courtesy BI



Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang 14 na hinihinalang biktima ng umano'y human trafficking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Clark International Airport (CIA).


Ayon sa immigration, naharang din ang dalawang hinihinalang recruiter.

Nailigtas sa CIA ang anim na lalaki, nasa edad 40 hanggang 50, na nagtangkang umalis ng bansa sakay ng Cebu Pacific flight papuntang Hong Kong.


Una nang sinabi ng mga biktima na nagbabakasyon sila kasama ang mga dating kasamahan mula sa militar, subalit may magkasalungat na pahayag sa mga detalye ng kanilang biyahe.


Nang maglaon ay inamin nila na sila'y patungo sa Russia kung saan na-recruit para magtrabaho at pinangakuan ng USD 3,000 na buwanang suweldo.


Samantala, walong biktima pa ang nailigtas sa NAIA Terminal 3 matapos tangkaing umalis sakay ng Cebu Pacific flight papuntang Singapore.


Ang mga biktima, na binubuo ng anim na lalaki at dalawang babae na may edad 30 hanggang 50 ay una ring nag-claim na nasa isang business trip, ngunit kalaunan ay napag-alaman na papunta sa Russia kung saan sila inalok ng mataas na suweldo, gayundin ang Russian citizenship.


Inamin ng walong biktima na ang kanilang facilitator ay maglalakbay din sa parehong flight kasama nila, isang lalaki at isang babae, at iginiit na ang biyahe ay para lamang sa mga layunin ng negosyo.

 
 

by Benjamin Chavez @News | August 21, 2026



ATM sa loob ng Puregold, nilimas

Photo: FP



Natagpuang sira at nawalan ng hindi pa matukoy na halaga ng pera ang isang Metrobank ATM sa loob ng Puregold sa Barangay I-A, Colago Avenue, San Pablo City, Laguna.


Ayon sa San Pablo Component City Police Station (CCPS), nadiskubre ng mga empleyadong nakatalaga sa opening clearing ang isang butas sa gilid ng gusali habang nagsasagawa ng inspeksyon bago buksan ang tindahan. Nang suriin nila ang lugar, nakita nilang sira ang Metrobank ATM at nawawala ang laman nitong hindi pa matukoy na halaga.


Tatlong hindi kilalang lalaki na pawang nakasuot umano ng itim na jacket at pantalon ang tinukoy na mga suspek. 


Nagsasagawa na ang pulisya ng backtracking at kumukuha ng mga available na CCTV footage upang matukoy ang pagkakakilanlan at ruta ng pagtakas ng mga suspek. 

Humingi na rin ng tulong sa SOCO para sa teknikal na imbestigasyon.


 
 

by Mai Ancheta @News | August 21, 2026



Sunog sa Brgy. Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur - Circulated

Photo: Circulated



Patay ang isang mag-asawa matapos masunog ang ilang bahagi ng pampublikong palengke sa Brgy. Poblacion, Shariff Aguak, Maguindanao del Sur nitong Miyerkules ng gabi, August 19.


Kinilala ng Shariff Aguak Police ang nasawing mag-asawa na sina Bhasco at Noraisa Abdulgani, may-ari ng BhasNor store.


Natutulog umano ang mag-asawang biktima sa kanilang tindahan nang sumiklab ang apoy na mabilis na tumupok sa 10 market stalls.


Nakarinig ang mga bystander ng malakas na pagsabog at kasunod nito ang paglagablab ng apoy na nakunan din ng video ng ilang bystander.


Ang tindahan ng mga biktima ay nagbebenta ng LPG o cooking gas products, at isa ito sa tinitingnang pinagmulan ng sunog na mabilis na kumalat sa mga katabing tindahan.


Ang sunog na labi ng mag-asawa ay nadiskubre ng mga kagawad ng pamatay-sunog pagkatapos maapula ang apoy.


Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pinagmulan ng apoy na tumupok sa ilang stall ng palengke.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page