top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Mervin Reyes @News | August 23, 2026



PRO 1 Regional Director Brig. Gen. Jovencio Badua Jr - Police Regional Office

Photo: File / PRO 1 Regional Director Brig. Gen. Jovencio Badua Jr - Police Regional Office



Aabot sa 155 baril ang na-account ng pulisya sa tatlong araw na anti-criminality at law enforcement operations sa Ilocos Region mula Agosto 17 hanggang 19, kabilang ang apat na nakumpiska sa targeted operations.


Ayon sa Police Regional Office 1 (PRO 1), apat na katao rin ang naaresto dahil sa mga kasong may kaugnayan sa pag-iingat o paggamit ng baril.


Sa 155 baril, 118 ang boluntaryong isinuko ng mga sibilyan, 32 ang idineposito para sa safekeeping, apat ang nakumpiska sa operasyon at isa ang narekober.


Isinagawa ang operasyon bilang bahagi ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations, na nakatuon sa pagsugpo sa loose firearms, pagpigil sa gun-related violence at pagpapalakas ng public safety.


Ayon kay PRO 1 Regional Director Brig. Gen. Jovencio Badua Jr., nagpapakita ng kooperasyon ng komunidad at pulisya ang malaking bilang ng mga boluntaryong nagsuko ng kanilang baril.

 
 

by Jeff Tumbado @News | August 23, 2026



Vice Mayor ng Marantao, Lanao del Sur Vice Mayor Eli Eskandar Unte Alonto III - PNP-PIO, Circulated

Photo: PNP-PIO, Circulated



Dinakip ang kasalukuyang Vice Mayor ng Marantao, Lanao del Sur dahil sa mga kaso ng pagpatay sa iba't ibang lugar sa lalawigan.


Ayon kay Philippine National Police-Public Information Office Chief Police Col. Allan Rae Co, nakilala ang suspek na si Vice Mayor Eli Eskandar Unte Alonto III, alyas Bimmy Alonto.


Si Alonto ay naaresto sa kanyang tinutuluyang hotel sa Crystal Inn sa Brgy. San Miguel, Iligan City., makaraang ikasa ang operasyon alas-8:45 ng gabi ng Biyernes.


Ayon sa PNP, may warrant of arrest laban kay Alonto para sa kasong murder na walang inirekomendang piyansa, habang may hiwalay siyang warrant para sa frustrated murder na may inirekomendang piyansang P200K.


Kapwa inilabas ang mga warrant noong Hulyo 15, 2026, ni Judge Jamel Tabao Mamutik, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 44 sa Initao, Misamis Oriental.


Napag-alamang nangunguna si Alonto sa wanted list sa Marantao, ikatlo sa Lanao del Sur, at ikaapat sa Regional List of Wanted Persons ng Police Regional Office 10.


Nitong nakalipas na 2025 midterm elections, tinalo ni Alonto ang kanyang katunggali na si Saidamen Naga sa lamang na 542 boto.


Pinuri naman ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez ang mga operatiba na nagsagawa ng pag-aresto, na isinagawa sa kabila ng holiday break.

 
 

by Jeff Tumbado @News | August 23, 2026



Dizon, Escudero, Robredo at Magno, bumisita sa Children's Medical Center


Sina DPWH Secretary Vince Dizon, Senator Chiz Escudero, Naga City Mayor Leni Robredo at Angat Buhay Executive Director Raffy Magno na namataang magkasamang nag-almusal sa isang coffee shop sa Clark Freeport Zone matapos silang bumisita sa mga batang pasyente sa Jose B. Lingad Children’s Medical Center sa nabanggit na lugar.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page