top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

by Mai Ancheta @News | August 23, 2026



NKTI - National Kidney and Transplant Institute

Photo: NKTI - National Kidney and Transplant Institute



Nakapagtala na ng limang patay dahil sa sakit na leptospirosis ang National Kidney and Transplant Institute (NKTI) matapos ang ilang linggong malakas na pag-ulan at pagbaha dulot ng habagat.


Ang limang nasawi ay simula noong June 1 at nakapagtala ang NKTI ng 19 na kaso ng leptospirosis.


Karamihan sa mga nasawi ay lumusong sa mataas na baha para makapasok sa trabaho at pinasukan ng mikrobyo mula sa bukas na sugat at kinailangang isailalim sa peritoneal dialysis at hemodialysis.


Ayon kay Dr. Arlene Lamban-Crosson, nephrologist ng NKTI, karamihan sa mga na-admit na pasyente ay nabigong mapansin ang sintomas ng leptos at huli na nang malaman at malala na ang kanilang sakit.


Sa San Lazaro Hospital ay umabot na sa 50 ang kaso ng leptospirosis, at dalawa na ang naiulat na nasawi.


Nanawagan ang Department of Health sa publiko na iwasang lumusong sa tubig-baha lalo na kung mayroong sugat, at hanggat maaari gumamit ng bota at takpan ang sugat.

 
 

by Mervin Reyes @News | August 23, 2026



Karambola aksidenta sa Shaw Blvd. - Barangay Wack-Wack Greenhills East

Photo: Barangay Wack-Wack Greenhills East



Apat katao ang sugatan sa karambola ng AUV, sedan at motorsiklo sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City, pasado alas-11 ng gabi noong Biyernes, Agosto 21.


Nagkalat sa kalsada ang mga basag na salamin, habang wasak ang unahan ng puting sedan na bumangga sa poste ng ilaw sa center island.


“Ang nadatnan po namin is 'yung isa pong pasyente. Isa po siyang motorcycle driver. Siya po 'yung ipinasok namin sa ambulansya namin,” ani LJ Macasinag, rescuer ng Brgy. Wack-Wack Greenhills East.


Ayon sa isang security guard na nakasaksi sa insidente, biglaan at mabilis ang pangyayari.


“Nakaupo po ako doon bandang mga 11:45, sobrang bilis po ng nangyari. Pagtingin ko ulit, 'yung motor, 'yung dalawang sakay, parang lumipad sila,” kuwento ni Joselito Belga.


Ayon pa kay Belga, napunta sa ilalim ng isang sasakyan ang angkas ng motorsiklo matapos ang banggaan.


Hindi pa malinaw ang eksaktong sanhi ng insidente.

 
 

ni Janice Baricuatro @News | August 23, 2026



Dench F. Morales - Cavite Netwotrk - Circulated

Photo: Circulated / Cavite Network / FB



Patay na nang matagpuan ang nawawalang PWD na empleyado ng Department of Education (DepEd), sa madamong bahagi ng Molino Boulevard, Brgy. San Nicolas 2, Bacoor City kamakalawa.


Kinilala ang biktima na si Dench F. Morales, na mas kilalang Sir Dench, Administrative Aide I ng Bacoor National High School-Gawaran Annex.


Huling nakita si Morales na buhay noong Agosto 13, alas-4:30 ng hapon sa Main Square Mall sa Molino Boulevard, Brgy. Bayanan. 


Matapos i-report ng kanyang kapatid ang pagkawala, nagsagawa ng CCTV backtracking ang pulisya hanggang sa matagpuan ang bangkay ng isang lalaki kamakalawa na tumugma ang pangangatawan at damit kay Morales. Isinailalim na sa forensic examination ang katawan at kalaunan ay nakumpirmang siya nga ang nawawalang empleyado.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para alamin ang sanhi at mga pangyayari sa likod ng pagkamatay ni Morales.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page