ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | February 17, 2022
Dahil sa pandemya, maraming proseso at operasyon ang naging digital.
Mabuti naman ang naidulot ng shift sa online, lalo na ang digital banking, dahil nabigyan ang mga kababayan natin ng ligtas at accessible na opsiyon para ayusin ang kanilang mga bayarin.
Ngunit may negatibong aspeto rin ang paglipat sa digital.
☻☻☻
Noong Lunes, idinirekta ng Anti-Money Laundering Council ang mga bangko at iba pang financial institutions na magmatiyag laban sa digital vote-buying at vote-selling.
Naglista ang AMLC ng mga “red flags” na posibleng tumuloy sa mga ilegal na gawain, tulad ng pagbili at pagbenta ng boto.
Kasama sa mga ito ang “significant or large transactions occurring in a short period of time, unjustified large cash deposits and withdrawals” at “transactions that seem to be inconsistent with the customer’s financial profile or declared business.”
Ang iba pang red flags na tinukoy ng AMLC na maaaring konektado sa vote-buying ay ang structured cash deposits at money transfers; paggamit ng multiple accounts ng iisang transactor, at maging ang paggamit ng iba’t ibang money service businesses para magpadala ng pera.
☻☻☻
Noong Enero naman ay nauna nang naglabas ng memorandum ang Bangko Sentral ng Pilipinas tungkol sa isyu ng digital vote-buying.
Naglatag rin ang BSP ng mga red flags na kailangang abangan ng mga bangko.
Inanunsiyo rin nila na nakikipagtulungan sila sa Commission on Elections, Philippine National Police at mga bangko para mapigilan ang digital vote-buying.
Umaasa tayong habang papalapit tayo sa araw ng halalan ay lalo pang paiigtingin ang pagtugon sa isyung ito.
☻☻☻
Paalala lamang sa lahat na manatili sa loob ng bahay, ugaliing maghugas ng mga kamay, bigyang-halaga ang kalusugan at huwag kalilimutang magdasal.
Malalagpasan din natin ito.
Be Safe. Be Well. Be Nice!
Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.
Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US! Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

