top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | April 25, 2026



PBBM at Liza Marcos

Photo: File / Liza Marcos FB



Naktakdang magsagawa ng state visit si Ferdinand Marcos, Jr. sa Japan mula Mayo 26 hanggang 29, 2026, kasama si First Lady Liza Araneta-Marcos. 


Batay sa anunsyong inilabas ng Presidential Communications Office, isasagawa ang nasabing pagbisita bilang tugon sa imbitasyon ng pamahalaan ng Japan. 


Makikipagpulong ang Pangulo kay Prime Minister Takaichi Sanae, upang talakayin ang ugnayan ng Pilipinas at Japan, pati na ang isyu sa enerhiya, pagkain, at maritime security.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | April 24, 2026



Rodrigo Duterte sa ICC

Photo: File / ICC



Haharap sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC). 


Ito ay makaraang kumpirmahin ng ICC pre-trial chamber ang lahat ng charges laban sa dating pangulo. 


Kabilang sa mga kasong isinampa laban kay Duterte ang three counts of crimes against humanity ng murder kung saan sakop nito ang 49 na insidente ng pagpatay at 78 na biktima. 


“The Chamber finds that there are substantial grounds to believe that Mr Duterte is criminally responsible for the crimes charged in Counts 1-3 as an indirect co-perpetrator, and/or for ordering and/or inducing, and/or for aiding and abetting the commission of the crimes, pursuant to articles 25(3)(a), (b) and (c) of the Statute,” ayon sa desisyon ng pre-trial chamber. Nabatid na naglabas ng nagkakaisang desisyon ang all-women chamber ng ICC na binubuo nina judges Iulia Antoanella Motoc, Reine Adélaïde Sophie Alapini Gansou, at Maria del Socorro Flores Liera.  


Hindi tulad ng ibang desisyon, ang naturang hatol ay hindi awtomatikong maaaring iapela. Nangangahulugan na hindi agad maaaring dumulog si Duterte sa appeals chamber upang kwestyunin ang desisyon. 


Kung nais umano niyang maghain ng apela, kinakailangan muna niyang humingi ng pahintulot o awtorisasyon bago mapagbigyan. 


“Trials in the ICC are fair and impartial and the defense would have sufficient time to prepare its case while respecting the rights of victims,” ayon kay ICC spokesperson Oriane Maliet. 


Inaabot aniya ng anim na buwan hanggang isa’t kalahating taon bago tuluyang magsimula ang paglilitis sa ICC matapos makumpirma ang lahat ng mga charges.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | April 23, 2026



Bongbong Marcos JR. - PBBM

Photo: File / Bongbong Marcos - FB



Inatasan ng Korte Suprema si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magsumite ng kanyang komento sa loob ng 10 araw kaugnay ng petisyon na humihiling na sumailalim siya sa physical at mental examination kabilang ang hair follicle drug test.


Kumilos ang Korte Suprema kaugnay ng petisyong inihain nina Pantaleon Alvarez, Virgilio Garcia, Juan Raña, at Raymundo Junia laban kay Pangulong Marcos at Executive Secretary Ralph Recto bilang mga respondent.


“The SC, without necessarily giving due course to the petition, directed respondents to comment within a non-extendible period of 10 days from receipt of notice,” ayon sa SC Public Information Office.


Binanggit ng mga petitioner ang mga naging pahayag ni Senador Imee Marcos, kapatid ng Pangulo, hinggil sa sinasabing matagal nang pagkagumon nito sa ilegal na droga.

Ipinunto nila na batay sa 1987 Constitution, dapat ipaalam sa taumbayan ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo sakaling magkaroon siya ng malubhang karamdaman.


Matatandaang naghain ang kampo ni Alvarez ng isang petisyon para sa writ of mandamus na nag-uutos kay Pangulong Marcos na sumailalim sa physical at mental examination partikular ang hair follicle drug test.


Hiniling din sa petisyon na atasan si PBBM na isiwalat at ilathala ang medical report na naglalaman ng resulta ng pagsusuri, kabilang ang physical at medical fitness niya para gampanan ang mga tungkulin bilang Pangulo.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page