top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 10, 2025



CCG at Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia - ABP - PCG

File Photo: CCG at Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia - PCG / ABP Partylist


Sumiklab ang matinding batikos matapos kondenahin ni Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia, Chairman Emeritus ng Filipinos Do Not Yield Movement, ang pahayag ng Tsina na bahagi umano ng kanilang teritoryo ang Palawan. 


Binigyang-diin niyang ito ay hindi lamang walang batayan kundi isa ring pang-iinsulto sa kaalaman ng mga Pilipino tungkol sa kanilang sariling kasaysayan at kultura.  


Dagdag pa niya, ang patuloy na pagpapalawak ng Tsina ay isang banta sa soberanya at teritoryal na integridad ng Pilipinas. 


Si Goitia, na siya ring Presidente ng Ang Bumbero ng Pilipinas Partylist ay binatikos din ang historikal na rebisyonismo ng Tsina, na aniya’y nililihis ang katotohanan upang bigyang-katwiran ang agresyon nito sa teritoryo ng Pilipinas. 


Mariin ding kinondena ang mga aksyon ng Tsina sa West Philippine Sea (WPS), partikular ang pananakot sa mga mangingisdang Pilipino at mga tauhan ng militar. 


Maging ang mga internasyonal na eksperto ay nagbigay ng opinyon sa usapin, iginiit na ang pag-aangkin ng Tsina sa South China Sea—kabilang ang mga bahagi na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas—ay paulit-ulit nang itinakwil ng mga pandaigdigang hukuman. 


Samantala si Goitia rin ang kinatawan ng People’s Alliance for Democracy and Reform (PADER), Alyansa ng Bayan para sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) at Liga Independencia Pilipinas (LIPI).

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 10, 2025



File Photo: Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela - PCO / Erwin Tulfo / FB


“Malinaw pa sa sikat ng araw na tinipid ang pagkakagawa ng bumagsak na Cabagan-Santa Maria Bridge sa Isabela para may kumita ng limpak-limpak na salapi!” Ito ang reaksyon ni ACT-CIS Partylist Rep. Erwin Tulfo sa isang panayam. 


"Mantakin mo, higit P1 bilyon na pera ng bayan ang nasayang lang… tinipid ang pagkagawa n'yan para malaki ang kickback ng mga korap at kawatan,” ani Tulfo.


“Ang nakakainis pa rito, mali na pala ang disenyo eh, bakit hindi ipinahinto ng DPWH (Department of Public Works and Highways) sa kontraktor ang paggawa ng tulay?”


"Natapalan siguro ng contractor ng salapi ang mata ng mga inspectors at supervisors ng DPWH sa lugar na 'yun kaya lumusot sa government standards ang depektibong tulay,” dagdag pa nito.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | Mar. 10, 2025



CCG at Dr. Jose Antonio Ejercito Goitia - ABP - PCG

File Photo: Dating Pangulong Rodrigo Duterte - PCO



Tiniyak ng Malacañang ang kahandaan sa gitna ng mga espekulasyon na naglabas na umano ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“We’ve heard that an arrest warrant has been issued by the International Criminal Court against former President Rodrigo Duterte for crimes against humanity,” wika ni Presidential Communications Office (PCO) Ad Interim Secretary Jay Ruiz sa isang pahayag.


“The government is prepared for any eventuality,” wika pa ni Ruiz.


Inihayag naman ni Palace Press Officer Undersecretary Atty. Claire Castro na wala pang kumpirmasyon mula sa Palasyo tungkol sa pagpapalabas ng warrant of arrest.


“But as what ES [Executive Secretary Lucas] Bersamin and SOJ [Secretary of Justice] said before, if Interpol will ask the necessary assistance from the government, it is obliged to follow,” ani Castro.


Matatandaang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute, ang kasunduan na nagtatag ng ICC, noong 2019 matapos simulan ng The Hague-based tribunal ang pagsisiyasat sa drug war ng administrasyong Duterte. 



Okey, ikulong n’yo ‘ko — Du30


HANDANG magpahuli at makulong si dating Pangulong Rodrigo Duterte sakaling tuluyang maglabas ng warrant of arrest ang ICC laban sa kanya kaugnay ng drug war.


“Ang balita ko may warrant daw ako… ‘Yung sa ICC or something. Matagal na ako hinahabol ng mga p***** i**,” ani Duterte.


“Tutal ganito na lang swerte ko sa buhay. Okey lang tatanggapin ko ‘yan. Eh, wala tayong magawa, eh. Hulihin tayo o ikulong tayo,” dagdag niya.


Binigyang-diin ng dating Pangulo na wala siyang ginawang masama at ang layunin lamang niya noon ay protektahan ang mga Pilipino mula sa salot na droga.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page