top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 16, 2026



TALKIES - PRISCILLA, GUSTO ULING PAKASALAN NI JOHN_IG _johnestrada

Photo: IG _johnestrada


“WE'RE no longer married,” ito ang pahayag ng TV host-Brazilian model at dating misis ng guwapong aktor na si John Estrada na si Priscilla Meirelles nang mag-guest siya sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Tanong ng King of Talk, “Kumusta ang lagay ng iyong puso?”


Sey ni Priscilla, “Well, a lot of things have changed and I’ve regained my peace of mind. ‘Yung happiness ko is back and I’m so confident about so many things. And I really feel ‘yung bagong taon, bagong buhay ko.”


Tanong ni Boy, “Kumusta ang estado ng inyong relasyon ni John Estrada?”

Ani Priscilla, “We're no longer married.”


Tanong uli ni Boy, “So officially today, as we talk, you are divorced? Has he been informed?”

Sagot ni Priscilla, “Oh, yeah. That’s why he gave an interview saying that he would remarry me.”


Tanong pa ni Boy, “Ano’ng reaksiyon mo nu’ng sinabi n’ya that you are the best mother, woman that he’s ever met and he is willing to remarry you?”


Sabi ni Priscilla, “I was sad. Because it’s sad for someone to acknowledge that after they’ve lost the person. I was sad because of a marriage, a family that was dissolved. I was sad because now it’s too late and I was sad that we are not on the same page because for me, there is no hope.”


Tanong ni Boy, “Parati mong sinasabi, Priscilla, na John was a good provider, that he is a very good father. Pareho pa rin?”


Sagot ni Priscilla, “Yes, pareho pa rin and I hope he doesn’t change. Actually, we had that conversation last night, and then I told him I hope that never happens because if there is something that I know that I didn’t do wrong or I didn’t choose wrong is the father of my daughter. 


“Perhaps, you’re not the best husband, sometimes he was good but sometimes he was not good. But as a father, I really hope and pray that I picked right and I know he loves his daughter so much.”


Matatandaan na ikinasal sina Priscilla Meirelles at John Estrada sa Thunderbird Poro Point sa La Union noong February 26, 2011.

Bukas ang BULGAR sa magiging pahayag ng aktor.



“IF you’re not able to donate, kahit prayers would mean so much,” ang pakiusap ng That’s My Bae 2015 Grand Winner na si Kenneth Earl Medrano matapos niyang ibahagi na na-diagnose siya ng testicular cancer kamakailan.


Saad ni Kenneth sa Instagram (IG) post niya, “To be honest, ‘di po ako okay ngayon. Kahit mukhang masaya ako sa lahat ng posts ko, sobrang bigat po ng pinagdaraanan ko.


“I was recently diagnosed with testicular cancer, right testicle, and I need to undergo urgent surgery next week to prevent it from spreading. The total hospital cost is around P250,000 and ‘di ko po ito kayang ma-cover mag-isa.


“Nakakahiya ito but gusto ko pa makita ang mga apo ko. Sa mga mabubuting puso, humbly asking for any financial help. Any amount will be a big help for my surgery and recovery. Parang gumuho ang mundo ko.


“If you’re not able to donate, kahit prayers would mean so much.

“Maraming salamat po sa inyong kindness and support. God bless you always.”

God bless you, Kenneth, and get well soon.



IBINAHAGI ng Idol Philippines Season 2 (IPS2) contestant na si Drei Sugay ang pag-aalinlangan niya sa pag-ibig sa kanyang debut extended play na Pagsuko/Pagsulong.

Tampok sa EP ang anim na awitin: Paglukso, Pag-ibig, Pagsuko, Pagsulong, Pagpili, at Paghintay, na sumasalamin sa iba’t ibang yugto at pagsubok ng pag-ibig.


Isinulat at ipinrodyus ni Drei ang key track na Pag-ibig na tungkol sa pagkawala ng sarili sa labis na pagmamahal. Nakasama niya rin sa pag-compose at pag-produce ng awitin ang Nameless Kids lead vocalist na si Nhiko Sabiniano, habang nagsilbing supervising producer ang StarPop label head na si Roque ‘Rox’ Santos.


Matapos pabilibin ang mga manonood sa Idol PH, ini-launch ni Drei ang debut single na Ganu’n Talaga noong 2023 na umani ng mahigit 600,000 streams sa Spotify. 

Ipinakita niya ang talento sa musika sa iba’t ibang kanta tulad ng Aking Tangi, Iyong Mga Mata, at Paano Naman Ako.


Ipinakilala kamakailan si Drei Sugay bilang isa sa mga bagong idol trainees ng Star Hunt Academy (SHA). Bukod sa musika, gumanap din siya bilang Fonzi sa Tabing Ilog: The Musical (TITM).


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 15, 2026



Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



“Thank you, Doc,” ang sinabi ng TV host-actress na si Mariel Rodriguez Padilla sa ini-repost niyang post ng mahusay na doctor na si Doc Richard Mata sa kanyang social media tungkol sa sinabi ni Sen. Robin Padilla na mahina ang mga kabataan dahil may depresyon.


Saad ni Doc Richard, “Senator Robin Padilla has endured hardships that most people would never survive. He spent years in prison without privilege, without special treatment. Many would have given up. Many would have let bitterness consume them. But he didn’t.


“Instead of allowing his past to destroy him, he chose discipline. He chose faith. He chose transformation.


“He rebuilt himself. He embraced his beliefs. He stepped back into society determined to prove that a person can fall hard and still rise stronger.


“So when he speaks about the youth being weak, perhaps it shouldn’t be taken as an insult. Perhaps it is a challenge.


“A challenge from someone who has experienced rock bottom. A challenge from someone who believes that strength is forged in struggle. A challenge that says when life knocks you down, don’t stay down, stand up.


“That message is not about condemnation. It’s about resilience. And resilience is something every generation must learn for itself.”

Korek ka d’yan, Doc Richard Mata!



Sa guesting ni Ai Ai delas Alas recently sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA), napag-usapan ang movie noon ng Comedy Queen na Ang Tanging Ina (ATI), lalo na ang anak niya noon sa movie na si Heart Evangelista.


Tanong ng King of Talk, “Kumusta si Heart Evangelista during Ang Tanging Ina?”

Sey ni Ai Ai, “Baby-baby pa si Heart nu’n, wala pa s’yang asawa. I think sila pa noon ni John Prats. Parang ganu’n.”


Dagdag na tanong ni Boy, “Kumusta si Heart katrabaho?”


Sey ni Ai Ai, “Sweet and tahimik lang din and sosyal. Sosyal s’ya talaga, inglesera.”

Hirit na tanong ni Boy, “Nasasabayan mo ‘yun?”

Sey ni Ai Ai, “Yeah of course, I can. Hahaha!”

Tanong ni Boy, “May Valentine’s date ka?”


Sey ni Ai Ai na tipong nagulat sa tanong, “Ikaw.”

Dagdag na tanong ni Boy, “Maliban sa akin?”

Sey ni Ai Ai, “Wala.”


Tanong uli ni Boy, “Kayo ba ni Gerald (Sibayan) ay nagkasalubong na? Nagkaroon na ba kayo ng pagkakataong makapag-usap?”


Sagot ni Ai Ai, “‘Di pa. No, wala.”

Dagdag na tanong ni Boy, “Bakit?”


Ani Ai Ai, “I think siguro God’s will muna na ‘di kami. Pero alam mo, nakakatawa, kahit ‘yung second ex-husband ko, ‘di ko pa rin nakikita hanggang ngayon. Walang kasalubong, wala. Although taga-Pilipinas ‘yun or minsan sa Amerika kasi US citizen din ‘yun. Wala. Weird, ‘no?”

Tanong ni Boy, “Napatawad mo na?”


Sey ni Ai Ai, “Napatawad ko na sila. Ayoko ng ano’ng tawag dito. I forgive them not because it didn’t hurt but because I deserve rest.”


Dagdag pa ni Ai Ai, “The end of us is the beginning of me.”

Tanong ni Boy, “Why did you sell the ring?”


Sey ni Ai Ai, “Wala lang, para pagkakitaan ko. Char! Hindi, para hindi ko na lang din makita. And kasi, ‘yun ‘yung parang requirement din na ano ‘yung puwede mong maibenta na may kahulugan. So ‘yung sa akin, ibinenta ko kasi ayoko na. Pero sabi ko nga, kumbaga, my pain will turn into something.”


Komento ni Boy, “Your pain will turn into cash.”

'

Sey ni Ai Ai, “Oo, kasi ‘yung cash, ‘yung iba ru’n, ibinigay ko sa mga cancer patients.”

Tanong ni Boy, “Handa na ba ang iyong puso na umibig pang muli?”

Sagot niya na may kasamang pag-iling, “No.”


Well, hindi naman masamang sumubok ng bagong pag-ibig, ‘di ba, mga madlang people?


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 13, 2026



Robin Padilla

Photo: FB Robin Padilla



“Ang mga bata ngayon, sad to say, you are weak,” ang pahayag ng aktor na si Sen. Robin Padilla sa ginanap na pagdinig ng Senate Committee on Public Information and Mass Media noong Wednesday, February 11, 2026.


Saad ni Sen. Robin, “Siguro naman, ‘yung iba rito, ‘di ko man kaedad, eh, naranasan n’yo ‘yung panahon ng ‘90s at ‘80s na tayo ay naglalaro pa, masaya pa. Ang mga bata po ngayon, sad to say, ‘wag kayong magagalit sa akin. Naku, maraming batang magagalit siguro, pasens’ya na kayo. You are weak.


“‘Di kayo katulad noong panahon namin na ‘di kami iyakin. Natuto kami sa kalsada, natuto kami na ‘wag umupo at umiyak. Noong panahon namin, ‘di uso ang salitang ‘depression’. ‘Di ko nga alam ‘yun. Ngayon, batang maliit sasabihin, ‘I’m depressed,’ magulo.”


Sa naganap na hearing, naka-focus ang usapin sa pagsusulong ng limitasyon ng mga bata sa paggamit ng social media upang protektahan sila sa cyberbullying, mental health issues, at online threats.


In fairness, Sen. Robin Padilla, isa ‘yan sa mga magagandang batas na isinulong mo para sa mga kabataan.



Inamnn ng vlogger na si Boss Toyo sa kanyang social media post na nagkamali siya sa pagkakakilala sa TV host-aktor na si Willie Revillame.


Saad ni Boss Toyo, “Sobrang nagkamali ako sa taong ‘to. Dahil naniwala ako sa mga nakikita ko sa social media tungkol kay Kuya Wil. 


“Pero noong nakasama ko s’ya nang tatlong araw, lahat nakita ko, narinig ko ang mga kuwento ng buhay n’ya, ‘di mula sa kanya kundi sa mga taong nakapaligid sa kanya. Sa tatlong araw, du’n ko rin nakita kung gaano s’ya katotoong tao.


“‘Yung namimigay ng walang kamera dahil sarili n’yang pera, kaya sabi n’ya ‘di na n’ya kailangan ikamera o ipagsigawan ang pagtulong. ‘Yung napapanood sa telebisyon na pamimigay, dahil ‘yun ay trabaho at kailangan ng sponsors, pero ‘pag sarili n’ya, walang kamera, walang kahit ano. ‘Yung kuwento ng kanyang tagumpay na walang sinagasaan at walang halong anomalya, kaya malaya n’yang nabibili ang mga gusto n’ya.


“Nagtanong ako sa kanya kung paano n’ya naha-handle ‘yung mga ibang tao na namba-bash sa kanya. Sabi n’ya, una, ‘di s’ya nagso-social media. Pangalawa, ang katotohanan, kahit ano’ng gawin mo sa mundo, may masasabi at masasabi pa rin sila sa ‘yo. Kaya kung ano ang nagpapasaya sa ‘yo at sa ibang tao, ‘yun ang gawin mo.


“Oo, medyo may pagkaistrikto s’ya pagdating sa trabaho dahil mas mainam daw ‘yun, dahil disiplina ang gusto n’yang iparating sa lahat ng tao na nakapaligid sa kanya, lalo na pagdating sa trabaho.


“Isa pa, tao lang ako, marami tayong pagkakamali, pero ‘di ibig sabihin noon, eh, masama na dahil ang buhay ay isang malaking paaralan para sa lahat, at habang nararanasan mo ang lahat, natututo ka.


“Pinahanga ako ng taong dati ay ‘di ko hinahangaan. Mali ako, at tinanggap n’ya ‘yun. Salamat sa mga turo, Kuya Wil! Salamat sa pagbibigay ng pagkakataon na makakuwentuhan ka. Hihintayin ko na makasama ko kayo sa isang entablado.”

In fairness sa host ng Wilyonaryo na si Willie, matulungin naman talaga siya.



AYAW paawat sa pag-arangkada ang career ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition (PBBCCE) Kapuso Big Winner na si Mika Salamanca dahil matapos i-launch bilang bida sa seryeng The Secrets of Hotel 88 (TSOH88), ganap na siyang music artist sa pag-release ng kanyang bagong awiting Kasalanan, na bahagi ng kanyang inaabangang debut album sa ilalim ng Star Music.


Sa loob lamang ng dalawang araw, nanguna ito sa iTunes Philippines at napasama rin sa New Music Friday list ng Spotify at Billboard Philippines. Sinulat ng Star Music artists na sina Jeremy G, Ishiro Incapas, at Russu Laurente ng P-pop group na WRIVE ang Kasalanan na tungkol sa pag-ibig na malaya, walang takot, at walang pakialam sa sasabihin ng iba.


“Ito rin po ay nagsisilbing love letter ko sa mga fans ko na simula’t sapul ay ‘di ako iniwan at patuloy akong sinusuportahan sa kabila ng mga panghuhusga sa akin sa social media,” pagbabahagi ni Mika Salamanca.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page