top of page
SPECIAL ARTICLE - JOSHUA, BINURA ANG MGA POST NA MAKA-VP SARA, IN-UNFOLLOW DIN SA IG PATI
Search

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 10, 2026



TALKIES - MANOY NI JAKE, DINAKOT NG FAN SA MALL-IG _jhake

Photo: IG _jhake



Ibinahagi ng aktor na si Jake Vargas na tinaguriang ‘Prince of Mall Shows’ ang isa sa mga hindi niya malilimutang karanasan habang nagtatanghal sa isang siksikang mall sa pag-guest niya sa podcast na Your Honor (YH) nina Chariz Solomon at Buboy Villar.


Tinanong ni Buboy si Jake, “Ano’ng pinaka-wild na nangyari sa mall show na ‘di mo malilimutan?”

Sagot ni Jake, “Siguro, ‘yung isang beses na nag-mall show kami, ‘di ko na matandaan kung sa Cainta ba o saan, pero sobrang dami ng tao na parang mababasag na ‘yung mga salamin.”


Sunod na tanong ni Buboy, “Eh, ‘yung biglang may nanghalik sa ‘yo, nangyari na ba ‘yun?”

Sumagot si Jake na may mas matindi pa siyang naranasan.


“Meron pa. S’yempre, sa sobrang dami ng tao, bumaba ako ru’n sa pinakamaraming tao. Isang beses, ‘di ko inaasahan, nahipuan ako,” pagbabahagi niya.


Agad namang nagtanong si Buboy, “Saan? Harap o likod?”


Sagot ni Jake, “Harap. Tapos, ‘di ko na nakita kung sino ang humipo sa akin kasi sobrang dami ng tao.”


Tanong ni Chariz Solomon, “Paano? Tapik lang ba o hawak talaga?”

“As in, hawak talaga,” tugon ng aktor.

Hirit pa ni Buboy, “Dinakot talaga?!”


Ikinuwento ni Jake na sinubukan pa niyang hanapin ang gumawa nito, ngunit nabigo siya dahil sa dami ng tao.


“Hinanap ko pa sa ilalim kasi ang liit ko. Tapos ‘yung mga security, ang lalaki. Hinahanap ko kung sino s’ya pero ‘di ko na nakita. Sabi ko na lang, ‘Sige, hayaan na,’” aniya.


Well, kung sino man ang gumawa nito kay Jake, sure si yours truly na may karmang naghihintay sa ‘yo. 

Pak, ganern!





IBINAHAGI ng aktres at Miss International 2005 na si Lara Quigaman sa kanyang Instagram (IG) account ang isang throwback video ng isa sa kanyang hindi malilimutang pagganap sa telebisyon.


Sa naturang post, ibinahagi ni Lara ang ilang eksena mula sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya (MMK). 

Sa episode na ito, gumanap siya bilang isang karakter na kalbo.


Sa caption ng kanyang post, pabirong sinabi ni Lara: “‘Yan, ayaw n’yo ng white hair, sige, wala na lang buhok para happy lahat! I came across this episode of MMK. Na-miss ko ring umarte. Salamat, ABS-CBN. Salamat, MMK, sa pagkakataong magampanan ang iba’t ibang karakter at maging bahagi ng mga kuwentong tumatak sa puso ng maraming Pilipino.


“Ang buhay nga naman, parang teleserye rin. May mga panahong tila nananalo ang mga nang-aapi o ang mga nakagawa ng mali. Pero darating din ang panahon ng katotohanan at pananagutan. ‘Di man agad, pero sa tamang panahon, lumalabas din ang totoo. Kaya mas mabuti pa ring piliin ang tama…”


Well, in fairness, hindi kumukupas ang ganda ng ating Miss International 2005 na si Lara Quigaman kahit maputi na ang kanyang buhok. 


Kantahan na nga lang natin ang beauty queen ng awiting… “Ang nakalipas ay ibabalik natin… Ipapaalala ko sa ‘yo… Ang aking pangako, na ang pag-ibig ko’y laging sa ‘yo… Kahit maputi na ang buhok ko…”

Pak, ganern!


‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Talkies | July 9, 2026



TALKIES - BB, UMAMING DAHIL SA SAKIT KAYA BALIK-'PINAS-IG _gandangharibb

Photo: IG _gandangharibb



Blooming at tila in love ang kapatid ni Sen. Robin Padilla na si BB Gandanghari nang mag-guest siya kamakailan sa Fast Talk with Boy Abunda (FTWBA).


Sa panayam, tinanong ni Boy Abunda kung bukas pa ba siyang muling mag-artista sa Pilipinas kung mabibigyan ng pagkakataon.


“Halimbawa, kung magkaroon ka ng offer dito sa Pilipinas para gumawa ng series o pelikula, bukas ka naman?” tanong ni Boy.


Sumagot si BB, “Oh, yeah. I’m more than willing, of course. S’yempre, ‘di naman lahat puwede mong gawin on your own. I’m still looking forward to working with directors. We have really good directors now. At gusto ko ring makatrabaho, for example, ang GMA. Ang gaganda ng mga teleserye na nakikita ko rito, so I want to be a part of that also.”


Sinundan ito ni Boy ng tanong kung mas gusto ba niyang gumanap bilang bida o kontrabida.


“Bida, kontrabida, o kahit kuwentuhang magkaibigan lang?” ani Boy.

“Ah, I can do both,” sagot ni BB. 


Kuwento niya, “One of the characters I really enjoyed doing way back in 2014 was in Enchanted Garden sa kabilang channel. Bida-kontrabida ‘yun. I was the Evil Queen, at gusto ko talaga ang mga ganu’ng karakter.”


Ikinuwento rin niya na labis niyang na-enjoy ang pagiging kontrabida sa naturang serye.

“Evil Queen na tinatarayan ko sina Rufa Mae Quinto at Alice Dixson. Enjoy na enjoy ako ru’n,” aniya.


Nang tanungin ni Boy kung sino ang pinakamasaya niyang nakasama sa mga eksenang nagtatarayan sila, agad niyang binanggit si Rufa Mae.


“Si Rufa, actually. S’yempre, si Rufa, nakakatawa naman ‘yun all the time. But Alice is always a good co-worker. I mean, even from way back, meron na talaga kaming rapport when we’re in front of the camera,” saad ni BB.


Sa naturang panayam, napag-usapan din ang naging dahilan ng pag-uwi ni BB sa Pilipinas.


“Bakit umuwi ka? And how long have you been here?” tanong ng mahusay na TV host na si Boy.


“I’ve been here for quite a while already—more than two months,” sagot ni BB.

Sinundan ito ni Boy ng tanong kung may kinalaman ba sa pulitika o pag-ibig ang kanyang pag-uwi.


“What brought you home? Ito ba ay may kinalaman sa pulitika o sa pag-ibig?” tanong ng host.


“I wish. No. Unfortunately, for health reasons,” pag-amin ni BB. 

Paliwanag niya, “Sa Amerika, I was diagnosed with a cardiovascular condition. Nakakita sila ng blockage sa puso ko, and then I was very emotional in the States. I was supposed to have parang an angiogram there and then go through the whole process. 


“But I wasn’t sure kasi sabi ko, I don’t know if I’m too young for that kasi they want to put a stent on my heart already. I was like, let me go back. Sabi ko, babalik muna ako ng ‘Pinas and have a second opinion over there.”


Natanong naman ni Boy kung dito nga ba sa Pilipinas siya nagpatingin para humingi ng second opinion.


“Oo. Gusto kong dito magpa-second opinion,” sagot ni BB.

“And you did that?” muling tanong ni Boy.

“And I did that,” tugon ni BB.

“And you’re okay?” usisa pa ng host.


Ibinahagi ni BB ang magandang balita matapos ang kanyang pinakahuling pagsusuri.

“I had my procedure last week for a second opinion. Of course, during that whole process, binago ko ang lifestyle ko. Binago ko ang diet ko. Also, that’s the reason why I went to Iloilo, just to have clear air and just to really relax, magpahinga.


“God is good. ‘Yung blockage na nakita sa akin sa Amerika ay bumaba na. ‘Di na ito umabot sa puntong kailangan akong lagyan ng stent, which is more of the important thing.


“But of course, I’m still very active. That was my fear when I was diagnosed. I was like, how can I even... parang ‘di ko kaya ‘yung biglang ‘di ka na puwedeng maging active. ‘Yung kailangan mong mag-stop,” saad niya.


Sa panayam, napag-usapan din ang tungkol sa posibilidad ng pagpasok ni BB sa pulitika at ang estado ng kanyang love life.


Nang tanungin ni Boy kung may balak ba siyang pasukin ang gobyerno, diretsahan itong sinagot ni BB ng “Hindi.”


Sunod namang inusisa ni Boy ang lalaking kasama ni BB sa isang larawang kuha habang naglalakad sila sa tabing-dagat.


“Sino naman ang kasama mo habang naglalakad sa tabing-dagat? Ano’ng kuwento rito?” tanong ni Boy.


Napatawa si BB at sey niya, “Ewan ko rin kung bakit kami naglalakad d’yan. Hahaha! Baka naman sinasamahan n’ya lang ako kasi gusto kong maglakad sa dalampasigan.”

Napansin din ni Boy ang kilos ni BB sa naturang larawan.


“Iba ang body language mo. Naghawakan ba kayo ng kamay d’yan?” tanong niya.

Inamin naman ni BB na inaalalayan siya ng kanyang kasama.


“Oo, ‘pag umaakyat ako ng hagdan, inaalalayan naman n’ya ‘ko,” aniya.

Nang tanungin kung may espesyal na ba sa kanyang buhay, sinabi ni BB, “Not yet.”

Sinundan ito ni Boy ng tanong kung papunta na ba siya sa puntong iyon.


“I guess so. Hahaha! Pero wala pa naman. Parang feeling ko lang, just okay,” tugon niya.

Well, at least, kahit wala pa siyang opisyal na karelasyon, masaya pa rin si BB at lalong gumaganda.





MAGSASAMA sa unang pagkakataon sa isang pelikula sina Unkabogable Superstar Vice Ganda at Bossing Vic Sotto para sa The Greatest Showdown (TGS), mula sa direksiyon ni Jun Robles Lana at mapapanood ngayong 2026.


Mainit ang naging pagtanggap ng mga fans sa pagsasanib-puwersa ng dalawang box office stars matapos ianunsiyo mismo nina Vice at Vic na nais nilang magbigay ng saya at katatawanan sa mga manonood sa pamamagitan ng kanilang pelikula.


“Kailangan naming magsanib-puwersa para ibigay ang tawa, halakhak, at kaligayahan na kailangan ng mga Pilipino. Hardcore, todo-comedy ang gagawin naming dalawa,” pahayag ni Vice tungkol sa pelikula.


Dagdag pa ni Vic, “Ang pelikulang ito ay magbibigay ng ligaya sa taong bayan. Magpapasaya tayo at magpapatawa tayo. Sinisiguro rin namin na marami kayong mapupulot na aral.”


Ang The Greatest Showdown ang nagsisilbing unang kolaborasyon nina Vice at Vic, at ipo-produce ito ng ABS-CBN Studios, Star Cinema, The IdeaFirst Company, M-Zet Productions, at APT Entertainment.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Alicia Abarnas (OJT) @Special Article | July 8, 2026



Lisa of BlackPink - IG

Photo: Lisa of BlackPink - IG



Usap-usapan ngayon ang tila nagbagong hitsura ng ilong ng global superstar na si Lisa Manoban ng Blackpink pagkatapos mapansin ng mga netizens at Blinks na mas lumaki at bumalik sa natural nitong Thai feature ang dati’y maliit at "Barbie-style" na ilong ng K-pop idol.


Sa mga naglalabasang reaksiyon, hayagang sinabi ng isang Blinks na mukhang naging pango at mas lumaki ang ilong ng dalaga na tila malayo sa inaasahang resulta ng operasyon, habang dismayado naman ang iba sa matinding pressure sa industriya kung saan tila kailangang baguhin ng mga artista ang kanilang mukha kada dalawang taon para lang sumabay sa bagong uso.


Sa kabilang banda, may mga nagtanggol din kay Lisa at naghinalang baka hindi ito para sa porma kundi isang medikal na reconstruction dahil sa problema sa paghinga, lalo pa't napansin ng marami na tila madalang na itong humataw sa pagsasayaw sa kanyang solo career kamakailan.


Narito ang ilan sa mga international comments: 


“Doesn’t it make her nose look larger and more bulbous? I can’t imagine that was the desired outcome. Either way, she looked better with her previous nose job.”


“Lisa’s Barbie-style nose job was really small before, so I wonder if this was more of a necessary reconstruction due to breathing difficulties or something.


“Honestly, it would make a lot of sense considering she has faced some criticism lately for not focusing as much on dancing in her solo career. It always seemed like a strange choice to me that she wouldn’t try to highlight one of her main strengths when going solo.


“I think it’s also just hard for me to imagine she did this for purely aesthetic purposes, considering it seems to be very against the 'ideal' nose—especially in East Asia and Korea—to purposely make your nose larger like this.” 





Minor pa raw ang kabit ng ex-mister…

JELAI, IBINULGAR NA NABUNTIS NI KING BADGER ANG VIVA STAR NA SI YUMI GARCIA


Nagwakas na ang bangungot! 


Kumpirmadong opisyal nang annulled ang kasal ng vlogger-aktres na si Jelai Andres at ni Jon “King Badger” Gutierrez. 


Pero bago tuluyang lumaya, isang pasabog na rebelasyon ang binitawan ni Jelai sa kanyang YouTube video na siguradong ikaluluwa ng mata ng mga Marites.

Inamin ni Jelai na nabuntis umano ni King Badger ang dati nitong menor-de-edad na kabit na ngayo’y Viva artist na si Yumi Garcia — at nangyari ito noong kasal at nagsasama pa sila.


Ang matindi pa, may eksena pa raw na dinala ni Jon ang batang bunga ng kasalanan nito.


Umuusok naman sa galit ang mga netizens sa kakapalan ng mukha ng dating asawa ng aktres. 


Buwelta ng isang tagahanga: "Magpasalamat sila at mabuting tao si Jelai. At sa kabit ni King Badger, huwag ka magdiwang! Sa papel lang naalis ang pagiging kabit mo pero sa paningin namin, kabit ka pa rin, pwe!" 

Ouch!





BUMAHA ng parangal para sa mga naglalakihang bituin sa katatapos lang na 9th Eddys (Entertainment Editors’ Choice).


Wagi bilang Best Supporting Actor ang bagitong aktor na si Will Ashley para sa Bar Boys: After School, katabla ang singer-actor na si Rico Blanco. 


Nag-uwi rin ng parangal ang Sexbomb leader na si Rochelle Pangilinan bilang Best Supporting Actress para sa kanyang natatanging pagganap sa Child No. 82

Sa labis na tuwa, napasigaw si Rochelle sa kanyang Instagram post ng: “OMG! Nanalo ako!” 


Aniya, isang napakalaking karangalan ang masungkit ang tropeo kalaban ang iba pang mahuhusay na nominado.


Ang The Eddys ay taunang parangal na binubuo ng mga entertainment editors at journalists sa bansa para kilalanin ang mga pinakamahuhusay na obra at pagganap sa Philippine cinema. 


 
 
RECOMMENDED
bottom of page