top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 27, 2025



Photo: Lara Quigaman Alcaraz - IG


Nagpakilala na si Miss International 2005 Lara Quigaman bilang isang guro.

Sa kanyang social media post ay nagbahagi siya ng larawan na naka-toga at may caption na:


“Hi! I’m Teacher Lara (white heart emoji). I remember doing an ad 20 years ago where I said, ‘I want to have 12 children!’ Well, guess what? Now I have over 70+— and that’s not even including my own! 


“God truly gives more than we ask for or could ever imagine. I’m so, so grateful that I get to do what I love — work with children, help shape their lives, and point them to Jesus.


“‘Now to Him who is able to do immeasurably more than all we ask or imagine, according to His power that is at work within us.’ —Ephesians 3:20

“All glory to Him!’” pagtatapos ni Teacher Lara.

‘Yun lang, and I thank you.



NAG-POST ang aktor na si Donny Pangilinan sa Instagram (IG) ng tribute sa pagtatapos ng Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7

Aniya, “And just like that… Season 7 comes to an end. This has truly been one of the best experiences of my life. I used to be the biggest Got Talent fan. As a kid, I binge watched auditions, amazed at the talents I’d never seen before. I never imagined that one day, I’d have the privilege of sitting in the judges’ seat.” 


Kasabay nito, nagpaabot din ng pagbati si Donny kay Ricardo Cadavero, o mas kilala bilang “Cardong Trumpo,” matapos itong hirangin bilang PGT Season 7 Grand Winner.

Mensahe ng aktor, “And finally. Congratulations, Tatay Cardo! Maraming salamat po sa pagbabahagi ng inyong talento at puso sa amin at sa buong Pilipinas. This is just the beginning, ‘Tay. The world is about to meet you.” 


Samantala, natuwa naman ang veteran actress na si Daisy Romualdez sa ipinakitang magandang ugali ni Donny nang hindi sinasadyang magkita sila sa Solaire. 

Ito ang pahayag ni Daisy, “I was in Solaire yesterday. I was surprised dahil may lumapit sa akin na isang pinakaguwapong bata at hinawakan niya ang kamay ko at sinabi n’ya na ‘Si Donny Pangilinan po.’


“Sabi ko, ‘Ay, ikaw pala! Give my regards to your lola and mom.’ Sana, lahat ng mga bata na mga artista ngayon, gayahin ninyo si Donny, may respect sa senior stars. 

“I love you, Donny. Thanks for greeting me and being so nice.”



NAGLUNSAD ng dalawa niyang komposisyon – Gustong-Gusto (I Like It So Much) at Papunta Na Ako (I’m On the Way) – ang baguhang singer-rapper na si MAVEN na siyang kauna-unahang hip-hop artist na nag-debut sa ilalim ng Star Music label ng ABS-CBN. 


Si MAVEN o Dustin Gipala sa totoong buhay ay isa sa mga naging contenders ng Tawag ng Tanghalan Kids (TNTK) Season 1 at naging bahagi rin ng blind auditions ng The Voice Kids (TVK) nu’ng 2015. 


Naging aktibo naman siya bilang cover artist sa YouTube (YT) simula 2019.  

Bilang artist, nais ni MAVEN na maghandog ng relatable at totoong kuwento sa kanyang mga hip-hop composition. 


Aniya, “Real shit, real life, and authentic lahat ng ilalabas nating music, abangan n’yo.” 

Tungkol sa init ng damdamin na dala ng pag-ibig ang kanyang R&B track na GG na ipinrodyus ng Cursebox.


“Yow! Nabuo ‘yung song na ‘yan dahil sa passion and love, ‘di dahil trip kong maging bastos o maangas. Gusto ko lang ilabas ‘yung side ko bilang artist sa ganyang paraan,” post niya sa isang IG story.


Samantala, ang Pop R&B track na PNA ay tungkol sa katiyakan na papunta na ang isang tao sa kanyang minamahal na ipinrodyus naman ni Young JV. 


Noong nakaraang buwan ay inilunsad ni MAVEN ang una niyang hip-hop R&B recording na Dito Ka Muna (DKM).



 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 26, 2025



Photo: Chito Miranda - IG


Napagkamalan ni yours truly na nuknukan nang suplado ang anak ng University of the East (U.E.) dabarkads kong si Nora Yanga Miranda na si Chito Miranda.


Hindi man lang kasi namin nakitang lumabas ang ngipin nito, samantalang ang BFF naming si Nora na mother dearest ni Chito ay napakabait at smiling face.


May dahilan naman pala kung bakit hindi lumalabas man lang ang ngipin ni Chito, at ito ay ibinahagi niya sa kanyang social media post — ang larawan niya na nagpapakita ng ngipin na sungki-sungki, at ang isang larawan naman ay nakangiti na siya at labas na ang magandang ngipin.


Sabi nga ni Chito, “Dati, wala akong paki sa ngipin ko.


“I was a smoker since 12 and it was obvious dahil sa nicotine stains... not to mention na sungki-sungki pa sila na parang magtotropa na nagsiksikan sa sasakyan (naka-in out-in out sa sandalan (laughing emoji), tapos basag-basag pa ‘yung front teeth ko due to decades of jumping up and down while singing with a mic smashing against them (rock & roll emoji).

“I didn’t really worry about it, but I never flaunted them as well (kaya never ako ngumingiti na nakalabas ‘yung ngipin).


“Pero a couple of years ago, Dr. RFD convinced me to fix them... and I’m so glad I agreed. They cleaned and fixed my teeth.


“Ngayon, I still normally don’t show my teeth when smiling, but it feels great knowing na maganda ngipin ko whenever mag-smile ako na labas ngipin (smiling emoji).

“Salamat, Doc! Salamat Urban Smiles Dental Clinic.”


Kaya naman pala hindi siya ngumingiti nang labas ang ngipin.

Well, totoo ang saying na, “Don’t judge the book by its cover.”  


Hindi naman pala suplado, nahiya lang dahil sa ngipin. 

‘Sens’ya na po, tao lang.


Another kuwento, bigla tuloy na-miss ni yours truly ang mga U.E. dabarkads namin ni Nora, lalo na ang pinagtatambayan naming tindahan near U.E. Lepanto Street owned by Tita Mel. Oh, ‘wag na mag-senti, kanta na lang tayo ng: “Nandito na si Chito, si Chito Miranda… Nandito na si Kiko, si Francis Magalona… Nandito na si Gloc-9, wala s’yang apelyido. Magbabagsakan dito in five, four, three, two!”

Pak, ganern!



GANAP nang recording artist ang Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 Big Winner na si Fyang Smith matapos ilunsad ang kanyang five-track debut EP na Forever Fyang (FF), tampok ang Mishu (Nasaan Si Fyang?) (MNSF) at Tayo Hanggang Dulo (THD) na nasungkit agad ang una at ikalawang puwesto sa iTunes Philippines Songs Chart.


Ang lyric videos ng dalawang kanta kung saan tampok ang kapwa niya PBB Gen 11 housemate na si JM Ibarra ay umani na ng mahigit 100,000 views. 


Mula sa komposisyon nina Trisha Denise at Dennis Campaner ang Mishu habang isinulat nina ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo at Perry Lansigan ang THD.


Tampok sa mini album ang feel-good vibes at kuwento ng pag-ibig — magmula sa kilig hanggang sa pagkakaroon ng pangmatagalang koneksiyon. 


Kabilang din dito ang 3 bagong kanta na Clingy AF (CA) na isinulat ni Gabriel Tagadtad, Kaya Mo Ba (KMB) nina Jeremy G at Jarea, at Para Shoot na mula sa award-winning composer na si Jungee Marcelo.


Nagsilbing overall producer ng EP ang StarPop label head na si Roque “Rox” Santos.


Nagpasiklab si Fyang sa FF album launch na naganap noong Linggo (Hunyo 22) sa New Frontier Theater.


Nakasama niya bilang special guests ang dating PBB Gen 11 housemates na sina Kai Montinola, Kolette Madelo, Rain Celmar, JM Ibarra, at ang Asia’s Songbird na si Ms. Regine Velasquez-Alcasid.



SA isang panayam, inamin ni Barbie Forteza na walang nanliligaw sa kanya.

Aniya, “Honestly, wala po talaga. Totoo po ‘yun, walang echos ‘yun. Walang nanliligaw.

“I am still enjoying my time. But, I am open to meeting people.

“Kasi ano naman, eh, ang saya kaya. Ang saya pala maging ano, maging outgoing, ‘di ba?

“To be more out there, ang sarap tumakbo sa labas.”

Okay, Barbie, enjoy your ‘me time’ at sana magkaroon ka na ng kasabay sa pagtakbo mo, mas masaya kaya kapag may kasamang tumatakbo. Tanungin mo pa si Jak Roberto.




 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 25, 2025



Photo: Vico Sotto - IG


Karamihan ng mga artista at pulitiko ay may magandang cellphone. Pero kakaiba si Pasig Mayor Vico Sotto na lumang cellphone pa rin ang gamit. 


Kaya naman, hindi ito nakaligtas sa paningin ng mga netizens. Nag-viral si Mayor Vico sa social media dahil napansin ang kalidad ng mga video na kanyang ipino-post na kuha gamit ang sariling cellphone, dahilan para maisip nilang lumang modelo nga ang cellphone na gamit ng mayor.


Nakakatawa naman ang mga komento ng mga netizens. 


Sey nila, “Mayor, send your GCash number #Piso para sa cellphone ni Mayor Vico.”

“Mayor, papayagan ka namin kumuha sa kaban ng bayan, bili ka lang ng bago mong cellphone, please?”


Kung gugustuhin ni Mayor Vico, makakabili siya ng bagong phone dahil kayang-kaya naman niya. Masinop lang talaga sa gamit si Mayor Vico. 


Well, napatunayan naman na raw ng buong universe na hindi siya corrupt na public servant, kaya okey lang na palitan na niya ang ginagamit na cellphone.


Samantala, sa panayam naman ng media sa ama ni Mayor Vico na si Vic Sotto, natanong kung may balak ba siyang regaluhan ng bagong cellphone ang anak. 


Ang sagot ni Bossing Vic, “Alam mo, ibang klase ‘yung anak kong ‘yun, eh. Ang sabi n’ya, hangga’t hindi sumasabog ‘yung telepono n’ya, hindi magpapalit ‘yun, eh. Ganu’n ang prinsipyo nu’n, ganu’n manindigan ‘yun, eh. But I’m very, very proud of him,” sabay tawa pero halatang proud na proud para sa anak.


Napakaganda ng ginawang pagpapalaki nina Coney Reyes at Vic Sotto kay Mayor Vico. Hindi importante ang magandang cellphone para sa kanya. 


Para kay Vico, mas mahalaga ang maayos na serbisyo sa tao kaysa sa mga bagay na magpapakita ng estado o kayamanan.


Congrats sa mga taga-Pasig City, ang galing ng mayor ninyo!


Ibinulgar ng madir…

MICHELLE MADRIGAL, HIRAP MAGKAANAK


MARAMING tagahanga ng aktres na si Michelle Madrigal ang nag-aalala nu’ng kumalat ang balitang may sakit daw ito. 


Kaya naman, agad naming kinausap ang mother dearest ni Michelle na dati ring artista na si Kate Madrigal, better known as Karla Kalua.


Si Karla ay artista ng Baby Pascual Films. Nagbida siya sa Magdalena Buong Magdamag (MBM) with the late actress Claudia Zobel at Chikas with Lovely Rivero, Tanya Gomez, Rachel Anne Wolfe & Jaclyn Jose (SLN).


Dalawa ang naging artistang anak ni Karla — sina Michelle at Ehra Madrigal na parehong dating artista ng GMA-7. Si Ehra ay naging cover girl sa FHM noong 2006 at nakabilang sa FHM 100 Sexiest Women in the World list kung saan Top 5 siya noong 2007.


Kinumusta ni yours truly si Michelle kay Karla at kung may balak bang bumalik sa pag-aartista ang dalawa niyang anak. 


Ang sagot ni Karla, “Wala namang malalang sakit si Michelle, hirap lang magkaanak. Wala na silang (Michelle & Ehra) planong mag-artista kasi happily married na sina Ehra and Michelle.”


Hindi rin nakalimutang magpasalamat ni Karla sa mga nagmahal sa kanyang mga anak nu’ng nag-aartista pa sila at kay yours truly na naging mentor at friend forever niya.

You’re welcome, my dear friend.



SA social media post ni Melai Cantiveros ay nagbahagi siya ng larawan kasama si Gerald Anderson at may caption na: “Hello, it’s me, Julia Burrito with Gerald @andersongeraldjr char char lang. Kung kayo ay mga Gen (generation) Z, kami man ni Gerald ay GenZan, mga proud taga-GenSan.


“Please watch kayo ng Sins of the Father kay maayu kaayu si Gerald sa iyahang role and after sa Sins of the Father, manood na agad kayu ng KuanOnOne sa ABS-CBN YouTube channel and i-type ang KuanOnOne sa iWantTFC @iwanttfc.”


Oh, guys, hindi si Julia Barretto ang kasama ni Gerald Anderson, ha? Walang iba kundi si ‘Julia Burrito’.



“MAGHARI nawa sa mga makapangyarihan ang kanilang mga puso at paniniwala sa Diyos, hindi ang paniniwala sa kanilang mga talino at sarili. Magtagumpay nawa ang kapayapaan, hindi ang karahasan,” ito ang sinabi ni Senator Robin Padilla sa kanyang social media post.


Ito ay patungkol sa giyera na kinakaharap ngayon ng Israel, Iran, United States of America (USA) at Palestine. Maaari kasing magsimula ito ng mas malaking problema, hindi lang sa buong Middle East kundi pati sa buong mundo. 


Nawa’y magkaroon na ng kapayapaan at hindi na matuloy ang giyera.

‘Yun lang and I thank you.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page