top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 7, 2025



Photo: Robin Padilla - IG


Matinding pagkabahala ang naranasan ng buong pamilya ng aktor at senador na si Robin Padilla sa kumalat sa social media na diumano’y may naglabas daw ng pagbabanta laban sa kanya.


At dahil sa naganap na pagbabanta raw ay humingi na ng tulong ang pamilya ni Senator Robin sa National Bureau of Investigation (NBI).


Sa social media post ay nagbahagi ang aktor at senador at may caption na: “Bismillah. Ang aking buong pamilya ay nagkaroon ng matinding pagkabahala nang mayroong naglabas sa social media ng isang kampanya para sunugin si Robin Padilla. Nagkaroon ng paghihigpit sa aming mga pupuntahan at hanggang ngayon ay naka-red alert pa rin ang aking security dahil ang mga ganitong kampanya ayon sa kanila ay baka sakyan ng mga terorista.


“Sa madaling salita, isinangguni ng pamilya ito sa NBI para makapagbigay ng statement upang maipaalam sa kanila ang threat na sineseryoso ng aming security. Kaya naman na nakipag-coordinate ang NBI at napagkasunduan na mag-file ng kaso ang aming pamilya sa mga nagpakalat at nagkampanya nito, pero napagkasunduan ng pamilya na bitiwan ang pagreklamo ng cyberlibel dahil hindi mainam sa isang pulitiko ang maging balat-sibuyas.”


Pagtatapos ni Sen. Robin, “Blessings of Allah be upon him as well as peace.”

Samantala, dumalo ang anak ni Senator Robin Padilla na si Ms. Queenie Padilla sa Ceremonial Transition and Inauguration ni Governor Mujiv S. Hataman noong ika-30 ng Hunyo 2025 sa Basilan Government Center, Lamitan City. Isang simbolo ito ng pakikiisa at buong-pusong suporta para sa mga kababayan sa Basilan, at patuloy na panawagan para sa kapayapaan at pag-unlad ng Bangsamoro.



SA Instagram (IG) post ni Chloe San Jose ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang boyfriend na two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo habang ipinagdiriwang ang kanilang 5th anniversary bilang magdyowa noong July 3, at may caption na: “5 years?? That's half a decade of love, laughter, lessons, and leaning on each other.


“I still can’t believe how fast time flew, like what we always ask each other, ‘Sabi nila bumabagal daw ‘yung oras ‘pag magkasama, bakit ‘yung sa atin, ang bilis?!’


“I’m so grateful to the universe for writing this life with you in it. We’ve grown so much and have been through a lot, individually and as a team and I’m just really proud of us, mahal. Thank you for making love feel safe and steady.


“Happiest 5th anniversary, dada!! Here’s to more years of choosing each other: on the good and hard days, more memories and random ‘let’s book a flight’ moments and everything in between.


“My heart is forever yours, my baby. I love you, eternally and always.”

Happy anniversary, Carlos and Chloe.



INILUNSAD ni Asia’s Pop Heartthrob Darren Espanto ang bago niyang album na Ikaw Pa Rin (IPR), ang una niyang album sa ilalim ng Star Music PH, kasabay ng pagdiriwang niya ng ika-11 taon sa industriya. 


Naglalaman ng 13 tracks ang album at lima rito ay siya mismo ang sumulat – Bibitaw Na, Hanggang Kailan, Ilang Beses, Iyo, at ang kanyang writing collaboration kay Angela Ken na Paano Kung Tayo Na Lang?


Kasama ni Darren si DJ M.O.D. sa title track na Ikaw Pa Rin, isang nakakaindak na awitin na tungkol sa pagpili sa taong minamahal ano pa man ang mangyari. 


Magkasama rin ang dalawa sa kantang ANNAB na may music video tampok si Ashley del Mundo na napapanood na ngayon sa ABS-CBN Star Music YouTube (YT) channel. 

Tampok naman si Belle Mariano sa remake niya ng Dati. Una nilang inawit ang kanta sa BELOVED concert ni Belle. 


Isa pang kolaborasyon na bahagi ng album ang Duyan na inawit ni Darren kasama si ABS-CBN Music creatives, content, and operations head Jonathan Manalo, na siya ring sumulat ng kanta kasama si Robert Calma. 


Kabilang din sa bagong musika ni Darren ang PBB: Celebrity Collab Edition eviction theme song na Paalam Muna Sandali at ang Chinese-Tagalog version ng Iyo na unang narinig sa Can’t Buy Me Love (CMBL).


Ang mga kantang ‘Di Makaramdam at Miss ang kumukumpleto sa album ni Darren, na unang nakilala sa The Voice Kids Philippines (TVKP) Season 1 nu'ng 2014 kung saan itinanghal siyang first runner-up. 


Napapakinggan na ang Ikaw Pa Rin album sa iba’t ibang music streaming platforms. Nakatakda ring maglabas si Darren ng physical copy ng bagong album.

‘Yun lang and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 5, 2025



Photo: Carla at Tom


Noong mga nakaraang post ni Doña Lolit Solis ay hindi ko na magawang isulat dahil nararamdaman ko na nahihirapan na siya at mabigat na ibalita ang bawat sakit na nangyayari sa mahal kong kaibigan.


Ang simpleng dahilan lang ng pagbabalita ko kay Doña Lolit ay paalala sa mga taong kaibigan niya na huwag siyang pabayaan sa mga pangangailangan niya, lalo na kapag nasa hospital siya. Hindi ko malilimutang isulat ang mga pagpapasalamat ni Lolit sa mga doctor at sa lahat ng tumulong sa kanya, lalo na si Senator Bong Revilla, Jr..

Ito ang huling post sa Instagram (IG) na ibinahagi ng aming namayapang kaibigan na si Doña Lolit Solis…


“Salve, sobra akong grateful talaga sa pagdalaw n’yo sa akin sa hospital. Talagang hindi ko akalain at my age, du’n pa ako mako-confined at magkakasakit.


“Nagkaroon nga tuloy ako ng anxiety attack dahil hindi ko akalain na at my age, mahihiga ako sa hospital bed.


“Tuwang-tuwa ako talaga nang dumaan ang grupo nila Jun Lalin, Ian Fariñas, Gie Trillana, Anna Pingol, Randolf at Salve para tingnan ang kalagayan ko. So grateful for my friends na talagang tiningnan ang kalagayan ko.


“Medyo hindi ako talaga sanay sa hospital scenario kaya culture shock para sa akin ang mga nangyayari.


“Everytime I wake up in the morning, shock ako na nasa ibang kuwarto ako. Kaya nga minsan gulat ako paggising. Kaya tuloy parang at a lost ako tuwing gigising. ‘Pag umaga, parang hinahanap ko ‘yung magulong kuwarto ko. Ewan ko ba, basta I feel everything happening is new to me.


“‘Kaloka dahil talagang nagtataka ako na now ako nagkaganito. I feel like crying pero wala na akong magagawa #classiclolita.”


Ito naman ang karugtong ng huling post ni Doña Lolit, “Buti na lang at ang babait ng mga doctors ko, Dr. Florante Muñoz, Dra. Linga, Dr. Mora at Dra. Nema Evangelista, talagang inalagaan nila ako at hindi iniwan.


“Ang hirap pala ng maysakit. Hopeless, helpless, weak ka. Para bang hindi mo alam where and what to do. I feel it was already late for me para magkaroon ng ganitong episode sa buhay.


“Pero alam mo naman si GOD, alam n’ya when or where ibibigay sa ‘yo ang mga bagay. So grateful na ngayon older na ako nangyari ito.


“Meron na ako ng pasensya at wisdom na tanggapin mga bagay. I feel sad, weak, but hopeful. Wishing na sana gumaling ako agad at maging active uli. I love life. I love my works. I love my friends. I live life like everybody else. But if being sick is a sacrifice I have to experience, it was an eye opener for me.


“Like going thru the medical procedures, mga ginagawa sa ‘yo sa hospital, lahat new sa akin. Pero in all gratitude, SALAMAT sa staffs ng FEU Hospital dahil napaka-caring nila, talagang spoiled patient ang feeling ko.


Hindi ako nagsisi na nagpaalaga sa FEU Hospital. I feel very special dahil sa alaga ng staffs lalo na ng mga doctors. 


“Kaya nga tiyak ako na gagaling agad ako. Para lang ako nagbakasyon, sleep over ng ilang araw. Pero ganu’n pala ang feeling nang nasa hospital.


“Minsan nga gusto ko umiyak dahil sa self-pity. Pero talaga sigurong ganoon ang buhay, dumarating mga bagay sa oras ng hindi mo alam.


“Kaya nga natawa ako nang mabasa ko issue ng PRIME water na sangkot mga VILLAR. At this point na dapat mas bigyan-pansin ni Carla Abellana ang mas ibang malaking bagay, heto at

tubig ang mas binibigyan niya ng importansiya.


“Mas mabigat pa ang tubig kesa lagay ng puso niya kay Tom Rodriguez. Hitsurang mag-asawa o magkaroon ng anak, ‘prime water’ ang concern ni Carla. Dahil s’yempre, prime si Tom, bagay sa issue ni Carla. Hahaha!”


Ito na ang huling post ng aming kaibigan sa IG.

God bless you, Lolit. Rest in peace, Doña Lolit naming mahal.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 4, 2025



Photo: Carlos Yulo at Chloe San Jose - IG


Sa Instagram (IG) post naman ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang girlfriend na si Chloe San Jose habang ipinagdiriwang ang kanilang 5th anniversary bilang magdyowa noong July 3, at may caption na: “Happy 5th anniversary, mahal ko!


“Mula sa palitan ng mga matatamis na salita papunta sa mga matatamis mong labi, sa mga yakap mong hinahanap ko palagi. Sa presensya mong nakakahawa ng saya at pagmamahal mong walang katumbas. 


“Dati sa cellphone lang kita nakakausap at nakikita, ngayon araw-araw na tayong magkasama (teary-eyed emoji). Thank you, G!


“Lord God, marami pong salamat sa regalo N’yong anghel na nagsilbing gabay para matuto, maging mabuti, magmahal, at higit sa lahat mas mapalapit SA ‘YO. Aalagaan, mamahalin at poprotektahan ko po ang lahat ng ito. Grateful and thankful po ako sa mga challenges and blessings na ibinibigay N’yo po para mas patatagin at mas mahalin pa namin ng husto ang isa’t isa.


“Muli, maligayang anibersaryo sa atin mahal ko. Mahal na mahal kita. – DADA.”



Piktyur nila kasama si Vic, ipinost sa socmed… 

CONEY, PROUD NA PROUD SA PAGIGING MAYOR NI VICO





Sa social media post ng veteran actress na si Coney Reyes ay nagbahagi siya ng larawan niya kasama ang anak na mayor ng Pasig na si Vico Sotto at ang ama nito na si Vic Sotto. 


Aniya, “Full support for our son @vicosotto always. Now on his third and last term as Mayor of the City of Pasig.


“God bless you, son, and grant you everything you would need to accomplish that which He has called you to do in the City of Pasig! #ThankYouLord #GlorytoGod #Grateful #GodblessPasigCity #GodblessThePhilippines.”


Samantala, makikita sa mukha ng aktres habang nakatitig sa anak na si Mayor Vico ang pagmamahal at buong suporta at saya sa oath-taking ceremony ng anak bilang re-electionist.


Ginanap ang event sa tent area ng temporary Pasig City Hall sa Bridgetown sa Rosario, Pasig City noong Lunes ng umaga, June 30, 2025.


Congratulations, Coney and Bossing Vic dahil sobra kayong pinagpala na magkaroon ng anak na tulad ni Yorme Vico.



HINARAP ng ‘Big 4’ Duos ng Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition ang isa sa pinakamalalaking personalidad sa showbiz — ang Asia’s King of Talk, Boy Abunda.


Sinimulan nila ang usapan sa Fast Talk Duo Edition (FTDE), kung saan diretsahang sinagot ng bawat housemate ang mga maaanghang na tanong ni Tito Boy. 


Kasunod nito ay ang Duo Duelos, kung saan bawat duo ay humarap sa mga tanong tungkol sa isa’t isa — mas personal, mas matapang, at mas totoo.


Sa pagpapatuloy ng Duo Duelos, inilahad ng ‘Big 4’ Duos ang kanilang mga opinyon, pero sa pagkakataong ito, sila naman ang makakarinig ng opinyon ng taumbayan tungkol sa kanila.


‘Yun lang and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page