top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 23, 2025



Photo: Jason, Ivana at Melai Cantiveros-Francisco - FB



Sa Facebook (FB) page post ng Kapamilya TV host-comedienne na si Melai Cantiveros ay nagbahagi siya ng larawan niya, kasama ang asawang si Jason Francisco at ang aktres at vlogger na si Ivana Alawi.


Inamin ni Melai sa post niya na pinagselosan niya noon si Ivana.


Saad ni Melai sa post niya ay “Sa wakas, nakita na rin ni Papang ang kanyang crush na si Ivana @ivanaalawi (heart eyes & grinning face emoji) and talagang confirm, kaya crush ni Papang si Ivana, kasi kamukha ko siya, sa panaginip ko (balloon, sleeping face, grinning & hugging emoji). Hahaha! Char lang (grinning emoji)! Pinagselosan ko lang noon, kamukha ko na ngayon, char lang ulit (hugging, rolling on the floor, laughing, grinning and blue heart emoji). Thank you, Ivana, very guwapa and buutan (mabait). Vlog tayo soon pohon (kung loloobin ng Diyos).”


Maganda naman din si Melai, ‘di ba? Itanong n’yo pa kay Jason.

Sabi nga sa kasabihan, “Beauty is in the eye of the beholder.”

‘Yun lang and I thank you.



SA social media post ng multi-talented comedian at TV host na si Vice Ganda ay nagbahagi siya ng larawan kasama ang kanyang mother dearest na si Madam Rosario Viceral.


Makikita sa larawan na bukod sa kanilang mag-ina ay may kasama pa silang tatlo, na mukhang malapit din kay Vice at sabay-sabay na naliligo sa ulan. 


Kapansin-pansin ang saya sa mukha ni Vice habang naliligo sa ulan.

Sey ni Vice, “Gumising nang maaga para magtrabaho. Malakas ang ulan.

“Naisip ko ‘yung mga araw na naglalaro ako sa ulan. Ang saya nu’ng mga araw na ‘yun. Napaisip ako kung ano’ng gusto ko sa sandaling ‘yun.

“Bumangon ako pero ‘di ako dumiretso sa trabaho. Pumunta ako sa bahay ng nanay ko at inaya ko s’yang maligo sa ulan.


“Napakasaya, ‘di matatawaran. Sa oras na ‘to, gusto ko lang makasama ang nanay ko at bumalik sa pagkabata. Ang sarap. Bukas may trabaho pa ko pero ‘di ko alam kung bukas, uulan pa.


“‘Di rin ako sigurado kung makakapaglaro pa ko sa ulan kasama ang nanay ko. Kaya ngayon na, ngayon na.”


Dagdag pa ni Vice, “#Eto ang totoong priceless.”

Bongga ka d’yan, Vice, sa ginawa mong pagpapahalaga sa iyong mother dearest. Kaya hindi naman nakapagtataka na blessed si Unkabogable Star Vice Ganda.


Oh, mga bagets, bigyang-halaga ang mga ina. Sabi nga ni Hope Edelman, “No one in your life will ever love you as your mother does. There is no love as pure, unconditional and strong as a mother’s love.”

Pak, ganern!



SURE si yours truly, na kung nabubuhay lang ang Superstar at National Artist of the Philippines for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor (RIP) ay isa siya sa masayang nanood ng Family Feud last Monday, July 21, 2025.


Nag-guest bilang contestant ang apo ni Nora at ng multi-awarded actor na si Christopher De Leon sa FF na si Jaden Kristoff De Leon, anak nina Ian De Leon at Jennifer Orcine.


Si Jaden Kristoff De Leon ay 9 years old at Grade 4. Ang hobbies naman niya ay painting, drawing, reading at online games.


Sinabi rin ni Jaden kay Dingdong Dantes na, “When I grow up, I wanna be an actor just like my whole family.”


In fairness, ang guwapo ng apo ng Superstar.

Naku, 100% sure si yours truly na sisikat din si Jaden tulad ng Lola Nora at Lolo Christopher niya.


Nasaksihan ni yours truly ang kabataan ni Ian De Leon, halos kasingguwapo niya ang anak niyang si Jaden.


Mabait at sweet si Ian noong kabataan, at hindi makakalimutin. Hanggang ngayon ay hindi basta nakakalimot sa pangako ni yours truly. Kasi naman, nu’ng bata pa si Ian ay napangakuan ko ng matchbox. Ang ending, nagkaanak na si Ian, hindi ko pa rin naibigay.


Kaya nu’ng pumunta si yours truly sa burol ni Ate Guy, habang umiiyak aketch at nakayakap kay Ian, bigla na lang itong bumulong at sinabi niyang “Nasaan na ‘yung matchbox ko?”


Natawa na lang si yours truly sa bulong ni Ian.


Sure si yours truly na buong suporta ng mga tagahanga ni Nora (RIP) ang ibibigay sa anak ni Ian na si Jaden.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 22, 2025



Photo: Ai Ai Delas Alas - IG



Sa social media post ng Comedy Queen na si Ai Ai Delas Alas ay nagbahagi siya ng video clip na mala-pelikula ang dating. 


Sa unang eksena sa video ay nasa kuwarto ang kanyang daughter-in-law na si Maria Paula Sulit. Ang sumunod na eksena ay pumasok ang ‘the good son’ ni Ai Ai na si Sancho Delas Alas.


Pangatlong eksena ay may ipinakita si Paula kay Sancho na pregnancy test at nag-dialogue na si Sancho ng “Buntis ka, buntis ka, buntis ka talaga?” 


Tumango naman si Paula at nag-dialogue ng “Oo.”


At ang ending, umiyak si Sancho at niyakap niya si Paula nang ma-realize niyang magkakaroon na sila ng anak.


Sa sobrang saya ng soon-to-be lola na si Ai Ai ay nagpasalamat siya kay Lord God Jesus Christ.


Sey niya, “Thank you LORD GOD for these blessings… Congrats, my child and Paula. Finally, we have a baby wohoooooo... I won’t turn away anymore. Fake shorts, I’m going to be okey. Hahahaha! Wohoooo it’s fun (laughing face emoji).”


Marami sa mga netizens ang pinusuan ang post ni Ai Ai at nagpahayag ng pagbati sa magiging bagong grandma. Kasama rito si Amy Austria at ang anak ni Ai Ai na si Sancho, na soon ay magiging daddy na rin.


Saad ni Amy, “Congratulations my dear friend. Bagong loley ka na.”

Saad naman ni Sancho, “Congrats LOLAi!!! Hehehe! Love you, Ma!”


Sagot naman ni Ai Ai sa sinabi ni Sancho, “I love you, anak. Pangit talaga ako umiyak (laughing emoji).”


January 2026 daw ang due date ng three months pregnant na si Paula, na Canada-based girlfriend ng chef at tinaguriang ‘good son’ ni Ai Ai na si Sancho.


Samantala, sa Instagram (IG) post naman ni Sancho Vito Delas Alas ay nagbahagi siya ng kanyang saloobin tungkol sa pagbubuntis ng kanyang girlfriend.


Saad ni Sancho, “Hanggang ngayon, parang panaginip pa rin. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo naming nararamdaman ang saya, kaba, at pagmamahal habang hinihintay ang pagdating ng munting himala namin.


“Sa mga pamilya at kaibigan namin, salamat sa walang sawang suporta at pagmamahal.


“At sa aming munting baby, hindi ka pa man namin nakikita, pero punong-puno na ng pagmamahal ang puso namin para sa ‘yo. Excited na kaming makilala at mayakap ka. Mahal na mahal ka namin, baby.”


Congratulations, Ai Ai delas Alas at lalo na kay Sancho. Sure si yours truly na magiging mabait itong daddy dahil mabait ding anak kay Ai Ai.



KAMAKAILAN lang ay nagtapos ng senior high school ang social media personality na si Awra Briguela sa tulong ng multi-talented comedian at TV host na si Vice Ganda.


Sa Instagram (IG) post ni Awra ay binati at pinayuhan siya ng itinuturing niyang ‘mother’ na si Vice.


Saad ni Vice, “Lagi kong sinasabi kay Awra, hindi mo kailangang patulan lahat ng ingay. Sa buhay, mas maraming ingay kaysa sa katahimikan. Pero ikaw ang pipili kung saan ka makikinig. Focus ka lang sa sarili mong tagumpay, at sa mga taong tunay na nagmamahal sa ‘yo.


“Congratulations! Never mind the noise. Focus on your win. Love you!”


Sinagot naman ito ni Awra sa comment section ng “Thank you so much, my lovely mother. I wouldn’t even be here if it weren’t for you. I promise I’ll keep focusing on the love and the people who truly matter just like you taught me. The rest? They’re just background noise. I love you so much, my lovely muder (mother).”


Ang ‘ingay’ na tinutukoy ni Vice ay ang mga bashers.


Bongga ang samahan nina Vice at Awra.


Sa dami ng issue na dumating sa alaga niya ay nanatili pa ring mother o ina si Unkabogable Star kay Awra.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | July 21, 2025



Photo: Kat at Klea Pineda - IG


Sa Instagram (IG) post ng Kapuso actress at model na si Klea Pineda ay kinumpirma niyang hiwalay na sila ng kanyang partner na si Katrice Kierulf.

Saad ni Klea sa post niya, “Maiksing panahon ang ibinigay sa atin pero masasabi ko na naging masaya ako sa tatlong taon ng buhay ko na ‘yun kasama ka.


“Yes, Kat and I decided to end our relationship. Masakit, mahirap. Masyadong maganda ang samahan namin, pakiramdam ko parang hindi lang tatlong taon ‘yung samahan namin sa dami ng nangyari. “Kadamay ko s’ya sa lungkot, nand’yan s’ya sa tabi ko ‘pag masaya, kasama ko s’ya sa gitna ng kaguluhan, at higit sa lahat, s’ya ‘yung taong minahal ako sa mga panahon na hindi ko kayang mahalin ang sarili ko.


Naging inspirasyon at lakas ko sa mga laban sa buhay.

“Saksi kayong lahat ng sumusuporta sa akin at kay Kat kung gaano kami kasaya ‘pag magkasama. Nakita at naramdaman n’yo naman kung gaano namin kamahal ang isa’t isa. Maraming salamat sa inyo.


“Sa pamilya ko na alam kong nasasaktan din sa nangyari, alam ko na itinuring ninyo na rin na parang anak si Kat, sa loob ng tatlong taon na ‘yun. At higit pa sa pasasalamat ang gusto kong sabihin sa inyo sa pagtanggap sa kanya at sa aming dalawa ng buong-buo.


“Nilaban naman namin hangga’t sa aa namin, sinubukan naman naming ayusin. Tumatanda na tayo at may mga bagay na mas kailangang unahin o bigyan ng pansin. Kinailangan na lang talaga tanggapin na wala na kaming magagawa kundi tapusin na lang talaga ang relasyon namin.


“To Katrice, naging masaya naman tayo, ‘di ba? Napakarami nating magagandang nagawa magkasama at pagsubok na nalagpasan na hindi ko gugustuhing kalimutan kahit kailan. Nakatatak lahat ‘yun sa puso at isip ko. 


“Napakarami kong dapat ipagpasalamat sa ‘yo, Kat. Lagi mong tatandaan na nakasuporta pa rin ako sa ‘yo kahit ano’ng mangyari. Tatlong taon na punong-puno ng pagmamahal. Hindi ko alam kung suwerte ba ako dahil nakilala kita at naging parte ka ng buhay ko o malas kasi binigay ka nga sa akin pero may hangganan din naman. 


“Salamat sa pagmamahal na ibinigay mo sa akin, Kat. Lagi mong tatandaan na kahit ano’ng mangyari, hindi mawawala ang pagmamahal ko sa ‘yo.”


Marami sa mga netizens ang nalungkot sa ibinahagi ni Klea. Gayunpaman, marami pa rin ang nagmamahal sa kanila ni Katrice.


Paalala lang sa mga taong naghihiwalay na magkarelasyon, “Just because a relationship ends, doesn’t mean two people stopped loving each other. They just stopped hurting each other.”


Pak, ganern!



MAY nakakaaliw na eksena na naman ang pamilya Daez. Sa Instagram (IG) post ng aktor na si Mikael Daez ay nagbahagi siya ng video clip kasama ang asawang aktres na si Megan Young at ang kanilang only baby.


Sa video ay makikita na nagtatanong si Mikael kay Megan — habang karga ng misis ang baby nila — kung may food daw ba, at sinagot naman ni Megan ng “Nasa refrigerator,” kaya binuksan agad ni Mikael ang ref.


Ang siste, pagbukas ng ref, puro may malunggay na pagkain sa loob, tulad ng adobo with malunggay at malunggay cookies. 


Kaya naman nagtanong ulit si Mikael kung may iba pa bang food at sinagot naman ni Megan ng “Check the pantry.” 


Pagbukas ni Mikael ng pantry, ang nakita naman niya ay malunggay bread at malunggay chips.


Kaya naman, magkakape na lang sana si Mikael. Nu’ng kukuha na siya ng kape, ang nakita niya ay malunggay tea at malunggay na kape.


Ang ending, maliligo na lang siya. Pagbukas ng pinto ng banyo nila, makikita naman ang malunggay toothpaste at malunggay soap.

Umiiling na lang tuloy ang Kapuso actor. 


Ano kaya ang dahilan at lahat ng food nila ay may kasamang malunggay?

Well, ito naman pala ang simpleng dahilan bakit malunggay is life sa pamilya Daez.


Saad ni Mikael sa post niya, “Malunggay with everything is life (face with raised eyebrow, smiling face with sweat, red heart emoji). S’yempre, support lang tayo para mas lalong maging productive ang milk factory ni Bonez.


“And in reality, it’s amazing how many things you can try to stimulate breastmilk supply.

“Malunggay supplements, milking cookies, prayers, massages, atbp. What are your favorite breastmilk supply supplements/routines?”


Marami namang netizens ang pinusuan ang post ni Mikael at natuwa sa pagiging “Malunggay with everything is life.”


Siguradong lulusog si Megan sa pagkain ng malunggay. Ang dami kayang nutrients ang makukuha sa malunggay tulad ng Fiber, Calcium, Iron, Protein, Vitamin A, B, C at E, at Potassium.


Oh, mga bagets, kain na ng malunggay. 

Pak, ganern!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page