top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 19, 2025



TALKIES - ELLEN, PURING-PURI SI JOHN LLOYD NA MABUTING AMA KAHIT HIWALAY NA SILA_IG _ _maria.elena.adarna & _johnlloydcruz83

Photo: IG _maria.elena.adarna & _johnlloydcruz83


Winner talaga ang aktor na si John Lloyd Cruz pagdating sa pagiging ama.

Sa Instagram (IG) post ng aktres na si Ellen Adarna ay may netizen na nagtanong kung anong klaseng ama ito para sa kanya.


Tanong ng netizen, “Are you and John Lloyd okay?”


Sey ni Ellen, “With John Lloyd, wala talaga akong masabi. I have nothing but good things to say about him.


“We had our differences in the past but I respect him because he is a very good provider. He is honest and he is a very present father. Take note, nu’ng naghiwalay kami ni JL, that was before Elias turned one year old. Present s’ya.”


Matatandaan na kamakailan lang ay nagdiwang din ng ika-isang taon na kaarawan ang anak nina Ellen at Derek Ramsay na si Baby Lili pero absent si Derek sa birthday party ng anak.



BONGGA ang istorya ng pelikulang nabuo dahil sa larong jackstone.

Ang pelikulang Jackstone 5 ay nakasentro sa isang grupo ng mga queer na lalaki na nasiyahan sa paglalaro ng jackstones at iniidolo ang ‘Jackson 5’, partikular na si Michael Jackson, noong kanilang kabataan.


Tinanong ni yours truly ang mabait na aktor na si Arnell Ignacio kung ano ang masasabi niya sa pelikula.


Saad ni Arnell, “Comedy. Sobrang nakakatawa ang pelikulang Jackstone 5, at kahit drama na ang scene na kinukunan ay talagang natatawa ka pa rin.”


Kuwento pa niya, “Hirap na hirap akong gumanap ng bakla rito. ‘Yun naman kasi ang tunay kong pagkatao. Baka mas mahirapan pa ako kung sabihin mong nagtatago. Kaso hindi ko naman maitatago ‘yun dahil nag-asawa naman ako. 

“Natutuwa ako sa movie na ito kasi hindi ko na kailangan pang iarte ito dahil ito naman ang personalidad ko.”


Sa panayam sa preskon ng Jackstone 5 ay naibahagi rin ng mahusay at multi-awarded na direktor at aktor na si Direk Joel Lamangan na sa tatlong dekada niya sa pagdidirek ay ngayon lang siya gaganap na artista.


At sinabi rin ni Direk Joel na napapayag siyang gumanap bilang artista sa pelikulang Jackstone 5 dahil sa mahusay na line producer na si Dennis Evangelista.

Kuwento ni Direk Joel, “Sa tatlong dekada ko na pagdidirek, ngayon lang ako gaganap na artista. Naka-rely ako sa aking mga tao sa kabuuan ng pelikulang ito.


“Gaganap akong bakla, although gumaganap na akong bakla sa TV araw-araw bilang Rhoda (sa Batang Quiapo). Pero hindi ito si Rhoda.


“Ang mahirap sa role ko ay ‘yung nabuko na ako at malayang-malaya na akong maging bakla. Mas higit pa ‘yun kay Rhoda. ‘Yun ang challenge sa akin.”


In fairness, sa preskon pa lang ay nakakatawa na ‘pag nagkukuwento ang mga bida sa Jackstone 5 na sina Eric Quizon, Gardo Versoza, Arnell Ignacio, Jim Pebanco, Abed Green, John Mark Marcia at Direk Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula.


‘Di ba naman, BFF Dennis C. Evangelista?



“OUR first family outing,” ito ang sinabi ng aktres na si AJ Raval sa kanyang Instagram (IG) story.


Nagbahagi siya ng video clip kung saan makikita na kasama niya ang aktor na si Aljur Abrenica at ang kanilang mga anak sa kanilang kauna-unahang family outing.


Saad ni AJ, “With all my heart and deepest respect, I give all the glory back to You, Lord. Thank You for every blessing, for every moment of grace, and for saving me in ways I can never fully express.


“Today, on our first family outing and this Thanksgiving Day, my heart overflows with gratitude for Your love that never fails.”


Anyway, kung ang pamilya nina AJ Raval at Aljur Abrenica ay nag-outing kasama ang mga anak, ang mahusay na aktres naman na may pusong mapagparaya na si Kylie Padilla ay ipinasyal ang mga anak nila ni Aljur sa children’s park sa Japan.

‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 18, 2025



TALKIES - LUIS, TINAWAG NI ESNYR NA KUYA WIL, NAG-WALKOUT SA SHOW_YT Rainbow Rumble

Photo: IG



“Ang bawat ngiti ninyo ang nagbibigay-lakas at saya sa akin,” ito ang sinabi ng aktor na si Sen. Robin Padilla sa kanyang Facebook (FB) page post para sa kanyang mga anak na sina Isabella at Gabriela, na nagdiwang ng kaarawan kamakailan lang.


Wika ni Sen. Robin, “Maligayang kaarawan, Isabella at Gabriela.

“Mga anak, ang bawat ngiti ninyo ang nagbibigay ng lakas at saya sa akin. Kahit mabilis ang inyong paglaki, sa puso ni Tatay ay kayo pa rin ang mga munting anghel na nagbibigay-inspirasyon at dahilan para ako’y magsumikap sa araw-araw.


“Patuloy lang kayong maging mabait at masayahin. Nandito lang si Tatay sa bawat hakbang ninyo sa buhay. Mahal na mahal ko kayo.”


Kuwento pa ni Sen. Robin sa post niya, “Bismillah. Sa aking pagninilay-nilay ng aking buhay, sa iba’t ibang panahon, yugto at kabanata, nagdaan ang mga mukha ng mga kaibigan, may malalapit, may pansamantala at pana-panahon.


“Ngunit noong dumating ang pandemic, naputol ang lahat ng komunikasyon at sa tindi nito ay nagkanya-kanya ang mga pamilya, naging survival mode ang lahat.


“Sa buong panahon ng pandemic, si Isabella lamang ang naging kasama ko buong araw. Sa gabi lang kami nagkakahiwalay dahil sa nanay n’ya s’ya natutulog, pero paggising pa lang n’ya, nasa kuwarto ko na ‘yan at nakababad. 


“Nag-aaral kami ng planets, dinosaur, alphabet, basic math at exercises, mga laro namin na nagpanumbalik sa akin sa aking pagkabata.


“Inalala ko tuloy ang panahon ng bata ako, mga kaibigan sa kalsada na walang kahit anong hangad kundi makasama, makapaglaro at maging masaya.


“Napakapalad ko, Alhamdulillah, purihin ang Panginoong Maylikha. Naging halos 2 taon na naging pinakamasaya ang buhay ko, literal kasi na umikot lang ang mundo ko sa bahay dahil sa pandemic. 


“At sa edad ko na ‘yun, nakabalik ako sa pagkabata. Allah hu Akbar! (ang Diyos ay pinakadakila).


“After the pandemic, when your nanay brought you to the regular school, that was my first heartbreak. I cried like a kid. Till now my heart bleeds but I am very happy for you.

“Lumalaki ka na, kambal ng nanay mo. Always remember, you are my only best friend. I love

you. Happy birthday.”


Well, kakaiba talaga si Sen. Robin Padilla, napakabait na ama. Sana all ay katulad niya.

Anyway, happy birthday sa mga kamukha ng magandang aktres na si Mariel Rodriguez Padilla na sina Isabella at Gabriela.



INILUNSAD na ng ABS-CBN ang star-studded 2025 Christmas ID nito na pinamagatang Love, Joy, Hope: Sabay Tayo Ngayong Pasko, na nagbibigay-pugay sa mga makabagong bayani, pagkakaisa, at bayanihan.


Hango ang 2025 Christmas ID sa mga kuwento nina Pilipinas Got Talent (PGT) Season 7 winner Ricardo ‘Cardong Trumpo’ Cadavero na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya; Dumagat tribal chieftain Perlita Guerrero na naghahangad ng magandang buhay para sa kanilang tribo; ‘Teacher Santa’ Melanie Figueroa na tinutupad ang mga hiling ng kanyang mga estudyante; The

Busking PH founder Martin Riggs na ginagamit ang kanyang musika para makatulong sa mga nangangailangan; Father Errol Fidel Mananquil na nag-aaruga sa mga ulila; at youth leader Richmond Seladores na nagbibigay ng tulong at suporta sa mga biktima ng kalamidad. 


Isa rin itong pasasalamat sa mga ordinaryong mamamayan na nagsisilbing inspirasyon at tagapaghatid ng pagmamahal, saya, at pag-asa sa kanilang mga komunidad.


Sa pagpapatuloy ng tradisyon nito, nagtipun-tipon ang mga pinakamaningning na Kapamilya stars at personalities upang bigyang-buhay ang 2025 Christmas ID na pinangunahan ng ABS-CBN Creative Communication Management sa pamumuno ni Robert Labayen, kasama si ABS-CBN COO Cory Vidanes, katuwang sina Jay Dustin Santiago, Love Rose De Leon, Lawrence Arvin Sibug, Revbrain Martin, Maria Lourdes Parawan, Mark Raywin Tome, Sheryl Ramos, Paolo Emmanuel Ramos, Edsel Misenas, atbp..


Ang musika ay ginawa at inareglo nina Raizo Chabeldin, Biv De Vera, Jessie Lasaten at Francis Salazar, habang ang vocal supervision ay pinangunahan ni Jonathan Manalo.

‘Yun lang, and I thank you.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | November 17, 2025



TALKIES - LUIS, TINAWAG NI ESNYR NA KUYA WIL, NAG-WALKOUT SA SHOW_YT Rainbow Rumble

Photo: YT Rainbow Rumble



Bilib talaga si yours truly sa aktor-TV host ng Rainbow Rumble (RR) na si Luis Manzano.

Sa simple niyang salita ay matatawa ka na lang talaga lalo na ‘pag nag-dialogue na siya nang bongga. 


Kamakailan lang ay nag-guest ang former Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Esnyr sa game show at sa sobrang saya niya dahil nakasagot siya nang tama, natawag niyang ‘Kuya Wil’ si Luis, kaya nag-walkout kunwari ang mister ni Jessy Mendiola, pero bumalik din agad at sabay dialogue ng “Esnyr, may nakikita kang jacket?” at humirit pa ng, “Okay, moving forward, kayong apat na lang ang maglalaro dahil gagawin kong co-host si Esnyr,” na ikinagulat naman ng co-host niyang si Negi. Natawa na lang ang host sa pagkakamali ni Esnyr.


Bumawi naman si Esnyr at nag-dialogue ng, “Kuya (Luis), will you be my lucky charm tonight?”


In fairness, napakagaling na host ni Luis dahil magaling siyang komedyante. Tawang-tawa ang mga netizens sa mga banat niya pati na rin kay Esnyr.

Paano kaya kung sa iba nasabi nito ang maling pangalan? Ano kaya ang magiging reaksiyon ng host? 


Samantala, sa social media post ng mahusay na TV host ay nagbahagi siya ng video kung saan kumakanta siya para sa Station ID ng ABS-CBN.


Kuwento ni Luis, “Isang masayang Pasko mula sa Howhows na first time naming magkasama sa Station ID ng ABS. Medyo binitin nga lang ni Howhow (tawag niya sa misis niyang si Jessy Mendiola) ‘yung pagkanta ko. Okey lang, may lambingan naman (heart emoji).” 


Well, napaka-sweet talaga ni Luis Manzano. Nagmana sa kanyang ina na aktres at kilalang-kilala bilang Star for All Seasons na si Vilma Santos-Recto.



Super sexy, naka-lima na pala…

AJ, HAPPY NA ‘DI NA KAILANGANG ITAGO ANG MGA ANAK



ree


NAGPASALAMAT ang aktres na si AJ Raval sa kanyang sarili dahil ngayon ay nagawa na niyang ibulgar na may lima na siyang anak. In fairness ay magandang-maganda at sexy pa rin siya na tipong dalaga pa.


Sey ni AJ, “The best decision I ever made was to stay quiet. Protecting my peace feels too good. And thank you to those who understood me without me having to explain.”

Maraming netizens ang pinusuan ang post niya at nagpahayag ng kanilang saloobin.


Sey ng isa, “Hindi mo kailangang magpaliwanag sa iba. Importante maging good mom ka sa mga kiddos mo at naaalagaan mo sila at maging strong always para sa kanila.”

Korek! Hindi kailangan ni AJ Raval ang magpaliwanag kung ano ang nangyayari sa life niya. Mas maganda kung ituturo n’ya ang sikreto kung paano maging sexy kahit may 5 nang anak. ‘Di ba naman, Aljur Abrenica?



HINDI nagpahuli ang aktor na si Jake Ejercito para magbigay-pugay sa former senator na si Juan Ponce Enrile (RIP).


Kuwento ni Jake sa kanyang Facebook (FB) page, “It was 2011. He was already around 90 years old then.


“Seated close to him, I was casually flipping through my younger brother’s grade school history book. He noticed me and asked if he could take a look as I happened to be in the chapter about the Japanese invasion.


“After reading a few lines, he quipped, ‘The date here is wrong.’ I looked at him, confused about how someone could dispute a history book. He then handed it back to me and said, ‘I know better—because I was there.’


“A lot has been said and will be said about the man. But one thing’s for sure: he has found his own place in our history books, one that history itself will continue to examine.

“Paalam, Manong JPE (Juan Ponce Enrile).”


Matatandaan na pumanaw si Senator Juan Ponce Enrile sa edad na 101 noong Huwebes, Nobyembre 13, 2025.


‘Yun lang, and I thank you.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page