top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | February 3, 2026



TALKIES - AJ_ ALJUR, VERY RESPONSIBLE_IG _ajravsss

Photo: IG _ajravsss



Naging emosyonal ang aktres na si AJ Raval nang mag-guest sa Toni Talks, ang YouTube (YT) channel ng singer-actress na si Toni Gonzaga.


Unang tanong ni Toni, “Ano’ng meron kay Aljur (Abrenica), bakit mo nagustuhan? Bakit may nag-spark sa kanya?”


Saad ni AJ, “Ang kagandahan po kasi kay Aljur, ‘yung values n’ya. Alam kong maraming kokontra, pero very responsible po s’ya and he’s a good provider.”


Tanong ni Toni, “Mahirap ba to be in a relationship na alam mong may misconception ang tao sa pagsasama n’yo?”


Saad ni AJ, “Yes po. Mahirap po ‘yun. Ipinagdasal ko po ‘yun. Nu’ng nag-start po kasi kami ni Aljur, sobrang saya namin. Masaya lang. Tapos nag-pray po ako, sabi ko, ‘Sana po, Lord, ibagsak N’yo na po lahat ng problema sa amin.’”


Komento ni Toni, “Ha? Ikaw naman ang kabaligtaran, gusto mo, problema. Ang saya.”

Saad ni AJ, “Para po makita ko lang kung kami po talaga para sa isa’t isa. Kung nand’yan po kami para sa isa’t isa, ‘di lang kapag masaya. Para po hindi na tumagal. Maghiwalay na po kami kung maghihiwalay kami.”


Tanong ni Toni, “When you were happy, did you think someone was unhappy when you were in a relationship?”


Saad ni AJ, “Hindi naman po, Ms. Toni. Kasi nag-start po kami ni Aljur, malinis po talaga.”

Dagdag na tanong ni Toni, “Wala na s’ya du’n sa dati n’yang relationship?”

Saad ni AJ, “Wala na po.”


Tanong ni Toni, “Pero ‘di alam ng tao ‘yun?”


Saad ni AJ, “Hindi po. Pero po kasi, nu’ng time na ‘yun, since ako rin po ang naglabas, since bago po ako mag-artista, ‘di ko po alam kung ano ang dapat sabihin at hindi sabihin sa interview.”


Reaksiyon ni Toni, “Kaya nagsunud-sunod na ‘yung mga issues at controversy, kasi ang dating sa tao, may overlap sa relationship, naging third party, naging cause.”

Saad ni AJ, “Hindi po, ‘di po talaga.”


Reaksiyon ni Toni, “So para sa kaalaman ng lahat na may misconception, may judgment at may assumption sa relationship n’yo. When you and Aljur got together, Aljur was separated.”


Saad ni AJ, “Yes. Separated na po talaga sila that time.”

Tanong ni Toni, “Nu’ng nakilala mo s’ya?”

Sagot ni AJ, “Opo.”


Sey ni Toni, “Na hindi alam ‘yan ng tao. Cause this is the chapter na hindi alam ng mga tao because ang naiwan sa kanila is ‘yung Aljur with the previous relationship. Kaya ‘pag may bagong babae in the picture, nasa kanya na lahat ng blame, nasa kanya ‘yung point ba?”

Dagdag na tanong ni Toni, “Paano mo hinandle ‘yun?”


Saad ni AJ, “Sa part naman na ‘yun, Ms. Toni, alam kong wala akong ginawang masama. Kaya lumaban talaga ako. Paulit-ulit kong sinasabi na hindi ako (naging kabit). Alam ng Diyos na hindi ako. Wala akong kasalanan.


“Pero Ms. Toni, ‘di naman din po lahat galit sa amin. Meron pa ring naniniwala. Lately, Ms. Toni, naiisip ko, bakit nangyari sa akin ‘yung mga ‘yun kasi ito ‘yung plano sa akin. Ito ‘yung dapat kong pagdaanan.”


Dagdag pa ni AJ habang tuluyan nang umiiyak, “Wala akong magagawa kung ito ang plano sa akin ni Lord kundi tanggapin at i-embrace ang nangyayari.


“Mas importante ba talaga na tingnan ka nang maganda ng mga tao? Importante ba ‘yung magiging tingin nila sa ‘yo? O mas importante kung ano ang magiging tingin sa ‘yo ng Diyos?”

Sey ni Toni, “Alam mo kung ano ang importante? Sasabihin ko sa ‘yo. Kung ano ang tingin sa ‘yo ng mga anak mo. To them, you are the world. You are the best mom. That’s the most important thing.”


Tanong ulit ni Toni, “Bakit mo ini-reveal at inamin this year na may mga anak na kayo ni Aljur? Na ito na ang mga anak namin?”


Saad ni AJ, “Kasi po, Ms. Toni, gusto na naming matapos magtago. Gusto na naming maging malaya. Sa bahay po namin, may pumupuntang tao na ‘di ko kilala. Gusto lang nilang mag-capture ng picture ng mga bata.


“Gusto namin silang ipasyal. Gusto namin silang bigyan ng malalaking birthday celebration.”

Sey ni Toni, “Na-deprive sila ru’n.”


Kuwento pa ni AJ, “‘Yung panganay ko po, nag-aaral. Gusto kong pumunta sa school n’ya, maging present.


“Parang nasanay na po s’ya na alam n’ya ang nangyayari. ‘Di ko po s’ya tinuruan. ‘Pag nasa bahay kami, ang tawag n’ya sa akin, ‘Mommy Bats,’ pero ‘pag nasa labas kami, automatic, ang tawag n’ya sa akin, ‘Ate Bats’ noon.


“Ngayon, kinausap ko na po s’ya. ‘Okay lang, Mommy.’ Okay na tayo.


“Sa school nga po, minsan, hinahatid namin s’ya noong ‘di pa kami nag-a-out, tapos pag-alis namin, kinukulit s’ya. Sinasabi, ‘Sino’ng mama mo? Sino’ng tatay mo?’”


Well, pakiusap lang po ni yours truly, huwag kulitin ang mga bata. Kung may gusto kayong malaman, sa mga magulang kayo dumiretso. ‘Di ba naman, madlang people?



PATULOY na tinatangkilik at sinusubaybayan ng mga manonood ang What Lies Beneath (WLB) habang umeere sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Channel, at mga pangunahing online streaming platforms. 


Pinupuri ang serye sa matapang nitong pagtalakay sa mahahalagang isyung panlipunan, partikular ang karapatan ng kababaihan.


Mainit ang pagtanggap ng mga manonood sa pagbibigay-diin ng serye sa women’s rights, lalo na sa mga eksenang ipinakita kung paano tumulong si Erica (Kaila Estrada) sa kanyang kaibigang si Mel (Sue Ramirez) upang ipagtanggol ang sarili laban sa mapang-abusong asawa nitong si Anton (Jameson Blake).


Bukod sa matinding suporta mula sa mga netizens, nananatili ang WLB sa mga pinakapinapanood na palabas sa iWant at Netflix PH. Ang kasalukuyang mga episodes nito ay nakapagtala rin ng halos 200,000 peak concurrent viewers sa

Kapamilya Online Live sa YouTube (YT) channel ng ABS-CBN Entertainment, ang may pinakamaraming subscribers na media and entertainment channel sa Southeast Asia.


‘Yun lang, and I thank you.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 27, 2026



TALKIES - ZOREN, TODO-DENY NA HIWALAY NA SILA NI CARMINA_IG _zoren_legaspi

Photo: IG _zoren_legaspi



“Love this Tatay! ARF, ARF for life,” ito ang komento ng aktres na si Carmina Villarroel sa post ng kanyang loving husband na si Zoren Legaspi.


Sa Instagram (IG) post ni Zoren ay nagbahagi siya ng larawan na ang nakikita lang ay small silhouette ng kanilang pamilya na nakatalikod sa kamera at may caption na: “Bondi Beach, July 2025. Social media sees only a shadow of us 4, a small silhouette of a much bigger reality. We are four, yet we stand as one intact family. We are not a super couple. We are not a super family. We are just one happy family. Basic.”


In short, hindi sila ang blind item na kumalat online tungkol sa celebrity power couple na ipinapakita umanong perpekto ang kanilang pagsasama sa social media ngunit on the rocks ang marriage dahil sa pagiging babaero umano ng husband.



MASAYANG kuwentuhan na may kasamang bukingan ang naging ganap sa It’s Showtime (IS) ng ABS-CBN sa segment na Laro Laro Pick.


Isa si Reya na nagtatrabahong caddie (alalay sa golf) sa golf course sa Antipolo kung saan naglalaro ang TV host na si Ryan Bang sa mga contestants.


Nang mabanggit ni Reya na nakikita niya si Ryan na naglalaro ay tinawag siya ng Unkabogable Icon na si Vice Ganda sa stage.


Sey ni Vice kay Ryan, “Kilala ka n’ya.”


Saad ng contestant na si Reya, “Sa golf course po sa Antipolo.”


Sey pa ni Vice sa co-host na may kasamang biro, “Naggo-golf ka raw sa kanila, ‘di ka raw nagbabayad?”


Sey ni Ryan na tipong nabigla sa sinabi ni Vice, “Nagbabayad ako, nagbabayad ako.”

Hirit ni Reya, “Galante po s’ya at mahilig po s’ya sa magandang caddie.”


Sey naman ni Ryan na may kasamang pagdedenay, “‘Di ako ‘yun. Ako?”


Sey naman ni Vice na tipong dumepensa sa kanyang mahal na anak-anakan na si Ryan, “Eh, binata naman ‘yung anak ko. Ano namang masama ru’n, ‘di ba?”

Sagot naman ni Vhong Navarro na tipong may pagsang-ayon sa sinabi ni Vice, “Oo.”


Dagdag pa ni Vice, “Binata. Eligible si Ryan.”


Well, dahil sa nasabi ni Vice ay tipong nakumpirma ng madlang people na hiwalay na talaga si Ryan at ang fiancée nitong si Paola Huyong.



SA isang social media post, muling pinatunayan ng TV host-aktres na si Mariel Rodriguez Padilla ang magandang relasyon nila ng stepdaughter niyang si Kylie Padilla matapos niyang ibahagi ang kanilang larawan na sinabayan ng isang sweet at makahulugang birthday greeting para sa aktres.


Sey ni Mariel sa post niya, “Happy Birthday, Kylie!


“Your beauty on the outside is nothing compared to the beautiful person you are inside.


“You’re a wonderful mother, a talented actress, and an amazing artist — the best big sister and a sweet, thoughtful daughter. Your dad always says you are his sweetest daughter.


“You are responsible, genuine, kind, compassionate, and intelligent. Anyone is lucky to be your friend. You deserve all the love and happiness today and always. @kylienicolepadilla.”

Happy birthday sa may pusong mapagbigay at magandang aktres na si Kylie Padilla.


 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | January 26, 2026



Willie Revillame - WIlyonaryo

Photo: Willie Revillame - WIlyonaryo



Super successful ang bagong show na Wilyonaryo ng TV host-actor na si Willie Revillame. 


Well, hindi naman nakapagtataka dahil may 17 million followers ito sa Facebook.

Sa ginanap na presscon kamakailan ay natanong ang mahusay na TV host tungkol sa pagiging istrikto nito pagdating sa trabaho.


Kuwento ni Willie, “Kahit magalit kayo sa akin, very strict ako. Magkakamali ang DJ, sasabihan ko, ‘Ini-rehearse mo na kanina ‘yan.’


“Bakit ako, ako ang nag-iisip, ako lahat, ‘di ako nagkakamali kasi isinasapuso at isinasaisip ko ‘yung trabaho ko.


“One minute late, you’re out. Dancers, ‘di na nakakapasok sa GMA ‘yan.

“Ano’ng oras ang call time ninyo, 10:00 AM? ‘Pag dumating nang 10:01 AM, pauwiin mo ‘yan. ‘Di n’ya gusto ‘yung trabaho n’ya.”


Sa pagsasalita ni Willie, gusto raw niyang matutunan ng kanyang staff ang disiplina.

Kuwento niya, “Ito, ha? Incident talagang nangyari ‘to. Tinanong ko ‘yung janitor, ‘Taga-saan ka?’ Sumagot, ‘Taga-Batangas po.’


“‘Ano’ng oras ka pumupunta rito?’ Sabi n’ya, ‘Nandito na po ako ng six kasi seven o’clock po

ako.’ Bibiyahe s’ya nang tatlong oras.


“‘Magkano ang suweldo mo?’ Sagot n’ya, ‘Minimum po, P550.’

“Eh, magkano ang dancers? P2,000. Tapos, male-late ka ng one minute. Eh, itong janitor na mahirap lang, gumigising nang maaga.


“Very professional ako. Ayaw ko na nagkakamali kasi marami na kaming pagkakamali sa nangyari sa aming mga programa.”

In fairness, isa si yours truly sa buhay na patotoo ng tunay na ugali ni Willie pagdating sa kanyang mga empleyado. 


Halimbawa na lang ang aking kaibigan na sekretarya ni Willie na si Tita Tess. Nang magkasakit si Tita Tess, hindi siya pinabayaan ni Willie. Sinuportahan ito sa ospital at umabot ng P7M ang nagastos ni Willie para gumaling lang si Tita Tess. 


Isa pa niyang natulungan ay ang kanyang cameraman na nasa public hospital nang magkasakit at ipinalipat niya sa St. Luke’s. 


Mayroon din siyang empleyado na mahigit 20 years nang masayang nagtatrabaho sa kanya, ‘di ba naman, Ms. Vangie Ruiz?


Anyway, abangan ang Wilyonaryo sa #WilTV Channel 10 ng Cignal o sa website.

Kung mapipili ang tamang kombinasyon mo, may tsansa kang manalo ng P1 milyon. At kung tamang letra sa tamang posisyon ang naipasa mo, maaari ka pang manalo ng P10,000. At kung may tamang kulay naman ay maaari kang manalo ng P20,000.

Para makasali sa buhos ng suwerte, mag-register na sa wilyonaryo.com.


Happy healthy birthday, Kuya Wil, at harinawa, umariba to the max ang iyong Wilyonaryo show para boom, ka-boom muli ang showbiz natin na matinding sinalanta ng COVID-19. 


‘Yun na!



NAGPALIWANAG ang mahusay na aktor na si Sen. Robin Padilla sa kanyang Facebook (FB) page kung bakit nagbatian sila ni former Philippine National Police Chief Nicolas Torre III.


Saad ni Sen. Robin, “Bakit daw kami nagbabatian at nag-uusap ni MMDA Chairman Torre.


“Pambihira talaga. Bagama’t aso ang tingin n’yo sa amin dahil sa aming loyalty sa aming mga amo, hindi ibig sabihin na aso rin ang ugali namin.


“Ako ay Muslim, at ang greatest commander ng mga Muslim sa akin ay sa panahon ni Salahudin Ayubi, ang matalik na kalaban ni King Richard I (the Lionheart) ng England at ni King Baldwin IV (the Leper) ng Jerusalem.


“Ngunit kahit mortal na magkakalaban sa panahon ng Crusade, religious war ng mga Muslim at Kristiyano, nanatili ang paggalang nila sa bawat isa. Katunayan, pinadalhan pa ni Salahudin ng manggagamot ang dalawa nang nagkaroon ng karamdaman dala ng sakit si King Baldwin at sugat sa labanan si King Richard.


“Sabi nga ni King Priam kay Achilles sa pelikulang Troy, ‘Even enemies can show respect.’”


In fairness, likas din kay Sen. Robin Padilla ang pagiging marespeto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page