top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 6, 2020




Kitang-kita ang kaligayahan at kakuntentuhan kay Sarah Geronimo bilang Mrs. Matteo Guidicelli sa nakaraang virtual Zoom media conference ng Fern-C kung saan ipinakilala ang Pop Princess bilang bago nilang product endorser.


Kinumusta ng host ng media conference na si Issa Litton si Sarah tungkol sa buhay-may-asawa nito, at agad namang sumagot ang singer na masarap, masaya at nakakapanibago dahil maraming adjustments siyang pinagdaraanan bilang may-bahay.

Tiyak na marami rin ang kikiligin nang sinabi ni Sarah na ang prayoridad niya ngayon ay ang asawang si Matteo at ang kaligtasan din ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo't may inuuwian na siyang pamilya ngayon.


Pahayag nga sa amin ni Sarah, isang magandang regalo at malaking blessing para sa kanya na kinuha siyang endorser ng Fern-C na nagpapalakas ng resistensiya laban sa mga sakit, lalo na sa covid-19 virus.

Kuwento rin ng singer-actress, sa pinagdaraanang pandemya ngayon, marami siyang natutunan sa mga nangyayari. Isa na rito ay ang regalong buhay at ang mga trabahong naibibigay sa kanya sa kabila na marami ang nawawalan nito ngayon kaya sobra niya itong pinahahalagahan.


Siniguro naman ni Sarah na natupad ang mga safety protocols sa shoot ng bagong endorsement niya. Aminado siyang nagkaroon din ng mga adjustments sa shooting kung saan nagsuot sila ng mga safety gears, face mask at face shield.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 22, 2020




Tila sinagot ni Angel Locsin ang IG post ni Jane de Leon tungkol sa naging panawagan ng una sa mga kapwa artista sa nakaraang noise barrage ng ABS-CBN nu'ng Sabado na 'wag puro pa-cute at post lang sa Instagram ang gawin ng mga Kapamilya artists, kundi dapat ay manindigan ang mga ito dahil wala na silang network.

Parte ng mensahe ni Jane sa kanyang Instagram post, "My support to the current crisis that the network is facing right now is just not measured by going out in the streets in this time of pandemic."


Agad namang nag-post si Angel ng sagot sa tila parunggit ni Jane. Ayon sa ig post ni Angel, "No one asked you to go out to a rally. Obviously, you don't need to go out to use your voice for the voiceless. But making up an excuse to save face at the expense of those who are fighting for their lives is purely disgusting."

Kung mukhang may namumuong tensiyon sa dalawang Darna, taliwas naman ang naging reaksiyon ni Angel sa mga posts nina Toni Gonzaga at Sarah Geronimo tungkol sa sinapit ng franchise at mga empleyado ng Kapamilya Network.


Nagkomento ng pasasalamat si Angel kay Toni sa naging ig post nito samantalang idinepensa naman niya na wala sa personalidad at sa kabaitan ng Popstar Princess ang sasama sa welga at makikipaglaban.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 19, 2020




Halu-halo ang reaksiyon ng mga tao sa tila palaisipang mga posts ni Clint Bondad sa kanyang IG stories na ang espekulasyon ng iba ay patungkol sa ex-girlfriend niyang si Catriona Gray at sa BF ngayon ng Miss Universe na si Sam Milby.


Tila may bombang pasasabugin si Clint sa dalawa dahil ilang ulit nitong inilabas ang pangalan nina Sam at Catriona sa kanyang ig stories.


Payo ng iba ay tanggapin na lang nito na break na sila ng beauty titlist at mag-move on na. May ilan namang nagpaparatang na ini-enjoy ni Clint ang atensiyon at popularidad na nakukuha nito kung saan isa siya sa top trending sa Twitter dahil sa mga posts.


Nag-aalala naman ang iba sa kalagayan ni Clint at nagsasabing mukhang dumadaan sa depresyon ang binata at nangangailangan ng professional help mula sa isang doktor sa pag-iisip.


May ilan din namang kumakampi kay Clint at binabato ang gender issue kay Sam.


Isa namang netizen ang naninindigan na nag-two-time diumano ang 2018 Ms. Universe kina Sam at Clint. Naglabas pa ng mga larawan ang naturang netizen kung saan magkakasama pa sina Clint, Sam at Cat sa ilang okasyon at pinaparatangan ang Miss U na may interes na diumano sa Kapamilya actor kahit sila pa ng ex-boyfriend. May mga lumabas ding mga larawan na nagpapahiwatig na nagli-live-in na diumano sina Cat at Sam.

Nitong July 17 ay makahulugan ang post ni Catriona na tila akma sa paninira sa kanya ng dating kasintahan. May mensaheng, "The weapon may be formed but it won't prosper. When the darkness falls it won't prevail. Cause the God I serve knows only how to triumph. My God will never fail."


Bukod sa isang fan na dinepensahan si Cat at kinondena ang tsismis culture nating mga Pinoy kung saan sinisira ang reputasyon ng isang babae sa social media para lang iangat ang ego ng isang lalaki, ipinagtanggol din ni Sandra Lemonon si Catriona.


Matalik na magkaibigan at dating nagkasama sa Bb. Pilipinas 2018 ang dalawa. Ayon kay Sandra, nakakaalarma na sinusuportahan ng mga tao ang isang toxic behavior at pinaniniwalaan na okay ito kahit hindi.


Dagdag pa ni Sandra, kung anuman ang nangyayari kay Clint ay nagpapatunay lang na wala na ito sa matinong pag-iisip at nakakalungkot na tila kinatutuwaan at itinuturing ito ng iba na isang palabas.

Heto nga, may nude photos pang kumakalat ngayon online si Catriona kung saan bukod sa naliligo siya sa bath tub ay may kuha itong nakahiga habang kita ang dibdib.


Kung sakaling totoo ito at hindi edited lang,''di na namin papangalanan pero tiyak na may ideya na ang ibang tao kung sino ang maaaring nasa likod ng paglalabas nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page