top of page
Search
  • BULGAR

Gets mo, Mommy Divine?... SARAH, IPINAGSIGAWANG SI MATTEO ANG PRAYORIDAD!

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 6, 2020




Kitang-kita ang kaligayahan at kakuntentuhan kay Sarah Geronimo bilang Mrs. Matteo Guidicelli sa nakaraang virtual Zoom media conference ng Fern-C kung saan ipinakilala ang Pop Princess bilang bago nilang product endorser.


Kinumusta ng host ng media conference na si Issa Litton si Sarah tungkol sa buhay-may-asawa nito, at agad namang sumagot ang singer na masarap, masaya at nakakapanibago dahil maraming adjustments siyang pinagdaraanan bilang may-bahay.

Tiyak na marami rin ang kikiligin nang sinabi ni Sarah na ang prayoridad niya ngayon ay ang asawang si Matteo at ang kaligtasan din ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo't may inuuwian na siyang pamilya ngayon.


Pahayag nga sa amin ni Sarah, isang magandang regalo at malaking blessing para sa kanya na kinuha siyang endorser ng Fern-C na nagpapalakas ng resistensiya laban sa mga sakit, lalo na sa covid-19 virus.

Kuwento rin ng singer-actress, sa pinagdaraanang pandemya ngayon, marami siyang natutunan sa mga nangyayari. Isa na rito ay ang regalong buhay at ang mga trabahong naibibigay sa kanya sa kabila na marami ang nawawalan nito ngayon kaya sobra niya itong pinahahalagahan.


Siniguro naman ni Sarah na natupad ang mga safety protocols sa shoot ng bagong endorsement niya. Aminado siyang nagkaroon din ng mga adjustments sa shooting kung saan nagsuot sila ng mga safety gears, face mask at face shield.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page