top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 18, 2020




Umaapela ngayon ang mga pedicab drivers na sana ay mabigyan din sila ng pinansiyal na tulong ni Willie Revillame pagkatapos nitong mangako na magbabahagi ng ayudang P5 milyon sa mga jeepney drivers na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 pandemic.


Tulad nga naman ng mga drayber ng jeep, tigil-pasada rin ang mga pedicab drivers at marami rin sa kanila ang hirap sa buhay at walang maipakain sa kanilang mga pamilya.

Sa darating na August 19 na ipapamahagi ng tv host ang ipinangakong limang milyong pisong donasyon para sa mga jeepney drivers.


Ayon sa panayam ng PEP.ph kay Willie, personal siyang pupunta sa LTFRB Office, makikipagkita sa presidente ng iba't ibang jeepney associations at ipagkakaloob ang P5 milyon at paghahati-hatian ito ng mga drayber.


Lumikha ng kontrobersiya ang isyung ito kung saan na-bash pa si Willie nu'ng unang ipadaan ang pera kay Malacañang Spokesperson Harry Roque. May mga sumugod pa nga sa Wil Tower dahil akala ng ilang jeepney drivers ay du'n kukunin ang ayuda sa kanila.


Labis namang ipinagpasalamat ng mga jeepney drivers ang ipinangakong tulong ng tv host na para sa kanila ay napakalaking biyaya sa panahon ng pandemya.


Bukod dito ay pagkakalooban din ni Willie ng tig-P100,000 ang bawat pamilya ng 4 na OFWs na nasawi sa pagsabog sa Lebanon. May mga binili ring tablets ang tv host na ipagkakaloob naman sa mga estudyanteng kapos sa pera para magamit sa kanilang online classes.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 14, 2020




Mukhang malabo ang usap-usapan na susunod na raw na lilipat sa DZRH ang mga batikang newscasters ng ABS-CBN na sina Noli Boy de Castro at Ted Failon.


Kumpirmado na kasi ang paglipat ng tambalang Anthony Taberna at Gerry Baja ng Dos Por Dos sa DZRH matapos mamaalam ang kanilang programa sa DZMM pagkatapos ng halos magda-dalawang dekada na nila sa ere.

Regular pa ring napapanood sina Kabayan Noli at Ted sa TV Patrol at napapakinggan sa mga shows nila sa DZMM, kaya sa tingin namin ay 'di pakakawalan ng Kapamilya Network ang mga itinuturing nilang haligi ng News Department ng ABS-CBN.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 9, 2020




"Why is everyone asking about my love life? I'm not gonna answer that question again," ang naging pahayag ni Julia Barretto sa nakaraang vlog niya na MUKBANG + Q&A FAIL nang usisain ng ilang netizens tungkol sa kanyang buhay-pag-ibig ngayon.


Nu'ng una ay masayang sinasagot ni Julia ang mga tanong ng mga tagahanga sa pamamagitan ng IG stories tungkol sa kung ano ang paborito niyang lugar na puntahan, paboritong isuot at ano ang pinakagusto niya sa pamumuhay nang solo.


Pero nang matanong si Julia tungkol sa love life niya ay tila sumeryoso ito. Pagkatapos sabihin na 'di niya sasagutin ang tanong ay bigla na lang natapos ang naturang vlog.


Sa teaser na ipinost sa kanyang Instagram, 'di nagpaliwanag si Julia sa nangyari.

Inilarawan niya lang ito bilang pinakamaigsi at pinaka-ramdom vlog na ginawa.

Kung matatandaan, nu'ng nakaraang kaarawan ni Julia last March 10 ay may pahapyaw siyang ipinakilalang bagong nagpapatibok sa puso niya, kung saan tinawag pa niya itong "a loved one" na kasalo ng pamilya sa kanyang selebrasyon.


Sa panayam kay Julia sa radio program na 89.9, hindi direktang inamin ng aktres ang pagkakaroon ng bagong karelasyon pero siniguro nito na hindi na niya isasapubliko kung sino ang susunod niyang magiging boyfriend. Para sa aktres, ito ang nakikita niyang paraan para maprotektahan ang sinasabing karelasyon sa ngayon.

Nauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng dating kapareha na si Joshua Garcia at nakaranas din nang katakut-takot na pamba-bash nang maiturong rason diumano sa hiwalayang Bea Alonzo at Gerald Anderson.


Dahil nga parehong pinag-usapan at naging isang malaking isyu sa showbiz, naiintindihan namin kung bakit gusto ni Julia na gawing pribado ang bagong relasyon niya.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page