top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 30, 2020




Eksklusibong nakapanayam ng Cinema News At Home Edition si Joshua Garcia na ipinalabas nu'ng nakaraang Biyernes hosted by Bianca Gonzales at dito'y inamin ng Kapamilya actor na kung may isa siyang tao na gusto niyang makausap na "no holds barred" ngayong lockdown, ito ay si Gerald Anderson.


Ayon kay Joshua, tinext niya si Gerald kung puwede ba silang mag-usap para maayos ang lahat pero hindi pa siya nakatanggap ng reply mula rito.


Paliwanag ni Joshua, ngayong lockdown ay mahirap na may taong 'pinangingilagan' niya lalo na't itinuring niya ito na parang kuya dahil iisa lang ang handler nila at maliit ang mundo ng showbiz at nasa iisang network lang sila.


Tinanong din si Joshua kung ano ba ang isang bagay na pinaka-na-miss niya kay Julia Barretto mula nang mag-break sila, at agad niyang sagot, ito ay ang presensiya sa buhay niya ng ex-girlfriend.


Inamin din niyang iba rin kasi sa pakiramdam na alam mong may kasama ka sa lahat ng bagay lalo't sila na ang magkasama mula nang nagsisimula siya sa showbiz.

 
 

ILANG KONG., MATAPOS IPASARA ANG DOS, TODO-HINGI NG PABOR NA ILABAS SA BALITA

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 26, 2020




Hindi napigilan ng ABS-CBN TV news reporter na si Miguel Dumaual ang magpahayag ng pagkadismaya at pagkainis sa mga kongresistang bumoto para 'di maaprubahan ang franchise ng ABS-CBN, pero ngayon ay humihingi ng coverage.


Sa tweet ng TV news reporter, siniguro ni Miguel na walang maaasahang coverage ang mga nasabing kongresista mula sa widest reach online ng ABS pagkatapos ibasura ng mga ito ang hinihinging renewal ng franchise ng network.


Mensahe ni Miguel sa mga naturang kongresista, "Isang dambuhalang middle finger, nagre-request ngayon ng coverage sa papogi nila matapos 'di suportahan ang prangkisa ng ABS-CBN.


"We have the widest reach online, and you think we'll gladly give you that platform after you threw our network into crisis?"


'Di rin napigilan ng mga kapwa ABS correspondent ni Miguel tulad ni Anjo Bagaoisan na pabiro pero pasarkastikong sumagot na may ibang media namang puwedeng lapitan gaya ng sinasabi ng ibang mga kongresista na 'di makakaapekto sa pagbabalita ang pagkawala ng Kapamilya Network.


Nagkomento rin ang isa pang tv news reporter na si Mike Navallo pero isang simpleng "Happy weekend folks," ang isinagot nito.


Sa tweet naman nu'ng July 23 ng ABS News Digital head na si Lynda Jumilla, pagkadismaya at inis din ang naramdaman nito na isang kongresista na bumoto rin para 'di maaprubahan ang ABS-CBN franchise renewal ang nagpadala sa kanya ng press release. May mensahe itong: "'Yung bumoto kayo para ipasara ang network, tapos magpapadala kayo ng press release para i-promote ang negosyo n'yo. How to be you po?"


Ang gusto ng maraming netizens ay pangalanan nina Miguel at Lynda ang mga nasabing kongresista na nu'ng nagsabog daw ng kakapalan ng pagmumukha ang nasa Itaas ay mukhang dilat na dilat ang mga mata at sinalo ang lahat at wala nang itinirang kahihiyan sa sarili.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | August 21, 2020




Labis ang pasasalamat ng halos 33,000 jeepney drivers na napagkalooban ng 5 milyong pisong ayuda ni Willie Revillame.


Naganap ito nu'ng Miyerkules (August 19) sa central office ng LTFRB. Dito ay tinipon ang mga transport leaders at mga jeepney drivers na hindi miyembro ng kahit na anong transport group.


Ang mga grupong napagkalooban ay ang sumusunod: Pasang Masda na tumanggap ng halos P1.5 milyon; ALTODAP na nakatanggap ng mahigit P1.3 milyon; isang grupo ng mga drivers ng halagang mahigit P300,000 at ang mga drivers na may biyaheng Tandang Sora-Visayas Avenue ay nakatanggap naman ng halos P300,000 din.


Bukod sa pera ay nagpamahagi rin si Willie ng halos 2,000 sako ng bigas na pinaghati-hatian ng mga jeepney drivers at jackets sa lahat ng mga taong nasa opisina ng LTFRB.


Nangako rin si Willie na sa susunod na buwan ay magbibigay siya muli ng panibagong P5 milyong ayuda para sa mga jeepney drivers na 'di pa niya natutulungan.


Isa ang tv host sa mga artistang bukas tumulong sa mga nangangailangan ngayong pandemya kung saan ayon nga kay Willie, kung nasaan man siya ngayon ay utang niya sa masang Pilipino.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page