top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 28, 2021



"At the end of the day, I never left. I spoke with my boss, si Sir Carlo (Katigbak) on the 4th of July and we had a good talk.


"By the time I'm done with quarantine, may meeting kami. I'm a Kapamilya through and through, I have to reiterate that. I'll be back soon for sure. Pagkatapos ng mga meetings, for sure. Just to put this to rest, I'm not going anywhere," ang pahayag ni Piolo Pascual sa eksklusibong interview sa kanya ng Cinema News tungkol sa nabitawan niyang salita sa ASAP Kapamilya Forever episode ng show, kung saan sinabi niyang, "I'll see you soon."


Marami ang natuwa at nabuhayan ng loob sa mga tagahanga ng aktor na kung pansamantala man itong napanood sa Kapatid Network via Sunday Noontime Live na tumakbo rin nang ilang buwan sa ere ay mukhang balik-Kapamilya na nga uli si Piolo.


Naging matunog kasi ang bali-balita na ngayong nasa bakuran na ng GMA si Mr. Johnny Manahan na siyang head ng Star Magic at itinuturing na tatay-tatayan ni Piolo ay maaaring sumunod siya rito gaya ng pagsama dati ng aktor nang lumipat si Mr. M sa TV5 para sa programang Sunday Noontime Live.


Sa sagot na ito ni Piolo, siniguro nito na hindi siya lilipat sa anumang istasyon at ang itinuturing nitong tahanan ay ang ABS-CBN.


Dahil galing sa Amerika ay sasailalim muna si Piolo sa quarantine. Pagkatapos nito ay makikipag-meeting na siya sa mga big bosses ng ABS-CBN para pag-usapan ang mga posibleng proyekto na gagawin niya rito.

Masayang-masaya rin ang aktor dahil nag-top 1 sa Netflix ang My Amanda nila ni Alessandra de Rossi at ngayon ay kasama pa rin sa Top 10 ng mga most watched films sa Pilipinas, Qatar at UAE. Para kay Piolo ay nasabik ang mga kababayan natin sa Pilipinas at nakakatuwa na makapagpalabas ng isang orihinal at pelikulang Pinoy tulad ng My Amanda.


Ayon nga sa aktor, para siyang nabunutan ng tinik at proud na proud siya sa direktor at kapareha sa pelikula na si Alessandra dahil nakita niya ang dedikasyon at sipag nito, kung saan nagkasakit ito at dumaan din sa maraming pagsubok matapos lamang nang maganda ang pelikula.


Papuri pa ni Piolo kay Alessandra, bilib siya sa kapareha at direktora dahil alam nito ang mga gagawin, mga eksenang dapat kunan sa kabila ng baguhan lamang ito at ito ang kauna-unahang pelikula na naidirek nito.

 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | July 12, 2021



Marami sa mga Wowowin/Tutok to Win fans ang nalulungkot sa tila pamamaalam ni Willie Revillame sa kanyang programa ilang araw na ang nakararaan.


Ang pahayag ng TV host ay may malaki siyang desisyon na gagawin at kailangang pag-isipan niya itong mabuti.


Marami ang nag-iisip na baka ang malaking desisyon na sinasabi ni Willie ay ang nababalitang papasukin na diumano ng TV host ang pulitika sa darating na eleksiyon matapos magpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte na gusto niyang tumakbo si Willie sa Senado sa 2022 national elections.


Sa kabila ng hiling ni Willie na kahit mawala siya ay may iba sanang host ang magpatuloy ng Wowowin/Tutok to Win, marami pa rin sa mga masusugid na tagahanga ng game show ang naniniwala na bukod sa iba pa rin ang karisma niya ay para lang talaga kay Kuya Wil ang show at ‘di ito babagay sa iba.


 
 

ni Melba R. Llanera - @Insider | June 28, 2021




"Of course I'm very, very happy for her," ang bungad na pahayag ni Iñigo Pascual nang hingin namin ang reaksiyon niya tungkol sa kumpirmado nang relasyon ngayon nina Maris Racal at Rico Blanco.


Dagdag pa ng dating kasintahan ni Maris, "Actually, alam ko kung gaano kasaya si Maris with Rico. I mean, she always love and admire Rico for a very, very long time. I am very happy for her.


"She's coming out with her music, may lalabas siyang kanta. Nakaka-proud kasi nakita ko si Maris na nag-i-struggle na hinahanap ang sarili niya or 'yung mga gusto niyang gawin.

"To see her blossoming into someone which she is now, and how she's really being herself in front of people, talagang nakakatuwa. Sobrang nakakatuwa," masayang pahayag pa ni Iñigo.

Bukod sa pagiging ex-sweethearts, nagkapareha rin sina Maris at Iñigo sa ilang proyekto kaya't nabuo ang tambalang MarÑigo, kung saan marami ang nalungkot sa kanilang mga tagahanga dahil 'di nagkatuluyan ang dalawa.


Sa tanong namin kung may komunikasyon pa ba sila sa ngayon ni Maris, inamin naman sa amin ni Iñigo na matagal na silang 'di nakakapag-usap at bilang respeto at para maiwasan na rin na maging "awkward" sila sa isa't isa ay mas mabuti na rin daw na 'wag na munang buksan ang komunikasyon sa pagitan nila.


Ayon kay Iñigo, buung-buo ang suporta niya para sa relasyon nina Maris at Rico at maligaya siya dahil alam niyang masayang-masaya ngayon si Maris.


Samantala, bukas din si Iñigo sa mga proyekto na pagtatambalan nilang muli ni Maris kung saka-sakaling may offer silang matanggap. Tiyak na ikatutuwa ito ng mga solid MarÑigo fans na hanggang ngayon ay nag-aabang pa rin sa balik-tambalan ng dalawa.


Tinanong din namin kung handa na ba siya sa pakikipagrelasyon kung saka-sakaling may dumating sa buhay niya ngayon.


Ipinaliwanag sa amin ni Iñigo na sa dami ng ginagawa niya sa kanyang career sa ngayon ay wala siyang oras para sa pakikipagrelasyon. Naniniwala rin ang singer-actor na 'pag siya ang pumasok sa isang relasyon, gusto niya ay seryosohan na at mauuwi na sa kasalan, kaya mas gusto niya na mangyari na lang ito sa tamang oras.


Kalo-launch lang ng international album ni Iñigo na may titulomg Options kung saan bukod sa mga sariling komposisyon, may mga nakapaloob ding komposisyon mula sa ilang songwriters mula sa Manila at California.


Tuwang-tuwa si Iñigo na napakinggan ang carrier single niyang Danger mula sa album na Options sa radio station na 102.7 KIIS FM sa Los Angeles, California, USA.


Kuwento sa amin ni Iñigo, sobra siyang natuwa rito dahil nu'ng nasa America pa pala siya nakatira ay ito na ang radio station na pinapakinggan niya.


Nakakabilib lang na sa kabila ng husay at talento sa pagkanta at pagsasayaw ay sumasailalim pa rin sa intensive training si Iñigo sa pagpe-perform na gaya ng training na ginagawa sa South Korea.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page