top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Melba R. Llanera @Insider | July 1, 2023




“Forgiveness? Oo naman, importante ‘yun, pangit na nagbibitbit ka ng anger, resentment, bitterness, kasi ikaw pa rin ang talo ‘pag dala-dala mo ‘yun. Okay lang naman na ‘di siya madaliin, it takes time, ‘di siya agad-agad naa-acquire.


“'Yang forgiveness, medyo matagal na proseso, ‘di ipinipilit. Forgiveness is for you and for yourself, not for whoever should you given your forgiveness," ang naging pahayag sa amin ni Carla Abellana nang tanungin namin kung napatawad na ba niya ang taong nakasakit sa kanya na ‘di man diretsahin ay klaro naman na patungkol ito sa ex-husband niyang si Tom Rodriguez.


Nakapanayam namin ang Kapuso actress sa nakaraang presscon ng PAWS (The Philippine Animal Welfare Society) para sa enactment ng Circular 5 for protection of animals in media and entertainment industry kung saan si Carla ang tumatayong ambassador nito.


Nobyembre, 2022 nang maghiwalay sina Carla at Tom. Masalimuot at masakit ang naging proseso nito. Ang Kapuso actress pa nga ang nag-file ng annulment at humingi rin ito ng ‘temporary restraining order’.


Nag-celebrate si Carla ng kanyang 37th kaarawan nu’ng nakaraang June 12. Ayon pa sa Kapuso actress ay masaya ang naging celebration niya kasama ang pamilya at nag-sleepover din sa bahay niya ang mga pamangkin.


Nang tanungin kung binati ba siya ni Tom, agad na humindi si Carla at sinabing wala na silang komunikasyon pa ng ex-husband mula nang maghiwalay sila at mas mabuti na rin ito para sa kanilang dalawa.


Tinanong din kung bukas ba siyang makasama uli sa isang proyekto si Tom, lalo’t iisa lang ang network na kanilang pinagtatrabahuhan.


Nagpakatotoo naman si Carla at sinagot kami na sa ngayon ay hindi pa siya ready, pero kung dumating ang pagkakataong okay na siya at may magandang offer ay titingnan niya.


Consistent pa rin ang Kapuso actress sa pagsasabing wala na talaga siyang balak na mag-asawa uli. Biro pa nga sa 'min ni Carla, ‘di lang pinto ang nakasarado, kundi pati na rin bintana at may mga bakod na rin ito.


Pero sa kabila nito ay bukas din naman ang isipan ng Kapuso actress sa reyalidad ng buhay natin na walang sigurado at may mga maaaring mangyari na ‘di natin inaasahan.


Aminado rin si Carla na marami siyang natutunan sa kinauwian ng relasyon nila ni Tom, katulad ng pagmamahal at pag-aalaga sa sarili.


At nang hingan siya ng payo para sa mga kababaihan na balak nang mag-asawa, ang sey ng Kapuso actress ay ‘wag na ‘wag pababayaan ng isang babae ang sarili niya.


Dagdag pa niya, dapat ay laging mag-reflect ang isang babae kung masaya ba ito sa ginagawa niya, kung may mga bagay ba na labag sa kalooban nila at kung ibinabalik ba ng kanilang partner ang ibinibigay nilang pagmamahal.


Nang tanungin din kung anu-ano ba ang mga katangian ng lalaki na maaaring susunod niyang mamahalin, ayon sa Kapuso actress, ang mahalaga ay mabait ito, tapat, maalaga at may paniniwala sa Diyos.


Balik-teleserye na si Carla, bibida siya sa GMA-7 series na The Stolen Life kung saan makakasama niya rito sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzalez. Naghahanda na rin siya sa isa pa uling serye at sa isang pelikula na entry sa 2023 Metro Manila Film Festival.


Aktibo muli sa kanyang showbiz career si Carla, pero dapat din itong maghinay-hinay dahil sa kanyang kalusugan sa ngayon.


‘Di pa pala tuluyang nagagamot ang thyroid problem ng Kapuso actress, at lumipat na nga raw siya ng bagong endocrinologist. Nalaman din niyang may dalawang health problems pa pala siya na kasalukuyan na ring ipinapagamot.


Ang dalawang health problems ni Carla ay ang tachycardia (irregular heartbeat) at neurocardiogenic syncope, kung saan umaakyat ang dugo sa utak pero nahihirapan itong bumalik kaya’t prone siya na mahilo at mahimatay.


Sinusunod naman ng Kapuso actress ang bilin sa kanya ng cardiologist at endocrinologist niya. Bukod dito ay pinapahalagahan na rin ni Carla ang pagkakaroon ng tamang oras ng pagtulog, kung kailan dapat magpahinga at umiiwas na rin siya sa mga stress sa trabaho sa showbiz.


Sa huli ay pabirong natanong si Carla kung sino o ano ba ang mas pipiliin niyang mahalin sa ngayon, ang mga tao o hayop?


Walang pagdadalawang-isip na sumagot ang Kapuso actress na mas pipiliin niya ang mga aso dahil ang mga ito ay hindi marunong manghusga, nagbibigay ng unconditional love, at ‘di marunong magtanim ng galit o sama ng loob.



 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | June 23, 2023




“PEOPLE are entitled to think what they want to think. I mean, ano ang gagawin ko? Tatawa lang ako. But it's okay, people are entitled to their own opinion. I'm not the type of person na I have to explain myself to anyone.


“What you see is what you get. As long as I live in peace, in love and in respect, ‘yun ang mahalaga,” ito ang naging pahayag sa amin ni Jericho Rosales nang hingan namin ng reaksiyon sa ‘di mamatay-matay na espekulasyon ng iba na hiwalay na talaga sila ng asawang si Kim Jones, pero ‘di pa lang nila ito kinukumpirma sa publiko.


Last year pumutok ang balita na hiwalay na ang mag-asawa, pero naklaro ito nang mag-post si Kim ng larawan ni Jericho na nasa dagat habang nagse-surfing nu’ng kaarawan nito last Sept. 22, 2022.


Sa kabila nito ay may ilan pa rin ang naniniwala na ayaw pa lang isapubliko ng dalawa, pero ang totoo ay hiwalay na ang mag-asawa.


Bilang patunay na maayos pa rin ang pagsasama nina Jericho at Kim, proud na ikinuwento sa amin ng A-list actor na may mga collaborations nga silang mag-asawa, kung saan magkatulong silang sumulat ng short film ni Kim at siya rin ang nag-produce nito.


Pagkukuwento pa sa amin ni Jericho, bukod sa pagsusulat ay pinasok na rin ng asawang si Kim ang pagdidirek, kung saan nakatapos na ito ng dalawang short films para sa mga fashion brands at gagawa pa ito ng isang pelikula.


Tungkol sa muli niyang paggawa ng serye, sabi ni Echo, prayoridad niya ngayon ang mga pelikula at musika.


Huling napanood si Jericho sa seryeng Halik ng ABS-CBN. Ayon sa aktor ay alam niya ang naging ambag ng telebisyon sa kanyang career, kaya minahal at ibinigay niya ang kanyang 110% sa mga TV projects na ginawa niya noon. Pero sa ngayon ay hindi talaga ito ang prayoridad niya.


Nag-post na si Jericho sa kanyang Instagram ng larawan kung saan makikitang nakasuot siya ng damit ng mga nakakulong sa bilangguan para sa international prison series na Sellblock.


Bukod pa rito ay kumpirmado na rin na kasama si Jericho sa prequel ng On The Job, kung saan makakasama niya si Ryan Agoncillo sa ilalim ng direksiyon ni Direk Erik Matti.


May ire-release ring kanta si Jericho kasama ang grupong SOS ni Roberto Seña.


‘Di nga lang talaga ugali ng aktor na mag-post ng mga gagawing proyekto sa social media dahil para sa kanya, marami pa kasing maaaring mabago hangga’t ‘di pa rumorolyo ang kamera. Siniguro lang sa amin ni Jericho na walang katotohanan ang inakala ng iba na ayaw na niyang magtrabaho dahil patuloy pa rin siya sa pagsulat at pagpo-produce ng sarili niyang pelikula, bukod sa mga nakalinya pang mga proyekto na dapat niyang gawin.


 
 

ni Melba R. Llanera @Insider | June 1, 2023




May punto naman si Joshua Garcia kung bakit niya ibinenta ang mga mamahaling sasakyan tulad ng Dodge Challenger at Triumph Bonneville T150 motorcycle.


Sinabi ng aktor na galing siyang probinsiya at laki sa hirap kaya't alam niya kung ano ang mga kailangan at importante lang sa buhay niya.


Maaaring gusto lang na makipagsabayan ng aktor sa mga mamahaling sasakyan ng mga kapwa artista, lalo na ng kanyang kaibigan na si Daniel Padilla na nagmamay-ari ng mga mamahaling sasakyan tulad ng 1967 Ford Mustang, Porsche 718 Boxster S, Lamborghini Huracan Spyder 2018 at 1966 Pontiac GTO.


Tulad ni Joshua, nagkaroon din ng Dodge Challenger na sasakyan si Daniel, pero ibinenta niya ito nu'ng nakaraang taon.


Para sa amin ay mas tama na mag-ipon na muna ang Kapamilya actor, mag-invest ito sa mga mas kumikitang investments at umiwas sa mga bagay na 'di naman niya talaga kailangan at magagamit.


Samantala, sa unang episode pa lang ng Unbreak My Heart ay lutang na lutang na agad ang husay ni Joshua sa mga eksena niya.


Inaabangan din ng marami ang kissing at love scene nina Joshua at Jodi Sta. Maria sa istorya. Ayon sa Kapamilya actor ay malaki ang naitulong ng sensuality workshop para ma-execute nila nang maayos ang mga naturang eksena.


Suhestiyon nga ni Joshua, dapat ay dumaan sa ganitong klase ng workshop ang mga artista na gagawa ng ganitong eksena, lalo't malaki ang tendency na kapag natatangay sila ng kanilang emosyon ay lumalagpas sila minsan sa kanilang mga boundaries.


Single ngayon at walang girlfriend ang aktor, pero bukas naman si Joshua sa posibilidad na muling ma-in love sa isang babae na malaki ang agwat ng edad sa kanya.


Paliwanag sa amin ni Joshua, sa edad niya ngayon na 25 ay malalim na connection na sa isang babae ang hinahanap niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page