top of page
Search

ni VA / MC - @Sports | September 7, 2022



ree

Saludo at pinupuri ni TNT head coach Chot Reyes ang kanyang team sa kabila ng kabiguan sa kamay ng San Miguel Beermen sa Game 7 ng 2022 PBA Philippine Cup Finals noong Linggo.


Wala si Reyes sa laro noong Linggo sa Big Dome dahil nagpositibo siya sa COVID-19.


Sa ulat ng ABS-CBN news, ilang source ang nagsabi na masama ang pakiramdam ni coach Chot noong Sabado pa.


Sa kabila ng wala si Reyes sa laro, nakalamang pa ang Tropang Giga sa SMB, 89-84 makaraan ang tatlong quarters. Pero hindi na sila nakaporma noong 4th quarter, bagamat bumagal ang SMB ay nanamlay na rin ang TNT.


"Congrats to Coach Leo Austria and the San Miguel Beermen for the championship," saad ni Reyes sa kanyang Instagram post matapos ang laro, 119-97 na panalo para sa SMB. "But I am so immensely proud of our guys, led by Jayson Castro and Kelly Williams, for their courage in battling overwhelming odds," dagdag niya. "Sorry I couldn't be on the floor with you for that last one. On to the next!"


Kakaibang tapang ni Castro ang kanyang ipinakita kahit masakit ang kanyang bukung-bukong ay nakapagtarak pa ito ng 32 points, 10 rebounds at eight assists.


Si Kelly Williams naman ang nangalabaw sa depensa kontra June Mar Fajardo na may 6 points at 7 rebounds.


Pero hindi na nakahabol ang TNT nang rumagasa na ang San Miguel sa 4th, na-eject pa si Poy Erram sa second quarter dahil sa flagrant foul kay Mo Tautuaa ng SMB.


Ika-10 PBA championship sana ito ni Reyes kung nagkampeon ang TNT.

 
 

ni MC - @Sports | September 7, 2022


ree

Malaki ang maitutulong ng superstar ng San Miguel na si June Mar Fajardo kung magagamit ito para sa ikaapat na window ng FIBA ​​World Cup Asian Qualifiers, sabi ni coach Tim Cone.


Si Fajardo ay isang mainstay ng programa ng Gilas Pilipinas ngunit hindi nakalaro sa kamakailang window ng FIBA ​​dahil ang Beermen ay nakikipagkumpitensiya sa 2022 PBA Philippine Cup Finals laban sa TNT Tropang GIGA.


Pero kung available siya, si Fajardo “would have been on that team, hands down,” sabi ni Cone.


“Bibigyan sana kami ni [Fajardo] ng definite post presence na puwede sana naming puntahan,” ani Cone sa six-time PBA Most Valuable Player. “Marami kaming pinag-usapan ni Coach Chot (Reyes), kung ano ang puwede naming gawin sa kanya.”


Nararamdaman ng multi-titled na coach na tiyak na makakagawa si Fajardo ng epekto laban sa Lebanon, isang laro kung saan natalo ang Gilas sa 85-81 sa kabila ng 27 puntos mula kay Filipino-American guard Jordan Clarkson.


Ang Lebanon ay magmumula sa isang runner-up finish sa 2022 FIBA ​​Asia Cup at may isa sa mga pinakamahusay na bantay sa rehiyon sa Wael Arakji, ngunit naniniwala si Cone na wala silang sinumang makakapigil kay Fajardo sa loob ng court.


Sa palagay ko walang sinuman sa Lebanese team na maaaring humawak kay June Mar down low,” sabi ng coach ng Ginebra. “Whether June Mar can dominate like against a Serbian team or a US team, that’s another question. Pero sa Asian level, playing against Lebanon? I think he would do dominated there,” dagdag pa ni Cone.

 
 

ni MC - @Sports | September 6, 2022


ree

Hindi man kasing sikat ng ilang Team Lakay si Denice Zamboanga, suportado niya ang kapwa Pinoy fighter na si Joshua Pacio.


Dedepensahan ni Pacio ang kanyang ONE Strawweight World Championship kontra Jarred Brooks sa ONE 164: Pacio vs. Brooks, ang unang event na idaraos ng ONE Championship sa Manila sa mahigit dalawang taon na nagdaan at idaraos ito sa Mall of Asia Arena sa Dis. 3.


Sinabi ni Zamboanga, ang #3-ranked women’s atomweight contender na si Brooks ang pinakamalupit na challenger ni Pacio sa kanilang upcoming fight na maituturing na isang klasikong bakbakan. “This fight will surely be an amazing one. This will be an intense match for sure and this could be the biggest challenge for our world champion but, still, I’m rooting for him to win!” saad ni Zamboanga.


Si Pacio ang pinakamahusay na strawweight sa ONE Championship history kung saan hawak niya ang ONE Strawweight World Title sa mahigit 1,200 araw sa tatlong iba't ibang pagkakataon. Tinalo na ng 26-anyos ang dating world champion sa kanyang division. Si Brooks naman ang pinakamalaking banta sa kanyang strawweight status quo.

Hawak ni Brooks “The Monkey God” ang 3-0 kartada sa ONE Championship at ang kanyang debut win ay ang second-round submission kay Team Lakay teammate ni Pacio na si Lito Adiwang noong nakaraang ONE: NextGen III noong Nob. 2021.


Paborito naman ang Pilipinas na destinasyon ng ONE Championship. Maraming beses nang nagdaos ang organisasyon ng ilang bakbakan sa bansa pero natigil lamang nang manalasa ang COVID-19 pandemic sa buong mundo. Tulad ng iba pang fight fan, excited na aniya si Zamboanga na muling magbalik ang ONE Championship sa Manila.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page