- BULGAR
- Nov 17, 2022
ni Anthony E. Servinio / MC - @Sports | November 17, 2022

Muling masisilayan ng fans ang mataas na kalidad na 3x3 action ng Chooks-to-Go Pilipinas CTG Quest 2.0 sa Ayala Malls Solenad 3 sa Sabado, Nob. 20.
Isa sa makaka-excite sa fans ang pinakaabangang paboritong players na maglalaro ng live o online. Si Mac Tallo ng Cebu Chooks ay ika-84th sa world FIBA 3x3 individual rankings, siya rin ang highest-ranked Filipino player sa 3x3 basketball. Siya ang tinaguriang SpidaMac ang palagiang inaabangan.
Bilang aktor, hindi naman maikakaila ang pagmamahal ni Gerald Anderson (Botolan Hayati) sa larong basketball kung saan naipakikita rin niya ang husay sa paglalaro nito.
Regular na rin ang aktor sa mga Chooks-to-Go 3x3 tournaments mula pa noong 2019 nang maglaro sa Marikina. Mamumuno siya sa Botolan team.
Si Paul Desiderio (Talisay EGS) ay nasa team na bago lamang sa 3x3 basketball at sasabak sa Chooks-to-Go Pilipinas Quest 2.0 na underdog. Ang pagbalik ni Desiderio sa competitive basketball ay kakampi ang all-Cebuano squad.

Dagdag pa ang Davao native at dating UE Warrior Leon Lorenzana sa Manila Chooks.
Sariwa pa ang kampanya ng Manila Chooks sa FIBA 3x3 NEOM Super Quest sa Saudi Arabia kung saan nabigo sila 18-19 sa Olympic champion at world number 3 Riga ng Latvia.
Si Leon Lorenzana (Manila Chooks) sa taas na 6-foot-4 ang pinakamaliit sa Manila Chooks roster kung saan ipaparada sina 6-foot-10 Henry Iloka, 6-foot-6 Dave Ando, at 6-foot-5 Dennis Santos. Tampok din si Hamadou Laminou (Quezon City) na six-foot-eight Cameroonian na lilider sa Quezon City team na pawang beterano. Nasa Quezon City rin sina dating UAAP juniors mythical five team member Reinier Quinga, veteran Jonix Rosales, at former FEU Tamaraw Jeson Delfinado.







