top of page
Search

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 9, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,


Nagnanais akong kumuha ng pagsusuri upang maging isang Certified Public Accountant o CPA. Nais ko lamang malaman kung anu-ano ang mga kuwalipikasyon upang makakuha ng nasabing pagsusuri at anong grado ang aking dapat makamit upang maipasa ito. Salamat.

-- Ton-Ton, Jr.



Dear Ton-Ton, Jr., 


Ang kasagutan sa iyong katanungan ay matatagpuan sa mga Seksyon ng 13 at 14 ng Republic Act (R.A.) No. 9298, o mas kilala sa tawag na “Philippine Accountancy Act of 2004,” kung saan nakasaad na:


Section 13. The Certified Public Accountant Examinations. - All applicants for registration for the practice of accountancy shall be required to undergo a licensure examination to be given by the Board in such places and dates as the Commission may be designate subject to compliance with the requirements prescribed by the Commission in accordance with Republic Act No. 8981.


Section 14. Qualifications of Applicant for Examinations. - Any person applying for examination shall establish the following requisites to the satisfaction of the Board that he/she:


is a Filipino citizen;

is of good moral character;

is a holder of the degree of Bachelor of Science in Accountancy conferred by the school, college, academy or institute duly recognized and/or accredited by the CHED or other authorized government offices; and

has not been convicted of any criminal offence involving moral turpitude.”


Batay sa nabanggit na batas, ang lahat ng mga aplikante para sa pagpaparehistro para sa pagsasanay ng accountancy ay kinakailangang sumailalim sa pagsusuri na ibibigay ng Professional Regulatory Board of Accountancy sa lugar at petsa na maaaring italaga ng Professional Regulation Commission (PRC) alinsunod sa Republic Act No. 8981.


Dahil dito at bilang kasagutan sa iyong katanungan, upang makakuha ng nasabing pagsusuri kinakailangan na ikaw ay: a.) Filipino citizen; b.) may mabuting moral na karakter; c.) may pinanghahawakan na degree na Bachelor of Science in Accountancy na ipinagkaloob ng paaralan, kolehiyo, akademiya o institusyon na kinikilala ng Commission on Higher Education, o iba pang awtorisadong tanggapan ng gobyerno; at d.) hindi nahatulan para sa anumang krimen na kinasasangkutan ng moral turpitude.


Karagdagan dito, nakalahad sa Seksyon 16 ng nasabing batas na nararapat na makamit ang sumatotal na grado na 75 porsyento at hindi bababa sa 65 porsyento na grado kada subject, upang masabi na naipasa ang nasabing pagsusuri. Nakalahad na:


Section 16. Rating in the Licensure Examination. - To be qualified as having passed the licensure examination for accountants, a candidate must obtain a general average of seventy-five percent (75%), with no grade lower than sixty-five percent (65%) in any given subject. In the event a candidate obtains the rating of seventy-five percent (75%) and above in at least a majority of subjects as provided for in this Act, he/she shall receive a conditional credit for the subjects passed: Provided, That a candidate shall take an examination in the remaining subjects within two (2) years from preceding examination: Provided, further, That if the candidate fails to obtain at least a general average of seventy-five percent (75%) and a rating of at least sixty-five percent (65%) in each of the subjects reexamined, he/she shall be considered as failed in the entire examination.”


Ang nasabing pagsusuri ay itinalaga sapagkat kinikilala ng ating pamahalaan ang malaking papel ng mga accountant sa pag-unlad ng ating bansa. Ang mga CPA ay inaasahang magpanatili ng mataas na pamantayang propesyonal, magbigay ng dekalidad na serbisyo, at makipagsabayan sa pandaigdigang kompetisyon. Ito rin ay upang mapangalagaan ang karapatan ng mga mamamayan na makakuha ng serbisyo mula sa mga lehitimong certified public accountants lamang.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.


 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 8, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Dear Chief Acosta,  


Maaari ba talagang ilagay ang isang empleyado sa ilalim ng preventive suspension? – Lia



Dear Lia,


Ang paglalagay ng empleyado sa ilalim ng preventive suspension ay pinahihintulutan sa ilalim ng ating batas. Ito ay tinalakay ng ating Korte Suprema sa kasong Every Nation Language Institute (ENLI) and Ralph Martin Ligon vs. Maria Minelli Dela Cruz, G.R. No. 225100, ika-19 ng Pebrero 2020, sa panulat ni Honorable Associate Justice Jose C. Reyes, Jr.:


Placing an employee under preventive suspension is allowed under Section 8, Rule XXIII, Book V of the Omnibus Rules Implementing the Labor Code, as amended. This section provides:


Section 8. Preventive suspension. The employer may place the worker concerned under preventive suspension only if his continued employment poses a serious and imminent threat to the life or property of the employer or of his co-workers.


Preventive suspension is not a penalty but a disciplinary measure to protect life or property of the employer or the co-workers pending investigation of any alleged infraction committed by the employee. Thus, it is justified only when the employee’s continued employment poses a serious and imminent threat to the employer’s or co-workers’ life or property. When justified, the preventively suspended employee is not entitled to the payment of his salaries and benefits for the period of suspension.


x x x Nevertheless, the management’s prerogative of placing an employee under preventive suspension is further temporally limited. Section 9 of the Omnibus Rules Implementing the Labor Code limits the duration of the preventive suspension to a maximum of 30 days:


Section 9. Period of suspension. No preventive suspension shall last longer than thirty (30) days. The employer shall thereafter reinstate the worker in his former or in a substantially equivalent position or the employer may extend the period of suspension provided that during the period of extension, he pays the wages and other benefits due to the worker.


Section 9 is clear that the employer had the positive duty of reinstating the preventively suspended employee upon the lapse of the 30-day period sans extension. When the period of preventive suspension exceeds the maximum period allowed without reinstating the employee actually or through payroll, or when the preventive suspension is for an indefinite period, constructive dismissal sets in.” 


Samakatuwid, ang preventive suspension ay hindi isang parusa kundi isang pansamantalang hakbang sa pagdidisiplina upang protektahan ang buhay o ari-arian ng employer o ng ibang empleyado habang isinasagawa ang imbestigasyon sa anumang diumano ay paglabag na ginawa ng isang empleyado. Kaya, makatwiran lamang ito kapag ang patuloy na pagtatrabaho ng empleyado ay magdudulot ng seryoso at napipintong banta sa buhay o ari-arian ng employer o ibang empleyado. Kapag nabigyang katwiran, ang empleyadong nasuspinde ay walang karapatan sa kanyang mga suweldo at benepisyo sa panahong siya ay nakasuspinde, basta’t ito’y hindi lalagpas ng 30 araw.


Sana ay nabigyan namin ng linaw ang iyong katanungan. Ang payong aming ibinigay ay base lamang sa mga impormasyon na iyong inilahad at maaaring magbago kung mababawasan o madaragdagan ang mga detalye ng iyong salaysay. 


Maraming salamat sa iyong patuloy na pagtitiwala.

 
 

ni Atty. Persida Rueda-Acosta @Magtanong Kay Attorney | September 7, 2025



Magtanong Kay Atty. Persida Acosta


Ang mga karapatan ng mga tinaguriang Filipino seafarers sa ilalim ng Republic Act (R.A.) No. 12021 ay ang mga sumusunod:


  1. Ang mga marino ay may karapatan sa: (a) Isang ligtas na lugar ng trabaho na sumusunod sa mga pamantayan sa kaligtasan; (b) Patas na mga tuntunin at kondisyon ng trabaho; (c) Disenteng kondisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay sa barko; at (d) Naaangkop na pangangalagang medikal, para sa parehong mga overseas at domestic seafarers;


  1. Ang mga marino ay may karapatang bumuo, sumali, o tumulong sa pagbuo ng isang organisasyong paggawa na kanilang pinili para sa mga layunin ng kolektibong pakikipagkasundo, upang makisali sa mga sama-samang aktibidad alinsunod sa batas, at lumahok sa pagtalakay ng mga isyu at pagbabalangkas ng mga patakarang nakaaapekto sa kanila, kabilang ang garantiya ng pagkatawan sa mga lupon ng pamamahala o pagtatalaga sa mga instrumentalidad ng pamahalaan;


  1. Ang mga marino ay dapat mabigyan ng makatarungan at abot-kayang oportunidad para sa pagsulong ng edukasyon at pagsasanay;


  1. Ang mga may-ari ng barko, mga ahensyang namamahala, at iba pang mga organisasyong responsable para sa pangangailangan at paglalagay ng mga marino ay dapat magbigay sa mga marino ng may-katuturang impormasyon, kabilang ang mga tuntunin at kondisyon ng pagtatrabaho, mga patakaran ng kumpanya na nakaaapekto sa mga marino, at mga kondisyon at katotohanang kaakibat ng kanilang propesyon;


  1. Sa mga kritikal na insidente, tulad ng mga aksidente o deaths on board o offshore, piracy, abandonment of vessel, at iba pang katulad na mga kaso, ang pamilya ng marino o ang mga kamag-anak ay dapat agad maabisuhan. Kabilang dito ang pagbibigay ng mga ulat ng imbestigasyon, mga aksyon na ginawa, at mga plano ng may-ari ng barko, gayundin ng kinauukulang ahensyang namamahala sa seafarer sa ibang bansa, at sa mga remedyong ginawa para sa nasabing marino, maging ng repatriation nito;


Para sa mga overseas seafarers, ang may-ari ng barko at ang kinauukulang manning agency ay dapat mag-ulat ng insidente sa Department of Migrant Workers (DMW) sa loob ng limang araw mula nang naganap ang insidente. Para sa mga domestic seafarers, dapat iulat ng may-ari ng barko ang mga naturang insidente sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa loob ng parehong panahon;


  1. Ang mga marino ay dapat bigyan ng karapatan sa safe passage at ligtas na paglalakbay. Ang mga marino sa ibang bansa ay may karapatan na sumakay at bumaba sa ibang mga bansa kapag in transit. May karapatan din silang mapauwi (repatriation) at makauwi;


  1. Ang mga seafarers at mga stakeholders sa industriya ng maritime, nakasakay man sa barko na nasa ibang bansa o nandirito sa Pilipinas, ay dapat sapat na konsultahin bago pagtibayin ang anumang patakarang pandagat, mga ehekutibong pagpapalabas, tuntunin o regulasyon, o batas pandagat na maaaring direktang makaapekto sa mga marino, at kanilang pamilya at benepisyaryo;


  1. Ang mga marino ay may karapatang mabigyan ng proteksyon laban sa diskriminasyon batay sa lahi, kasarian, relihiyon, o opinyong pampulitika, na isinasaalang-alang ang mga likas na pangangailangan ng partikular na trabaho o gawain. Ang mga pagkakataon sa karera at angkop na mga kondisyon sa pagtatrabaho at pamumuhay ay dapat garantisadong pantay sa mga lalaki at babaeng marino;


  1. Ang mga marino ay dapat mabigyan ng proteksyon laban sa lahat ng anyo ng panliligalig at pambu-bully habang nakasakay sa barko, at nasa pampang. Ang mga may-ari ng barko ay dapat magpatibay ng mga patakaran para sa proteksyon ng lahat ng mga tripulante mula sa panliligalig at pambu-bully. Ang mga may-ari ng barko ay dapat ding magtatag ng mga helpline at mekanismo ng reklamo para sa lahat ng biktima ng panliligalig at pambu-bully;


  1. Sa mga pagkakataong mayroong mga kasong paglabag sa probisyon ng batas na ito o paglabag sa kontrata, at walang kakayahan ang seafarer na kumuha ng abogado, ang mga marino ay may karapatan sa libreng tulong na legal at proteksyon sa gastos mula sa pamahalaan, at sa patas at mabilis na disposisyon ng kanyang kaso, kabilang ang mabilis na settlement of money claims na naaayon sa mga kasalukuyang tuntunin at regulasyon;


  1. Ang mga marino ay may karapatan sa mabilis at hindi mahal na grievance mechanism para resolbahin ang kanilang mga reklamo, hinaing, hindi pagkakaintindihan at kontrobersiya;


  1. Ang mga marino ay dapat bigyan ng agaran at sapat na serbisyong medikal, mga gamot, at mga panustos na medikal habang sila ay sakay ng barko; pag-access sa mga pasilidad na medikal na nakabase sa baybayin, kabilang ang mga serbisyo sa kalusugan ng pag-iisip para sa proteksyon ng kanilang pisikal at mental na kagalingan; gayundin ang kaukulang mga medikal o mga bihasa na tauhan na magbibigay ng first aid at pangangalagang medikal, alinsunod sa Maritime Occupation Safety and Health Standards na ibinigay sa ilalim ng batas na ito;


  1. Ang mga marino, lalo na sa kanilang libreng oras o kapag wala sila sa kanilang takdang trabaho, ay dapat magkaroon ng makatwirang access sa mga komunikasyon sa telepono, email, at internet mula sa barko patungo sa baybayin, kung saan mayroon;


  1. Sa pagtatapos ng employment contract, ang mga marino ay kinakailangang mabigyan ng record of employment on board the ship o certificate of employment kung saan nakalagay ang espisipikong length of service, posisyon na inukopa ng marino, bilang ng kanyang final wages, at ng iba pang mahalaga at angkop na impormasyon;


  1. Ang mga marino ay marapat na tratuhin nang patas kapag nagkaroon ng maritime accident alinsunod sa International Labor Organization (ILO) at International Maritime Organization (IMO) 2006 Guidelines on Fair Treatment of Seafarers in the Event of a Maritime Accident and its amendments;


  1. Ang mga marino ay may karapatan sa patas na medical assessment kung sila ay naaksidente habang sila ay nakasakay sa barko. Ang mga overseas seafarers ay may karapatan na kumuha ng pangalawang opinyon mula sa mga accredited clinics ng Department of Health (DOH) o mula sa karampatan at lisensyadong manggagamot sa mga pagkakataong mayroong pagdududa sa medical assessment ng examining physician o clinic na nakaaapekto at nakaaabala na mabigyan ng agarang trabaho ang marino. Kung ang clinic o doktor na pinili ng overseas seafarer ay magbibibigay ng kanyang pagtutol sa unang assessment, isang pangatlong doktor mula sa DOH-accredited clinic o DOH regional or provincial hospital, na parehas na pinili ng employer at ng seafarer, ay maaaring kunin ng shipowner o manning agency para magbigay ng kanyang pangatlong medical assessment na walang gastos mula sa marino o seafarer. Ang mga nakitang tuklas ng pangatlong doktor ay pinal at may bisa sa magkaparehas na partido; at


  1. Ang mga marino na kuwalipikado at rehistradong mga botante ay maaaring bumoto sa pambansang halalan, gayundin sa lahat ng pambansang referenda at plebisito, alinsunod sa probisyon ng R.A. No. 9189, o kilala bilang “The Overseas Absentee Voting Act of 2013”, na sinusugan ng R.A. No. 10590.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page