top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 13, 2026



Horoscope


 

Sa may kaarawan ngayong Abril 13, 2026 (Lunes): Taglay mo ang kakayahang igiit anumang gusto mo. Kaya wala kang katuwiran kapag nabigo ka sa buhay. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang araw mo. Kaya puwede mong gawin anumang gusto mo. Inirerekomenda na ang gawin mo ngayon ay ‘yung mga bagay na hindi mo pa nagawa noon at hindi mo pa napagtagumpayan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-15-20-26-35-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Aakalain mong ang araw na ito ay hindi pumapabor sa iyo. Magkagayunman, kikilos ang langit at ang lahat ng sagabal sa landas ng buhay mo ay tatanggalin upang hindi na makaapekto sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-6-10-23-27-39-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Magsuot ka ng masayang kulay ng damit para sumaya ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-14-21-29-31-43.


CANCER (June 21-July 22) - Tulungan mo ang mga ‘di mo kilala. Ito ang isang banal na misyon para sa iyo. Huwag ka ring mag-alala, dahil ang gantimpala ng langit ay nakahanda na para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-24-28-34-40.


LEO (July 23-Aug. 22) - Magkahalong saya at lungkot ang madarama mo ngayon. Sasaya ka dahil sa nangyayari sa buhay mo, pero may nakikita kang sapat na dahilan para malungkot dahil karamihan sa mga kakilala mo ay kapos sa kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-13-26-33-37-41.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magmadali ka dahil maraming oportunidad na nasa harapan mo na aalis din kapag nakitang mabagal at tatamad-tamad ka. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-7-23-25-27-39-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maghanda ka at palakasin mo ang iyong sarili. Dumating na ang mga araw, kung saan puwede kang magdagdag ng kapangyarihan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-28-35-45.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mahirap paniwalaan na kung haharapin mo ang kinatatakutan mong bagay, tiyak na magkakaroon ka ng kakaibang suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-15-22-34-38-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ang iyong mga karibal. Kahit wala kang gawing anuman, aaminin nila na sila ay talunan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-10-21-30-34-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw na ang mga sorpresa mula sa mga hindi mo inaasahan ay mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-5-16-28-29-38-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masyadong magpakumpiyansa. May babala na lalabis ang tiwala mo sa sarili mo bago mo malamang ikaw pala ay naisahan na. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-4-8-14-25-31-36.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagsisimula nang magdatingan ang mga suwerte na noon pa nakalaan sa iyo. Ingatan at pahalagahan mo ito. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-10-18-26-28-43.

 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 12, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 12, 2026 (Linggo): Taglay mo ang kakayahang pamunuan ang maraming tao. Hindi lahat ay may kakayahang gawin ito, kaya magpasalamat ka lagi sa Dakilang Manlilikha.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Puwede kang magyabang ngayon, dahil sa galing at husay na taglay mo. Pero muli kang pinaaalalahanan na mas lalo kang bubuwenasin kapag ikaw ay low profile lang at mapagpakumbaba. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-19-27-30-33-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gandahan mo ang pakikitungo mo sa mga taong angat sa buhay para malipat sa iyo ang ilang mga suwerte nila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-11-15-24-26-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Bibiruin ka ng iyong kapalaran dahil ikaw rin naman ay mapagbiro. Aakalain mong ikaw ay bigo at sa ganu’ng sandali, magugulat ka dahil binibiro ka lang pala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-9-14-22-28-30-41.


CANCER (June 21-July 22) - Tatanggap ka ngayon ng pabor sa nakakataas sa iyo. Ito ba ay may kapalit? Siyempre, mayroon! Bago tumaas ang kilay mo, pagbutihin mo pa ang iyong trabaho bilang iyong pasasalamat. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-20-23-30-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Masuwerte ka ngayon at sa darating pang mga araw. Sobra sa mga kailangan mo ang mapapasaiyo, kaya ibahagi mo sa malalapit sa puso mo ang ibang mga biyayang mahahawakan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-22-26-39-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dahil sa talino mo, aangat ang isang malapit sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-1-9-16-27-33-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na magtutuloy-tuloy na ang suwerte mo. Magpasalamat ka lagi sa Itaas sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa, lalo na sa mga mahihirap at sa mga kakilala mong walang-wala. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-15-19-24-36-42.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi mo kailangang magalit, lalo na’t nakukuha mo naman ang mga gusto mo sa mahinahong paraan. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-13-25-28-34-40.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Para sa iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang mga kahilingan mo. Kaya huwag mo na ito lagyan pa ng kung anu-anong dekorasyon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-11-20-22-36-44.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapilit, dahil ayon sa kapalaran mo, kahit hindi mo ipilit ang mga gusto mo, kusa rin itong matutupad at mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-4-16-23-35-39-40.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sino ang nagtampo pero kunwari lang at napasakanya pa rin ang gusto niya? Sino pa nga ba, eh ‘di ikaw! Sa totoo lang, madalas ka lang namang magkunwaring nagtatampo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-14-21-27-30-33.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Alam mo kung sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba, eh ‘di ‘yung lihim na naghahangad na mabigo ka! Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-7-15-18-26-31-38.


 
 

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | April 11, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Abril 11, 2026 (Sabado): Gawin mo ang gusto mong gawin at huwag kang mag-alinlangan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na dapat mong malaman at sundin.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kailangan matuto kang maghirap, dahil may babala na lalabis ang tiwala mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-16-23-28-33-39.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi mo kailangan ng alalay. Hindi ka dapat masanay na laging may umaagapay sa iyo. Mas maganda ang malaya at nagagawa ang gustong gawin nang mag-isa. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-18-20-26-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Bakit inaakala mong mas malakas sa iyo ang iyong mga karibal? Ang totoo, sa biglang tingin lang sila malakas, at ang isa pang totoo, kapos sila sa talino. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-5-13-25-35-38-40.


CANCER (June 21-July 22) - Nakalimutan mo na ba na ang takot ay nasa isip lamang? Kaya gawin mo anumang naisin mo! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-14-24-31-36-45.


LEO (July 23-Aug. 22) - Malamig ang panahon, pero hindi ka dapat manlamig sa pagsisikap na matulungan ang mga umaasa sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-22-25-27-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumuha ka ng ideya sa mga nauna na sa iyo. Hindi mo puwedeng ipagmalaki na alam mo na ang lahat, lalo na’t wala ka pa ring sapat na karanasan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-5-17-21-30-39-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magtago sa masasayang aktibidad. Ang mga problema ay hindi iniiwasan. Harapin mo at makakaasa ka na ito ay iyong malulutas. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-18-23-38-44.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung ano lang ang kailangan, iyon lang ang pag-ukulan mo ng pansin. Hindi ka dapat matuksong maghangad ng mga bagay na hindi mo naman talaga mapapakinabangan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-24-37-40-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung saan ka madadalian, iyon ang iyong unahin. Ang mahirap na gawain ay huwag mo munang gawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-9-17-20-35-42.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Pinaghahandaan ang hinaharap, hindi hinihintay. Kaya dapat magsakripisyo ka para sa iyong kinabukasan. Huwag mong kalimutan ang bagay na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-22-27-39-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit wala kang gawin, lalayo sa iyo ang mga hindi magagandang kapalaran dahil ang mga ito ay hindi naman talaga para sa iyo. Ipanatag mo ang iyong kalooban, dahil ipinanganak ka upang suwertehin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-13-25-29-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag mo nang habulin ang umalis na, dahil sa totoo lang, kusa rin naman silang babalik. Tandaan mo, ang para sa iyo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-17-26-30-34-40.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page