top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Maeng Santos @News | August 24, 2026



Lalaking sangkot sa ilegal na droga at may dalang baril arestado sa Caloocan City - PNP Northern Police District

Photo: PNP Northern Police District



Timbog ang 20-anyos na lalaking sangkot sa ilegal na droga nang inguso sa pulisya na may dalang baril sa Caloocan City.


Sa ulat ng tanggapan ni Northern Police District Acting Director P/BGen. Benliner Capili, nirespondehan ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang natanggap na ulat hinggil sa isang lalaki na may bitbit na baril habang pagala-gala sa Brgy. 132, alas-11:30 ng gabi.


Gayunman, nang mapansin ng suspek ang presensya ng kapulisan ay nagtangka itong tumakas na naging dahilan upang habulin siya ng mga pulis hanggang sa maaresto.


Nasamsam sa suspek na si alyas Eliyas, ang isang kalibre .38 revolver na kargado ng apat na bala at isang plastic sachet na naglalaman ng nasa 8.1 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P55,080.


Nang hanapan siya ng mga tauhan ng Bagong Barrio Police Sub-Station 5, ng kaukulang mga dokumento hinggil sa legalidad ng nasabing baril ay walang naipakita ang suspek.

 
 

ni Maeng Santos @News | August 23, 2026



Arestado sa kush marijuana sa Valenzuela - PNP-NCRPO

Photo: PNP-NCRPO



Mahigit P136K halaga ng high-grade marijuana ang nasamsam sa isang hinihinalang high-value drug personality nang maaresto sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Biyernes ng umaga.


Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Acting Director P/BGen. Benliner Capili, kinilala ni Valenzuela Police Chief P/Col. Joseph Talento ang suspek na si alyas Leonard, 25, ng Caloocan City.


Ayon kay SDEU Chief P/Lt. Sherwin Dascil, ikinasa nila ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA kasunod ng natanggap na ulat na ang suspek umano ang nagbabagsak ng marijuana sa Valenzuela na ibinebenta naman sa mga estudyante sa lungsod na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya alas-10 ng umaga sa Brgy. Marulas.


Ani SDEU investigator PSSg. Cris Paul Collo, nakuha sa kanya 114 grams ng hinihinalang high-grade marijuana (kush) na nagkakahalaga ng P136,800.


Pinuri ni Mayor Wes Gatchalian ang Valenzuela CPS sa pamumuno ni Col. Talento sa kanilang matagumpay na drug operation.

 
 

ni Maeng Santos @News | August 20, 2026



1.7M shabu tiklo sa Caloccan - PNP NCRPO

Photo: PNP-NCRPO



Mahigit P1.7 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa dalawang hinihinalang high‑value drug personalities nang matimbog sa buy‑bust operation sa Caloocan City, Martes ng gabi.


Mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na isang 24-anyos na lalaking courier rider at 26-anyos na babaeng make-up artist.


Ikinasa ng mga tauhan ni Caloocan Police Chief P/Col. Joey Goforth ang buy-bust operation sa koordinasyon sa PDEA, kasunod ng natanggap na impormasyon ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.


Nang matanggap ang signal mula sa isa nilang kasama na nagpanggap na poseur-buyer na hudyat na positibo na ang transaksyon, agad lumusob ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PLt. Restie Mables at inaresto ang mga suspek alas-10:19 ng gabi sa loob ng isang housing project sa Brgy. 188.


Sa ulat ni NPD Acting Director P/BGen. Benliner Capili kay NCRPO Regional Director PMGEN Anthony Aberin, nakuha sa mga suspek ang 252.2 grams ng suspected shabu na nagkakahalaga ng P1,714,960 at buy-bust money.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page