top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | July 22, 2025



Photo File: Sonny Angara - DepEd Philippines


Nanawagan si Education Secretary Sonny Angara sa publiko partikular sa mga magulang at estudyante na huwag i-pressure ang mga lokal na pamahalaan sa pagsususpinde ng klase kung mahina naman ang ulan. 


Giit ng Kalihim, ang madalas na kanselasyon ng klase ay magdudulot ng negatibong epekto sa pag-aaral ng mga estudyante. 


“Nakikiusap din kami sa publiko, mga magulang, mga estudyante. Huwag natin masyadong i-pressure ang ating local government, chief executives na konting ulan mag-suspend na tayo dahil 'pag sinumatotal natin ang nawawalang araw, malaki ang dagok o tama sa ating mga estudyante, 'yung tinatawag na learning loss,” pahayag ni Angara. 


Para makumpleto ang kailangang learning hours ng mga estudyante, ipinag-utos na ng Department of Education (DepEd) ang pagsasagawa ng make-up classes. 


“'Yung ini-emphasize namin that there must be make-up classes kasi matindi na 'yung learning loss talaga. Apektado ang bata 'pag masyadong maraming cancellation,” dagdag pa ni Angara. 


Paglilinaw ng Kalihim, hindi naman kailangang gawin ito ng weekend. Depende na aniya sa availability ng guro.


 
 

ni Madel Moratillo @News | July 1, 2025



Photo File: Boying Remulla - FB


Kinumpirma ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na magsusumite siya ng aplikasyon sa posisyon ng Ombudsman. 


Sa Hulyo 27, matatapos na ang termino ni Ombudsman Samuel Martires. 

Ani Remulla, sa Biyernes, Hulyo 4, magsusumite siya ng aplikasyon. 


Sa Hulyo 4, ang huling araw ng pagsusumite ng aplikasyon sa Judicial and Bar Council. 


Sa tanong naman kaugnay ng isinampang reklamo laban sa kanya at iba pa sa Ombudsman kasunod ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, naniniwala ang kalihim na hindi ito makakaapekto.


 
 

ni Madel Moratillo @News | May 13, 2025



Photo File: Duterte Youth at George Garcia - FB / Comelec



Kinansela ng 2nd Division ng Commission on Elections (Comelec) ang registration ng Duterte Youth Partylist.


Sa 25 pahinang desisyon, pinagbigyan nito ang petisyon noon pang 2019 na naglalayong mapawalang bisa ang registration ng Duterte Youth.


Ito ay matapos umanong 'di makasunod ang grupo sa jurisdictional requirements patungkol sa publication at hearing kaugnay ng partylist registration.


“Duterte Youth cannot merely hide under the convenient excuse that the Commission had not required it to publish its Petition for registration or that the Commission has not set a hearing, as it reflects poorly on the party's commitment to transparency and accountability,” bahagi ng nakasaad sa resolusyon ng Comelec.


Isa rin sa pinagbatayan ng kanselasyon ang pagkakaroon nito ng overage nominee noong 2019. 2-1 ang resulta ng botohan sa dibisyon.


Sabi naman ni Comelec Chairman George Garcia, hindi pa pinal ang desisyon na ito at puwede pang iapela sa Commission en banc.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page