top of page
Search

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | August 9, 2025



Photo: Zanjoe Marudo at Ria - IG



Hindi talaga maipagkakaila na anak ng aktor na si Zanjoe Marudo si Baby Sabino. Marami ang nagsabi na kamukha raw ng aktor ang panganay na anak nila ng aktres na si Ria Atayde.


At pati raw balat (birthmark) na nasa parteng braso ng mag-ama ay pareho.

Sa Facebook (FB) page post ng multi-awarded actress na si Sylvia Sanchez ay nagbahagi siya ng larawan ng kanyang son-in-law na si Zanjoe, karga ang anak nito.

Sabi ni Sylvia sa post niya, “Hindi lang magkamukha! Magka-birthmark pa!!! Love you both (kissing emoji).”


Nakakabilib naman ang mother dearest ni Ria Atayde sa pagmamahal na ipinakikita niya sa kanyang son-in-law na si Zanjoe at sa baby nila na si Sabino.


Anyway, hindi pa nakikita sa social media ang mukha ng anak nina Zanjoe at Ria dahil sabi nga ng aktor ay ang anak lang nila ang magdedesisyon kung kailan niya gustong magpakita ng mukha.


Sabi pa niya, “‘Pag may kaibigan akong nakita o fans or ano, ‘Uy, kumusta baby mo? Patingin naman.’ Ipinapakita ko sa kanila. Hindi ko s’ya itinatago.”


Well, super lucky naman ni Baby Sabino sa pagkakaroon ng mga magulang tulad nina Zanjoe Marudo at Ria Atayde.



SAMANTALA, eksklusibong mapapanood na ng team bahay at team live ang kanilang paboritong Pinoy Big Brother (PBB) Collab Kapamilya at Kapuso housemates sa inaabangang reunion ng taon hatid ng PBB Collove ngayong Linggo (Agosto 10) sa iWant.


Tampok sa PBB Collove ang gabing puno ng pasabog performances, kulitan, at OA na pagmamahal ng housemates para sa kanilang mga fans worldwide.

Mapapanood sa iWantTickets ang star-studded na concert sa Pilipinas, USA, Canada, UK, Australia, Japan, Hong Kong, Singapore, UAE, Saudi Arabia, New Zealand, Taiwan, Germany, at Italy.

Bida sa concert ang 


PBB Collab Big Winner na BREKA (Brent Manalo at Mika Salamanca), kasama ang 2nd Big Placer na RAWI (Ralph De Leon at Will Ashley), 3rd Big Placer na CHARES (Charlie Fleming at Esnyr Ranollo), at 4th Big Placer na AZVER (AZ Martinez at River Joseph), hatid ang kilig, kantahan, at fun moments.


Kasama rin sa lineup ang mga celebrity housemates at performers mula sa parehong network gaya nina Dustin Yu, Bianca de Vera, Klarisse de Guzman, Shuvee Etrata, Vince Maristela, Xyriel Manabat, Emilio Daez, Michael Sager, Kira Balinger, Josh Ford, AC Bonifacio, Ashley Ortega, at iba pang surprise guests.



SA social media post ng singer at TV host na si Ice Seguerra ay nagbahagi siya ng video clip na nagpapakita na nag-duet sila ng kanyang namayapang ina na si Caridad Yamson Seguerra (RIP) o mas kilala sa showbiz bilang si Mommy Caring.


Bakas pa rin ang lungkot at pangungulila ng magaling na singer sa pagpanaw ng kanyang ina, lalo na noong sumapit ang ika-40th day nito.


Saad ni Ice sa post niya, “This was last year, 2024, during Liza’s birthday. Mahilig sila ni Erpats sa standards at marami sa mga kantang kinakanta ko, sa kanila ko unang narinig. I’m glad I was able to spend time with you that night, Mama. Masaya akong nakakanta tayong magkasama. Miss na miss na kita.


“40th day mo ngayon. Habang pinaghahandaan ko ‘tong concert, ikaw ang laman ng puso ko. ‘Di ko na maririnig ang boses mo. Pero sana maramdaman mo ako, sa bawat kantang aawitin ko.

“First time kong mag-concert nang wala si mama kaya sana, samahan n’yo ‘ko sa espesyal na araw na ‘to.”


Dagdag pa ni Ice, “The 40th day since I last saw you. Minsan, hindi pa rin ako makapaniwala na wala ka na, na hindi na kita makikita. Nagigising ako na wala na akong nanay.


“Naaalala ko pa ‘yung huling araw na kasama kita, ni hindi dumapo sa isip ko na ‘yun na pala ang huli. Huling araw na makikitang naglalakad, huling araw na mahahawakan, huling araw na mayayakap. Hindi pa rin ako makapaniwala na ganu’n lang kabilis.


“Ang sakit pa rin, Mama. Ang hirap pa rin tanggapin. Kahit may mga araw na parang normal, bigla akong sasampalin ng katotohanan. Katotohanang kahit gusto kitang makita, wala nang pag-asang mangyayari pa ‘yun. Sana sa panaginip, kahit saglit, makasama kita ulit. Miss na miss ko na ang lambing mo.”


Matatandaan na pumanaw ang ina ni Ice noong June 27, 2025.


Don’t worry Ice, mayroon kang magandang anghel sa langit, walang iba kundi ang iyong pinakamamahal na ina.


‘Yun lang and I thank you.



 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | August 8, 2025



Photo: RS at SV Cybertruck / via Bulgar



Birthday ng Frontrow president-actor-director at producer na si RS Francisco today, August 8, 2025, at bago pa man siya nag-37, nakuha na niya ang kanyang dream car.

At take note, hindi regalo ni RS sa sarili ang bagong dagdag sa kanyang car collection, kundi birthday gift ito ng kanyang best friend at business partner-CEO ng Frontrow na si Sam “SV” Verzosa!


Personal naming nakita at napiktyuran pa nga ang worth P18 M Tesla Cybertruck ni RS nang mainterbyu namin siya kahapon sa ipinatawag niyang get-together lunch bilang pasasalamat sa pagkilala sa kanya ng aming grupong SPEEd (Society of Phil. Entertainment Editors) sa nakaraang 8th EDDYS kung saan naging awardee siya ng Isah V. Red award.


Kuwento nga ni RS, nu’ng baguhan pa lang siya sa showbiz at humarap sa entertainment press para sa pinagbidahan niyang movie noon na M Butterfly, shook siya sa intriguing at medyo personal na mga tanong sa kanya ng entertainment press, partikular na ng the late broadsheet editor na si Isah V. Red.


Pero eventually, nasanay na rin siya at ngayon nga ay kaibigan na ang turing niya sa press people na aniya ay malaki rin ang naitutulong sa promotion ng Luxxe White Ultima glutathione and collagen supplements na pambatong produkto ng Frontrow nila ni Sam.


At grabe ang galing sa negosyo ng dalawang ito, ha? From rags to riches (naku, hindi lang, rich, super-mega rich na! Hahaha!) ang kuwento ng buhay nila at very inspiring talaga kung paano sila naging multi-millionaire (o baka billionaire pa nga).


Imagine, hindi lang pala sa ‘Pinas kilala at mabenta ang Luxxe White Ultima kundi maging sa iba’t ibang bansa, and even in Africa, ha?


Kaya naman as a way of giving back, tuluy-tuloy lang din ang charity works nina RS at SV, at kahit nga hindi nanalong mayor ng Maynila ang negosyante-TV host ng Dear SV, patuloy pa rin siya sa pagtulong sa mga mahihirap nating kababayan.


Remember, nagbenta pa noon ng mga 20 luxury cars si Sam, habang 10 cars naman ang kay RS para lang maging pondo sa kanilang foundation at charity works.

No wonder na pareho silang blessed, at ang nakakatuwa pa sa kanila, nakatapak pa rin ang mga paa nila sa lupa. ‘Di ba naman, Chuckie Gomez?



Parang totoong-totoo raw kasi… 

SAM, UMAMING NAGSELOS SA HALIKAN NINA RHIAN AT JC



ANYWAY, hindi lang si RS Francisco ang nakatsikahan namin kahapon sa lunch get-together kundi maging si Sam Verzosa a.k.a. Dear SV na future hubby na nga (oh, wow, kami na raw ang nag-claim dahil gusto namin sila together!) ni Rhian Ramos.


Balik-business na nga si SV after hindi palaring manalong mayor sa Manila at ngayon daw siya bumabawi kay Rhian kaya halos araw-araw silang magkasama.

Dahil showing na ngayon ang Meg & Ryan movie nina Rhian at JC Santos kung saan napanood ito ni Sam sa special screening, tinanong uli namin ang reaksiyon niya sa pang-acting award na performance ni Rhian sa movie ng Pocket Media Films.


Puring-puri naman ni SV ang galing ng GF at sa sobrang galing nga raw nitong umarte, parang nagseselos na siya dahil iniisip niyang totoong-totoo ang mga kissing scenes nina Rhian at JC.


Pero siyempre, kilala naman niya si Rhian at may tiwala siya rito, ganu’n din kay JC kaya very supportive BF lang ang peg niya.


Well, ang suwerte naman talaga ni Rhian kay Sam — guwapo at rich na, love na love pa siya!



Pati 50 vloggers na todo-sawsaw sa isyu…

ELIAS J. TV AT BANDA, SASAMPAHAN NG PATUNG-PATONG NA KASO NG TALENT MANAGER



PATUNG-PATONG na kaso ang isasampa sa reggae musician at content creator na si Elias J. TV (Elias Jr. Gabonada Lintucan ang real name) at sa kanyang banda ng talent manager-businesswoman na si Ms. Beverly Labadlabad.


Humarap sa press last Wednesday night (Aug. 6) ang talent manager kasama ang abogadong si Atty. Ferdinand Topacio at iba pang lawyers para i-announce na itutuloy na niya ang pagsasampa ng iba’t ibang kaso laban kay Elias at sa kanyang banda dahil sa hindi nito pagtupad sa kanilang pinirmahang kontrata at sa nalaman niyang pagtanggap ng singer ng kabuuang bayad para sa mga shows na ginagawa nito na hindi na idinadaan sa kanya.


April lang pumirma ng kontrata sa kanya si Elias at ang banda nito at kung tutuusin, ilang buwan pa lang ang kanilang relasyon bilang talent at manager pero nauwi na sa hindi maganda dahil nga sa diumano’y hindi pagsunod ni Elias sa kanilang kontrata at pambabastos na rin daw sa kanya ngayon ng mga kamiyembro nito.


Ani Ms. Beverly, bago siya kumonsulta ng abogado, sinubukan naman niyang kausapin sina Elias pero ayaw makipag-cooperate nito kaya napilitan na siyang gumawa ng legal action.


Ayon kay Atty. Ferdie, estafa at breach of contract plus iba pang posibleng kaso (pinag-aaralan pa raw nila ang ibang violations na ginawa ni Elias at ng banda nito) ang puwedeng kaharapin ng singer-content creator.


Handa naman daw sanang makipag-ayos si Ms. Beverly sakaling kausapin siya ng alaga dahil ang kabutihan lang nito ang hangad niya. Pero kung magmamatigas nga ito, sa korte na sila maghaharap.


Samantala, ayon sa talent manager, kakasuhan din nila ang nasa 50 vloggers na nakisawsaw sa isyu at nang-bash sa kanya at naglabas ng mga maling info bilang pagkampi kay Elias.


Sa first batch ay 15 na raw ang nakasuhan nila at marami pang kasunod.

Hala!

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | August 7, 2025



Photo: Willie Revillame - Wowowin FB


Para patunayan lang sa lahat na hindi totoo ang balitang naghihirap na siya at nasaid na ang kanyang yaman nang kumandidatong senador, namili na ng mga bagong properties si Willie Revillame. 


May bago siyang yate ngayon na worth P12 million. Binili rin niya ang 49th floor ng isang sosyal na building sa BGC para gawing penthouse at bumili ng apat na condo units.


Bukod dito ay bumili siya ng bagong sasakyan, Tesla Beast, na dagdag sa koleksiyon niya ng mga luxury cars.


Isang reliable source din ang nagbalitang naghahanap si Willie ng mabibiling bahay sa Dasmariñas Village sa Makati kahit may bagong condo na siyang tinitirhan ngayon. 


Well, ito ay patunay lamang na hindi totoong naubos na ang yamang naipundar ni Revillame. Gumastos man siya noong tumakbo siyang senador, hindi naman niya uubusin ang kanyang mga properties dahil may mga anak siyang paglalaanan. 


Nilinaw din niya na hindi totoo na naibenta na niya ang kanyang private resort sa Puerto Galera. Pang-personal niya itong gamit kaya hindi niya ibebenta.



NAISINGIT lang ni Kathryn Bernardo ang maikling bakasyon sa Thailand dahil pagbalik niya sa ‘Pinas ay agad na siyang sasalang sa taping ng bago niyang serye katambal si James Reid. 


Ngayong Agosto raw ia-announce ang title ng bagong serye ni Kathryn. May nagsasabing isang adaptation ang kanilang pagtatambalan ni James. Sey naman ng isang insider, bagong istorya raw ito na babagay sa kanila. 


At mukhang malabo na ngang mangyari ang hinihintay o inaabangan ng KathNiel fans para sa isang reunion project nina Kathryn  at Daniel Padilla.


Sa ibang aktor naman susubukang ipareha si Kathryn. At wala namang choice ang mga fans, karapatan ng mga movie producers ang pumili ng magbibidang artista sa kanilang project. 


Tapos na ang era ng tambalang KathNiel. And for sure, maging si Kathryn ay ayaw munang makatrabaho ang ex niyang si Daniel.



SA wakas, magbibida na rin si Bea Binene sa isang pelikula, katambal si Sid Lucero. Ito ay sa horror movie na Posthouse na idinirek ni Nikolas Red. 


Maganda ang black-and-white na poster ng pelikula. Excited si Bea Binene sa pelikulang kanyang pagbibidahan. 


Twenty-one years na siya sa showbiz at ngayon lang nabigyan ng chance na magbida sa isang pelikula. 


Ipapalabas na ang Posthouse sa August 20.


Well, mukhang nauuso ngayon ang horror films. Noong Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024 ay kumita ang Espantaho na pinagbidahan nina Judy Ann Santos at Lorna Tolentino. Horror din ang P77 movie ni Barbie Forteza. May ilang horror movies na tapos na at hinahanapan ng magandang playdate. 


Ano kaya ang ikinaiba ng Posthouse na si Bea Binene ang bida? 

‘Yan ang aabangan at huhusgahan ng mga moviegoers.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page