ni Beth Gelena @Bulgary | May 30, 2025
Photo: Mikael at Megan - IG
Masayang ibinalita ng celebrity couple na sina Megan Young at Mikael Daez ang kanilang bundle of joy sa kanilang Instagram (IG) account. Very proud parents sila sa pag-welcome ng kanilang unang baby.
Sa IG ng Kapuso actress, masaya niyang inanunsiyo na siya ay nanganak na. Ipinost din ni Mikael ang photo ng una nilang anak ni Megan.
“Welcome to the outside world, our little one! It’s been a week with him and we’re filled with so much love,” ani Megan sa kanyang IG.
“An explosion of overwhelming emotions, new chapter unlocked,” ani naman ng proud father na si Mikael.
Komento ng mga netizens: “Most anticipated Miss World baby yarn!”
“No words can express how happy I am for you both.”
“OMG! Congrats, Queen! Welcome to the journey of motherhood!”
“Finally! Congratulations, Megs and hubby! Welcome to the world, Baby Jin!”
“Our Best Miss World ever will be the best momma to her bebe. Congratulations, Megan!”
MAGMULA nang dumating sa buhay ni Albie Casiño ang anak na si Baby Roman ay ang laki ng impact nito sa aktor.
Ibinahagi niya sa kanyang Instagram (IG) page ang kanyang larawan habang karga-karga ang anak.
Nang malaman daw niya noon na magkakaroon na siya ng anak ay inatake siya ng takot. Pero nang dumating na si Baby Roman, naiba na ang takbo ng kanyang buhay.
Aniya sa isang panayam, “I was always worried that I’d let myself go once I had a child. But having Roman just gave me more motivation to stay in shape to be a good example.”
Giit pa ni Albie, para rin ito sa kanyang kalusugan at masigurong mas mapangalagaan ang pamilya.
“Any dads out there who want to get their fitness journey started, send me a message. Let’s ditch the dad bod for a father,” sey ng aktor.
BALIK-ACTING na si Angelica Panganiban, pero hindi sa TV o movies kundi sa teatro!
Present si Angelica sa meeting ng Virgin Labfest bilang debut ng play na Don’t Meow For Me, Catriona (DMFMC) na parte ng Virgin Labfest’s 20th year.
Paano muling napaarte ang Kapamilya actress?
Ani Angelica, kasama niya ang kaibigang direktor na si Andoy Ranay nang may makasalubong silang kaibigan at tinanong siya kung gusto niyang umarte sa teatro.
“Sabi ko, ‘Sure!’ Chinarot-charot ko lang sila, ‘di ko naman akalain na seryoso pala,” ani Angge.
Nang matanggap niya ang material at nabasa, agad daw na nag-sink-in sa kanya ang karakter.
“Ever since talaga, may interest ako (sa theater), may mga nagtatanung-tanong naman noon. But apparently, schedule at lakas ng loob, wala pa ako noon,” wika ni Angge.
Matagal ding nabakante sa pag-arte si Angge kaya may doubt siya sa sarili kung kaya pa ba niya.
“Nu’ng in-offer nila sa akin ‘yung script nila, ‘Direk,’ sabi ko, ‘Lumundag ako, hinayaan kong lamunin ako nu’ng takot ko, nu’ng doubts ko sa sarili ko and patunayan ko sa sarili ko na
kaya ko talaga,’” pakli niya.
Ang mga kaibigan ni Angelica, family at colleagues ay excited nang mapanood ang pagbabalik-acting niya.
Katunayan, sa opening at closing daw ng play ay sold-out na ang tiket.
Ang co-actor niya sa play na si Peewee O’Hara ay all-praises kay Angelica. Bale reunion project nila ito dahil una silang nagkasama sa Santa Santita (SS).
Mapapanood ang VLF XX: Hinog sa June 11 to 29 at the Tanghalang Ignacio Gimenez of the Cultural Center of the Philippines (CCP).










