top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | June 14, 2025



Photo: Zeinab Harake at Ray Parks wedding - YT


Nagbigay ng clarification ang owner ng cake na ginamit sa controversial wedding nina Zeinab Harake at Bobby “Ray” Parks, Jr..


Kumalat kasi ang balitang worth P2 million ang wedding cake nina Zeinab at Ray kamakailan.


Umani ng batikos sa socmed ang tsika na P2 million ang halaga ng wedding cake ng bagong kasal. At ang iba ay hindi naniniwala na aabot ng ganoon ang halaga ng wedding cake. 


Anila: “Zeinab Harake’s wedding cake worth P2M daw? Sa ‘kin po 2k lang with free cupcakes at free delivery na rin po. Book yours now! (wink face emoji) (Hoy! baka may maniwala, walang ganu’n, beh! laughing face with sweat emoji) NAOL! (sana all with red heart emoji).”

“Parang wala namang special sa cake na ‘yan for 2M worth unless may diamonds s’ya (laughing face emoji).”


May nagbigay ng name ng owner ng wedding cake nina Zeinab at Ray sa socmed (social media). Nag-reply ang owner ng cake at nilinaw na hindi totoo na worth P2M ang wedding cake na ginawa nila para kina Zeinab at Ray.

Sey ng mga netizens:


“D’yan po sila nagpagawa ng cake at hindi daw po 2M ang presyo.”

“Ma’am, nag-o-overthink na lahat ng baker sa ‘Pinas. How much po ba talaga ang cake nila Mr. and Mrs. Parks @zeinab_harake? Kasi nagkakagulo na kung P2M po ba talaga.”


Pahayag ng owner ng cake, “Hi, thank you for this comment pero sana nga po, ‘yan ang price, pero hindi po talaga. Malayung-malayo sa katotohanan.”


Sigaw tuloy ng mga netizens, fake news ang P2M na tsika sa wedding cake nina Zeinab at Ray, “Don’t spread false rumors. It’s not 2 million. It’s 2 METERS!!”


Bukod sa cake, may mga nakapansin din sa picture ng isa sa pair ng principal sponsors na kumakain pero sa paper plate nakalagay ang food.


Pansin ng isang netizen, “P5 million ang gown, P2 million ang wedding cake pero naka-paper plate. Zeinab and Ray Park’s wedding (smiling emoji).”

‘Yun na!



AS of this writing, nakatakdang lumipad ang controversial couple na sina Coco Martin at Julia Montes papuntang Kenya, Africa para sa Kapamilya Live event.


Possible rin na habang binabasa n’yo ang aming kolum ay nakaalis na sila ng bansa.

Sa paglipas ng mga taon, ang malawak na sikat at top-rating na mga titulo sa TV ng ABS-CBN ay naglalaro sa iba’t ibang teritoryo sa kontinente ng Africa.


Isa sa pinakasikat na titulo ay ang Pangako Sa‘yo (PS), na may internasyonal na titulong The Promise (TP).


Ipinakita rin sa Africa ang serye nina Coco at Julia na Walang Hanggan (WH), na may pang-internasyonal na pamagat na My Eternal (ME) at ginawa silang mga pangalan – na may mas maraming serye tulad ng Doble Kara (DK) (Double Faced), FPJ's Ang Probinsyano (AP) (Brothers) at marami pa.


At s’yempre, ang FPJ’s Batang Quiapo (BQ) ni Coco ay kasalukuyang gumagawa ng ingay sa Kenya. At sa Setyembre naman ay nakatakdang ipalabas doon ang Saving Grace (SG) ni Julia.


Last Thursday, nakausap nina Coco and Julia ang TFC team, discussed all the plans and events lined up for their fans in Kenya.


Ayon kay Coco, “Medyo kinakabahan, kasi pinaghahandaan namin ‘yung major concert namin sa Kenya. Excited para mapuntahan ‘yung mga tao na hindi namin ine-expect na nakakapanood ng aming trabaho, ating mga teleserye na ginagawa natin sa ABS-CBN.”


Sina Coco at Julia ang kauna-unahang Kapamilya stars na tatapak sa African territory for a big Kapamilya event. 


Kapamilya Live with Coco Martin and Julia Montes in Nairobi, Kenya will happen on June 28.

 
 

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | June 13, 2025



Photo: Dianne Medina at Rodjun Cruz - IG


Kung si Mylene Dizon ay walang balak pamanahan ng mga ari-arian ang mga anak dahil mas gusto niyang magkaroon ang mga ito ng properties sa sarili nilang pagsisikap, kabaligtaran naman niya sina Dianne Medina at Rodjun Cruz, na kahit bata pa lang ang mga anak ay unti-unti nang nagpupundar ng ipamamana ang mag-asawa.


Kamakailan lang ay nag-post sa social media si Dianne ng video na nagpapakita ng kanilang bahay, at sa harap ng kanilang bahay ay may bakanteng lote na nabili nila noong 2022 na para sa anak nilang si Joaquin. 


At ngayong 2025 naman ay bumili ulit sila ng lote para naman sa anak nilang si Isabella.

Ito naman ang sinabi ni Dianne sa kanyang Instagram (IG) post: “Dreams do come true! Anything is possible with my Lord Jesus! Year 2022 when we got the LOT across our house for Joaquin.


“May katabi siyang LOT so naisip namin for Isabella pero ayaw ibenta for the longest time. Everyday, Rodjun (RJ) and I will pray over the LOT and manifesting na makukuha namin ni Daddy RJ.


“Ngayon, nakuha na namin. Thank you Jesus ikaw po talaga lahat ito. We are nothing without you! Thank you Jesus for blessing us more than we deserve.

“@rodjuncruz Teamwork makes the dream work! Kayod again! More more work! In Jesus name! Looking forward to our next investment! Claiming it!


“Posted this not to brag but to inspire and remind everyone that WITH GOD ALL THINGS ARE POSSIBLE Matthew 19:26.”


Marami naman ang humanga sa mag-asawang Dianne at Rodjun sa pagsisikap na mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.

Pak, ganern!


THE one and only Gerald Anderson is making a comeback. Ano nga kaya ang magiging ganap ng Action Royalty?


Abangan siya at mga ganap niya sa Pinoy Big Brother (PBB) Celebrity Collab Edition

Marami ang natuwa sa pagpasok ulit ni Gerald sa Bahay ni Kuya. May mga netizens na nagtatanong kung sino kaya ang isasama ni Gerald sa loob ng Bahay ni Kuya — si Kim Chiu, si Maja Salvador, si Sarah Geronimo, si Pia Wurtzbach, si Bea Alonzo, o si Julia Barretto?


Pakihulaan na nga lang po, Madam Damin.


Na-extend daw ang buhay dahil sa stemcell…  

“HANDA NA AKO KUNG HANGGANG SAAN ANG IBIBIGAY SA AKIN NG LANGIT” — LOLIT


Ito naman ang latest update sa kalagayan ng kalusugan ni Doña Lolit Solis na ibinahagi niya sa Instagram (IG) post.


“Siguro talagang doble-ingat na talaga ang dapat kong gawin sa katawan ko.


“Talagang feel ko na ang pagiging 78 years old ko, at ang tangi ko na nga lang consolation ‘pag naalala ko na ‘yong mga kasabay ko mas una nang umalis at actually, sa batch namin, ako na lang ang naiwan.


“Sure ako na baka hindi na ako kilala ng mga bagong stars na mas kilala na ang mga bagong showbiz writers.


“Eye-opener sa akin itong huli kong pagkakasakit dahil talagang nahirapan ako at parang nagkaroon pa ng mental lapse.


“Natakot nga ako dahil sobra ang pagiging forgetful ko. Saka talagang grabe ang weaknesses na na-feel ko. Halos hindi ako makatayo kung minsan. Talagang bibigay ka physically ‘pag nasa edad ka na, at tanggap ko na ito.


“Pasalamat nga ako actually dahil at my age, parang energetic pa rin ang kilos at salita ko. Pero pagkatapos ko magkasakit, nagkaroon ako ng realization na magdahan-dahan. Baka bigla sa daan ako abutin ng sumpong, bigla ako mahilo, at matumba. So lucky na inabot ko pa ang edad na 78, na ganito pa rin ang energy ko at enthusiasm ko sa trabaho.


“So lucky na nagpapaalam na ako sa mga alaga ko, pero ang sarap pakinggan ng sinabi ni Bong Revilla na habang buhay ako, hindi siya hahanap ng PR/manager.


“I love showbiz. Showbiz people are my family. I will always treasure my beautiful memories all my life. Sure ako aabutin ko pa maging Presidente si Vico Sotto na sure ako, iboboto ko. Pero handa na rin ako kung hanggang saan lang ang ibibigay sa akin ng Langit. Sana nga, totoo na kaming stem cells ladies, Dra. Vicki Belo, Rubby Coyuito, Wilma Galvante, Lorna Tolentino at talagang binigyan ng extension ng injection ni Dr. Muehler at Dr. Morato ng Germany.”


‘Yun lang and I thank you.






 
 

ni Nitz Miralles @Bida | June 8, 2025



Photo: Jak Roberto - IG


Hindi lang pala bago ang bahay ni Jak Roberto, may bago rin siyang car at proud ang aktor na ipinost ang kanyang Hybrid Electric Vehicle. 


Sa reels video, maririnig ang voice over ni Jak na wala raw coding ang bago niyang car dahil electric at kaya siguro niya binili.


May picture pa si Jak na naka-park sa bahay niya ang car at makikitang tapos na ang ipinagawa niyang bahay. Ibig sabihin, sinabayan niya ng bagong car ang bago niyang bahay. Ang sarap siguro ng pakiramdam ni Jak na may bago siyang bahay at sasakyan.


Sa isang post ni Jak with his new car, ang caption ay “New Life,” at ang mga comments ay kino-congratulate siya at deserved daw niya ang magagandang nangyayari sa kanyang buhay. 


Dahil limitado ang puwedeng mag-comment sa post ni Jak sa Instagram (IG), walang nakalusot na comment tungkol sa kanila ni Barbie Forteza.


Kabilang ang kapatid ni Jak na si Sanya Lopez sa masaya para sa aktor. Sa comment nito na “Ganda! Congrats, Kuya,” “Tara na!” ang sagot ni Jak na ang dating, niyaya niya si Sanya na mag-driving sila.


Anyway, hindi lang pala new car at new house meron si Jak ngayon, may bago rin siyang series sa GMA-7. Isa siya sa mga bida sa afternoon series na My Father’s Wife (MFW) at kasama niya rito sina Kylie Padilla, Kazel Kinouchi at Gabby Concepcion. Sa June 23 na ang pilot nito, kaya abangan.


Masaya ang mga KimPau fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa balitang pipirma ng management contract sa Star Magic Philippines si Paulo. 


Teaser pa lang ang ipino-post ng Star Magic na hinahanap nila ang aktor, ang tanong agad ng mga fans, kailan daw ang contract signing?


Ang iba naman, nag-congratulate na kay Paulo at ang kasunod na tanong ay kung ano ang next project nina Paulo at Kim at sana raw, ASAP (as soon as possible). 

May kinikilig namang nagtanong kung sabay bang pipirma ng kontrata sa Star Magic sina Paulo at Kim?


Hindi kami sure kung pumirma ng kontrata si Paulo sa Star Magic nang lumipat siya from GMA Network. Ang alam namin, ang LVD Management ni the late Leo Dominguez ang matagal na nagpatakbo ng kanyang career at natigil lang nang pumanaw si Leo.


Anyway, abangan ang contract signing ni Paulo sa Star Magic at ilalatag naman siguro ang mga gagawin niyang projects sa ABS-CBN. Sigurado namang may follow-up projects sila ni Kim.


Naaliw lang kami sa comment na kapag nasa Star Magic na si Paulo, hindi na puro project ni Joshua Garcia ang kanilang mapapanood.



MAY mga pabirong nagreklamo kung bakit isinabay ng GMA ang airing ng Encantadia The Last Chronicles: Sang’gre (ETLCS) sa pasukan. Ang haba raw ng bakasyon, bakit hindi doon ini-schedule ang airing ng fantaserye.


Hindi raw kasi sila papayagan ng parents nila na magpuyat sa panonood ng Sang’gre dahil may pasok.


Pero, hindi naman very late ang time slot ng fantaserye dahil 8:00 PM ang airing nito after 24 Oras. Siguro naman, papayag ang parents ng mga Encantadiks (fans ng Encantadia) na pagkatapos na ng airing nito sila matulog.


Excited ang Encantadiks dahil bago ang mga Kapuso actresses na magbibida sa Sang’gre sa pangunguna ni Bianca Umali. 


Kasama niya sina Angel Guardian, Faith da Silva at Kelvin Miranda. Ngayon lang may lalaking Sang’gre, kaya gusto siyang matutukan at sa tindi at tagal ng training ni Kelvin, hindi nito bibiguin ang nag-aabang sa kanya. Gagampanan nito ang karakter at role ni Adamus, ang may hawak ng Brilyante ng Tubig. 


Naalala ng mga fans, ang mga naunang gumanap na Sang’gre na may hawak ng brilyante ng tubig ay kumakanta. Tanong nila kung kakanta rin dito si Kelvin.


Malaki ang pasasalamat ni Kelvin sa pagkakasama niya sa ETLCS dahil dati, pinapanood lang niya ang fantaserye, ngayon ay kasama na siya at isa sa mga bida. 


Dahil sa malaking tiwala ng GMA, ginawa nito ang kanyang best para mahusay na magampanan si Adamus. Para rin daw hindi ma-disappoint ang Encantadiks.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page