top of page
Search

ni Thea Janica Teh | July 3, 2020


ree


Sa halos 3 buwan nating pamamahinga sa bahay, kung ano-ano na ang naiisip nating gawin at kainin pampalipas-oras. Ito rin ang way natin para mawala ang stress sa lumolobong bilang ng nagpositibo sa COVID-19 sa bansa.


Kaya naman naglabas ang isang mobile app ng listahan ng mga bagay na madalas hinahanap at binibili ng mga Pinoy. Ano-ano nga ba ang mga ito?


DAMIT-PAMBAHAY- Dahil lagi tayong nasa work o nasa labas, hindi natin napansin na kakaunti lang pala ang damit nating pambahay. Kaya nang dumating ang quarantine, wala tayong maisuot.


COOKWARE- Sa mga mahihilig kumain sa labas, hindi natin napansin na wala pala tayong mga kaldero at sandok panluto. At dahil walang bukas na resto, naging bonding na rin ng mga Pinoy na magluto ng kanilang paboritong pagkain.


YOGA MATS/GYM EQUIPMENT- Dahil kahit na food is lyf tayong mga Pinoy, siyempre kinakailangan din na fit tayo. Kaya naman kahit sa loob ng bahay ay kinakailangang mag-exercise para makatulong din sa pag-boost n gating immune system.


MILKTEA/TAPIOCA- Syempre, ang all time favorite nating inumin, hindi dapat natin ma-miss! Maraming store ang naglalabas ng DIY milktea para kahit nasa bahay lang tayo, matitikman pa rin natin ang favorite nating milktea.


Iba talaga ang Pinoy pagdating sa paglibang. Kaya naman ugaliin na nasa bahay lang palagi at lalabas lang kung kinakailangan. Maging parte tayo ng pagpapalaganap sa pagligtas sa ating kalusugan.

 
 

ni Lolet Abania | July 2, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Mahilig talaga ang mga Pinoy na manood ng mga K-drama kahit pa sabihing may pandemya, pero alam niyo bang hindi lang tayo ang nahuhumaling sa mga palabas ng mga kaibigan nating Koreans?


Base sa m.ranker.com, nagsagawa sila ng botohan na umabot sa 1 million at ito ang naging resulta para sa 10 Best Korean Dramas of All Time:



ree

Guardian: The Lonely and Great God (Goblin). Bida rito sina Gong Yoo at Kim Go-eun, na isang romance, drama at fantasy (2016)








ree

My Love From the Star. Bida sina Jun Ji-hyun at Kim Soo-hyun, na isang romantic comedy, drama at fantasy (2013)








ree

Descendants of the Sun. Bida rito ang naging mag-asawang Song Joong Ki at Song Hye-Kyo, na isang romance, drama, medical at action (2016)







ree

Healer. Bida rito sina Ji Chang-wook, Park Min-young, na isang romance, action, thriller (2014)








ree

The Heirs. Bida rito sina Park Shin-hye, Krystal at Lee Min-ho, na isang romantic comedy, drama (2013)








ree

W: Two Worlds. Bida rito sina Lee Jong-suk at Han Hyo-Joo, na isang romantic comedy, fantasy, thriller (2016)








ree

Boys Over Flowers. Bida rito sina Ku Hye-sun, Lee Min-ho, na isang romantic-comedy, drama (2009)








ree

Pinocchio. Bida rito sina Lee Jong-suk, Park Shin-hye, na isang romantic comedy, drama (2014)








ree

Kill Me, Heal Me. Bida rito sina Ji Sung, Hwang Jung Eum, na isang comedy, medical, melodrama, mystery, romance (2015)








ree

Moon Lovers: Scarlet Heart Ryeo. Bida rito sina Lee Joon-gi, Lee Ji-eun, na isang romance, historical, drama (2016)

 
 

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | July 2, 2020


ree


Kung noon ay hindi gaanong close ang loob ng bawat pamilya sa isa't isa dahil abala sila sa kung anu-anong bagay o busy sa trabaho, pag-aaral at negosyo, ngayong may pandemya ay bigyan ng halaga na magkalapit ang damdamin ng isang pamilya sa pamamagitan ng family spiritual retreat.

1. PAANO GAWIN ANG FAMILY SPIRITUAL RETREAT? Naalala ni Jessica noon ang dalampasigan na dati ay naglalaro lang siya ng buhangin at gumagawa ng kastilyo, ngayong kapiling na niya ang pamilya sa lugar na ‘yun ay mapalalaganap na niya bilang director ng family retreat center ang tiwala, pananampalataya at paglalapit ng loob ng bawat pamilya upang mas mapalakas pa ang pagdarasal ngayong may pandemya. Hinihikayat aniya sa retreat ang mga magulang na maipadama ang kanilang spiritual values sa kanilang mga anak sa pamamagitan ng mga aktibidad nilang itinuturo.

Kahit na iba pa ang iyong relihiyon, puwedeng gumawa ng family retreat. Lahat ng kailangan tulad ng pagbubukas ng loob sa Diyos ang kahandaan niya na maikonekta ang bawat isa sa Itaas ay layon ng retreat na ito.


Tulad ng binuong kastilyong buhangin, samahan ng lakas upang tumatag ito. Ito na ang tamang oras na kasama ang buong pamilya, kapwa mapag-usapan nang malaliman ang kanilang mga damdamin at paniniwala hinggil sa Diyos na bagama’t dati ay hectic ang schedule, ngayon ay kahit sa loob ng bahay o bakuran ay maaari nang maidaos ang retreat. Nakatutulong ang retreat upang mapatatag ang samahan ng pamilya, natututo ang isa’t isa na makipagtulungan sa pamayanan at maibahagi ang spiritual values. Dalawang beses sa isang linggo ay sabay-sabay na magdarasal ang bawat pamilya, nagkakantahan, may mga quiz o games upang umibayo ang komunikasyon. Mas madaling mapatatag ang pagpapatawad at patuloy sa kanilang commitment.

2. ANG PAMILYA SA PANAHON NG KRISIS. Ang family retreat ay hindi lamang nagpapatatag sa samahan ng buong pamilya, ito rin ang nagpapagamot sa anumang sugat na hatid ng mapapait na problema at karanasan sa buhay. Nu’ng minsan na nasa retreat ay natumbahan ng ihaw-ihaw na nagbabaga ang anak ni Maly na isang single parent na ni minsan ay hindi man lang nakapagsisimba. Nagising na lang siya isang araw na nagdarasal nang mataimtim at abot langit ang kanyang dasal. Unti-unting gumagaling ang sunog sa balat ng kanyang anak. Dito mas lalong umigting ang kanyang naisin na dalasan ang retreat.


“Napakasarap ng pakiramdam na hindi ko akalain na lulukob sa akin ang kapangyarihan ng Diyos sa pagpapagaling sa aking anak.” Naging taglay nilang mag-ina ang espiritwal na kalakasan, tunay na pananampalataya at pagharap sa tunay na mga kapamilya.


Ang anak niyang si Eden na ngayon ay 15-anyos na ay palaging nagpapaabot ng mensahe sa kanyang mga kaibigan tungkol sa kapangyarihan at milagro ng Panginoon.

3. BAKIT UMUUBRA ANG RETREAT? Nag-iiwan ng positibong pananaw sa buhay ng isang tao ang family retreat, ayon kay Father Thomas Hoar, director ng Sr. Edmunds Retreat Centers sa Ender's Island. Hinihikayat nito na mapalago ang pagiging madasalin ng bata at kahalagahan sa espiritwal niyang pagiging aktibo mula sa tatlong bagay.


Una ay ang pagbibigay ng pagkakataon na magkakasama ang bawat pamilya kung saan may pagkakataon na makita ng mga bata ang kanilang mga magulang na aktibo sa relihiyon at nasisiyahan na gawin ang paglilingkod sa Diyos.

Ikalawa ay makasama ang kanilang mga kapatid na nagbabahagi ng kanilang espirituwal na kahalagahan. Ang ikatlo ay makita rin ng bawat pamilya ang isa’t isa kung paano pahalagahan ang pananampalataya at maisapamuhay ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page