top of page
Search

ni Lolet Abania | September 9, 2020


ree

Nakatakda na muling buksan ang isa sa mga magagandang atraksiyon sa India, ang Taj Mahal, matapos ang mahigit na anim na buwan na isinara ito kahit patuloy ang pakikipaglaban ng naturang bansa sa pagtaas ng nakamamatay na sakit na Coronavirus.


“The Taj Mahal will reopen on September 21. All COVID-19 protocols, like physical distancing, masks will be followed,” pahayag ni Uttar Pradesh Tourism Department deputy director na si Amit Srivastava.


Gayunman, limitado ang maaaring bumisita sa tourist hotspot dahil 5,000 kada araw lamang ang papayagang makapaglibot kumpara sa dating namamasyal na turista na umaabot sa 20,000 araw-araw, ayon pa kay Srivastava.


Isa sa tinaguriang New Seven Wonders of the World, ang Taj Mahal na mayroong nagniningning na marble mausoleum at matatagpuan sa timog na kapital ng bansa na New Delhi ay isinara mula pa noong Marso bilang bahagi ng pagpapatupad ng India sa mahigpit na lockdown sa mga lugar.


Gayundin, ang Uttar Pradesh, tahanan ng Agra City kung saan naroon ang Taj Mahal ay isa sa mga states sa India na may pinakamaraming tinamaan ng COVID-19 dahil sa naitala nitong mahigit sa 270,000 kaso ng virus.


Subali’t nagpasya pa rin ang India na buksan ang lugar sa kabila ng patuloy na pagtaas ng impeksiyon upang unti-unting makaahon sa nanganganib na ekonomiya ng bansa dahil sa COVID-19.


Samantala, pumangalawa na sa pinakamaraming infected ang India na nagtala ng mahigit 4.2 milyong kaso ng Coronavirus na nilagpasan ang Brazil at kasunod sa nangungunang United States. Mula noong August, ang India ay nai-report na may pinakamataas na kaso kada araw sa buong mundo.


 
 

ni Thea Janica Teh | September 6, 2020


ree


Papayagan nang makapamasyal muli ang mga turista sa Tagaytay City sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ) status, ayon kay City Administrator Gregorio Monreal.

Ibinahagi ni Monreal na welcome na muli ang mga turista sa kanilang lugar, ngunit pinaalalahanan ang mga ito na sumunod pa rin sa health protocols tulad ng physical distancing at pagsusuot ng face mask.

Mananatili pa rin ang mga checkpoint sa pagpasok sa Tagaytay ngunit hindi na inoobliga na magpakita ng travel pass. Ang kailangan lamang ay mag-fill up ng health declaration form.

Sa inilabas na memorandum ni Tagaytay City Mayor Agnes Tolentino, ang lahat ng establishment na pinapayagang magbukas sa ilalim ng MGCQ ay kinakailangang sumunod sa health protocols para maprotektahan ang kalusugan ng trabahador at mga kostumer.

Ang mga hotel ay pinapayagan na ring magbukas ngunit 50% lamang ng kapasidad nito ang maaaring tanggapin. Kinakailangan din na may clearance at accreditation ang hotel mula sa Department of Tourism.

Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Tolentino na ang Tagaytay City Oval at Skateboard and BMX tracks ay bukas mula 8:00 am hanggang 10:30 am at 3:00 pm hanggang 5:30 pm lamang.

 
 

by The SM Supermalls - @Brand Zone | July 30, 2020



Mag-go-grocery ka ba, mamimili ng essential goods o magbabayad ng bills? Lahat ng ito ay magagawa natin ng ligtas at ng isang puntahan lang sa SM. At dahil sa #SafeMallingAtSM campaign, safe at laging enjoyable ang malling experience tuwing magagawi tayo sa SM.

Pero bukod sa grocery shopping and bills errands, ito pa ang mga maaaring gawin para masulit at ma-enjoy ang bawat pagpunta sa SM:

1. Alamin ang latest gadgets and tech sa SM Cyberzone

Naghahanap ka ba ng gadgets para sa work-from-home set up mo? O kaya para sa online classes ng mga kids? Pumunta lang sa SM Cyberzone para sa on-site live demos ng mga bagong gadgets. Puwedeng pang level-up ng work from home set up or para sa mga remote learning tech tools ng mga bagets. Dahil #SMCybermonth2020 na, may mga exclusive deals, freebies at prizes mula sa iba’t ibang outlets, kaya #CheckCyberzone na!

2. Buy local sa BUYanihan

Alam mo ba na may higit 15,000 micro, small at medium enterprises sa lahat ng SM malls sa buong bansa? Napakarami at talagang good quality ang mga paninda nila tulad ng milk tea, turmeric powder, essential oils, mga native snack, salted-egg potato chips at marami pang iba. Ito ang mga kiosks at stalls na madalas nating madaanan at minsan, hindi napapansin. Next time nasa SM tayo, daan naman tayo para bumili ng paninda. Ang tawag dyan BUYanihan, bes.

3. Sariwang gulay at prutas sa FarmersProduce

Hindi lang mga negosyante ang kailangan ng tulong natin kundi pati mga magsasaka na apektado ng pandemya. Kaya tara na sa Farmers’ Produce kung saan murang-mura ang mga sariwang prutas, gulay at iba’t ibang lokal na produkto mula sa ating mga magsasaka. Dito na tayo mamalengke ‘pag weekend: SM City North Edsa (July 31 - August 2), SM Mall of Asia (August 7-9 at 14-16), SM Megamall (August 21-23 at 28-30) at SM Southmall (September 4-6 at 11-13). Ang Farmers’ Produce ay project ng Department of Agriculture, Resto PH at SM. Win-win mamili dito — nakakain na tayo ng fresh, mura at masustansya, nabigyan pa natin ng suporta ang ating mga magsasaka!

4. Flash deals at sale ba kamo?

Bumalik na ang mga flash deals at monthly sales. Kaya #ShopAtSM na! Mula sa mga damit, home furniture, baking supplies, baby at kiddie items — iba’t ibang mga sale at promo ang naghihintay sa atin mapa-online o sa SM mall mismo. Kaya wag palampasin — abang-abang na tuwing pupunta sa SM!

5. Goodbye, quarantine hair

Paalam na sa paling-paling na gupit! Dahil bukas na rin ang mga paborito nating salon at barbershop sa SM, puwedeng puwede na ulit magpa-style at magpa-pamper sa mga expert stylists! Lahat sila ay sumusunod sa strict IATF at DTI safety protocols.

6. Bigyan ng TLC ang inyong pets

Ubos na ba ang treats ni Paningning? Pagpunta natin sa SM, puwedeng puwede ng isabay ang dog food, treats, vitamins, shampoo at lahat ng mga kailangan ng pinakamamahal nating mga alaga dahil bukas na ang mga pet stores sa SM.

7. May dine-in na!

Kung dati ay hanggang takeout lang tayo, ngayon puwedeng puwede ng mag dine-in sa inyong favorite restaurants sa SM! May safety measures sa bawat restaurant tulad ng transparent dividers, cashless payment options at paperless menu kaya walang pangambang mag dine-in. Hanggang 50% dining capacity lang ang sinusunod kaya sigurado ang social distancing at safety. Puwede rin mag-dine-in sa nakatutuwang Designated Dining Spaces ng SM para maiba naman.

8. Dito magandang mag-selfie

Na-miss n’yo bang mag-selfie at mag-post ng food shots sa IG? Ang saya mag-selfie sa dining areas ng SM dahil may iba’t ibang designs at themes ang mga dining area. May mga K-drama stars sa Seoul Spot sa SM Megamall, Bloom Village sa SM Baguio at kung anu-ano pang fun themes na perfect pang-IG post! At dahil napakaluwag ng dining areas, iwas photo bomber kaya selfie pa more!

9. Pasalubong galore!

Siyempre, ‘di puwedeng umuwi ng walang bitbit para dun sa mga walang quarantine pass sa bahay. Pwede tayong mag-advance order sa mga restaurants tapos daanan na lang natin pagkatapos mag-grocery, magbayad ng bills at kung anu-ano pang errands. Ang daming choices! Pizza, ramen, cakes at bagong baked na cookies. Puwede ring mamili ng toys para sa mga kiddos na hindi puwedeng lumabas. Para naman ‘di sila sumimangot pag-uwi ny’o kasi kayo lang ang nagpunta sa SM.

10. ‘Wag kalimutan ang health essentials

Dahil may pandemiya, ‘wag na ‘wag kalimutan ang mga kailangan para sa new normal. Siguraduhing may stock tayo ng face mask, face shield, alchohol at sanitizer, sanitizing wipes, vitamins at immune boosting supplements. Lahat ng ito available sa The SM Store, Ace Hardware at Watsons. #EverythingsHereAtSM

So ayan, simulan ng maglista ng mga gagawin at bibilhin, isuot ang face mask at tara na sa SM where health and safety is a top priority. Sa SM, tuluy-tuloy at mahigpit na sinusunod ang health at sanitation measures sa lahat ng SM mall sa buong Pilipinas.

Para sa karadagang info, visit www.smsupermalls.com, o sa social media accounts nito sa Facebook, Twitter at Instagram. Mag-join din sa SM Viber community para sa pinaka-latest updates tungkol sa SM Supermalls shop na nag-oofer ng pick-up, take-out at, delivery.


ree

ree

ree

ree

 
 
RECOMMENDED
bottom of page